Sermons

Summary: A sermon that will teach us the three truths that Gideon learned in leading Israelites into victory.

  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
  • Next

Takot Ako Eh!

3 Truths About The Story of Gideon

Hebrews 11:32-34

SCRIPTURE

Hebreo 11:32-34, “Magpapatuloy pa ba ako? Kulang ang panahon para isalaysay ko ang tungkol kay Gideon… at sa mga propeta. Dahil sa pananalig nila sa Diyos, nakalupig sila ng mga kaharian, gumawa ng matuwid at nagkamit ng mga ipinangako ng Diyos. Nagpatikom sila ng bunganga ng mga leon, pumatay ng nagngangalit na apoy, at nagligtas sa tabak. Sila’y mahina ngunit binigyan ng lakas upang maging magiting sa digmaan, anupa’t napaurong ang hukbo ng dayuhan.

INTRODUCTION

Ang pag-aaralan natin sa umagang ito ay ang buhay ni Gideon. Ano-anong mga bagay ang matututunan natin sa kanya? Paanong ginamit at tinawag siya ng Panginoon? At paanong ang mga katotohan na ito na itinuro sa kanya ng Panginoon ay maipamumuhay din natin sa ating panahon na nais din ituro sa atin ng Panginoon. Kaya sa umagang ito, nais kong magsalita sa inyo sa mensaheng Truths about the story of Gideon.

Ang buhay ni Gideon ay matatagpuan sa Book of Judges chapter 6 hanggang chapter 8. Dahil masyado siyang mahaba para basahin natin, so sa bawat punto ay sundan natin ang story ni Gideon.

Ang background ng story ay nasa time ng judges o mga hukom. Bakit tinawag na judges time. Kasi nung time na ang mga Israelita ay pinamumunuan ni Moses. Nang mamatay si Moses ipinasa niya ang pamumuno kay Joshua. Nung time ni Joshua puro victory ang dinadanas ng mga Israelita. Strong ang kanilang leader. May unity ang lahat ng tribes, mayroon silang kalayaan at puro tagumpay laban sa kanilang mga kaaway. Ngunit nang mamatay si Joshua ay hindi naipasa ang pamumuno.

Kaya pumili ang Diyso ng mga judges o hukom na mangunguna sa kanilang mga tribo. Nagkanya-kanya ang kanilang pamumuno. So walang overall na mangunguna sa buong Israelita kundi mga hukom lamang sa bawat tribo. Kaya tinawag na judges time.

Ang panahon ng mga hukom ay panahon ng Israelita na palagi silang sinasakop ng mga kaaway. Palagi silang kinakawawa, imaalipin at puro pagtangis.

Ang buhay ng mga Israelita ay umiikot-ikot lamang sa loob ng 300 taon. Kasi ganito ang ugali nila. Matitigas ang mga ulo nila, gagawa sila ng mga diyos-diyosan ay ayaw sumunod sa kagustuhan ng Panginoon.

Kaya ang Panginoon ay tinuturuan sila ng aral. Hinahayaan niya na ang mga bayan ay alipinin sila at pahirapan. Pero ang Panginoon ay magbibigay ng mamumuno sa kanila upang sila ay magkaroon ng kalayaan. Magkakaroon sila ng repentance o pagsisisi at muling babalik sa Panginoon. Ngunit pagkalipas lamang ng ilang taon, kalilimutan nila ang ginawa ng Diyos sa kanila at muling babalik sa kanilang sariling gawain. Itatakwil ang Panginoon, sasamba sa diyos-diyosan at hindi susunod sa kagustuhan ng Panginoon. Ganyan ang cycle na nangyayari sa kanila for more than 300 years at hindi nangakatuto.

Iyan ang panahon ni Gideon. Si Gideon ay isang hukom na tinwag ng Panginoon na pamahalaan ang mga Israelita laban sa mga Amelicita at Medianita na kanilang kaaway.

Kasi naman itong mga Amelicita at Medianita eh mga nomadic people. Hihintayin nila ang anihan ng mga Israelita at pagkatapos ay nanakawin nila ang kanilang mga pananim, mga alagang tupa at mga hayop. Walang itinitira sa kanila. Sila ang mga naghirap, ngunit ang kanilang mga kaaway ang aani. At kung sinoman ang manlaban ay kanila itong papatayin. Kaya sila ay namumuhay sa takot at panganib.

Ngayon ay tingnan natin na nasa sitwasyon na iyun ay paano tinawag ng Dios si Gideon upang palayain ang kanyang bayan.

Let’s discuss 3 truths about the life of Gideon… Ang Number 1 is…

1. GOD USES ORDINARY PEOPLE TO DO EXTRAORDINARY THINGS

Si Gideon ay isang duwag, matatakutin. Sabi sa Hukom 6:15, “Sumagot si Gideon, “Paano ko maililigtas ang Israel? Ang aming sambahayanan ang pinakamaliit sa lipi ni Manases, at ako naman ang pinakamahina sa amin.”

We’ve seen that Gideon is not exactly a picture of strength and courage. Siya nga ang pinakamahina sa kanilang angkan, siya pa rin ang pinakaduwag. But God used Gideon to deliver His people from oppressors.

Kung minsan nagiging palusot din natin ang palusot ni Gideon. Lord bakit ako ang gagamitin mo, mahina ako. Hindi ko alam ang gagawin ko at wala akong kaalaman diyan. Hindi ako marunong magsalita. Bata pa ako o masyado na akong matanda. Hmmm, kumita na yan. Yan din palusot nila Moses, Jeremiah at iba pa na ginamit ng Diyos

God uses ordinary people to do extraordinary thing. Tulad ni Gideon, tulad ko at tulad ninyo. Everybody say, katulad ko ang ginagamit ng Diyos.

1 Corinthians 1:27, “Subalit pinili ng Diyos ang sa palagay ng sanlibutan ay kahangalan upang hiyain ang marurunong, at ang mahihina sa turing ng sanlibutan upang hiyain ang malalakas.”

Ang sabi dito sa verse hinihiya ng Diyos ang mga marurunong sa pamamagitan ng paggmit niya ng mga taong sa tingin ng sanlibutan ay hangal. Hinihiya ng Dios ang mga malalakas sa pamamagitan ng paggamit niya sa mga mahihina. How ironic. Pero ang ginagamit ng Dios ay ang mga taong ang heart ay directed at hindi ang mga because nirerecognize mo na ang iyong kalakasan at ang iyung talino ay ang Dios.

Copy Sermon to Clipboard with PRO Download Sermon with PRO
Talk about it...

Nobody has commented yet. Be the first!

Join the discussion
;