Summary: A Sermon that will teach us How To Pass On Our Own Red Sea.

Dead End???

How To Pass On Our Own Red Sea

Exodus 14:10-12

Magandang umaga sa ating lahat, buksan natin ang ating mga Biblia sa Exodus 14:10-12. Ang talatatang ating mababasa ay tungkol sa mga Israelita sa kanilang paglaya sa mga Egispcio. Well just for the benefit of our visitors at para sa iba and understanding sa ating teksto ibibigay ko yung brief story niya.

Ang mga Israelita ay nasa pagkakaalipin ng mga egipcio ng mahabang panahon. About 430 years, imagin 430 years sila hawak ng egipcio at ginawang mga slaves o alipin. Kaya si Moises ay pinili ng Panginoon upang ang kanyang bayan ay palayain. Ngunit ang paraon ay sadyang matigas at ayaw niya na basta-basta lamang sila pakawalan. Kaya nagkaroon pa ng sampung salot sa bayan ng egipto para patunayan ng Panginoon na siya ang Panginoon ng bayang Israel. At sabihin sa Paraon na seryoso ako at pakawalan mo sila. Matapos mamatay ang anak na lalaki ng Paraon dahil sa salot pinalaya niya sila.

So dala-dala nila ang kanialng mga pamilya, ang kanilang mga ari-arian, ang kanilang mga hayop at mga kanilang ikabubuhay upang lisanin ang bayan ng egipto. Ngunit dumating sa punto na kung saan nagbago ang desisyon ng paraon. Biglang natauhan. Sabi niya, habulin niyo, habulin niyo sila.

So ito na, habang tunatakas ang mga Israel, narito naman ang Faraon at ang mga Egicio upang sila ay dakpin.

So habang sila ay patakas, ang kanilang dinaraanan ang dulo pala nun ay Red Sea. Dagat. At hindi na sila makatawid. At palapit na sa kanila ang kanilang mga kaaway. At dito sa Exodus 14, tingnan tingnan natin ang mga sumunod na pangyayari.

SCRIPTURE

Exodus 14:10-12, “Pinagharian ng matinding takot ang mga Israelita nang makita nilang dumarating ang Faraon at ang mga Egipcio. Kaya, dumaing sila kay Yahweh. 11Sinabi nila kay Moises, Wala na bang mapaglilibangan sa amin sa Egipto kaya mo kami dinala sa ilang para dito mamatay? Inialis mo kami sa Egipto, tingnan mo ang nangyari! 12Hindi bat bago tayo umalis ay sinabi na namin sa iyo na ganito nga ang aming sasapitin? Sinasabi na namin sa iyo na huwag kaming pakialaman, at pabayaan na kaming manatiling alipin ng mga Egipcio sapagkat ibig pa naming manatiling alipin kaysa mamatay dito sa ilang.

INTRODUCTION

So nang nadun na sila at palapit na ang mga kaaway, takot ang kanilang naramdaman. At dahil dun sinisi nila si Moises at sinabing sana hindi na kami sumama sayo. Mas gugustuhin pa namin ang maging alipin kaysa naman mamatay dito sa ilang. At nawalan sila ng loob ng maipit sila sa pagitan ng Red Sea at ng mga Egiciong siguradong silay papatayin.

Lahat tayo ay mayroong mga moment na kung saan nakakaranas tayo ng Red Sea. Yung feeling ba na kung saan nasa sitwasyon ka na ang kaharap mo ay red sea at sa likod mo ay humahabol na mga egipcio. Dead End. Wala kang kawala. Para kang pinagsukluban ng langit at lupa. Hindi mo na alam ang gagawin mo. Ang utak mo parang hindi na macomprehend ang circumstances na iyong kinakaharap. Para bang maloloka ka na at hindi mo na alam kung paano masulusyonan ang problemang ito. Well kung ikaw lang eh kayang-kaya mo, pero dahil kasama na yung pamilya mo, yung mga anak mo at mga mahal mo sa buhay, mas lalaong mabigat sapagkat hindi lamang ang iyong kapakanan ang iyong iniisip kundi pati sa kanila. At hindi mo na alam ang gagawin mo. Theres no way to run. Dead end ka na. Nandyan na ang mga Egipcio, Red sea na nasa harapan mo, paano ka na ngayon. Ano na gagawin mo?

