Self-Esteem
5 Steps in Establishing Self-Worth
1 Corinthians 1:27
GREETINGS
SCRIPTURE
“Subalit pinili ng Diyos ang sa palagay ng sanlibutan ay kahangalan upang hiyain ang marurunong, at ang mahihina sa turing ng sanlibutan upang hiyain ang malalakas.”
INTRODUCTION
Sa hapong ito nais kong magsalita sa inyo sa paksang “Self-Esteem, 5 Steps in Establishing Self Worth.”
Sa inyong kabataan, napakahalaga ang topic na ito sapagkat sa inyong edad eh usong uso ang tinatawag na peer pressure. Pinahahalagahan ninyo ang sasabihin ng iba. Big deal sa inyo ang comment ng inyong mga kaibigan tungkol sa inyong mukha, tungkol sa inyong pagkilos, tungkol sa inyong pag-uugali at maging sa inyong iniisip. Dahil dito pinapakita kung magiging katanggap tanggap ba tayo sa kanilang paningin. Ngayon pag-aralan natin kung tama ba ang mga bagay na yan. Kaya pag-aralan natin ang self-esteem at sinadya na unahin ang topic na ito upang makilala natin ang ating mga sarili. So are you ready?
First identify muna natin what self-esteem is. Kasi ee have a conception na kapag sinabing self-esteem ay malakas ang loob, hindi mahiyain, makapal ang mukha o matapang ang hiya, KSP, sip-sip. Pero ano ba talaga ang kahulugan ng self-esteem.
Webster, “one’s good opinion of one’s dignity or worth.” Sa Tagalog, “magandang pagtingin o pagkilala sa sarili.”
God wants us to accept ourselves. Nais ng Panginoon na mahalin natin ang ating sarili at matutunan kung papaano harapin ang ating kahinaan. Napakarami nating mga flaws and imperfections physically, emotionally, mentally and socially. Ngunit nais ng Dios na harapin antin ang mga bagay naiyun na may pagtitwala sa kanya.
Ang mababang pagtingin sa sarili ay nakakaapekto hindi lamang sa iyung sarili kundi pati sa relasyon natin sa ibang tao at sa Diyos.
Ill give you an example, if I see my self na bobo o mahina kokote, at yan ang pagkakakilala ko sa sarili ko, yan na rin ang pagkakakilala ng mga tao sa akin… isang bobo. So evrytime na nakikipag communicate ako sa mga tao, I get so intimadated. Why? Consiously and unconsiously ayokong mapahiya at baka malaman nila na bobo ako. So it affects my relationship with people.
Eh ngayon dahil tingin ko sa sarili ko na bobo ako every time that I pray that God will give me a knowledge in my examination in school, I will not believe that God will give me a knowledge. Because ang tingin ko sa sarili ko ay bobo ako. Mahina at kailanman hindi ko maiintindihan ang mga leksyon ko sa school. So even in my prayer life is affected. And so, my relationship with God.
Kasi ang problema we base our own value on our performance. Ang people are extremely performance oriented. Kahit na yung mga bata tayo kapag mas marunong tayong kumanta mas magaling kang sumayaw eh mas maraming matatanda ang gugusto sayo. Kapag mas bibo-bibo ka eh ikaw yung nagiging darling of the crowd. Mas marami kang premyo, mas maraming natutuwa sayo.
At ang mga bagay na yan ay inaaply din natin sa ating mga sarili ngayon. Iniisp natin na The more competitive we are, the more people will accept us and will love us. And so, by not meeting the expectations and standards of people, we see ourselves pangit, bobo, walang kwenta, and we begin to hate ourselves. Kinamumuhian natin ang ating sarili kapag hindi tayo naging tulad ng iba.
Ayaw ng Panginoon ng ganyan. Nais niya na mayroon tayong pagmamahal sa ating sarili.
Mark 12:31, “Love your neighbor as you love yourself. Yung AS na word (gaya) na inilagay dun ay napakaiportante. Ibig sabihin ang pagmamahal mo sa iba ay nagsisimula ng pagmamahal mo sa iyung sarili.
Because you cannot give what you do not have. Paano mo nga naman maibibigay ang pag-ibig if it in the first place eh hindi mo mahal ang sarili mo. Sa katanuyan, walang karapatang magmahal ang isang taong hindi iniibig ang kanyang sarili. That’s the principle of the Bible. At ngayon we will discuss kung paano pahalagahan at mahalin ang iyung sarili.
