Preach "The King Has Come" 3-Part Series this week!
Preach Christmas week

Sermons

Summary: A Sermon that will teach us How To Pass On Our Own Red Sea.

  • 1
  • 2
  • 3
  • 5
  • 6
  • Next

Dead End???

How To Pass On Our Own Red Sea

Exodus 14:10-12

Magandang umaga sa ating lahat, buksan natin ang ating mga Biblia sa Exodus 14:10-12. Ang talatatang ating mababasa ay tungkol sa mga Israelita sa kanilang paglaya sa mga Egispcio. Well just for the benefit of our visitors at para sa iba and understanding sa ating teksto ibibigay ko yung brief story niya.

Ang mga Israelita ay nasa pagkakaalipin ng mga egipcio ng mahabang panahon. About 430 years, imagin 430 years sila hawak ng egipcio at ginawang mga slaves o alipin. Kaya si Moises ay pinili ng Panginoon upang ang kanyang bayan ay palayain. Ngunit ang paraon ay sadyang matigas at ayaw niya na basta-basta lamang sila pakawalan. Kaya nagkaroon pa ng sampung salot sa bayan ng egipto para patunayan ng Panginoon na siya ang Panginoon ng bayang Israel. At sabihin sa Paraon na seryoso ako at pakawalan mo sila. Matapos mamatay ang anak na lalaki ng Paraon dahil sa salot pinalaya niya sila.

So dala-dala nila ang kanialng mga pamilya, ang kanilang mga ari-arian, ang kanilang mga hayop at mga kanilang ikabubuhay upang lisanin ang bayan ng egipto. Ngunit dumating sa punto na kung saan nagbago ang desisyon ng paraon. Biglang natauhan. Sabi niya, habulin niyo, habulin niyo sila.

So ito na, habang tunatakas ang mga Israel, narito naman ang Faraon at ang mga Egicio upang sila ay dakpin.

So habang sila ay patakas, ang kanilang dinaraanan ang dulo pala nun ay Red Sea. Dagat. At hindi na sila makatawid. At palapit na sa kanila ang kanilang mga kaaway. At dito sa Exodus 14, tingnan tingnan natin ang mga sumunod na pangyayari.

SCRIPTURE

Exodus 14:10-12, “Pinagharian ng matinding takot ang mga Israelita nang makita nilang dumarating ang Faraon at ang mga Egipcio. Kaya, dumaing sila kay Yahweh. 11Sinabi nila kay Moises, Wala na bang mapaglilibangan sa amin sa Egipto kaya mo kami dinala sa ilang para dito mamatay? Inialis mo kami sa Egipto, tingnan mo ang nangyari! 12Hindi bat bago tayo umalis ay sinabi na namin sa iyo na ganito nga ang aming sasapitin? Sinasabi na namin sa iyo na huwag kaming pakialaman, at pabayaan na kaming manatiling alipin ng mga Egipcio sapagkat ibig pa naming manatiling alipin kaysa mamatay dito sa ilang.

INTRODUCTION

So nang nadun na sila at palapit na ang mga kaaway, takot ang kanilang naramdaman. At dahil dun sinisi nila si Moises at sinabing sana hindi na kami sumama sayo. Mas gugustuhin pa namin ang maging alipin kaysa naman mamatay dito sa ilang. At nawalan sila ng loob ng maipit sila sa pagitan ng Red Sea at ng mga Egiciong siguradong silay papatayin.

Lahat tayo ay mayroong mga moment na kung saan nakakaranas tayo ng Red Sea. Yung feeling ba na kung saan nasa sitwasyon ka na ang kaharap mo ay red sea at sa likod mo ay humahabol na mga egipcio. Dead End. Wala kang kawala. Para kang pinagsukluban ng langit at lupa. Hindi mo na alam ang gagawin mo. Ang utak mo parang hindi na macomprehend ang circumstances na iyong kinakaharap. Para bang maloloka ka na at hindi mo na alam kung paano masulusyonan ang problemang ito. Well kung ikaw lang eh kayang-kaya mo, pero dahil kasama na yung pamilya mo, yung mga anak mo at mga mahal mo sa buhay, mas lalaong mabigat sapagkat hindi lamang ang iyong kapakanan ang iyong iniisip kundi pati sa kanila. At hindi mo na alam ang gagawin mo. Theres no way to run. Dead end ka na. Nandyan na ang mga Egipcio, Red sea na nasa harapan mo, paano ka na ngayon. Ano na gagawin mo?

Kaya sa umagang ito nais kong magsalita sa inyo sa mensaheng Dead End? How To Pass On Our Own Red Sea. Sa mga sitwasyon na yun, paano tayo makakatawid sa Red Sea natin. Nais kong isipin ninyo ang mga Read Sea moment ninyo. I do not know kung anong mga problems ang kinakaharap mo. It could be your financial struggles, health problems, difficulty in relationship(parents, husband, wife children), death of loved ones or even some major decisions of your life na kung saan hindi mo alam kung paano mo dedesiyunan, kung paano mo aaattain yun. May mga pressures na sa paligid mo at ikaw eh imbes na makuha na eh mas lalo ka pang naguluhan at hindi na alam rin ang gagawin.

At sa mga sitwasyon na iyun, sa ating mga red Sea moments, what will you do. Kaya hayaan natin na ang salita ng Panginoon ang magcomfort sa atin at magbigay ng wisdom sa ating pagtawid sa ting mga Read Sea.

Isa-isahin natin, How to pass on our own red sea.

1. DON’T ALLOW YOUR RED SEA TO BECOME YOUR DEAD SEA

Exodus 14:13, “Sumagot si Moises, Lakasan ninyo ang inyong loob; huwag kayong matakot. Tingnan na lang ninyo kung paano kayo ililigtas ngayon ni Yahweh. Hindi na ninyo makikita uli ang mga Egipciong iyan. 14Ipagtatanggol kayo ni Yahweh, wala kayong gagawing anuman.

Copy Sermon to Clipboard with PRO Download Sermon with PRO
Talk about it...

Nobody has commented yet. Be the first!

Join the discussion
;