Summary: A sermon that will teach us what will we do when we feel we are drained out

Ubos Na..?

What Do You Do When Your Wine Runs Out?

John 2:1-10

SCRIPTURE READING

Pagkalipas ng dalawang araw, may kasalan sa Cana, Galilea, at naroon ang ina ni Jesus. (2) Si Jesus at ang kan¬yang mga alagad ay naroon din. (3) Kina¬pos ng alak kaya’t sinabi ng ina ni Jesus sa kanya, “Naubusan sila ng alak.” (4) Si¬nabi ni Jesus, "Huwag ninyo akong pa¬ngunahan, Ginang! Hindi pa ito ang panahon ko. (5) Sinabi ng kanyang ina sa mga naglilingkod, “Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyo.” (6) Doo’y may anim na tapayan, ang bawat isa’y naglalaman ng dalawampu hanggang tatlumpung galon. (Nakalaan ang mga ito para sa paglilinis ayon sa tuntuning panrelihiyon ng mga Judio.) (7) Sinabi ni Jesus sa mga katulong, “Pu¬nuin ninyo ng tubig ang mga tapayan.” At pinuno nga nila hangang sa labi. (8) Pagkatapos sinabi niya, Sumalok kayo ngayon at dalhin ninyo sa namamahala ng handaan.” Dinalhan nga nila ang namamahala ng handaan. (9) Tinikman naman nito ang tubig na naging alak. Hindi niya alam kung saan nanggaling iyon, bagamat alam ng mga katulong na sumalok ng tubig, kaya’t tinawag nya ang lalaking ikinasal. (10) Sinabi niya rito, “Ang una pong inihahain ay ang masarap na alak. Kapqg marami nang nainom ang mga tao, saka inihahain ang maba¬bang uri. Ngunit ipinagpahuli ninyo ang masarap na alak.”

OPENING STATEMENT

Ang talatang ating nabasa ay ang unang himala na ginawa ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa bayan ng Galilee. May kasalan ruon. Nasa custom o tradisyon na ng mga Judio na kapag may handaan ay mayroong mga alak na inihahanda. Isang kahihiyan sa host o naghahanda ang maubusan ng alak sa gitna ng handaan. Kaya ng naubos na ang alak, may isang babae na lumapit kay Hesus. At iyun ang kanyang ina na si Maria.

May mga perception ang ibang relihiyon lalo na ang mga katoliko na ang mga born again Christians eh anti-Mary. Eh kasi naman ang patotoo nila na ito yung mga nagbabasag ng mag rebulto ni Mary, nagsusunog ng kanyang mga larawan. Kaya ang akala tuloy mga anti-Mary tayo. Na hindi natin binibigyang halaga si Maria. Which is not true.

Si Maria ay isang kahanga-hangang babae. Nang dahil sa kanyang willingness na magdalang-tao para kay Hesus, finulfill niya ang propesiya na ipanganak si Jesus ng isang birhen. Nakita rin natin na siya’y naging isang huwarang ina. Ngunit katulad natin, si Maria ay nangangailangan din ng Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. Pinapahalagahan natin siya ngunit hindi natin siya sinasamba.

Anyway, sa teksto natin ngayon tingnan natin kung anu-ano ang ginawa ni Maria at ng mga katulong ng mawalan ng alak.

Ang kwentong ito ay mairerelate natin sa ating spiritual na pamumuhay. Nang tanggapin natin ang ating Panginoong Jesu-Cristo na bilang ating Dios at tagapagligtas eh nagaroon tayo ng kasalan at pagdiriwang. Ngunit sa pagdiriwang na iyun, ang ating alak ay nauubos. Yung joy, yung love, yung peace na ating nararanasan eh biglang nauubos.

Kaya’t sa umagang ito nais ko pong magsalita sa inyo sa mensaheng Ubos na..? (eh hindi mo kayang isipin na meron pa, ubos na nga eh) So What Do you do when your wine runs out?

OPENING PRAYER

INTRODUCTION

Sinasabing mabilis ang buhay natin ngayon. Mayroon na tayong mga modernong teknolohiya tulad ng computer, cell phone internet at kung anu-ano pa. At halos lahat ng ating ginagawa ay mayroong mga instant. Kung gusto mong makakain kaagad, may mga instant food na tulad ng instant pansit canton, instant spaghetti, instant delata. Kapag gusto mo kaagad na gumanda, nandiyan ang face lift, nose lift, liposuction, permanent makeup. Kung gusto mong yumaman kaagad, nandiyan ang lotto, jueteng, bingo, laban o bawi, pera o bayong. Lahat ng gusto makukuha sa mabilisang paraan.

