-
Walang Tulugan
Contributed by Norman Lorenzo on May 3, 2006 (message contributor)
Summary: This message discusses the spiritual signs of sleeping and the dangers of it
- 1
- 2
- 3
- 4
- Next
Walang Tulugan..!
Wake Up Sleeping Christians
Mga Gawa 20:7-12
(7) Nang unang araw ng sanlingo kami’y nagkakatipon upang ganapin ang pagpipira-piraso ng tinapay. At si Pablo’y nangaral sa kanila hanggang hatinggabi sapagkat aalis siya kniabukasan. (8) Maraming ilaw sa silid sa itaas na pinagtitipunan namin. (9)Nakaupo sa bintana ang isang binata na ang ngala’y Eutico. Dahil sa kahabaab ng pagsasalita ni Pablo, siya’y inantok at nakatulog ng mahimbong. Nahulog siya mula sa ikatlong palapag sa kanyang kinaroroonan, kaya patay na nang damputin. (10) Ngunit nanaog si Pablo at niyakap ito. “Huwag kayong magkagulo,” wika niya, “buhay siya!” (11) Muling pumanhik si Pablo, nagpira-piraso ng tinapay at kumain. Nagpatuloy siya ng pakikipag-usap sa kanila hanggang sa mag-uumaga, saka umalis. (12) Ang binata nama’y iniuwing buhay, at lubusan silang naaliw.
OPENING PRAYER
INTRODUCTION
Sa tekstong ating nabasa ay nakita natin si Pablo ay nangangaral sa simbahan sa may Troas aalis na siya kinabukasan at tutungo sa Ephesus marahil hindi na sila magkikita. Dahil mami-miss ni Pablo ang iglesia, nangaral siya hanggang hatinggabi. Sa Pangangaral duon ni Pablo, meron isang binata roon na ang pangalan ay Eutico marahil Christiano ang binatang ito sapagkat ang gathering na iyun ay sa pag-alis ni Pablo. Nasa ikatlong palapag sila ng bahay. At dahil siguro sa sobrang dami ng tao at walang mauupuan, sa may bintana na tulog si Eutico. Sa haba ng pagsasalita ni Pablo, inantok ngayon itong si Eutico. Nakatulog siya at nalaglag sa bintana. Namatay ang binata. Hindi siya unconsious kundi namatay talaga siya. Una dahil nasa mula ikatlong palapag siya nalaglag. At pangalawa ang writer ng Acts ay si Luke. Eh si Lucas ay isang doctor. Kaya alam niya na namatay nga si Eutico. Biruin niyo no, minsan lang nabanggit ang pangalang Eutico sa Bible, eh ang pangalan niya pa ay makikilalang namatay dahil sa antok. Ang pangit hano?
Sa umagang ito pagusapan natin ang mga bagay na kaugnay ng sitwasyon na ito sa sitwasyon natin ngaun. What is the relevance of this story in our christian life
Marami sa atin na kapag Word of God na ang pinaguusapn ay boring na. Pero kapag panonood ng TV, hay naku kahit walang tulugan pa. Kapag service na, nagiinitan na ang mga pwet sa upuan, hikaban ng hikban, pero kapag tsisimis na kahit abutin pa ng anung oras. Kahit magliyab pa ang mga pwet.
Sabi nga daw ang mga Christiano ay nakakahanap ng kapahingahan sa kanilang simbahan. Totoo sa nakatutuwang tingin. Dahil may mga Christianong walang ginawa kundi gawing tulugan ang simbahan. Ginawang pahingahan. Tuwang tuwa sa boses ng pastor dahil parang kinakantahan siya ng lullaby at hinehele siya. Kaya nga merong mga pastor eh ang istilo “Hallelujah” bakit para magising ung mga miyembro.
Pero bukod sa physical sleeping na ating pinaguusapn, medyo lumalim tayo ng konti. Pagusapan natin ngaun ang spiritual sleeping. Ang mga inaantok na tao ay makikita mo sa mga signs na naghihikab, bumabagsak ang mga mata, matamlay at parang malayo ang iniisip. Pero kapag ang ating espiritu na ba ang natutulog, what are the signs?
SIGNS OF SPIRITUAL SLEEPING
1. Spiritual Neglect
Ang ibig sabihin walang interes sa mga espiritwal na gawain. Tinatamad mag pray. Kung nagpe-pray man eh nagiging ritual lang sa kanya. Hindi nagbabasa ng Biblia. Kontento na sa mga bagay na kanyang nalalaman. Alam ko na yan!!! Kaya ayaw ng magsipag atend sa mga ibang church activiteies tulad ng Sunday school, bible study, prayer meeting at iba pa. Hmmm, matanda na ako hindi ko na kailangan yan. Dapat ang mga bata na lang ang gumagawa niyan. Kya tingnan mo ang kinakain pa rin eh puro gatas, hindi pa rin makakain ng mga matitigas na pagkain. Kaya kapag nakarinig ng medyo mabibigat na sermon. Hindi maintindihan. Uuy pinatatamaan ako nito ha! Kaya ayun nagtampo na. Hindi lumago-lago. Pano walang interest sa espiritual na gawain.
O ang iba ganito ang rason, Hmmm, hindi naman kasalanan kung hindi ako aatend sa ganyang gawain, bakit pa? Anong hindi, una that’s disobedience!
May mga chritiano na bumabagsak ang kanilang espiritual, nanghihina, nanlulupaypay hindi dahil nakagawa sila ng kasalan. Ngunit nalinlang sila ni Satanas na lumayo sa Salita ng Dios. Si Satan ay gumagawa ng mga paraan upang magkaroon ka ng spiritual neglect. Kaya tingnan mo dahil walang alam sa salita ng Dios may lumapit at kakatok-katok sa pintuan ng bahay nyo at nadoctrinahan ng maling aral. Dahil bago sa pandinig. Oo ngano! Tama! Tinanggap ang maling aral. Nagpauto naman.
Ang unang senyales na natutulog na ang iyong espiritu eh spiritual neglect. Walng interes sa mga bagay na makalangit.
2. Spiritual Insensitivity
Matigas ang puso. Nagkakalyo na! Kapag may mga christiano kayong mariringgan na Wala akong pakialam. Insensitive na yun.
Uy sinabi na ngang love your brethren. Anong love your brethren. Wala akong pakialam. Sabi ng Dios na dapat minamahal natin ang ating kaaway. Neknek mo! Ano ako hilo? Hindi mo kasi alam kung ano ang ginawa niyan sa akin. May mga kasalanan sa kanilang mga puso ngunit hindi na nababagabag. Walang aspiration for holiness.