10-90
5 Reasons Why We Need Tithe
Malachi 3:8-11
SCRIPTURE READING
(8)Nanakawan baga ng tao ang Dios? Gayon ma’y ninanakaw ninyo ako. Ngunit inyong sinasabi, Sa ano ka namin ninakawan? Sa mga ikasangpung bahagi at sa mga handog. (9)Kayo’y nangagsumpa ng sumpa sapagkat inyo akong ninakawan, sa makatuwid baga’y nitong buong bansa. (10)Dalhin ninyo ang buong ikasangpung bahagi sa kamalig, upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay, at subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kung hindi ko buksan sa inyo ang dungawan sa langit, at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala, na walang sapat na silid na kalalagyan. (11)At aking sasawayin ang mananakmal dahil sa inyo, at hindi niya sisirain ang mga bunga sa inyong lupa; ni malalagasan man ng bunga sa di panahon ang inyong puno ng ubas sa parang, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
OPENING STATEMENT
Alam ninyo isa sa mga topic na kung saan uncomfortable pareho ang tagapagsalita at ang tagapakinig ay ang topic natin ngayon. The tithes. Maraming allergic dito. At kapag ito na ang topic yung iba gusto na kaagad umuwi, nagbibingihan na. Very sensitive ang topic na ito sapagkat maaring magkaroon ng perseption lalong lalo na ang mga bago sa pananampalataya o kadadalo pa lamang na ang kanilang dinadaluhan ay isang racket o negosyo lang.
Ngunit bilang mangangaral, its our responsibility na ituro ang Salita ng Dios upang maipamuhay ng bawat nagsisipakinig. Ang titihing aay may pangako ang Panginoon. Kapag hindi ito itinuro ipinagkakait mo sa kongregasyon pangakong iyun.
At katulad ng John 3:16 na tumutukoy sa pag-ibig ng Diyos, ang Malachi 3:10 tungkol sa pagiikapu ay nasa Biblia din naman na kailangang ituro. Pareho silang scriptures so dapat pareho dapat natin silang maunawaan at iaaply sa ating buhay.
Sa umagang ito ating pag-aralan ang isa sa mga uncomfortable topic na tithes. Anong mga prinsipyo ang napapaloob sa kautusang ito, Bakit kailangan nating maunawaan ang utos na ito ng ating Panginoong Diyos. Magcoconcentrate lang muna tayo sa tithes. Yung offering ay idedescuss natin sa iabgn pagkakataon. Kaya sa umagang ito nais kong magsalita sa inyo sa mensaheng, 10-90, 5 Reasons Why we need to tithe.
INTRODUCTION
Idefine natin kung ano ang ibig sabihin ng tithe. Tithe simply means one tenth. At sabi sa ating Scripture kanina, ikasampung bahagi. Ikasampung bahagi ng nasa sa iyo na kinakailangang ibigay sa Panginoon.
So halimbawa ikaw ay kumita ng isandaan, ang sampung piso nun ay para sa Dios. Kung ikaw ay mayroong puno ng sampaloc at namunga at ibigay mo ang ikasampung bahagi nun sa Panginoon. Kung kumita ka ng 2,000 sa paupahang bahay mo. Yung 200 ay ihihiwalay mo at ibibigay mo sa iyung tithes. One tenth. Ikasampung bahagi ang sa Diyos at nubenta porsiento ang sa iyo. Ganun ka simple.
Ang konteksto sa Malachi 3, eh yung mga tao ay nagbibigay na lamang ng kanilang mga handog kung ano ang tira-tira sa kanila. Kung ano yung mga pilay, mga payatot, mga galisin na tupa at ibang mga hayop un ung kanilang dinadala bilang mga handog. Kaya ang sabi ni Malachi kunin niyo ang inyong pinakamainam which is your one tenth at yang ikasampung bahagi na yan na best, yun ang ibigay ninyo sa Panginoon. Yan dapat na inaalay ninyo.