At dahil mabilis ang buhay natin ngayon, pakiramdam mo na ikaw ay nasa isang treadmill lamang na ang bilis-bilis umikot ngunit hindi makaaba-abante.

Maraming henerasyon nang sinsabi ng mga magulang sa anak, “Wlang namamatay sa pagtatrabaho. Sige, trabaho ng trabaho!” Ang paniniwalang ito ay hindi na totoo ngayon. Ang mga siyentipiko ng mga kagawian ng tao ay may salita para sa mga taong bugbug sa trabaho—which is burn out! Salitang naglalarawan ng hindi lamang naubusan ng gasolina kundi nasunog pa ang makina. Nasaid na ang lakas sa patuloy na pagtatrabaho ng walang oras na pahinga. Dahil dito, wala ng balanse ang kanyang buhay. Over worked.

Para kang isang kandila na ang sindi ay sa magkabilang dulo na ang pagod o stress ay mabilis lumalamon sayo. Ang burn out ay nararanasan sa trabaho, sa relasyon sa magasawa, magkaibigan, magpamilya, at kahit sa ministry.

Para kang isang lalagyanan na wala nang makuha sa’yo. Ubos Na..? Sa trabaho malalaman mo kung ang tao ay na burn-out na kapag ang dating magilas na tao na laging may malaking nagagawa sa kumpanya ay biglang nagiging tahimik, matamlay, at kung minsan ay nagkukulong. Sa relasyon naman sa pamilya na dating nakikipaglaro sa mga anak at tumutulong sa mga gawaing bahay ngunit ngayon ay matamlay at tatamad-tamad. Nawalan na ng interes. Ang taong dating mahinahon at malamig ang ulo ay nagiging masungit at magagalitin. Malungkutin at mabagsik. Sa mga ministers naman sa simbahan na pakiramdam nila ay malayo ang Diyos, walang pakialam, at nagtago na. Nagiging pintasero’t pintasera tuloy sa gawain ng Diyos at sa ibang Cristiano. At walang interes sa gawaing maka-Dios. Kung sakaling nagpapatuloy man sa pagdalo sa pananambahan ay parang wala sa kanyang loob at puro mali ang kanyang nakikita duon.

So what we should do when our wine runs out? Ang una nating dapat gawin ay…

1. FIND THE SOURCE.

Alam ni Maria kung saan siya pupunta. Alam niya kung ano ang gagawin niya sa panahon na iyon. Hindi siya nag-aksaya ng oras na gumawa ng ibang paraan. Alam niya kung paano hahanapin ang source o pagkukunan. Katulad ng ginawa niya, alam din dapat natin kung paano hanapin ang ating pagkukunan. When our wine runs out, kailangan nating malaman kung pano lumapit sa ating Panginoong Diyos sa mga oras ng pangangailangan…

Psalms 46:1, God is our refuge and our strength, a very present help in trouble…

So ang una dapat natin na nilalaipitan ay ang may akda ng lahat ng bagay. Ang source ng lahat ng buhay, walang iba kundi ang ating Panginoong Diyos. Ang iba kasi kung sino-sino ang unang nilalapitan. Kapag nalapitan na ang lahat at wala ng malapitan, dun pa lang tatakbo sa Panginoon. Find the Source. That’s the first thing we should do. Ang ating Panginoong Diyos ang magpupuno sa mga puso natin.

This will sound very elementary to you, pero paulit-ulit ko na sasabihin. Ksi kung minsan tayong mga kristiano nagkakaroon ng memory gap. Nakakalimutan kung sino ang dapat unag lalapitan. So what do you do when your wine runs out? The first step tulad ng ginawa ni Maria, find a Source.

2. LEARN THE DISCIPLINE OF WAITING

Si Maria ay marunong maghintay. Nang sinabi sa kanya ng ating Panginoong Jesu-Cristo na sandali lang huwag mo akong pangunahan, nakinig siya at naghintay. Hindi niya sinabi, eh bilisan mo wala ng alak. Bilis, bilis, bilis gumawa ka na ng himala mapapahiya sila. Bagkus naghintay siya.

Sabi ng Psalms 147:10-11, He does not delight in the strength of the horse, He does not take pleasure in the legs of a man. The Lord favors those who fear Him, those who wait for His loving kindness.

