Walang Tulugan..!
Wake Up Sleeping Christians
Mga Gawa 20:7-12
(7) Nang unang araw ng sanlingo kami’y nagkakatipon upang ganapin ang pagpipira-piraso ng tinapay. At si Pablo’y nangaral sa kanila hanggang hatinggabi sapagkat aalis siya kniabukasan. (8) Maraming ilaw sa silid sa itaas na pinagtitipunan namin. (9)Nakaupo sa bintana ang isang binata na ang ngala’y Eutico. Dahil sa kahabaab ng pagsasalita ni Pablo, siya’y inantok at nakatulog ng mahimbong. Nahulog siya mula sa ikatlong palapag sa kanyang kinaroroonan, kaya patay na nang damputin. (10) Ngunit nanaog si Pablo at niyakap ito. “Huwag kayong magkagulo,” wika niya, “buhay siya!” (11) Muling pumanhik si Pablo, nagpira-piraso ng tinapay at kumain. Nagpatuloy siya ng pakikipag-usap sa kanila hanggang sa mag-uumaga, saka umalis. (12) Ang binata nama’y iniuwing buhay, at lubusan silang naaliw.
OPENING PRAYER
INTRODUCTION
Sa tekstong ating nabasa ay nakita natin si Pablo ay nangangaral sa simbahan sa may Troas aalis na siya kinabukasan at tutungo sa Ephesus marahil hindi na sila magkikita. Dahil mami-miss ni Pablo ang iglesia, nangaral siya hanggang hatinggabi. Sa Pangangaral duon ni Pablo, meron isang binata roon na ang pangalan ay Eutico marahil Christiano ang binatang ito sapagkat ang gathering na iyun ay sa pag-alis ni Pablo. Nasa ikatlong palapag sila ng bahay. At dahil siguro sa sobrang dami ng tao at walang mauupuan, sa may bintana na tulog si Eutico. Sa haba ng pagsasalita ni Pablo, inantok ngayon itong si Eutico. Nakatulog siya at nalaglag sa bintana. Namatay ang binata. Hindi siya unconsious kundi namatay talaga siya. Una dahil nasa mula ikatlong palapag siya nalaglag. At pangalawa ang writer ng Acts ay si Luke. Eh si Lucas ay isang doctor. Kaya alam niya na namatay nga si Eutico. Biruin niyo no, minsan lang nabanggit ang pangalang Eutico sa Bible, eh ang pangalan niya pa ay makikilalang namatay dahil sa antok. Ang pangit hano?
Sa umagang ito pagusapan natin ang mga bagay na kaugnay ng sitwasyon na ito sa sitwasyon natin ngaun. What is the relevance of this story in our christian life
Marami sa atin na kapag Word of God na ang pinaguusapn ay boring na. Pero kapag panonood ng TV, hay naku kahit walang tulugan pa. Kapag service na, nagiinitan na ang mga pwet sa upuan, hikaban ng hikban, pero kapag tsisimis na kahit abutin pa ng anung oras. Kahit magliyab pa ang mga pwet.
Sabi nga daw ang mga Christiano ay nakakahanap ng kapahingahan sa kanilang simbahan. Totoo sa nakatutuwang tingin. Dahil may mga Christianong walang ginawa kundi gawing tulugan ang simbahan. Ginawang pahingahan. Tuwang tuwa sa boses ng pastor dahil parang kinakantahan siya ng lullaby at hinehele siya. Kaya nga merong mga pastor eh ang istilo “Hallelujah” bakit para magising ung mga miyembro.
Pero bukod sa physical sleeping na ating pinaguusapn, medyo lumalim tayo ng konti. Pagusapan natin ngaun ang spiritual sleeping. Ang mga inaantok na tao ay makikita mo sa mga signs na naghihikab, bumabagsak ang mga mata, matamlay at parang malayo ang iniisip. Pero kapag ang ating espiritu na ba ang natutulog, what are the signs?
