Summary: A sermon that will teach us the three truths that Gideon learned in leading Israelites into victory.

Takot Ako Eh!

3 Truths About The Story of Gideon

Hebrews 11:32-34

SCRIPTURE

Hebreo 11:32-34, “Magpapatuloy pa ba ako? Kulang ang panahon para isalaysay ko ang tungkol kay Gideon… at sa mga propeta. Dahil sa pananalig nila sa Diyos, nakalupig sila ng mga kaharian, gumawa ng matuwid at nagkamit ng mga ipinangako ng Diyos. Nagpatikom sila ng bunganga ng mga leon, pumatay ng nagngangalit na apoy, at nagligtas sa tabak. Sila’y mahina ngunit binigyan ng lakas upang maging magiting sa digmaan, anupa’t napaurong ang hukbo ng dayuhan.

INTRODUCTION

Ang pag-aaralan natin sa umagang ito ay ang buhay ni Gideon. Ano-anong mga bagay ang matututunan natin sa kanya? Paanong ginamit at tinawag siya ng Panginoon? At paanong ang mga katotohan na ito na itinuro sa kanya ng Panginoon ay maipamumuhay din natin sa ating panahon na nais din ituro sa atin ng Panginoon. Kaya sa umagang ito, nais kong magsalita sa inyo sa mensaheng Truths about the story of Gideon.

Ang buhay ni Gideon ay matatagpuan sa Book of Judges chapter 6 hanggang chapter 8. Dahil masyado siyang mahaba para basahin natin, so sa bawat punto ay sundan natin ang story ni Gideon.

Ang background ng story ay nasa time ng judges o mga hukom. Bakit tinawag na judges time. Kasi nung time na ang mga Israelita ay pinamumunuan ni Moses. Nang mamatay si Moses ipinasa niya ang pamumuno kay Joshua. Nung time ni Joshua puro victory ang dinadanas ng mga Israelita. Strong ang kanilang leader. May unity ang lahat ng tribes, mayroon silang kalayaan at puro tagumpay laban sa kanilang mga kaaway. Ngunit nang mamatay si Joshua ay hindi naipasa ang pamumuno.

Kaya pumili ang Diyso ng mga judges o hukom na mangunguna sa kanilang mga tribo. Nagkanya-kanya ang kanilang pamumuno. So walang overall na mangunguna sa buong Israelita kundi mga hukom lamang sa bawat tribo. Kaya tinawag na judges time.

Ang panahon ng mga hukom ay panahon ng Israelita na palagi silang sinasakop ng mga kaaway. Palagi silang kinakawawa, imaalipin at puro pagtangis.

Ang buhay ng mga Israelita ay umiikot-ikot lamang sa loob ng 300 taon. Kasi ganito ang ugali nila. Matitigas ang mga ulo nila, gagawa sila ng mga diyos-diyosan ay ayaw sumunod sa kagustuhan ng Panginoon.

Kaya ang Panginoon ay tinuturuan sila ng aral. Hinahayaan niya na ang mga bayan ay alipinin sila at pahirapan. Pero ang Panginoon ay magbibigay ng mamumuno sa kanila upang sila ay magkaroon ng kalayaan. Magkakaroon sila ng repentance o pagsisisi at muling babalik sa Panginoon. Ngunit pagkalipas lamang ng ilang taon, kalilimutan nila ang ginawa ng Diyos sa kanila at muling babalik sa kanilang sariling gawain. Itatakwil ang Panginoon, sasamba sa diyos-diyosan at hindi susunod sa kagustuhan ng Panginoon. Ganyan ang cycle na nangyayari sa kanila for more than 300 years at hindi nangakatuto.

Iyan ang panahon ni Gideon. Si Gideon ay isang hukom na tinwag ng Panginoon na pamahalaan ang mga Israelita laban sa mga Amelicita at Medianita na kanilang kaaway.