1. NEVER SPEAK NEGATIVELY ABOUT YOURSELF
Ang bawat isa sa atin ay kinakausap ang ating mga sarili. Alam nyo ba yun? Ayan yung tinatawag na self talk. Normal ang mga bagay na yan at hindi signs ng pagkasira ang ulo.
Di ba may pagkakataon na halimbawa nakasakay ka sa tricycle at habang bumibyahe ka eh kakausapin mo yung sarili. Pupunta ako dito, tapos saan na nga ba susunod? Di ba mas maganda kung pumunta dito. Oo nga, sige dun na nga lang kasi mas mura pa eh. Ay hindi pala kasi mapapalayo ako. Ay sige na nga. Kita niyo? Tanong nyo, sagot nyo rin. Kinakausap natin ang ating mga sarili.
At may mga pagkakataon na yung pagkausap natin sa ating sarili o self talk ay nagiging hindi maganda if we are speaking negatively about ourselves. Naku naman bakit ko ba nagawa yun? Ang tanga-tanga ko naman. Grabe wala akong kasing tanga.
Naku po, ang taba-taba ko. Ang pangit-pangit ko. Sino ba naman ang magkakagusto sa kin nito eh baboy ako.
You see kung paano mo kinakausap ang sarili mo? At bakit hindi maganda na kausapin natin ang ating mga sarili sa negatibong bagay? Proverbs 23:7, “For as he [a person] thinks in his heart, so is he. Kung ano ang iniisip at sinasabi sa iyung puso, yun ka. Kung ang tingin mo sa sarili mo ay mahina, mahina ka nga talaga. Kung ang tingin mo sa sarili mo ay pangit, pangit ka nga talaga.
Paano ka tatanggapin ng iba kung ang iyong sarili mismo na dapat ang kauna-unahang tumaggap sayo eh hindi ka matanggap.
Ibinibagsak natin ang ating sarili kapag ang mga negatibong bagay at ating sinasabi sa ating sarili at kasinungalingan ang palagi nating isinisiksik sa ating mga isipan.
Never speak negatively about yourself. Kung meron man na unang tao na dapat maniwala sa iyong kakayahan, hindi ang iba, kundi ikaw.
2. AVOID COMPARISONS
Ang susunod na hakbang upang magkaroon ka ng pagmamahal at mabuting pagtingin sa iyong sarili ay huwag mong ikumpara ang iyung sarili sa iba.
Romans 14:22, “Do you have faith? Have it to yourself before God. Happy is he who does not condemn himself in what he approves.”
We are all unique. Stop comparing yourself.
One of the scientist said that the probability of our existence is 1 versus 800 billion. Ang pagkakataon o oportunidad daw ng ating paglabas dito sa mundo ay 800 billion probability. Anong ibig sabihin noon? Sa 800 billion na chansa, isang pagkakataon lang ang maaring mapili ka.
Why he said that? Kasi yung time na kung saan ginagawa ka ng iyung parents. Nag-iisa lang yung egg cells mula sa iyung nanay, at milyons of sperm cell ang nirelease ng father mo. Ngayon itong milyons of sperm cells na ito ay magkakareara at maguunahan dun sa nagiisang egg cells na mag-meet sila. So yung ibang sperm cells, yung mga mahihina, eh nangamamatay sa karerang un. Dun sa millions na yun, isa lang ang maaring manalo para ikaw ay mabuo. Biruin ninyo, lumihis lang ng kaunti yung sperm cells na yun, hindi ka na mabubuhay. And with that, dapat eksaktong araw, eksaktong oras at eksaktong segundo ang mangyari ang lahat ng mga bagay na yun. Because any split of the split of the split of the second, wala ka sa mundong ito.
But my dad said. mali daw na 1 versus 800 billion ang probability of our existence. Sabi ni daddy that the probability of our existence is impossible. Ang opportunidad ng ating paglabas ay napaka-imposible. Bakit? With that principle na sinabi natin kanina para ka lumabas, the same principle that should be applied to your mom. Kasi kapag hindi ipinanganak yungnanay mo, eh hindi ka rin lalabas. And it should also apply to your dad. Dahil daddy mo siya at sa kanya manggagaling ang binhi. And to your grandparents. Ang to your great, great, great grandparents. Kung mayroon man na hindi nangyari dun sa lahi mo, hindi ka maaring lumabas dito sa mundo.
Do you understand my point? Napaka-unique mo. Yung existence mo pa lang eh pambihira na at kamangha-mangha.