Kaso may mga nagsasabi na nasa New Testament na tayo at hindi na natin kinakailangang iobserve ang Old Testament. Kung puro New Testament na lang tayo at wala tayong pakialam sa Old Testament, edi dapat hindi na natin ginagamit ang Old Testament. Meron mga principles sa Old Testament na kinakailangang pa rin sundin at iobserve. Tulad ng Remember the Sabath Day, Huwag kang papatay… Huwag kang magnanakaw. Mga nasa Old Testament niyan at kinakailangang pa rin iobserve. At isa na rin dun ang tithing na hindi dapat itapon at bale walain.
Ngayon lets discuss the 5 Reasons why we need to tithe.
5 REASONS WHY WE NEED TO TITHE
1. EVERYTHING BELONGS TO GOD
Well, kung talagang ang mga bagay na nasa iyo at ang iyung kayamanan eh talagang sayo, you can do whatever you want to do with it. Pero, hindi sa atin ang mga ito, but to God.
Awit 24:1, “Ang buong daigdig, lahat ng naroon, May-ari’y si Yahweh, ating Panginoon.”
Pinapakita dito that our possessions and our money really belongs to God and not to us. And since it doesn’t belong to us in the first place, we have no right to hoard it for ourselves.
We are called stewards… not owners. Mga tagapangalaga lamang at hindi nagmamay-ari. At sino dito ng ipinanganak ay mayroon na kaagad hawak-hawak na pera at may mga nakasubong coins sa kanya nung siya ay inuluwal. Meron ba? Wala! Sapagkat ang lahat ng mga bagay na naririto ay narito na bago ka pa ipanganak. At hindi ikaw ang tunay na nagmamayari.
Eh bakit, dugo’t pawis ko ang aking ginamit para kumita ng ganito. Pero ang tanong, saan galing ang lakas mo? Saan galing ang talino mo? Saan galing ang iyung katawan? Sa Panginoon pa rin.
At nakakatuwa na mayroon na nagsasabi na mga mangangaral na ang pagbibigay ay ang pagpapautang sa Panginoon. Itinuturo na magbigay ng generous sa Panginoon sapagkat kapag ang Dios ay nangutang, siguradong babayaran ka ng higit higit. Nyek, kelan pa nagkautang ang Dios sa iyo. Ang lahat ng mga bagay na naririto eh kanya nga eh. Bakit siya magkakautang sa’yo. Kung tutuusin nakikigamit ka lang. Nanghihiram ka lang.
Mga kapatid, kung ating mauunawaan ang katotohanang ito, we will realize that when we give, we are not giving God what belongs to us, but we are giving God what really belongs to Him. Kaya, ibigay ang nararapat sa Panginoon, give our tithe because everything belongs to God.
2. IT IS AN ACT OF WORSHIP
Proverbs 3:9, “Honor the Lord with your possessions, and with the firstfruits of all your increase.”
Ang ating pagiikapu ay nagpapahayag ng ating pagsamba sa Panginoon. It is not just a rituals na kapag dumating ang offertory eh patay malisya at iniisnab-isnab ang offering bag.
It is a worship, so if it is a worship, it needs a preparation. At hindi yung bubunot sa bulsa at kung ano ang makuha eh yun ang ibibigay. Kaya yung iba ung resibo at yung listahan ng pagkakautang ang naihuhulog kung minsan sa offering bag.
Pine-prepare yun sapagkat ito ang isang kaparaanan natin ng pagsamba sa Panginoon. It shows our sincere reflection sa Panginoon na may paggalang at pasasalamat dahil sa Kanyang provision and protection.
Mga kapatid, we should always remember this, Worship and giving should be in harmony. Kung ano ang sinasabi ng ating mga dila, ay kinakailangan makita sa ating ibinibigay. Otherwise, magiging tulad tayo kumakanta na sintunado ang boses. O kaya naman isang tao ang sa kanang paa ay nakasuot ng sandalas at sa kaliwang paa ay bota. Let us all be consistent. Sapagkat kung ano ang ating ipinagkakaloob that is an accurate expression what is inside of our hearts.
