Summary: 3 Ways in Living your Life without hypocrisy...

Maskara

Living Life Without Hypocrisy

Titus 1:10-13

INTRODUCTION

Magandang umaga sa inyong lahat. Let us open our Bible in Titus 1:10-13

Si Pabnlo at Tito ay nagpunta sa isang island na ang pangalan ay Creta upang sila ay magpasimula ng gawain at mag-plant ng mga churches doon.

Eventually nang si Pablo ay lumisan sa Creta upang magtungo sa ibang bayan at muling magpasimula ng iba pang gawain, iniwan niya si Tito roon. Inincourage niya si Tito na ipagpatuloy ang pagdedevelope ng leaders na siyang mageencourage, magdidisiplina at magtuturo sa mga bagong mananampalataya.

Ngunit si Tito ay nakaharap ng mga problema sa Creta. Ang mga tao na naconvert sa pagiging Christiano ay mga nagsipagtalikod at ang mga Judaismo ay inoopose sila at pinagwiwikaan sila ng mga bagay na hindi maganda dahil sa kanilang pananampalataya.. Kaya naman sinulatan ni Tito si Pablo tungkol sa mga problemang kanyang kinakaharap. At tumugon si Pablo sa sulat na nagsasabi, sa Tito 1:10-13,

Marami ang naghihimagsik laban sa aral na ito at dinadaya ang iba sa pamamagitan ng mga salitang walang kabuluhan. Karamihan sa gumagawa nito ay galing sa Judaismo. vKailangang pigilin sila sa kanilang ginagawa, sapagkat ginugulo nila ang mga sambahayan. Kumita lang ng salapi ay nagtuturo sila ng mga bagay na di dapat ituro. Isa na rin sa mga propetang taga-Creta ang nagsabi: "Ang mga taga-Creta ay sinungaling, asal-hayop, batugan, at matakaw." vTama ang kanyang sinabi. Dahil dito, mahigpit mo silang pagsabihan upang sila’y mamuhay nang maayos ayon sa kanilang pananampalataya

In other words, sinasabi ni Pablo na ang mga tao ay may sasabihin sa atin. Kukwestunin ang ating pananampalataya at maging ang ating pagsunod kay Jesus. Tinitingnan nila ang ating pamumuhay. Hinahanapan nila tayo ng kamalian upang makwestion ang ating pananampalataya. At madali silang magbigay kaagad ng conclusion sa atin.

Ahhh, anu ba naman yan? Christiano ba yan? Bakit ganyan ang ugali. Mga mapag-imbabaw.

Ngunit ang sabi ni Pablo kung mayroong konting jkatotohanan sa kanilang sinasabi, don’t get defense, instead take a look at your heart.

Ang Panginoon ay hindi naghahanap ng mga perpektong Christiano. Kundi ang nais ng Diyos ay mga authentic, bonafide, genuine(genwin) o mga totoong christiano.

Tumitingin ang Diyos sa mga Christiano na willing to do a heart check. Ang mga christiano na tinitingnan ang maaring pagkakamali sa kanilang sarili at nagkakaroon ng necessary adjustments upang maitama ang mga pagkakamaling iyun.

Actually, we all fall short of the Kingdom of God, ngunit kung tayo ay willing na magkaroon ng adjustments to bring our hearts in a relationship with God, wala tayong dapat ipagalala sa sasabihin ng ibang tao.

1 Samuel 16:7, “Panlabas na anyo ang tinitingnan ng tao ngunit puso ang tinitingnan ko.”

Sa puso nakatingin ang Panginoon. Ngayon ay tingnan natin kung paano maging authentic Christian.

Bonafide… How To be an Authentic Christian.

1. SET INNER INTEGRITY AS YOUR GOAL

Kapag sinabing integrity, it is not about recognition or reputation. It’s about whats going on within you. Anu ang nangyayari sa kalooban mo. Ang recognition at reputasyon ay nangyayari kapag nakabukas ang ilaw at nakikita ka ng mga taong nakapaligid sayo. . Samantalang sa kabilang banda, ang integridad ay nangyayari kapag nakapatay ang ilaw. Kung anong nangyayari sa inner chambers of your heart. Kahit walang taong nakatingin.