Mas mahal ang ginto kaysa sa mga bato. Bakit? Kasi ang ginto ay hindi basta-basta mapupulot lang diyan sa tabi-tabi. It’s rare. Ang dyamante ay mas mahal naman sa ginto, kasi mas rare o mas mahirap hanapin ang dyamante kaysa sa ginto.
Ako? I am not rare. I am the only one. Nag-iisa lang ako at wala ka ng ibang makikita na tulad ko. Ang for that reason, I am not expensive, I am priceless. Arent you glad on that? Arent you amaze? God created you uniquely and different with each other. Na nagiisa ka lang at wala kang katulad. Bakit kailangan mong ikumpara ang iyung sarili sa iba at maliitin ang iyung sarili. Eh sa buong mundo, nagiisa kalang.
Kaya tingnan ninyo yung katabi ninyo at sabihin ninyo, Hay salamat na lang at hindi kita kamukha.
3. FOCUS ON POTENTIAL, NOT LIMITATIONS
Romans 12:6, “Having gifts (faculties, talents, qualities) that differ according to the grace given us, let us use them.”
Mayroon isang sikat na artista na ang pangalan ay Helen Hayes na ang kanyang taas lamang ay umaabot ng 5 flat. Nuong nagsisimula pa lamang siya, maraming nagsasabi sa kanya na kung siyay tumangkad lamang ng 4 na pulgada, maaring magiging sikat na stage actress siya. Hindi tiningnan ni Helen ang kanyang limitasyon kung anong bagay ang hindi niya magagawa. Bagkus inimprove niya ang kanyang posture and breathing para matangkad siyang tingnan sa entablado.
Imbes na ubusin ang panahon sa kakaisip kung paano tumangkad, ibinuhos niya ang kaniyang panahon sa kanyang pag-arte at hindi siya sumuko.
Makalipas ang ilang taon, kinilala siya na isa sa pinakamahusay na aktres sa entablado. Isa sa kaniyang di malilimutang pagganap ay ng iportary niya ang buhay ni Mary, the Queesn of Scots. Isa sa pinakamatangkad na reyna na nabuhay sa mundo.
Focus on your potential instead of your limitations.
And remember sa book of numbers na makikita natin ang 12 spies na ipinadala na mauna at tingnan ang promised land na ipinangako ng Dios na mapapasakanila. Sampu ang bumalik at sinabing may mga higante sa lupa at hindi natin kayang sakupin iyon. Ngunit ang dalawa ay nagsabing oo may higante nga, pero yakang-yaka dahil sinabi ng Panginoon na sa atin ang lupang iyon.
Sampun ang tumingin sa kanilang limitasyon. Dalawa ang tumingin sa kanilang potential. Sampu ang tumingin sa mga higante. Dalawa ang tumingin sa Panginoon.
Kung nais mo na magkaroon ng pagmamahal sa iyong sarili, at nais mo na maging matagumpay ka focus on your potential, what God has created you to be, not on your limitations.
4. KEEP YOUR FLAWS IN PERSPECTIVE
Lahat tayo ay may mga flaws or imperfections. But the important thing is we should not focus on these imperfections.
2 Corinthians 4:18, “Look not to the things that are seen but to the things that are unseen.”
Alam ninyo ba na ang gaganda at ang gagwapo ninyo? Alam ninyo ba yun? Yes! Pero dahil sa ang gaganda at ang gagwapo ninyo, ang dyablo ay gagawin ang lahat upang hindi kayo maniwala duon. Hahanapin niya yung inyung mga flaws and imperfections ay pipilitin niya na ifocus natin ang ating perspective sa mga bagay na yun. At kapag ikaw ay naniwala sa dyablo, ang magiging tingin mo na sa sarili mo ay hindi katanggap-tanggap sa iba.
Ganyan ang taktika ni Satan, magseset siya ng standards upang maliitin natin ang tingin natin sa ating sarili. Ah kapag ang kutis mo eh nognog, hindi ka na maganda, sapagkat maputi ang tunay na kagandahan. Kapag yung mata mop eh malaki, ah pangit ka. Kapag ang labi mo eh hindi sing ganda ng labi ni Angelina Jolie, mukha ka ng suso.
God created every one of us. According to Ephesians 2:10, “We are His own handiwork, His workmanship. So learn to keep your flaws in perspective.
You know what? One of my frustrations before is my hair. Talaga naman na everytime na pagkagising ko sa umaga eh numinipis siya eh bumababa ang self esteem ko. Lord I am only 26, bakit ganyan?