Kasi naman itong mga Amelicita at Medianita eh mga nomadic people. Hihintayin nila ang anihan ng mga Israelita at pagkatapos ay nanakawin nila ang kanilang mga pananim, mga alagang tupa at mga hayop. Walang itinitira sa kanila. Sila ang mga naghirap, ngunit ang kanilang mga kaaway ang aani. At kung sinoman ang manlaban ay kanila itong papatayin. Kaya sila ay namumuhay sa takot at panganib.

Ngayon ay tingnan natin na nasa sitwasyon na iyun ay paano tinawag ng Dios si Gideon upang palayain ang kanyang bayan.

Let’s discuss 3 truths about the life of Gideon… Ang Number 1 is…

1. GOD USES ORDINARY PEOPLE TO DO EXTRAORDINARY THINGS

Si Gideon ay isang duwag, matatakutin. Sabi sa Hukom 6:15, “Sumagot si Gideon, “Paano ko maililigtas ang Israel? Ang aming sambahayanan ang pinakamaliit sa lipi ni Manases, at ako naman ang pinakamahina sa amin.”

We’ve seen that Gideon is not exactly a picture of strength and courage. Siya nga ang pinakamahina sa kanilang angkan, siya pa rin ang pinakaduwag. But God used Gideon to deliver His people from oppressors.

Kung minsan nagiging palusot din natin ang palusot ni Gideon. Lord bakit ako ang gagamitin mo, mahina ako. Hindi ko alam ang gagawin ko at wala akong kaalaman diyan. Hindi ako marunong magsalita. Bata pa ako o masyado na akong matanda. Hmmm, kumita na yan. Yan din palusot nila Moses, Jeremiah at iba pa na ginamit ng Diyos

God uses ordinary people to do extraordinary thing. Tulad ni Gideon, tulad ko at tulad ninyo. Everybody say, katulad ko ang ginagamit ng Diyos.

1 Corinthians 1:27, “Subalit pinili ng Diyos ang sa palagay ng sanlibutan ay kahangalan upang hiyain ang marurunong, at ang mahihina sa turing ng sanlibutan upang hiyain ang malalakas.”

Ang sabi dito sa verse hinihiya ng Diyos ang mga marurunong sa pamamagitan ng paggmit niya ng mga taong sa tingin ng sanlibutan ay hangal. Hinihiya ng Dios ang mga malalakas sa pamamagitan ng paggamit niya sa mga mahihina. How ironic. Pero ang ginagamit ng Dios ay ang mga taong ang heart ay directed at hindi ang mga because nirerecognize mo na ang iyong kalakasan at ang iyung talino ay ang Dios.

May isang story tungkol sa dalawang timba. Ang isang timba ay bagong-bago at maayos ang kanyang kondisyon. Ang isang timba naman ay lumang-luma na, may mga basag na siya at butas-butas pa.

Ang dalawang timba na ito ay pag-aari ng isang magsasaka. Ginagamit niya pareho ang mga ito sa pag-iigib mula sa balon hanggang sa kanyang bahay. Tuwing umaga ay nag-iigib ang magsasakang ito gamit ang bagong timba at ang lumang timba.

Minsan nagusap ang dalawang tima. Sinabi ng bagong timba ay. “Napakagaling ko talaga. Dahil maayos ang aking kondisyon, bagong-bago ako at buong-buo, maraming tubig ang nailalagay sa akin. Hindi katulad mo, butas-butas ka na. Bago pa makarating ang ating amo sa kanyang bahay eh halos wala ka ng maigib dahil tinapon mo na lahat sa daan.

Nalungkot ang lumang timba sa kanyang narinig kaya lumapit siya sa kanyang amo upang magpaalam. Sinabi niya na, “Amo aalis na po ako dahil hindi niyo na po ako kailangan. Mapapagod lang kayo kung patuloy niyo lamang akong gagamitin dahil halos walang mailagay sa akin na tubig. Natatapon ko lang ang mga tubig na iniigib ninyo sa daan dahil butas-butas ako.