Kaya sa umagang ito nais kong magsalita sa inyo sa mensaheng Dead End? How To Pass On Our Own Red Sea. Sa mga sitwasyon na yun, paano tayo makakatawid sa Red Sea natin. Nais kong isipin ninyo ang mga Read Sea moment ninyo. I do not know kung anong mga problems ang kinakaharap mo. It could be your financial struggles, health problems, difficulty in relationship(parents, husband, wife children), death of loved ones or even some major decisions of your life na kung saan hindi mo alam kung paano mo dedesiyunan, kung paano mo aaattain yun. May mga pressures na sa paligid mo at ikaw eh imbes na makuha na eh mas lalo ka pang naguluhan at hindi na alam rin ang gagawin.

At sa mga sitwasyon na iyun, sa ating mga red Sea moments, what will you do. Kaya hayaan natin na ang salita ng Panginoon ang magcomfort sa atin at magbigay ng wisdom sa ating pagtawid sa ting mga Read Sea.

Isa-isahin natin, How to pass on our own red sea.

1. DON’T ALLOW YOUR RED SEA TO BECOME YOUR DEAD SEA

Exodus 14:13, “Sumagot si Moises, Lakasan ninyo ang inyong loob; huwag kayong matakot. Tingnan na lang ninyo kung paano kayo ililigtas ngayon ni Yahweh. Hindi na ninyo makikita uli ang mga Egipciong iyan. 14Ipagtatanggol kayo ni Yahweh, wala kayong gagawing anuman.

Mga kapatid we should always remember and take note of this, Ang red sea na ating kinakaharap should not be a moment of an end but a moment of beginning. So hindi talaga ito moment ng aghh, game over na ako. Wala na! Kundi ito ay moment ng Welcome to the next level. Hindi ito moment ng binagsakan ka ng problema at nakadapa ka sa sahig. Kundi ito ay moment na sabihin mo na ganito na pala ako kalakas. Ganito na pa lang challenge ang kinakaharap ko.

So makikita natin nakadepende sa ating kung paano natin ite-train ang ating mga mata sa ating makikita, Kung paanong ang ating attitude, ang ating character ay tutulayin ang ating mga red sea.

At tingnan niyo ito ha, ang Red Sea na kinakaharap ng mga Israelita ay nagpapakita ng tulay sa bagong buhay mula sa kanilang pagkakaalipin. Kasi may pangako ang Panginoon sa kanila na sila ay dadalhin sa Promised Land o Lupang Pangako. Ngayon narito sila sa pagkakaalipin ng mga Egipco at narito ang lupang pangako ng Panginoon para sa kanila. Paano sila magkakaroon ng separation for them. Tumawid ka sa red sea.

I think yan din ung gustong ituro sa atin ng Panginoon sa bawat isa sa atin no? Red Sea represents a promotion from God. Iniaangat ka ng Panginoon to the next level. May promotion sau ang Panginoon kaya kailangan mong tumawid sa iyong red sea,.

Lord, gusto ko na magkaraoon ng katagumpayan financially. Bigyan mo ako ng maraming pera, bigyan mo ako ng magandang trabaho at blessings. Pero teka muna sasabihin sayo ni Lord wiiling ka ba na tumawid sa iyong Red Sea?

O Lord gusto ko na maayos palagi ang aking buhay, gusto ko ganito, ganito, ganito. Pero teka muna, willing ka ba na tumawid sa iyong Red Sea.

DO you get my point. Kasi maraming mga tao na naiinggit sa mga katagumpayanan ng iba. Bakit siya ganun, dapat ako din. Bakit siya may ganyan, aba ako rin dapat. Pero teka muna bago ka mamatay sa inggit dyan, ito muna ang itanong mo sa sarili mo, willing ka ba na pagdaanan din ang pinagdaanan ng taong yan. Wag na uy. Then do not expect a promise land. Ayaw mo palang tumawid sa red sea, then wag kang mag-expect.

Isang pang nakita kong dahilan kung bakit idinala sila ng Panginoon dun sa Red Sea ay dahil matagal na panahon silang nanirahan sa Egipto at kinakailangan na ang mga na-aquire nilang culture and attitude ay kinakailangang alisin. Ikaw ba naman manirahan ng 430 years dun kundi ba naman naging ugaling Egipcio ka rin, diba?