3. IT STRENGHTENS FAITH
Mas lumalakas, mas tumitibay at mas lalong umiigting ang ating pananampalataya kapag tayo ay nagiikapu. Why?
Kasi yung 90% na natira sa atin, ina-acknowledge mo na sufficient ito sa inyo at anuman ang mangyari, naroroon ang provision ni Lord. That is our faith. So yung dependence nain ay hindi nandun sa pera na kung anong meron tayo, kundi ineentrust natin sa Panginoon.
Mateo 6:21, “Sapagkat kung saan ang inyong kayamanan, naroon din naman ang inyong puso.”
At bakit humihingi ang Panginoon? Bakit niya nirerequire na mag-ikapu tayo? Para ba tayo kikilan? Para ba tayo pahirapan at kawawain? Hindi, kundi to bless us. Pagpalain niya at ibigay ang mga bagay na nararapat sayo. Kaya itinuturo Niya ang generous giving dahil handang-handa Siya na kung ano ang ibinigay natin, yun ang Kanyang ipinapalit. Kaya nagi-grieve si Lord. Ang yaman-yaman ng Dios, at gusto niyang bigyan tayo ng maraming bagay pero ang ibinabalik niya ay yung katumbas lamang ng ibinibigay natin. Kaya nalulungkot siya pagkuripot tayo. Because He will be compelled na maging kuripot din sa atin. Itinuturo ng church ang mga bagay na ito hindi upang huthutan kayo, but to open the door to their own prosperity because the Lord taught it. Kailangang malinaw iyun. Hindi napipilitan, hindi ung mabigat sa pakiramdam, kundi masaya.
Alam nyo lalo yung nagta-tithe out of their own needs? Yun talagang kulang na lang kunin mo at ibili mo ng ulam? Yun talagang tinnis nila dahil hindi kanila iyun, ang saya-saya ng mga iyun kapag nagbibigay sa Panginoon.
Ang sabi ni Mother Theresa, “Ang tunay na nagbigay eh yung may nawala sa yo na malaking bagay and yet masaya ka pa rin.
Meron isang member na lumapit sa kanyang pastor na humihingi ng panalangin na naway siya’y magkaroon ng trabaho. Bilang kanyang vow kung siya magkakatrabaho, ibibigay niya ang kanyang tithes palagi. Kya ipinanalangin siya ng kanyang pastor.
Makalipas ang isang linggo, nagkaroon kaagad siya ng trabaho at mayroon siyang buwanang sweldo na limang libo. Tulad ng kanyang vow, ibinigay niya ang kanyang tithe.
Lumipas ang ilang taon at buwan, napromote ang lalaking ito at nagincrease ng nagincrease ang kanyang sweldo.
4. IT IS A SIGN OF LOYALTY
I Chroinicles 29:18, “O Lord, God of our father Abraham, Isaac, and Israel, keep this desire (for stewardship) in the hearts of your people forever, and keep their hearts loyal to you.”
So tithing is evidence that our hearts are truly loyal to God. It ang prueba at malinaw na ebidensiya of our devotion to Him.
At hindi lang yan yung proof of your loyalty to God, it is also a proof of your loyalty to church. Bakit?
Kasi our finances are usually our last areas that we are willing to turn over to church. Mahirap ibigay sa church ang bahagi ng iyung pinagkitaan.
Madaling ibigay ang oras sa simbahan especially if you enjoy the praise and worship, the message of the pastor or the fellowship with other Christians. Na pwede ka bang gabihin sa simbahan lalo na kapag mayroon kang mga closed friends. Madaling ibigay ang talents sa church lalo na kung ang intention mo eh gusto mong maimprove ang iyung acting, singing or dancing skills. Gusto mo sa lahat pa ng ministry saliahan mo.
Pero kapag finances na ang pinaguusapan. Iba na yan. “Aba pinaghirapan ko ito. Bakit ko ibibigay?
So you see kung bakit it is a sign of your loyalty to God and to your church?