To wait is a spiriual discipline. Sinasabi ng Biblia na ang Dios na nalulugod sa mga taong marunong maghintay.

Kasi naman ang ginagawa ng iba kay nabu-burn-out eh gawa dito, gawa dun, gawa ng gawa eh hindi naman kailangan. Kaya ayun yung mga bagay na importante wala ng lakas para gawin yun. Ehh wag kang masyadong nagmamabilis, dahan dahan lang… Kaw naman eh, enjoy mo lang ang bawat araw ng buhay mo. Bigyang prioridad ang mga mga bagay na mas importante sa mga hindi masyado kailangan. Do not sacrifice the big things just for the small one. So always put the big rocks first.

May isang professor na chineck niya yung IQ ng kanyang mga estudyante. Hinati niya sa dalawang grupo ang kanyang klase at ang bawat grupo ay binigyan niya ng isang garapon, limang magkakasing-laki na bato at buhangin. Ang sabi ng professor paunahan daw sila na maipasok lahat ang mga buhangin at bato ruon sa garapon. Pagbigay ng hudyat ng guro nagsimula na ang dalawang grupo. Ang inanu nilang binuhos ay ang mga buhangin saka isinaksak ang limang bato. Natapos ang oras ngunit hindi nila naipasok lahat. Kayat ipinakita ng guro kung pano maipapasok. Inalagay niya muna ang limang malalaking bato saka isinunuod ang mga buhangin.

Put in the big rocks first. Ang mga batong iyan na mga mahahalag sa atin ay ang ating prayer, devotion, planning exercise.

Remember the story of Mary and Martha in Luke 10? Yung kapatid ni Lazarus. Dumalaw si Jesus sa kanilang tahanan. Itong si Martha, gwa ng gawa ng mga gawaing bahay. Busying busy sa pagluluto at paghahanda ng pagkain. Tapos etong si Maria ay naroon sa paanan ng ating Panginoong Jesu-Cristo nakaupo lamang at nakikinig.

You see, the Lord is more interested in our willingess to sit at His feet to wait and listen. Natutuwa ang ang Dios kapag mas inuuna natin ang mas mahalang bagay at yan ang umupo at makinig. Pero parang napakahirap sa atin ang magrelax at maghintay. In fact, sinasabi na ang abilidad na tin na ikalma ang ating mga sarili at maghintay sa kagustuhan ng ating Panginoong Diyos ang isa sa pinakamahirap na gawin in our Christian life. Naku yung kakainin namin bukas, naku yung tution ni Junior, naku walang maglilinis ng church, naku walang magme-message sa youth fellowship, naku, puro naku. Inalala na ang lahat, Pinobrelama na ang lahat. Mga kapatid listen to this. A restless heart leads to a reckless life. Uulitin ko po, a restless heart leads to a reckless life.

So kung tayo ay reckless sa ating mga descision making, we will be more prone to making errors of judgment. Pinapangunahan natin ang plano at kagustuhan ng ating Panginoong Diyos. Dahil sa kagustuhan mo na ang iyong sariling plano ang masunod, inuubos mo lamang ang iyong energy—ang iyung lakas. Kaya mabilis kang mapagod at ma-burn-out. Tapos ngayon magtataka ka pa kung bakit ang hirap ng buhay at puro stress. Kasi naman sa kadalasa’y hindi natin dinidisiplina ang ating mga sarili upang umupo at maghintay.

Church don’t get me wrong. Ah sabi ni brother Norman dapat pala umupo lang kami at maghintay. The context of our message today is for those people who are working too much. Sobrang nagta-trabaho, sobrang nagiisip kung ano ang gagawin kaya nakakaranas ng burn-out. Tinatamlay dahil wala ng gana. Extremely working and thinking. Sobrang sipag. Iba naman yung Sobrang tamad. Na wala nang ginawa kundi magtatambay-tambay at magrararampa-rampa kung san-saan. So im addressing this message for overworking people.

So when you feel that your wine is running out, remember the second step which is the discpline of waiting. Maghintay sa Diyos at magtiwala sa kanya.

3. OBEY GOD’S INSTRUCTIONS

Nung sinabi ni Jesus na punuin ng tubig ang tapayan, ginawa ng mga katulong yun. Nung sinabi ni Jesus na matapos silang sumalok ng tubig eh dalhin nila ito sa namamahala ng handaan. Ginawa rin nila yun. Kung ikaw ang nasa sitwasyon na iyun iisipin mo na isang kalokohan. Ano? Yung tubig padadala mo sa akin sa namamahala para inumin niya, eh alak nga ang hinihintay nun. Obey God’s Instructions!