But now I learned to keep my flaws in perspective. Dahil sa pagnipis ng buhok ko eh mas nakita yung mukha ko at nagliwanag. Nalaman ko tuloy na cute pala talaga ako. Nagmature yung face ko at mas nagkaroon ako ng credibility and authority sa mga bagay na sinasabi ko. Well, by the way, ikaklaro ko lang that our real authority not comes from our appearances, but comes only from God. But my point is, its just a matter of getting our eyes off in our imperfection and looking at everything in perspective.
5. DISCOVER THE TRUE SOURCE OF CONFIDENCE
The final and most important step to establish your self-esteem is to discover the true Source of confidence.
Saan ba natin inilalagay o ineen-trust ang ating confidence? Ang tanong na yan ay dapat masagot muna before we can ever have God’s confidence. Kinakailangan tanggalin natin ang ating confidence sa ibang bagay bago natin mailagay ang ating confidence sa ating Panginoon. Do not place your confidence in the flesh—in appearance, in education, in finances, in position or in relationship. Sa ating Panginoon lamang ang ating confidence.
Jeremiah 1:4-8, “Then the word of the Lord came to me [Jeremiah], saying, Before I formed you in the womb I knew [and] approved of you [as My chosen instrument], and before you were born I separated and set you apart, consecrating you; [and] I appointed you as a prophet to the nations. Then said I, Ah, Lord God! Behold, I cannot speak, for I am only youth. But the Lord said to me, Say not, I am only a youth; for you shall go to all to whom I shall send you, and whatever I command you, you shall speak. Be not afraid of them [their faces], for I am with you to deliver you, says the Lord.”
Si Jeremiah eh takot ipahayag ang mensahe ng Panginoon. Sabi niya, hindi ako marunong magsalita. Bata pa ako. Siguro sa isip-isp niya, sinong maniniwala, kasi kahit siya hindi makapaniwala.
Pero ang sabi sa kanya ng Dios, bumangon ka dyan at gawin mo ang sinasabi ko’yo. Sabihin mo sa kanila ang mensahe ko para sa kanila. Huwag kang tumingin sa kanilang mga mukha. I am with you to deliver you from all wrath because you are my chosen vessel.
If God says we are something, then we are, whether anybody else agrees or not.
Alam ninyo, ako po ay nanggaling sa mga lahi ng pastor at pastora at mga church leaders. In fact I am already in the third generation. When God called me, he gave me a vision tulad ng vision na ibinigay niya kay Jeremiah. Well, of course with the confirmation of His Word. And with that calling, hindi rin ako makapaniwala. Ako? Bakit ako?
Kaya ang dyablo ay gumagawa ng kaparaanan upang hindi ako maniwala sa calling na yun. Kulingling lang yan! At may mga pagkakataon which I failed sa mga plans ko, ang dyablo keep saying, kita mo na? You are only a discgrace to the legacy of your lolo. You will only dishonor your family. The great calling for your family eh sisirain mo lang. Muntik na akong maniwala sa dyablo. But God assured me with His word. At pinanghawakan ko talaga ang mga Salita ng Dios. And even there’s a lot of opportunity for me outside the ministerial work (ayoko kasing sabihing secular work) God always gives me joy and peace sa lahat ng aking ginagawa.
Discover the true source of confidence… and that is only our God.
CONCLUSION
Sa pagtatapos sa aking mensahe, nais kong ishare sa iyo ang isang tula na nakita ko. Ang author nito ay unknown at napakaganda ng kanyang sinabi dito.
Who God Uses
God, grant me the Serenity to accept the people I cannot change, the Courage to change the one I can, and the Wisdom to know it’s me. The next time you feel like GOD can’t use you, just remember...
Noah was a drunk, Abraham was too old, Isaac was a daydreamer, Jacob was a liar, Leah was ugly, Joseph was abused, Moses had a stuttering (hesitant) problem, Gideon was afraid, Samson had long hair and was a womanizer, Rahab was a prostitute, Jeremiah and Timothy were too young, David had an affair and was a murderer, Elijah was suicidal, Isaiah preached naked, Jonah ran from God, Naomi was a widow, Job went bankrupt, John the Baptist ate bugs, Peter denied Christ, The Disciples fell asleep while praying, Martha worried about everything, The Samaritan woman was divorced, more than once, Zaccheus was too small, Paul was too religious, Timothy had an ulcer and Lazarus was dead!
No more excuses now. God can use you to your full potential. Besides, you aren’t the message, you are just the messenger.
PRAYER