At alam ninyo madali na maa-identify ng Pastor kung sino sa kanyang kongregasyon ang committed, meaning to say maaasahan niya at pwede niyang ibigay ang confidence na hindi basta-basta aalis sa church at madaling mayayaya ng iba sapagkat may loyalty sa church. Sino yun? Yun yung mga faithful tither. Mga matapat na nagiikapu.
Naalala ko tuloy yung questions ng mga youth dun sa guidelines ng frontliners o music ministry na isang requirement ay faithful tither. Bakit? Ngayon alam niyo na…. because it shows devotion to God and a loyalty not only to the team which is in music but also in the church. Dun pa lamang, kapag siya ay nagiikapu alam nyo na na yang tao na yan ay hindi mang-iiwan basta-basta.
5. IT GIVES VICTORY OVER MATERIALISM
Ang pag-iikapu ay ang pagkakaroon ng kalayaan mula sa tanikala ng pagkaganid sa kayamanan.
Philippians 4:11, “I have learned in whatever state I am, to be content.” Sabi ni Pablo, I have learned. Natutunan ko kung paano maging kontento at masaya kung anong meron ako. Natutunan ko. So ang pagiging kontento ay natututunan.
Parang pagtugtug sa musical instruments. Hindi basta-basta ng hawakan mo yung gitara eh biglang ka ng marunong tumugtog. Pinag-aaralan, natututunan.
Ganyan din ang contentment. Natututunan. And the best way of cultivating that is through tithing.
Tsk, may mga reason na kaya hindi makapagbigay ay dahil, “gawat eh… Gipit… Hindi kasya yung kinikita ko sa gastusin, bakit magbibigay pa ako, eh ano na lang natira sa amin? Alam ninyo mga kapatid, kahit gaano man kalaki ang hawak mong pera, palaging kulang pa rin yan.
Meron kang 500, kulang yan. Bakit? Kasi ang pangangailangan mo ay 1,000. Nagkaroon ng 1,000, kulang. Kasi ang talagang kailangan ay 10,000. Nagkaroon ng 10,000, kulang. Kasi 30,000 pala ang gastusin. O dumating na ang 30,000 kulang pa rin. 100,000 ang kinakailangang bilhin. May 100,000 na, kulang na kulang pa rin, 1,000,000 kasi ang bibilhin. May 1,000,000, 5,000,000 pala. Walang katapusan. Parating kulang at hindi kasya.
Kaya ang sabi ni Pablo, “I have learned in whatever state I am, to be content.”
Ang tunay na kasaganaan at pagiging kuntento ay nasa sa puso. Sapagkat secured ang heart mo that God provides. Kung tayo ay nagiikapu, we are giving ourselves victory over materialism.
CONCLUSION
Now we’ve seen kung anong difference ng tithes sa offering at kung bakit natin na kinakalailangan na magikapu.
At nakita rin natin na madiin na sinasabi sa Scripture na ang mga Christiano na hindi marunong mag-ikapu ay ninanakawan ang Panginoon. At sabi sa verse 9, may sumpa sa mga magnanakaw na ito. Kung minsan takot tayo na takot tayo sa sumpa ng tao especially kapag sumpa ng isang ina. Pero ang sumpa ng Dios ang higit nating pangilabutan.
Ngayun mga kapatid bilang pagtatapos sa mensahe sa umagang ito, I want to challenge you, especially sa mga tao na hindi pa nagta-tithes na panghawakan ang pangako ng Dios. Ang sbi niya, Test me, Subukan mo ako kung hindi ko buksan ang dungawan ng langit at ibuhos sa inyo ang pagpapalang walang sapt na silid na kalalagyan. Meaning to say yung blessing ni Lord naghihintay lang. Nandyan na. Ang susi ng pagbubukas ay nasa sa iyo.
Kakaibang pangako ito ng Panginoon Diyos sapagkat binigyan niya ng emphasis at diin, “Sige subukan ninyo ako.” At sa mga talagang faithful na nagbibigay, Subok na yan na pangako ng Dios!
Tanungin mo yung mga Christianong pinagpala kung ano ang sikreto nila. Isa lang ang isasagot niyan… Marunong akong magbigay!