Si Theodore Roosevelt, ang ika-26 na Presidente ng America. Nung mga panahon na siya’y isang rancher at nagmamayari ng rantso o bakahan, si Teodore Roosevelt kasama ang isa sa kanyang mga cowboy ay pinaghuhuli ang kanilang mga guya o mga maliliit na kalabaw at baka upang ang mga ito’y matatakan at malagyan ng brands sa pamamagitan ng metal na idinaan sa apoy upang malaman kung kanino nagmamay-ari ang isang hayop.

Isa sa guya na sumama sa kanilang pastulan ay guya na pag-aari ng kapitbahay ni Roosevelt na si Gary Lang na naligaw lamang sa kanyang pastulan.

Nang ang cowboy ni Roosevelt ay tatatakan na ng brand ang guya ni Gregor Lang, sinabi ni Roosevelt, sanadli lamang, iyan ay hindi akin. Ang dapat na ipantatak diyan ay ang brand ni Gregor Lang.

Tumugon ang cowboy at sinabing, Okay lang yan boss, wala naman nakakakita.

At nagtakang sinabi ni Roosevelt, “Pero ang inilalagay mong brand sa guyang yan ay ang brand ko.”

Tama po boss, wika ng cowboy, at hindi na malalaman pa yan ni Gregor Lang. Sabi ni Roosevelt, bitawan mo yang branding iron na yan. At ngayon din ay umalis ka sa aking rantso. You are fired. At hindi na kita kailangan dito.

At ang sabi Roosevelt, “A man who steal for me will steal from me. Ang taong manguumit sa iba para sa akin, ay mang-uumit din naman sa akin.

Psalms 15:1-2, “O Lord who may abide in Thy tent? Who may dwell on Thy hill? He who walks with INTEGRITY, and works righteousness and speaks TRUTH in his heart.” Sinong makapanunuluyan sa yung templo at makakapasok sa burol mo Panginoon. Ang taong may integridad at nagsasabi ng katotohanan sa kanayng puso.

Matetest Ang integridad ng isang tao kaopag siya ay nasa sitwasyon na may pressure at napakahirap na gumawa ng choices.

Sabi nga ng ating pastor, Integity means integrated. Buo. Hindi kalat at hindi sabog. Sabi nga sa definition ng integrity it comes from a word integer means one. Isa. Ang bawat aspeto ng buhay mo ay iisa. Ang paniniwala, emosyon, sikolohiya, analysis, judgment ay magkakatugma o iisa o sumusunod is iisang katoauhan at iyun ay ikaw. Buo ka, isa, Kaya nga diba sabi sa proverbs, mapalad ang tao na hindi niya kalaban ang kanyang sarili. Hindi yung sarili niya ang kumokontra sa kanyang kapwa sa rili. He’s a man of inegrity.

Kung minsan kasi may mga bagay na ito ang dapat mong gawin, pero ito ang gusto mong gawin. So hindi ka integrated. O kaya naman, other times, may mga bagay na hindi mo dapat gawin pero yun ang iyung ginagawa mo.

Kadalasan kasi ay sinusukat natin ang tagumpay sa recognition, financial status and fun at dumaraan tayo sa anumang daan para lang makarating doon.

But the real value of life will be found within you. How you respond to those incidents will shape your reputation and integrity.

Ayon sa Burke Marketing Research, tinanong nila ang 100 of the nation’s 1,000 largest company. At ang tanong nila ay kung anong ugali ng mga empleyado ang talagang kinaiinisan ng mga boss.

Ang una sa listahan ay ang dishonesty o lack of integrity. Kung ang kumpanyaa ay naniniwala na ang isang empleyado ay walang integridad, lahat ng kanyang positibong katangian ay wala. Kahait na magaling ang kanyang skills, maraming experience, productive, matalino, pero kapag walang integridad, lahat ng ito’y meaningless.

So set your innet integrity as your goal.