Naalala ko tuloy yung kuya Sonny ko ng pumasok sa PNPA, obvious na obvios at walang duda na ang kanyang mga naging kaibigan dun at mga buddy-buddy ay mga bisaya. Paglabas nagdudong at may puntong bisya talaga. Eh siya 2-3 years niya lang ito nakasama nagkarron na siya ng personality ng bisaya. Eh pano pa kaya itong mga Israelites na 430 years sila dun sa Egipto.

Alam ng Panginoon that Egypt had great influence on the Israelites and it had to be washed away. Dinala sila sa Red Sea upang magkarron ng Separation from Egyptians.

Dinadala tayo ng Panginoon sa isang circumstances na may dagat na tatawirin upang linisan niya tayo. Iseparate tayo. Alisin an mga hindi magandang culture na nasa atin.

Do you remember Jona ng inutusan siya na pumunta sa bayan ng Niniveh upang bigyan sila ng babala. Pero imbes na magpunta si Jona sa Niniveh sa Tarsis siya nagpunta which is the opposite direction. At habang naglalayag siya, nagpadala ng bagyo ang Panginoon para pigilan si Jona na pumunta sa Tarsis. Sapagkat kapag natuloy si Jona sa Tarsis hindi lamang ang bayan ng Niniveh ang mapapahamak kundi pati si Jona. Binigyan ng bagyo si Jona hindi para parusahan siya kundi para iligtas siya.

So wag tayong magkaroon ng attitude na kaya ako may problema kasi galit yata ang Panginoon sa akin. Of course not. Alisin natin ang kasinungalingang yan! There are things that should be washed away kaya mayroong Red Sea sa harapan mo. And always remember, God never wastes hurt. Hindi ka naman bibigyan ng circumstances ng Panginoon na alam niya na masasaktan ka na wala ka namang mapapala. Hindi ka naman niya pararanasin na masaktan kung wala ka namang matutunan dun. Hindi naman siya parang trip trip niya lang. Ah ikaw ito problema mo kasi trip ko. God never wastes hurt. Theres always a life lessons na kanyang ibinibigay that you could use for the future. Kaya ka nga pinopromote ng Panginoon eh.

Awit 56:8, “Ang taglay kong sulirani’y nababatid mo nang lahat, Pati mga pagluha ko’y may talaan ka nang ingat.” Paano mo pasisinungalingan yun, na kahit ang iyong mga pagluha at pag-iayk ay tinatala ng Panginoon at alam niya upang ikaw ay mas maging malakas at magamit para sa kanyang kalwalhatian.

How to Pass on our own red sea

2. LET YOUR RED SEA BECOME THE PROVING GROUNDS OF YOUR FAITH

Hinahayaan tayo ng Panginoon na makaranas ng Red Sea because it builds faith. Ayaw ng Diyos na ang ating pananampalataya ay maging stagnant at masayahan lang tayo dun sa level na yun. God is so interested in accelerating the growth of our faith. Kaya naman ang Panginoon ay nagbibigay sa atin ng impassable situations na kung saan wala tayong matakbuhan kundi siya lamang. Intentionally, dinala ng Panginoon ang mga Israelita sa red sea, para sa pagkakataon na yun, sa Diyos lang sila magtitiwala. And im telling you, intentionally, dinala ka ng Panginoon sa red sea mo para magtiwala ka sa Diyos.

Kasi kapag ang situations natin kayang-kaya lang natin, hindi siya nakakapgbuild ng faith. Mas aasa ka ngayon sa sarili mong kakayahan, sa sarili mong resources, sa sariling abilidad kaysa sa tulong ng Panginoon. And the result, yung faith mo hindi naggo-grow. Nagiging self righteous ka lang. Ang galing ko talaga. Yan ang magiging attitude mo.

So sa pagsubok na yun, na hindi natin kaya just cry out to God and He will deliver you. Hindi yung kung sino-sino ang tinatakbuhan natin at ng malapitan na ang lahat at napagod at walang natanggap na tulong, dun lang hihingi ng tulong sa Panginoon. No… Siya ang unahin mo at magtiwala ka sa Panginoon. Yung mga bagay sa paligid natin seems na wala sa kanilang mga ayos. Have faith. The deliverance will come.

Hebrews 11:1, “Faith is the substance of things hoped for, the evidence of things not seen.” Hindi pa nangyayari at hindi mo pa nakikita pero alam mo na nadiyan na. Yan ang faith.

