-
10-90
Contributed by Norman Lorenzo on May 22, 2006 (message contributor)
Summary: A sermon that teaches us the five reasons why we need to tithe
- 1
- 2
- 3
- 4
- Next
10-90
5 Reasons Why We Need Tithe
Malachi 3:8-11
SCRIPTURE READING
(8)Nanakawan baga ng tao ang Dios? Gayon ma’y ninanakaw ninyo ako. Ngunit inyong sinasabi, Sa ano ka namin ninakawan? Sa mga ikasangpung bahagi at sa mga handog. (9)Kayo’y nangagsumpa ng sumpa sapagkat inyo akong ninakawan, sa makatuwid baga’y nitong buong bansa. (10)Dalhin ninyo ang buong ikasangpung bahagi sa kamalig, upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay, at subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kung hindi ko buksan sa inyo ang dungawan sa langit, at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala, na walang sapat na silid na kalalagyan. (11)At aking sasawayin ang mananakmal dahil sa inyo, at hindi niya sisirain ang mga bunga sa inyong lupa; ni malalagasan man ng bunga sa di panahon ang inyong puno ng ubas sa parang, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
OPENING STATEMENT
Alam ninyo isa sa mga topic na kung saan uncomfortable pareho ang tagapagsalita at ang tagapakinig ay ang topic natin ngayon. The tithes. Maraming allergic dito. At kapag ito na ang topic yung iba gusto na kaagad umuwi, nagbibingihan na. Very sensitive ang topic na ito sapagkat maaring magkaroon ng perseption lalong lalo na ang mga bago sa pananampalataya o kadadalo pa lamang na ang kanilang dinadaluhan ay isang racket o negosyo lang.
Ngunit bilang mangangaral, its our responsibility na ituro ang Salita ng Dios upang maipamuhay ng bawat nagsisipakinig. Ang titihing aay may pangako ang Panginoon. Kapag hindi ito itinuro ipinagkakait mo sa kongregasyon pangakong iyun.
At katulad ng John 3:16 na tumutukoy sa pag-ibig ng Diyos, ang Malachi 3:10 tungkol sa pagiikapu ay nasa Biblia din naman na kailangang ituro. Pareho silang scriptures so dapat pareho dapat natin silang maunawaan at iaaply sa ating buhay.
Sa umagang ito ating pag-aralan ang isa sa mga uncomfortable topic na tithes. Anong mga prinsipyo ang napapaloob sa kautusang ito, Bakit kailangan nating maunawaan ang utos na ito ng ating Panginoong Diyos. Magcoconcentrate lang muna tayo sa tithes. Yung offering ay idedescuss natin sa iabgn pagkakataon. Kaya sa umagang ito nais kong magsalita sa inyo sa mensaheng, 10-90, 5 Reasons Why we need to tithe.
INTRODUCTION
Idefine natin kung ano ang ibig sabihin ng tithe. Tithe simply means one tenth. At sabi sa ating Scripture kanina, ikasampung bahagi. Ikasampung bahagi ng nasa sa iyo na kinakailangang ibigay sa Panginoon.
So halimbawa ikaw ay kumita ng isandaan, ang sampung piso nun ay para sa Dios. Kung ikaw ay mayroong puno ng sampaloc at namunga at ibigay mo ang ikasampung bahagi nun sa Panginoon. Kung kumita ka ng 2,000 sa paupahang bahay mo. Yung 200 ay ihihiwalay mo at ibibigay mo sa iyung tithes. One tenth. Ikasampung bahagi ang sa Diyos at nubenta porsiento ang sa iyo. Ganun ka simple.
Ang konteksto sa Malachi 3, eh yung mga tao ay nagbibigay na lamang ng kanilang mga handog kung ano ang tira-tira sa kanila. Kung ano yung mga pilay, mga payatot, mga galisin na tupa at ibang mga hayop un ung kanilang dinadala bilang mga handog. Kaya ang sabi ni Malachi kunin niyo ang inyong pinakamainam which is your one tenth at yang ikasampung bahagi na yan na best, yun ang ibigay ninyo sa Panginoon. Yan dapat na inaalay ninyo.
Kaso may mga nagsasabi na nasa New Testament na tayo at hindi na natin kinakailangang iobserve ang Old Testament. Kung puro New Testament na lang tayo at wala tayong pakialam sa Old Testament, edi dapat hindi na natin ginagamit ang Old Testament. Meron mga principles sa Old Testament na kinakailangang pa rin sundin at iobserve. Tulad ng Remember the Sabath Day, Huwag kang papatay… Huwag kang magnanakaw. Mga nasa Old Testament niyan at kinakailangang pa rin iobserve. At isa na rin dun ang tithing na hindi dapat itapon at bale walain.
Ngayon lets discuss the 5 Reasons why we need to tithe.
5 REASONS WHY WE NEED TO TITHE
1. EVERYTHING BELONGS TO GOD
Well, kung talagang ang mga bagay na nasa iyo at ang iyung kayamanan eh talagang sayo, you can do whatever you want to do with it. Pero, hindi sa atin ang mga ito, but to God.
Awit 24:1, “Ang buong daigdig, lahat ng naroon, May-ari’y si Yahweh, ating Panginoon.”
Pinapakita dito that our possessions and our money really belongs to God and not to us. And since it doesn’t belong to us in the first place, we have no right to hoard it for ourselves.
We are called stewards… not owners. Mga tagapangalaga lamang at hindi nagmamay-ari. At sino dito ng ipinanganak ay mayroon na kaagad hawak-hawak na pera at may mga nakasubong coins sa kanya nung siya ay inuluwal. Meron ba? Wala! Sapagkat ang lahat ng mga bagay na naririto ay narito na bago ka pa ipanganak. At hindi ikaw ang tunay na nagmamayari.