Kaya, binuhat ng magsasaka ang lumang timba at dinala niya sa may balon. At sinabi ng magsasaka, “Alam mo ba kung bakit kita patuloy na ginagamit kahit na butas-butas ka pa? Ipinakita niya ang mga naggagandahan at mga makukulay na mga halaman at bulaklak sa daan. Dahil ikaw ang nagdidilig sa mga halaman at bulaklak na ito sa bawat araw sa pagdaan ko dito.

If God says we are something, then we are, whether anybody else agrees or not. Kapag sinabi ng Diyos na malakas ka, the malakas ka. Kapag sinabi ng Diyos na mayaman ka, then mayaman ka. Kapag sinabi ng Diyos na malaki ka for his kingdom, then you are, regardless kung ano pa man ang sabihin ng ibang tao.

Sapagkat ang dapat na pagkatingin natin sa ating mga sarili ay kung ano ang pagkakatingin ng Diyos para sa atin. Eh ang sabi ng Diyos you are a great people. A holy priesthood, a peculiar people. Natatangi, mabubuti, magagaling. May mga weaknesses man at kahinaan, eh ikaw pa rin ang pinili ng Diyos para sa kanyang kaharaian. Because God can use you, your own potentails and your own weaknesses for his glory.

Ngayon mas maniniwala pa ba ako sa sinasabi ng mga tao kaysa sa sinasabi ng Diyos sa akin? So number 1 truth is God uses ordinary people to do extraordinary things.

2. GOD ALWAYS BEGINS WITH ME

Pakinggan ninyo ito, kung tayo ay hihingi ng pagbabago, ang unang binabago ng Panginoon ay hindi ang attitude ng mga taong nasa paligid natin, hindi ang mundo, hindi ang sitwasyon na kinakaharap natin kundi tayo ang unang nais baguhin ng Diyos. Katulad ng ginawa ng Diyos kay Gideon. Sabi sa Hukom 6:14, “Sinabi sa kanya ni Yahweh, Lumakad ka at gamitin mo ang buong lakas mo sa pagliligtas sa Israel. Hindi ba’t ako ang nagsugo sa’yo?”

The same goes for us. Kinakailangan nating maunawaan nab ago baguhin ng Panginoon ang mga nasa paligid natin, ikaw ang gusting kauna-unahang mabago ng Diyos.

Dumadalangin ka na “Lord kayo ang magbago sa rebelde kong anak. Kayo ang magbigay ng direksyon sa kanyang buhay. Hindi ba bago baguhin ng Panginoon ang rebelde mong anak, nais ng Diyos na baguhin mo muna ang iyong dila at ingatan ang iyung pananalita kapag kinakausap mo ang iyong anak? Hindi ba mas gusto ng Panginoon na matutu kang magreach-out sa kanya at unawain ang kanyang kalagayan. Ikaw ang unang gustong baguhin ng Panginoon.

Dumadalangin ka na Lord, enrollment na naman, sabay-sabay ang gastusin at malaki ang perang kailangan ko. Kayo ang magbigay ng financial blessings sa amin. Hindi ba bago ibuhos ng Panginoon ang pagpapala sa inyong tahanan eh nais ng Panginoon na bawas-bawasan mo naman ang sobrang panonood sa telebisyon at gamitin ang iyong oras at lakas sa mas kapaki-pakinabang na gawain sa gayon ay magkakaroon ka ng pagkakataon na kumita. Ikaw ang unang gustong baguhin ng Panginoon.

Dumadalangin ka na Lord yung family ko eh maging Christiano rin at mananampalataya. Hindi ba bago baguhin ng Panginoon ang heart ng family mo eh nais Niya na maging good example ka sa kanila bilang tunay na Christiano upang sila rin ay manampalataya dahil tunay na nagbago ka. Makita ang iyong commitement sa iyong devotions and prayer life. Ikaw ang unang gustong baguhin ng Panginoon.

