Sermons

Summary: A sermon that teaches us the five steps in establishing self-worth

  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
  • Next

Self-Esteem

5 Steps in Establishing Self-Worth

1 Corinthians 1:27

GREETINGS

SCRIPTURE

“Subalit pinili ng Diyos ang sa palagay ng sanlibutan ay kahangalan upang hiyain ang marurunong, at ang mahihina sa turing ng sanlibutan upang hiyain ang malalakas.”

INTRODUCTION

Sa hapong ito nais kong magsalita sa inyo sa paksang “Self-Esteem, 5 Steps in Establishing Self Worth.”

Sa inyong kabataan, napakahalaga ang topic na ito sapagkat sa inyong edad eh usong uso ang tinatawag na peer pressure. Pinahahalagahan ninyo ang sasabihin ng iba. Big deal sa inyo ang comment ng inyong mga kaibigan tungkol sa inyong mukha, tungkol sa inyong pagkilos, tungkol sa inyong pag-uugali at maging sa inyong iniisip. Dahil dito pinapakita kung magiging katanggap tanggap ba tayo sa kanilang paningin. Ngayon pag-aralan natin kung tama ba ang mga bagay na yan. Kaya pag-aralan natin ang self-esteem at sinadya na unahin ang topic na ito upang makilala natin ang ating mga sarili. So are you ready?

First identify muna natin what self-esteem is. Kasi ee have a conception na kapag sinabing self-esteem ay malakas ang loob, hindi mahiyain, makapal ang mukha o matapang ang hiya, KSP, sip-sip. Pero ano ba talaga ang kahulugan ng self-esteem.

Webster, “one’s good opinion of one’s dignity or worth.” Sa Tagalog, “magandang pagtingin o pagkilala sa sarili.”

God wants us to accept ourselves. Nais ng Panginoon na mahalin natin ang ating sarili at matutunan kung papaano harapin ang ating kahinaan. Napakarami nating mga flaws and imperfections physically, emotionally, mentally and socially. Ngunit nais ng Dios na harapin antin ang mga bagay naiyun na may pagtitwala sa kanya.

Ang mababang pagtingin sa sarili ay nakakaapekto hindi lamang sa iyung sarili kundi pati sa relasyon natin sa ibang tao at sa Diyos.

Ill give you an example, if I see my self na bobo o mahina kokote, at yan ang pagkakakilala ko sa sarili ko, yan na rin ang pagkakakilala ng mga tao sa akin… isang bobo. So evrytime na nakikipag communicate ako sa mga tao, I get so intimadated. Why? Consiously and unconsiously ayokong mapahiya at baka malaman nila na bobo ako. So it affects my relationship with people.

Eh ngayon dahil tingin ko sa sarili ko na bobo ako every time that I pray that God will give me a knowledge in my examination in school, I will not believe that God will give me a knowledge. Because ang tingin ko sa sarili ko ay bobo ako. Mahina at kailanman hindi ko maiintindihan ang mga leksyon ko sa school. So even in my prayer life is affected. And so, my relationship with God.

Kasi ang problema we base our own value on our performance. Ang people are extremely performance oriented. Kahit na yung mga bata tayo kapag mas marunong tayong kumanta mas magaling kang sumayaw eh mas maraming matatanda ang gugusto sayo. Kapag mas bibo-bibo ka eh ikaw yung nagiging darling of the crowd. Mas marami kang premyo, mas maraming natutuwa sayo.

At ang mga bagay na yan ay inaaply din natin sa ating mga sarili ngayon. Iniisp natin na The more competitive we are, the more people will accept us and will love us. And so, by not meeting the expectations and standards of people, we see ourselves pangit, bobo, walang kwenta, and we begin to hate ourselves. Kinamumuhian natin ang ating sarili kapag hindi tayo naging tulad ng iba.

Ayaw ng Panginoon ng ganyan. Nais niya na mayroon tayong pagmamahal sa ating sarili.

Mark 12:31, “Love your neighbor as you love yourself. Yung AS na word (gaya) na inilagay dun ay napakaiportante. Ibig sabihin ang pagmamahal mo sa iba ay nagsisimula ng pagmamahal mo sa iyung sarili.

Because you cannot give what you do not have. Paano mo nga naman maibibigay ang pag-ibig if it in the first place eh hindi mo mahal ang sarili mo. Sa katanuyan, walang karapatang magmahal ang isang taong hindi iniibig ang kanyang sarili. That’s the principle of the Bible. At ngayon we will discuss kung paano pahalagahan at mahalin ang iyung sarili.

1. NEVER SPEAK NEGATIVELY ABOUT YOURSELF

Ang bawat isa sa atin ay kinakausap ang ating mga sarili. Alam nyo ba yun? Ayan yung tinatawag na self talk. Normal ang mga bagay na yan at hindi signs ng pagkasira ang ulo.

Di ba may pagkakataon na halimbawa nakasakay ka sa tricycle at habang bumibyahe ka eh kakausapin mo yung sarili. Pupunta ako dito, tapos saan na nga ba susunod? Di ba mas maganda kung pumunta dito. Oo nga, sige dun na nga lang kasi mas mura pa eh. Ay hindi pala kasi mapapalayo ako. Ay sige na nga. Kita niyo? Tanong nyo, sagot nyo rin. Kinakausap natin ang ating mga sarili.

At may mga pagkakataon na yung pagkausap natin sa ating sarili o self talk ay nagiging hindi maganda if we are speaking negatively about ourselves. Naku naman bakit ko ba nagawa yun? Ang tanga-tanga ko naman. Grabe wala akong kasing tanga.

Copy Sermon to Clipboard with PRO Download Sermon with PRO
Browse All Media

Related Media


Emotions
Pixel Preacher
Video Illustration
Baggage
Church Visuals
Video Illustration
Talk about it...

Jose Christopher Anthony Melendez

commented on Jan 26, 2019

Hello po pastor Norman Lorenzo post PA kayu ng more inspiration message..

Jinky Coroza

commented on Mar 1, 2022

really appreciated Pastor Norman, inaabangan ko mga message mo. Salamat po.

Join the discussion
;