Sermons

Summary: 3 Ways in Living your Life without hypocrisy...

  • 1
  • 2
  • 3
  • 5
  • 6
  • Next

Maskara

Living Life Without Hypocrisy

Titus 1:10-13

INTRODUCTION

Magandang umaga sa inyong lahat. Let us open our Bible in Titus 1:10-13

Si Pabnlo at Tito ay nagpunta sa isang island na ang pangalan ay Creta upang sila ay magpasimula ng gawain at mag-plant ng mga churches doon.

Eventually nang si Pablo ay lumisan sa Creta upang magtungo sa ibang bayan at muling magpasimula ng iba pang gawain, iniwan niya si Tito roon. Inincourage niya si Tito na ipagpatuloy ang pagdedevelope ng leaders na siyang mageencourage, magdidisiplina at magtuturo sa mga bagong mananampalataya.

Ngunit si Tito ay nakaharap ng mga problema sa Creta. Ang mga tao na naconvert sa pagiging Christiano ay mga nagsipagtalikod at ang mga Judaismo ay inoopose sila at pinagwiwikaan sila ng mga bagay na hindi maganda dahil sa kanilang pananampalataya.. Kaya naman sinulatan ni Tito si Pablo tungkol sa mga problemang kanyang kinakaharap. At tumugon si Pablo sa sulat na nagsasabi, sa Tito 1:10-13,

Marami ang naghihimagsik laban sa aral na ito at dinadaya ang iba sa pamamagitan ng mga salitang walang kabuluhan. Karamihan sa gumagawa nito ay galing sa Judaismo. vKailangang pigilin sila sa kanilang ginagawa, sapagkat ginugulo nila ang mga sambahayan. Kumita lang ng salapi ay nagtuturo sila ng mga bagay na di dapat ituro. Isa na rin sa mga propetang taga-Creta ang nagsabi: "Ang mga taga-Creta ay sinungaling, asal-hayop, batugan, at matakaw." vTama ang kanyang sinabi. Dahil dito, mahigpit mo silang pagsabihan upang sila’y mamuhay nang maayos ayon sa kanilang pananampalataya

In other words, sinasabi ni Pablo na ang mga tao ay may sasabihin sa atin. Kukwestunin ang ating pananampalataya at maging ang ating pagsunod kay Jesus. Tinitingnan nila ang ating pamumuhay. Hinahanapan nila tayo ng kamalian upang makwestion ang ating pananampalataya. At madali silang magbigay kaagad ng conclusion sa atin.

Ahhh, anu ba naman yan? Christiano ba yan? Bakit ganyan ang ugali. Mga mapag-imbabaw.

Ngunit ang sabi ni Pablo kung mayroong konting jkatotohanan sa kanilang sinasabi, don’t get defense, instead take a look at your heart.

Ang Panginoon ay hindi naghahanap ng mga perpektong Christiano. Kundi ang nais ng Diyos ay mga authentic, bonafide, genuine(genwin) o mga totoong christiano.

Tumitingin ang Diyos sa mga Christiano na willing to do a heart check. Ang mga christiano na tinitingnan ang maaring pagkakamali sa kanilang sarili at nagkakaroon ng necessary adjustments upang maitama ang mga pagkakamaling iyun.

Actually, we all fall short of the Kingdom of God, ngunit kung tayo ay willing na magkaroon ng adjustments to bring our hearts in a relationship with God, wala tayong dapat ipagalala sa sasabihin ng ibang tao.

1 Samuel 16:7, “Panlabas na anyo ang tinitingnan ng tao ngunit puso ang tinitingnan ko.”

Sa puso nakatingin ang Panginoon. Ngayon ay tingnan natin kung paano maging authentic Christian.

Bonafide… How To be an Authentic Christian.

1. SET INNER INTEGRITY AS YOUR GOAL

Kapag sinabing integrity, it is not about recognition or reputation. It’s about whats going on within you. Anu ang nangyayari sa kalooban mo. Ang recognition at reputasyon ay nangyayari kapag nakabukas ang ilaw at nakikita ka ng mga taong nakapaligid sayo. . Samantalang sa kabilang banda, ang integridad ay nangyayari kapag nakapatay ang ilaw. Kung anong nangyayari sa inner chambers of your heart. Kahit walang taong nakatingin.

Si Theodore Roosevelt, ang ika-26 na Presidente ng America. Nung mga panahon na siya’y isang rancher at nagmamayari ng rantso o bakahan, si Teodore Roosevelt kasama ang isa sa kanyang mga cowboy ay pinaghuhuli ang kanilang mga guya o mga maliliit na kalabaw at baka upang ang mga ito’y matatakan at malagyan ng brands sa pamamagitan ng metal na idinaan sa apoy upang malaman kung kanino nagmamay-ari ang isang hayop.

Isa sa guya na sumama sa kanilang pastulan ay guya na pag-aari ng kapitbahay ni Roosevelt na si Gary Lang na naligaw lamang sa kanyang pastulan.

Nang ang cowboy ni Roosevelt ay tatatakan na ng brand ang guya ni Gregor Lang, sinabi ni Roosevelt, sanadli lamang, iyan ay hindi akin. Ang dapat na ipantatak diyan ay ang brand ni Gregor Lang.

Tumugon ang cowboy at sinabing, Okay lang yan boss, wala naman nakakakita.

At nagtakang sinabi ni Roosevelt, “Pero ang inilalagay mong brand sa guyang yan ay ang brand ko.”

Tama po boss, wika ng cowboy, at hindi na malalaman pa yan ni Gregor Lang. Sabi ni Roosevelt, bitawan mo yang branding iron na yan. At ngayon din ay umalis ka sa aking rantso. You are fired. At hindi na kita kailangan dito.

At ang sabi Roosevelt, “A man who steal for me will steal from me. Ang taong manguumit sa iba para sa akin, ay mang-uumit din naman sa akin.

Psalms 15:1-2, “O Lord who may abide in Thy tent? Who may dwell on Thy hill? He who walks with INTEGRITY, and works righteousness and speaks TRUTH in his heart.” Sinong makapanunuluyan sa yung templo at makakapasok sa burol mo Panginoon. Ang taong may integridad at nagsasabi ng katotohanan sa kanayng puso.

Copy Sermon to Clipboard with PRO Download Sermon with PRO
Talk about it...

Nobody has commented yet. Be the first!

Join the discussion
;