SIGNS OF SPIRITUAL SLEEPING
1. Spiritual Neglect
Ang ibig sabihin walang interes sa mga espiritwal na gawain. Tinatamad mag pray. Kung nagpe-pray man eh nagiging ritual lang sa kanya. Hindi nagbabasa ng Biblia. Kontento na sa mga bagay na kanyang nalalaman. Alam ko na yan!!! Kaya ayaw ng magsipag atend sa mga ibang church activiteies tulad ng Sunday school, bible study, prayer meeting at iba pa. Hmmm, matanda na ako hindi ko na kailangan yan. Dapat ang mga bata na lang ang gumagawa niyan. Kya tingnan mo ang kinakain pa rin eh puro gatas, hindi pa rin makakain ng mga matitigas na pagkain. Kaya kapag nakarinig ng medyo mabibigat na sermon. Hindi maintindihan. Uuy pinatatamaan ako nito ha! Kaya ayun nagtampo na. Hindi lumago-lago. Pano walang interest sa espiritual na gawain.
O ang iba ganito ang rason, Hmmm, hindi naman kasalanan kung hindi ako aatend sa ganyang gawain, bakit pa? Anong hindi, una that’s disobedience!
May mga chritiano na bumabagsak ang kanilang espiritual, nanghihina, nanlulupaypay hindi dahil nakagawa sila ng kasalan. Ngunit nalinlang sila ni Satanas na lumayo sa Salita ng Dios. Si Satan ay gumagawa ng mga paraan upang magkaroon ka ng spiritual neglect. Kaya tingnan mo dahil walang alam sa salita ng Dios may lumapit at kakatok-katok sa pintuan ng bahay nyo at nadoctrinahan ng maling aral. Dahil bago sa pandinig. Oo ngano! Tama! Tinanggap ang maling aral. Nagpauto naman.
Ang unang senyales na natutulog na ang iyong espiritu eh spiritual neglect. Walng interes sa mga bagay na makalangit.
2. Spiritual Insensitivity
Matigas ang puso. Nagkakalyo na! Kapag may mga christiano kayong mariringgan na Wala akong pakialam. Insensitive na yun.
Uy sinabi na ngang love your brethren. Anong love your brethren. Wala akong pakialam. Sabi ng Dios na dapat minamahal natin ang ating kaaway. Neknek mo! Ano ako hilo? Hindi mo kasi alam kung ano ang ginawa niyan sa akin. May mga kasalanan sa kanilang mga puso ngunit hindi na nababagabag. Walang aspiration for holiness.
Ang mga ganitong attitude ay nagpapakita ng katigasan ng puso. Ang kanilang mga sarili ay pinatigas ng sitwasyon.
Ang mga bagay na nangyayari sa atin ay dalawa lang ang pwedeng idulot nito sa atin. U can be a better person or a bitter person. Maaari kang mas maging mabuti o mas maging masama. Ang resulta ay nasa iyung pagdedesisiyon.
Isa pang spitual insensitivity eh kung yung mga maling bagay sa paligid mo eh hinahayaan mo na lang.
May narinig kang dalawang tao na naguusap ng tsismis. Ikaw naman dahil tsismis nakisali ka pa. O talaga kaya pala siya ganun. Meron kang nakita jan sa compound na naninigarilyo. Hmmm hayaan mo siya. Si pastor dapat ang nagbabawal jan. O kaya naman nakakita ng mangongobra, uy pare pataya, ano ba ang klumabas.
Ang nagiging motto pa na if you cannot beat them join them. Kaya wala ng pakialam kung mali ba ang ginagawa. Kasi yun naman ang ginagawa ng lahat. You should stand in the truth. Hindi pupwedeng nagbubulag-bulagan ka at nagbibingihan ka. Ang mga christianong gising uncomfortable yan kapag nakakaita o nakakarinig ng masama. Hindi nakikiayon. May problema sa inyong pagiging christiano kapag hindi niyo ito naramdaman.
3. Spiritual Refusal
Ang mga christiano ay hindi lumalago hindi dahil sa walang opportunity o walang pagkakataon. Ang dahilan ng hindi paglago ay dahil mismo sila ay ayaw lumago. Sabi nga natin mahirap gisingin ang mga nagtutulug-tuluga. Kahit anong yugyug mo jan at kahit anong sigaw mo jan eh hindi babangon yan. Dahil tulugtulugan. Ang may mga ganyang attitude ay hindi lalago.
So pano mo malalaman kung ikaw ay hindi lumago. Pano mo malalaman na christianong lumalago ka. Una kung yung understanding mo sa Dios eh kaperho pa rin magmula ng tinganggap mo siya. So kung tinanggap mo siya nung 1990, at ganun pa rin ang understanding mo at hindi lumago o kung minsan bumaba pa, ibig sabihiy hindi ka lumago. Naging Bonjing ka… Ang laki-laking tao, gatas pa rin ang iniinum. At abnormal yun.