And even in the minitsry, O Bible Study Leader ka, Lord walang umaatend sa Bible Study. Kung meron man mga late pa. Bahala ka nga Lord sa kanila. Hindi ba bago baguhin ng Panginoon ang sitwasyon na iyun eh nais Niya naman na paganahin mo yung creativity mo sa gayon maenganyo ang magsisipagdalo sa Bible Study na hinahawakan mo. Magkaroon ng buhay yung fellowship at maenjoy ng mga umaatend. Ikaw ang unang gustong baguhin ng Panginoon.

May isang story na kung saan yung isang lalaki ay lumapit sa isang doctor at sinabi niya na “Doc mukha yatang bingi yung asawa ko. Kasi everytime na kinakausap ko siya eh hindi siya sumasagot. Gusto ko po sanang malaman kung gaano na ang pagkabingi ng asawa ko. Ganito ang gawin mo, sabi ng doctor, pag-uwi mo sa bahay ay hulihin mo siyang nakatalikod at tanungin mo siya ng mga 20 hakbang ang layo. Kapag hindi siya sumagot humakbang ka ng lima at tanungin mo ulit ng parehong tanong. Kapag hindi pa rin sumagot ay humakbang ka ulit ng 5 hakbang. Gawin mo ito hanggang malaman mo kung gaano ang layo ng kanyang maririnig. Bumalik ka sa akin at sasabihin ko sa’yo kung gaano na kagrabe ang pagkabingi ng iyung asawa.

Kaya umiwi ang lalaki at nakita niya na ang kanyang asawa ay nasa lababo, nakatalikod at naghahanda para sa pagluluto. So ginawa ng lalaki ang pinagawa sa kanya ng doctor. Lumayo siya ng mga 20 hakbang mula sa kanyang asawa at tinanong niya, Hon anong ulam natin. Hindi sumagot. So humakbang siya ng limang hakbang at tinanong niya ulit, Hon, anong ulam natin. Wala pa rin siyang narinig na sagot. Kaya humakbang na naman siya ng limang hakbang at tinanong muli, Hon ang ulam natin. At wala pa rin siyang narinig at natakot na ang lalaki na grabe na p ala ang pagkabingi ng kanyang asawa. Kaya nagpunta na yung lalaki sa pinakalikod na kanyang asawa at nilakasan niya ang kanyang pagtatanong, Hon anong ulam?

Sumagot ang kanyang asawa at sinabi, ano ba? Tatlong beses ko ng sinabing fried chicken eh.

Hindi pala yung asawa niya ang bingi, siya pala.

How many times na inaask natin sa Panginoon na baguhin ang mga problema na nasa paligig natin, na alisin tayo ng Panginoon sa pangit na sitwasyon na kinakaharap natin na well in fact, tayo pala ang may tunay na problema at tayo ang unang nais baguhin ng Diyos.

Sinabi n gating pastor last week na kung ano ang tingin natin sa mundo, yun ang reflection n gating nasa saloobin.

Kaya kung nakikita mo na pangit ang mundo at wala kang makitang kabutihan sa iyong kapwa, walang maganda sa kanila. It is because wala kang makitang kagandahan sa iyong sarili.

Sinasabing we cannot change the world, but we can change ourselves. Kung haharap tayo sa salamin at sasabihin natin sa ating sarili na maganda ang mundo, may kabutihan tayong makikita sa ating mga kapwa at magkakaroon tayo ng decisive heart and a clear thinking na baguhin ang mga pangit na perception na ito sa ating puso at sa ating kaisipan, then we will see na napakaganda nga ng mundo.

Sa gayon masasabi ko na nabago ko ang mundo dahil binago ko una sa lahat ang aking sarili.