Ganun din sa atin bilang mga christiano. Ganito yun eh, halimbawang may P100 ako dito sa aking kamay. Kahit na lukot-lukotin ko ito, lamutakin, tapak-tapakan at dumihan, kung ibibigay ko ito sa inyo, tatanggapin niyo pa rin ba? Of course. Bakit? Kasi hindi nawala ang kanyang value. P100 pa rin siya.

Eh kung itong pekeng P100 na ito, plantsahin ko, lagyan ko ng cologne at iplastic cover ko pa, do you think ang value nito ay katulad ng tunay na P100? No! Why? Kasi counterfeit lang siya. Peke! Kopya lamang. At wala siyang value. Why? Because it lacks integrity.

I wonder kung ilang mga Christians din ang mga counterfeit christians. Mga peke.

Everything on the outside looks good, but lacks integrity on the outside.

Mateo 23:27-28, "Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ang katulad ninyo’y mga libingang pinaputi, magaganda sa labas, ngunit sa loob ay puno ng kabulukan at buto ng mga patay. vGanyang-ganyan kayo! Sa paningin ng tao’y mabubuti kayo, ngunit ang totoo, punung-puno kayo ng pagpapaimbabaw at kasamaan."

Ang ating puso ay kinakailangang maging malinis from the inside out. Kung tayo ay mamumuhay sa buhay na nais ng Dios para sa atin.

Kinakailangan nating linisin ang mga kabulukan at mga buto ng patay o anumang bagay that will dishonor God.

Hindi maaring magsimulang baguhin tayo ng Panginoon, if it is in the first place, ay wala siyang lugar para sa atin. Kaya;t magsimula na saliksikin ang sarili at magkaroon ng willingness na iconfess sa Panginoon ang mga bagay na ating pinanghahawakan o mas inuuna kaysa sa Kanya.

Awit 139:23-24, “O Diyos, ako;y siyasatin, alamin ang aking isip, Subukin mo ako ngayon, kung ano ang aking nais; Kung ako ay hindi tapat, ito’y iyong nababatid, Sa buhay na walang hanggan, samahan mo at ihatid.

2. LIVE BY CONVICTIONS, NOT BELIEFS

Magkaroon ng paninindigan, hindi lamang paniniwala. Theres a big difference between convictions and beliefs. Kapag sinabing beliefs o paniniwala, ito ay ang iyung ipinamumuhay sa ngayon, ngunit kapag sinabing convictions o paninindigan, ito ay ang iyung willingness na mga yapak na nais mong iwan. Ang legacy ay maiiwan dahil sa yung conviction. At siempre kapag ang ating conviction ay nakabase sa Salita ng Dios, our convictions are etrnal.

Psalm 119:160, 165, “Ang buod ng kautusa’y salig sa katotohanan, Ang lahat ng tuntunin mo’y pawang walang katapusan. Ang magmahal sa utos mo’y mapayapa yaong buhay, Matatag ang taong ito at hindi na mabubuwal.

Ang beliefs o paniniwala ay madaling bilhin at ibenta. Kapag tayo ay nasilaw sa ibat ibang bagay, interest o subjects, magbabago ang paniniwala.

Sa libro ni James Patterson at Peter Rim na pinamagatang, “The Day the World Told the Truth, kanilang tinanong ang mga tao ng ganitong tanong, “Ano ang maari mong gawin kapalit ang $10M.

25% Abandon the family

25% Abandon the church

23% Sell their body to prostitution

7% Kill a stranger

10% Withold testimony to allow a murder to get free.

Kung minsan meron katapat na presyo kung ano ang ating pinamumuhay na paniniwala. Tulad ng survey na yan. Pero kapag conviction, kahit anung presyo pa ang itapat sayo, kahit ano pang iharap sa yo ay hindi ka matitinag. Live by convictions, not beliefs.

At kapag tayo, bilang mga Christiano, ay hindi firm ang ating conviction, people may view us a hypocrites, mapagimbabaw lang. Sa katunayan ang salitang hypocrites ay galing sa salitang griego na ang ibig sabihin ay stage actor…. Artista… Artista na gumaganap sa ibat ibang role sa pagpapalit ng maskara sa pagtaypo sa entablado.