Gusto ko na tingnan ninyo yung attiude ng mga Israelites. Mas pipiliin pa nila na maging alipin habang buhay kaysa mamatay sa ilang. Ang mentality nila, sarado na at wala ng option kundi mamatay na lang. Nawalan sila ng pag-asa na silay makakaligtas pa. Wala silang faith na magkakaroon ng deliverance. Ito na ngat naroroon ang kalayaang ibinibigay sa kanila ngunit ng nakaharap na nila ang red sea, nawalan sila ng pag-asa at sinabing Sana hindi mo na kami isinama. What an attitude. Gusto ng deliverance pero the price that they should pay na tumawid sa Red Sea ay mas gugustuhin na maging alipin habang buhay sa egipto.

Sa ating buhay, ilang pagkakataon na nahaharap tayo sa malaking problema na imbes humawak sa Panginoon eh reklamo ang ginagawa at kung anu-anong pangsisisi sa iba. Agh, kaya ako nagkaganito dahil sa magulang ko. Agh, hindi sana namin dadanasin ang ganitong kahirapan kundi dahil dun sa magaling kong asawa. Blha, blah, blah

Sige lang magkaroon ka ng ganyang attitude at habang buhay wala ka ng ibang gawin kundi sisihin ang iba dahil sa dinadanas mo. Im telling you, hindi ka makakaalis dyan. Same battle, same struggle ang palaging kakaharapin mo at hahabol sayo.

Next, How to pass on

3. GOD DELIGHTS IN A FAITH THAT REASONS, THEN RESPONDS

Kinalulugdan ng Panginoon ang pananampalatayang hindi lamang pananampalatayang in reasons, yung pananampalatayang nasa kaisipan o nasa kaalaman lamang. Kundi ang nais ng Panginoon ay yung responding faith, the working faith. Sabi sa James 2:17, “Faith without work is dead. Ang pananampalatayang walang kalakip na gawa ay patay.”

So sa mga Red Sea moments natin hindi sapat that you believe that God can truly deliver you in that circumstances, you have to respond to that situation. Ang Panginoon, kaya niya na hatiin ang dagat para ikaw ay makatawid yun ang part ng Panginoon. Eh ano na ang gagawin mo ngayon? Ano na ang part mo. Edi maglakad ka papuntang kabilang ibayo. Alanga namang tingnan mo lang yung nahating dagat at wala kang ginawa. So God delights in a faith that reasons, then responds.

Sa atin we believe sa salita ng Panginoon, we believe in his promises. After that, what? Are you responding to Him, are you responding in His promises?

Sabi sa John 10:10, I have come that they may have life. Life to the fullest. Sabi binigyan tayo ng Panginoon ng buhay, at hindi lang basta-basta buhay, kundi buhay na sagana, buhay na kaaya-aya, buhay na ganap, buhay napakaganda, buhay na puno ng pagpapala. Sabi to the fullest.

Ngayon kung yun angpangako ng Dios sa akin, bakit parang hindi iyon ang nangyayari sa akin? Ang tanong sayo? Are you resonding to that call? Baka yung faith mo hanggang reasons lang, then wala na… it should be a working faith.

Sabi nga ni Pastor Ed Lapiz, “Hindi kasalanan kung ipinanganak kang mahirap. Ang kasalanan ay nang namatay kang mahirap.”

Binigyan ka ng Panginoon ng kalakasan, ng maraming taon ng buhay, ng mga resources at lahat ng pangangailangan mo, tapos naghihirap ka? Isang insulto sa Panginoon ang ganyang kalagayan. Eh anong problema? Ask yourself, am I responding to the call of God to step into my own red sea. At maglakad papuntang ibayo na ipinangako ng Panginoon.

CONCLUSION

Kaya nga mga kapatid nais kong iwan sa inyo sa umagang ito ang mga struggles na hinaharap natin, mga adversity at mga pagsubok o yung ating mga red sea should not be the moment of an end but a momnet of the beginning. Idinadala tayo ng Panginoon sa red sea to build up our faith dahil ang gusto niya nagaacelerate ang ating pananampalataya. Gusto ng Panginoon na alisin ang mga hindi magandang personalities na naacquire natin mula sa ating pagkakaalipin. At consider all these adeversities as a promotion of God to you. Mahal tayo ng Panginoon at hindi niya tayo ili-lead sa red sea na hindi niya ibinibigay ang kanyang kamay upang tayo ay tulungan.