Ang mga bagay na atin lamang naririnig at nalalaman na pumapasok lamang sa ating mga utak at hindi inaaply is a spritual refusal. Ang salita ng Dios ay dapat isinasapuso at hindi isinasautak lamang. Kapag ang application ng Word of God sa ating buhay ay nangangahulugan ng ating immaturity. Kinakailangan na ang mga biblical knowledge na ating naa-acquire should be applied inwardly.
We have all heard the statement, “If you cannot use it, you will lose it. Ang ating kaalaman sa mga salita ng Dios ay dapat madagdagan. Hindi lang dapat madagdagan kundi dapat ay maiaapply sa ating buhay. Useless kapag walang application. Para ka lamang isang lobo na puro hangin ang laman. Kaya kapag dumating ang pagsubok at medyo nasundot. Putok na. Nawala na ang lahat. Wala ng pakinabang. Apply in into your life what you have known.
We have discussed the signs of spiritual sleeping.
Now let’s go to the
DANGERS OF SPIRITUAL SLEEPING
Ano ba ang maidudulot sa ating buhay kapag tayo ay sobrang nahimbing sa ating pagtulog.
1. We may miss the fellowship with God
Katulad ni Eutico sa kanyang pagkatulog sa mensahe na-miss niya o hindi niya naranasan ang ibang gawain. Siguro bago pa lamang siya makatulog eh ang itsura niya eh nakatunganga, bumabagasak ang ulo. So may mga part na sa mensahe ni Pablo na hindi niya na naunawaan dahil hindi na siya nakikinig.
Sa ating buhay christiano kung ang ating espiritu ay tulog ng tulog, hindi natin maenjoy ang blessings na gustong ibigay sa atin ni Lord. Paano mo nga naman mauunawaan ang sinasabi sa yo ni Lord eh hindi ka nakikinig. Natutulog ka pa. Tinutulugan mo lang siya.
Halimbawa ang tatay mo ay dumating at may dala-dalang pasalubong sa inyong mgakakapatid. Eh ikaw natutulog ka na. Yung mga kapatid mo eh pinagkaguluhan na yung dala-dal ng tatay mo. Nagising ka kinaumagahan. Ano na lang natira sa yo, edi yung tira-tira na lang. Yung mga pinagpilian na lang ng mga kapatid mo. Pano hindi mo nasalubong ang tatay mo at magdamag ka lamang na natulog.
Ganun din. May mga blessings si Lord na nais ibigay sa atin. Eh pano mo makukuha iyun tulog ka lang ng tulog. Lumalayo ka pa sa kanya. Enjoy fellowshiping with our Father. Walang tulugan. Wake up
2. We may disturb the body of Christ
Sa atin sa ating pagkatulog na-iistorbo rin natin ang gawain sa Dios. Yung mga naghihilik dyan. Siyempre una sa lahat, yung nagsasalita sa harapanang inyong pastor, ang inyong nade-destruct. Dito sa harapan ng pulpito kitang-kita lahat kayo. Akala niyo ba yung mga nasa likod eh hindi nakikita yan ng pastor? Kitang kita kayo. Kasi yan ang eye level ng pulpit. Ang itsura niyo lahat dito sa harap eh parang isang littrato lang na malaki. Nakikita ko si Boyet, pero at the same time nakikita rin ng mga mata ko yung mga nasa likod. Kaya kitang kita kung sino ang mga natutulog, naghihikab, kumakain ng kendi, nakikipagdaldalan. Lahat!
Pangalawang na didisturb niyo eh yung katabi nyo. Eh sino ba naman ang hindi madedestrcut eh naghihilik ka dyan. Tapos yung paa mo eh nakataas pa na parang nasa duyan ka. Kung pwede lang eh yung mga upuan natin eh walang mga sandalan. Bakit, para kapag may nakatulog eh alam na alam lahat ng congregasyon. Paano malalaglag. Sino kaya ang unang kakalabog dito no. Tingnan nga natin.
Hindi lang ang pastor at ang katabi niyo ang nadidisturb kapag natutulog kayo. What else. The whole church. Ang buong katawan ni Cristo –ang simbahan.
