-
Ubos Na..?
Contributed by Norman Lorenzo on May 9, 2006 (message contributor)
Summary: A sermon that will teach us what will we do when we feel we are drained out
- 1
- 2
- 3
- 4
- Next
Ubos Na..?
What Do You Do When Your Wine Runs Out?
John 2:1-10
SCRIPTURE READING
Pagkalipas ng dalawang araw, may kasalan sa Cana, Galilea, at naroon ang ina ni Jesus. (2) Si Jesus at ang kan¬yang mga alagad ay naroon din. (3) Kina¬pos ng alak kaya’t sinabi ng ina ni Jesus sa kanya, “Naubusan sila ng alak.” (4) Si¬nabi ni Jesus, "Huwag ninyo akong pa¬ngunahan, Ginang! Hindi pa ito ang panahon ko. (5) Sinabi ng kanyang ina sa mga naglilingkod, “Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyo.” (6) Doo’y may anim na tapayan, ang bawat isa’y naglalaman ng dalawampu hanggang tatlumpung galon. (Nakalaan ang mga ito para sa paglilinis ayon sa tuntuning panrelihiyon ng mga Judio.) (7) Sinabi ni Jesus sa mga katulong, “Pu¬nuin ninyo ng tubig ang mga tapayan.” At pinuno nga nila hangang sa labi. (8) Pagkatapos sinabi niya, Sumalok kayo ngayon at dalhin ninyo sa namamahala ng handaan.” Dinalhan nga nila ang namamahala ng handaan. (9) Tinikman naman nito ang tubig na naging alak. Hindi niya alam kung saan nanggaling iyon, bagamat alam ng mga katulong na sumalok ng tubig, kaya’t tinawag nya ang lalaking ikinasal. (10) Sinabi niya rito, “Ang una pong inihahain ay ang masarap na alak. Kapqg marami nang nainom ang mga tao, saka inihahain ang maba¬bang uri. Ngunit ipinagpahuli ninyo ang masarap na alak.”
OPENING STATEMENT
Ang talatang ating nabasa ay ang unang himala na ginawa ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa bayan ng Galilee. May kasalan ruon. Nasa custom o tradisyon na ng mga Judio na kapag may handaan ay mayroong mga alak na inihahanda. Isang kahihiyan sa host o naghahanda ang maubusan ng alak sa gitna ng handaan. Kaya ng naubos na ang alak, may isang babae na lumapit kay Hesus. At iyun ang kanyang ina na si Maria.
May mga perception ang ibang relihiyon lalo na ang mga katoliko na ang mga born again Christians eh anti-Mary. Eh kasi naman ang patotoo nila na ito yung mga nagbabasag ng mag rebulto ni Mary, nagsusunog ng kanyang mga larawan. Kaya ang akala tuloy mga anti-Mary tayo. Na hindi natin binibigyang halaga si Maria. Which is not true.
Si Maria ay isang kahanga-hangang babae. Nang dahil sa kanyang willingness na magdalang-tao para kay Hesus, finulfill niya ang propesiya na ipanganak si Jesus ng isang birhen. Nakita rin natin na siya’y naging isang huwarang ina. Ngunit katulad natin, si Maria ay nangangailangan din ng Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. Pinapahalagahan natin siya ngunit hindi natin siya sinasamba.
Anyway, sa teksto natin ngayon tingnan natin kung anu-ano ang ginawa ni Maria at ng mga katulong ng mawalan ng alak.
Ang kwentong ito ay mairerelate natin sa ating spiritual na pamumuhay. Nang tanggapin natin ang ating Panginoong Jesu-Cristo na bilang ating Dios at tagapagligtas eh nagaroon tayo ng kasalan at pagdiriwang. Ngunit sa pagdiriwang na iyun, ang ating alak ay nauubos. Yung joy, yung love, yung peace na ating nararanasan eh biglang nauubos.
Kaya’t sa umagang ito nais ko pong magsalita sa inyo sa mensaheng Ubos na..? (eh hindi mo kayang isipin na meron pa, ubos na nga eh) So What Do you do when your wine runs out?
OPENING PRAYER
INTRODUCTION
Sinasabing mabilis ang buhay natin ngayon. Mayroon na tayong mga modernong teknolohiya tulad ng computer, cell phone internet at kung anu-ano pa. At halos lahat ng ating ginagawa ay mayroong mga instant. Kung gusto mong makakain kaagad, may mga instant food na tulad ng instant pansit canton, instant spaghetti, instant delata. Kapag gusto mo kaagad na gumanda, nandiyan ang face lift, nose lift, liposuction, permanent makeup. Kung gusto mong yumaman kaagad, nandiyan ang lotto, jueteng, bingo, laban o bawi, pera o bayong. Lahat ng gusto makukuha sa mabilisang paraan.
At dahil mabilis ang buhay natin ngayon, pakiramdam mo na ikaw ay nasa isang treadmill lamang na ang bilis-bilis umikot ngunit hindi makaaba-abante.
Maraming henerasyon nang sinsabi ng mga magulang sa anak, “Wlang namamatay sa pagtatrabaho. Sige, trabaho ng trabaho!” Ang paniniwalang ito ay hindi na totoo ngayon. Ang mga siyentipiko ng mga kagawian ng tao ay may salita para sa mga taong bugbug sa trabaho—which is burn out! Salitang naglalarawan ng hindi lamang naubusan ng gasolina kundi nasunog pa ang makina. Nasaid na ang lakas sa patuloy na pagtatrabaho ng walang oras na pahinga. Dahil dito, wala ng balanse ang kanyang buhay. Over worked.
Para kang isang kandila na ang sindi ay sa magkabilang dulo na ang pagod o stress ay mabilis lumalamon sayo. Ang burn out ay nararanasan sa trabaho, sa relasyon sa magasawa, magkaibigan, magpamilya, at kahit sa ministry.
Para kang isang lalagyanan na wala nang makuha sa’yo. Ubos Na..? Sa trabaho malalaman mo kung ang tao ay na burn-out na kapag ang dating magilas na tao na laging may malaking nagagawa sa kumpanya ay biglang nagiging tahimik, matamlay, at kung minsan ay nagkukulong. Sa relasyon naman sa pamilya na dating nakikipaglaro sa mga anak at tumutulong sa mga gawaing bahay ngunit ngayon ay matamlay at tatamad-tamad. Nawalan na ng interes. Ang taong dating mahinahon at malamig ang ulo ay nagiging masungit at magagalitin. Malungkutin at mabagsik. Sa mga ministers naman sa simbahan na pakiramdam nila ay malayo ang Diyos, walang pakialam, at nagtago na. Nagiging pintasero’t pintasera tuloy sa gawain ng Diyos at sa ibang Cristiano. At walang interes sa gawaing maka-Dios. Kung sakaling nagpapatuloy man sa pagdalo sa pananambahan ay parang wala sa kanyang loob at puro mali ang kanyang nakikita duon.