Jeremiah, 29:11, Fo I know the plans I have for you, declare the Lord. Plan to prosper you and not to harm you. Plan to give you hope and a future. Bilang pagtatapos nais kong magkwento sa inyo ng isang inspiring story tungkol sa isang chef at sa kanyang anak.

Isang araw ang anak na babae ay lumapit sa kanyang tatay na isang chef na nagrereklamo sa kanyang buhay. Ang sabi ng bata, “Tay ang daming problema na dumarating sa atin. Miserable na ang ating buhay. Hindi ko na alam kong makakaya ko pa ang buhay na ganito. Pagod na ako sa palaging kakalaban sa problema. Para bang may dumating na isang problema, pagkatapos may darating na naman. Nakakapagod.

Kaya ang tatay, na isang chef, ay dinala siya sa kanilang kusina. Kumuha siya ng tatlong kaserola, nilagyan niya ito ng tubig at inilgay sa malakas na apoy. Sa unang kaserola, inilagay ng kanyang ama ang isang patatas. Sa pangalawang kaserola, inilagay ang isang itlog at sa pangatlo ay coffee beans.

Hinintay nila ito hanggang sa kumulo na walang sinasabing anumang salita na binigkas ang chef sa kanyang dalaga. Kaya, yung bata eh nagtataka kung ano ang ginagawa ng kanyang ama.

Makalipas ang dalawampung minuto, pinatay ng ama ang burners. Kinuha niya ang patatas mula sa kaserola at inilgay sa isang plato. Ganun din ang kanyang ginawa sa itlog. At yung kape ay inilagay niya sa isang tasa.

Humarap ang chef sa kanyang anak at sinabing, “Anak ano ang nakikita mo? Sumagot ang dalaga at sinabing, patatas, itlog at kape.

Sinabi ng ama, lumapit kang mabuti at hawakan mo ang patatas. Ginawa ng dalaga at sinabing malambot.

Kaya sinabi niya na kunin yung itlog at basagin. Pagkatapos na alisin ang balat nakita niya na matigas na yung itlog.

Finally, sinabi niya na umiinom ka ng kape. Yung aroma ng kape ng maamoy ng dalaga ay nagbigay sa kanya ng isang magandang ngiti sa kanyang mukha.

Tay anong ibig sabihin nito? Tanong ng bata.

At kanyang ipinaliwanag na ang patatas, itlog at coffee beans ay humarap sa isang pagsubok—yung kumukulong tunig. However, each one reacted differently.

Ang patatas na dating matibay, matigas at malakas ng dumaan sa kumukulong tubig, biglang lumambot at naging mahina.

Ang itlog na dating very delicate, fragile at manipis ang kanyang outer shell shell para maprotektahan ung liquid niya ng dumaan sa kumukulong tubig. Tumigas ang loob.

Ngunit ang coffee beans were unique. Pagkatapos na dumaan sa kumukulong tubig, binago niya ang tubig at lumikha ng isang bago.

Ano ka sa tatlo? Tanong ng chef sa kanyang anak. Kapag dumating ang pagsubok, how do you respond? Ikaw ba ay patatas, itlog o coffee beans.

At ngaun dun sa tanong nung ama sa kanyang anak, nais ko rin itanong sa inyo ang kanyang tanong. Ano kayo sa tatlo kapag dumarating ang pagsubok. Ano kayo sa tatlo kapag ang Red Sea moment knocks on your door.

Ikaw bay isang patatas na biglang nanghihina at wa

Ikaw ba ay isang ilog na tumigas naman ang kalooban at nagkarron ng kalyo sa kanyang puso?

O ikaw ba ay isang coffee beans na dumating ang pagsubok, ang sitwasyon at ang circumstances ang iyong binago. At ang iyong amoy ay naging sweet aroma na naamoy ng lahat ng nasa paligid.

Brothers and sisters, its only a matter of attitude when adversity comes. Maraming mga bagay na nangyayari sa ating paligid, maraming bagay ang nangyayari sa ating buhay ngunit ang tanging bagay that truly matters is what happens within us. Sabi nga ni John Maxwell, Your attitude determines your altitude. Amen