Makinig. Every member of the church. Uulitin ko po, every member of the church must have a ministry. Meaning to say lahat tayo ay may bahagi. Lahat tayo ay parte na katawan ni Cristo. Kapag ang kamay ay hindi kumilos at natutulog lang. Ang buong katawan ay apektado. Lahat ay naistorbo niya na. Lahat! Ang bawat isa sa atin ay inaasahan na gumawa sa katawan ni Cristo. Sapagkat tayo ang parte ng katawan na iyun.
Eh wala naman akong talent eh. Kaya wala akong macontribute. Anong wala. Lahat tayo ay binigyan ng Dios ng talento. Talagang mawawala ang talentong yan kapag hindi mo ginamit. Remember the parable of the talents. Ang isay binigyan ng 1, ang isay 2 at ang isay 5. Isa na nga lang ung sa kanya hindi niya pa ginamit. O edi mas lalong nawala. Kung ikaw eh may talento rin at hindi mo ginamit… mawawala yan. May talent ka pala sa teaching o bakit hindi ka maglead ng Bible Study. May talent ka pala sa pagngiti-ngiti at warmth ang iyung aura hindi pumunta ka sa ministry of ushering. Kung ang bawat isa lang sa atin ay magkukusa at sasabihin niya na pastor may talent po ako sa ganito nais ko pong magminister sa pamamagitan ng aking talento, siguro’y napakalaki na ng gawain sa lugar na ito sapagkat ang buong katawan ay kumilos. Ang bawat isa ay nagiging blessing sa isa.
Walang tulugan. Sapagkat ang pagtulog ay nakakasira sa katawan ni Cristo.
3. We may be killed
Ang pinakagrabeng panganib kapag tayo ay nakatulog ay maari itong ating ikamatay. Si Eutico ay namatay. Sa ating espitritual na pamumuhay, kinakailangan na tayo ay gising. We are on a battle. Nasa isang labanan tayo. May nakita na ba kayong isang sundalo na sa gitna ng giyera eh natutulog lang, parelax-relax at pabanjing-banjing. Kapag mahina ka at ganun ang attitude mo. Patay ka!
Ang ating kaaway ay napakatalino. Uunahin niya munang puksain ang mga mahiohina. Eh bakit nga naman siya magpapakapagod eh heto yung isang krsitiano na natutulog lang sa labanan at anytime pwede niya ng barilin. Wake Up.
Hindi mo napapansin kuha ka na ni Taning. Eh pano papatay-patay ka. Magkaroon ka ng attitude ng isang pakikipagdigma.
Our enemy is like a roaring lion. Isang leon na aaligid-aligid at naghahanap kung sino ang mapapain niya. Hoy Gising. Wag kang masyadong relax.
CONCLUSION
So we have considered the signs of spiritual sleeping and these are neglect, insensitivity and refusal. At gayun din ang panganib kapag ang ating espiritu ay nakatulog. Nawawala ang fellowship natin kay God, nasisira natin ang gawain ng Dios at maari natin itong ikamatay.
Christians Wake up. Be alert. Sabi nga Walang tulugan. Sa muling pagdating ba ni Jesus eh masasabi natin sa kanya na narito po ako Panginoon at naging matapat na manggagawa po ako sa inyong ubasan. Eh pano kapag nadatnan ka niya na natutulog ka lang. Wala kang K na masasabi mo sa kanya na I’ve been a faithful servant to you. Buong gawain ka lang natulog.
Church listen to this, ang ating aanihin ay hinog na. Ang sanlibutan ay handa ng anihin. Ngunit kakaunti ang nag-aani. Ang ibay natutulog pa.
Bilang mga christiano may malaking misyon tayo dito sa lupa at iyan ang ilapit ang mga tao sa paanan ng ating Panginoong Dios. Hindi lamang pastor ang dapat gumagawa niyan kundi ang bawat isa sa atin ay misyon yan. Magkaroon tayo ng pakialam. Sapagkat ang bawat tao na ating nakakasalamuha ay pananagutan natin sa Dios.
Ang muling pagdating ni Jesus ay hindi kathang isip. Hindi ito kwento-kwento lang. There is life after death. Ito ay totoo. Jesus is coming again. Dahil soya mismo ang nagsabi niyan. Hindi sinungaling ang ating Dios. He will come. At sa pagdating muli ni Jesus, the whole world will see that. The universe will sing. At tunay na sasabihin ng lahat ng sangkatauhan na siya ang Hari ng mga hari at Dios ng mga diyos.
Let’s all sing. All the heavens