3. WE WILL BE TESTED TO EITHER REVEAL OUR OWN STRENGTH OR POWER OF GOD

Napakahalaga na ating maunawaan na ang pananampalataya ay may nakaakibat na mga challenging moments. Sapagkat kung wala itong mga challenging moments na ito ang ating pananampalataya ay mananatiling dormant (tulog, mahina at hindi lumalago). So no matter kung gaano ka ng katagal na Christiano, ang Panginoon ay susubukin ang ating pananampalataya from time to time upang ito ay matest at lumago. Being tested is part of our spiritual growth. Sa mga test na yan malalantad ang ating dependence ba ay sa Panginoon o sa ating mga sarili.

Si Gideon tinest ng Panginoon. Sabi sa kanya ng Panginoon kumuha ka ng iyung hukbo na makikipaglaban sa mga Mediantes. Uhm, nakagather siya na umabot lamang sa 32,000 na mga Israelites. Eh ang kanilang kakalabanin ay 135,000 na medianites. Outnumbered na kaagad sila. Umpisa pa lang wala na silang laban.

Tinest siya ng Panginoon, sabi sa kanya sa Hukom 7:2, Napakarami ng kasama mo. Baka akalain nilang nalupig nila ang Medianita nang di dahil sa tulong ko. 32,000 versus 135,000. Kung ikaw yung nasa kalagayan ni Gideon siguro sasabihin mo, anong madami dyan. Yung test na ibinigay sa kanya ng Panginoon ay makita ni Gideon na ang laban na ito ay sa kapangyarihan ng Panginoon at hindi sa lakas ng tao.

Kaya sinabi sa kanya ng Diyos na pauwiin mo ang mga natatakot. Nung sinabi ni Gideon o lahat ng natatakot eh maari ng umuwi. 22,000 ang umuwi at 10,000 lamang ang natira. Mas marami pang umuwi kaysa sa natira.

Anong laban ng 10,000 sa 135,000. Pero hindi pa dun nagtatapos ang pagsubok ng Panginoon kay Gideon kung hanggang saan siya magtitiwala. Pinapunta niya ang mga sundalo sa gilid ng batis at ibukod niya ang sasalok ng tubig sa pamamagitan ng kanilang palad at iinom na parang aso doon sa direktang iinom duon sa batis. Alam ninyo kung ilan ang gumawa ng sumalok ng tubig? 300.

At yang 300 na yan ang sinabi ng Panginoon ang makikipaglaban sa Medianites.

At the end of the story nakita natin na nanalo ang 300 na Israelites laban sa 135,000 na Medianites. Napakaimposible na mangyari, pero nangyari dahil sinabi ng Panginoon. Nangyari dahil ang kapangyarihan ng Panginoon ang gumawa at hindi ang sariling lakas ng tao.

Tulad ni Gideon, tayo rin ay nais turuan ng Panginoon na pagkatiwalaan natin siya. May mga pagkakataon na kino-question natin ang Panginoon sa mga bagay na nais niyang ipagawa sa atin. Lord, it is impossible for me to do that. Subalit dapat nating maunawaan mula sa pinaka-ibuturan ng iyong pagkatao that our battle belongs to God. Hindi sa pamamagitan ng ating sariling lakas mapagtatagumpayan ang laban kundi sa pagtitiwala natin sa Pangonoon. God is faithful that He will deliver us from our enemies and from our circumstances.

Philippians 3:14, I can do all things through Christ who gives me strength.

CONCLUSION

Kaya nga mga kapatid sa umagang ito nais kong iwan sa inyo ang mensaheng itinuro ng Diyos kay Gideon. Ang tatlong katotohanan na ang bawat isa sa atin ay dapat maunawaan at maipamuhay.

Ang unang katotohanan ay ang ordinaryong tao ang ginagamit ng Dios para sa malaking gawain sa kanyang kaharian. Basta nakahanda ang puso at directed ito sa Panginoon you will do great things all for the glory of God.

Pangalawang katotohana ay ang mga sitwasyon na ating kinakaharap ay ikaw ang uang nais turuan ng Diyos.

At ang ikatlo’y sa pamamagitan ng mga test of faith at mga challenging moments mas lalago ang ating pananampalataya at ang pagtitwala natin sa Panginoon.