Sabi sa Juan 14:15, “Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga utos.

May mga bagay na hindi natin maunawaan at maintindihan. But remember this, “God’s Intruction is heard, not seen.” Ang mga sinasabi ng Diyos para sa atin ay naririnig at hindi nakikita. We should be more interested in the unseen than in the seen.

Ang pinakaligtas na paraan sa pagpili ng mga instructions eh alamin mo muna kung saan naggagaling boses na iyung naririnig. Tatlo boses lang palagi yan. God, your own and the devil. Alamin mo kung alin sa tatlo ang iyung naririnig. You will know if it is from God if it is coming from the Bible, your godly friends and your co-christians. Hindi kung saan-saan ka humihingi ng payo at tulong. Yung iba, ano kaya ang horoscope ko, mabasa nga sa tabloid. Ano kaya ang tingin ni kumare dito kay ganyan, gumawa na ng tsismis. Hmmm, kapag umulan ngayon ibig sabihin hindi ako makikipagbati sa kanya, anong kinalaman ng patak ng ulan dun sa pagdedesisyon mo ngayon. Signs daw, signs daw. Distinguish the voices you heard. Ang Dios dapat ang nagcocontrol ng buhay mo hindi ang horoscope, hindi o ang sinsabi ng iba.

Naalala ko tuloy yung istorya ng isang mag-anak na nagbakasyon. Lima sila na naroon sa sasakyan. Ang tatay, ang nanay, ang dalawang maliliit na anak na lalaki at ang kanilang alagang unggoy. Sa kanilang pagbibiyahe naaksidente ang kanilang sinasakyan. Ang lahat ay namatay maliban sa unggoy na kanilang alaga. Pinaimbestigahan ng mga kamag-anak kung ano ang nangyari, dahil wala man lamang ibang nakasaksi sa aksidente na yun. Sinubukan nilang tanungin yung unggoy.

Sinabi ng imbestigador na ilan kayo sa sasakyan. Sumagot ang unggoy ng lima. Ano ang ginagawa ng dalawang anak. Sabi ng unggoy nag-aaway. Ano naman ginagawa ng nanay. Nagbubunganga at inaaway ang tatay. Ano naman ang ginagawa ng tatay. Umiinom daw at lasing. Eh ano naman ang ginagawa mo. Nagda-drive.

Ang buhay natin should not be dependent and controlled by the monkey. O nang kung sino pa mang tao.

We must build on what we hear on the inside, not on what we see on the outside. Yung mga katulong, sa una siguro hindi nila maunawaan ang pinapagawa sa kanila ni Jesus. But they just trust and obey from God’s instructions. So look beyond what you see with your natural eyes. Listen with your spiritual ears.

And the last step you should do when your wine runs out…

CONCLUSION

Before we end this message I would like to tell you a story. It’s about Bob Wieland. Nuong 1986 nagkaroon ng New York City Marathon, halos 20,000 na mga mananakbo ang lumahok sa takbuhan na iyun. Ang Marathon na iyun ay naging memorable, hindi dahil kung sino ang naunang nakatapos kundi kung sino ang nahuling nakatapos. At ang pangalan niya nga ay si Bob Wieland. Ang pwesdto niya sa karerang iyon ay pang 19,413--dead last. Tinapos ni Bob Wieland ang karera sa 4 days, 2 hours, 47 minutes, and 17 seconds.

At alam ninyo ba na ito ang pinaka slowest marathon na nailathala sa kasaysayan. So anong meron kay Bob Wieland? Anong espesyal dun? 17 years earlier habang siya’y na sa Vietnam, naputol ang kanyang mga paa sa digmaan. Si Bob ay tumatakbo gamit ang kanyang dalawang kamay.

That is real endurance in the face of adversity....

Sabi sa Philippians 3:14, I pressed on toward the goal to win the prize. Sa takbuhin natin sa buhay, it doesn’t matter how we started the race but how we will end it. Continue our race. Mahaba pa ang ating tatakbuhin, kaya’t walang sinuman sa atin ang dapat sumuko. At kung pakiramdam mo na hinang-hina ka na at hindi makatakbo sa laban ng buhay, remember the four steps we have discuss; find the source which is our God; learn the discipline of waiting; follow the instruction; and accept what you cannot do.

Ang Dios ang magpala sa kanyang mga salita.