Meron din tayong tendency na magsuot ng ibnat ibang maskara kapag mababaw ang ating paninindigan. Pwede kang magsuot ng isang mskara sa araw ng linggo kapag ikaw ay nasa church, pwede rin naman ibang maskara kapag sa weekdays sa inyong tahanan o sa trabaho.

Maari na ganito ang posisyon at pananaw mo sa isang bagay, pero makalipas ang ibang taon iba na ang iyung positiomn.

So kung tayo ay susuond lamang sa flows o agos, pretty soon, darating ang panahon, hindi mo na alam kung nasaan ka na ba tlaga.

Sabi ni George Banrner, “We live in a soundbyte society.” Na ang mga tao ay mas madaling paniwalaan ang mga sabi-sabi kaysa sa katotohanang may sitema spagkat wala silang panahon at pandinig na alamin ang katotohanan na iyun.

Ang mga tao’y malamang na tanggapin ang tolerance, diversity and feeling good kaysa sa judgment, discernemnt and righteousness. People are more focused on tempoiral security than eternal securities. Kaya nga madalas na sinasabi ng ating Pastor, never sacrifice big thing to the samll things. Kung minsan ang malalaking bagay ang ating nasasakrispisyo at pinipili natin ang mga maliliit na mga bagay na naririto just to satisfy us to that moment. NO!... Tingnan natin ang mas malaking benefits na naghihintay sa atin kung ating paninindigan ang katotohan na ating pinaniniwalaan, na ipinanga ko ng Panginoon sa atin.

Live life with convictions not beliefs.

Efeso 4:14-15, “Hindi na tayo matutulad sa mga batang nadadala ng bawat aral, parang sasakyang-dagat na sinisiklut-siklot ng mga alon at tinatangay ng hangin. Hindi na tayo malilinlang ng mga taong ang hangad ay ibulid tayo sa kamalian. Manapa’y sa pamamagitan ng pagsasalita ng katotohanan sa diwa ng pag-ibig, magiging ganap tayo kay Cristo na siyang ulo.”

At sa mga parents no, I encourage you to set your convictions early on in life.

Ako ay namulat sa tahanan ng ang aking mga magulang ay malakas ang paninindigan. Firm conviction. Hindi pupwedeng kahit sino man sa amin ang magbreak sa convictions na yun, dahil yun ang ang stand ng aming parents sa simulat simula pa.

Althought kahit na ngayon na kami ay naglakihan, mga adult na kami, at nagmatured na, may mga ilang kaming paniniwala, for example sa isang bagay, na iba sa paniniwala ng aming mga magulang. We have different views, different perspective, different belief sstem. Pero ang isang bagay na nasa amin na kailanman ay hindi magkakaroon ng difference. Ano un? Yung conviction na pinakita nila mommy and daddy na sa simula ng mga bata pa kami. Well anu-ano ang conviction na yun.

The conviction of serving God in the field that we chose.

The conviction of always standing on truth.

The conviction of respecting authoriries.

The conviction of loving ourselves and having self worth so that we could love others and respect the nature.

The conviction of having integrity and credibility.

The conviction of the importance of education.

At marami pang iba…

Tandaan natin ito, children will not necessarily follow your belief system, but they will capture your convictions. Kung ano ang iyung pinamumuhay na kanilang nakikita ay higit nilang matututunan kaysa sa mga aral na iyung itinuturo at kanila lamang naririnig. Remember that more will be caught than taught.

Live by convictions, not beliefs.

3. RENEW YOURSELF IN GOD’S GRACE DAILY

Ipagpatuloy ang sarili sa biyaya ng Dios bawat araw. Ang pagrerenew natin sa kanyang biyaya ay nagpapaalala sa atin na tayo’y naririto dahil lamang sa kanyang amaing grace. At ito ay ipnagkakaloob sa atin ng Panginoon freely upang tulutan ang bawat isa sa atin na mamuhay bawat araw.

May isang lalaki na nahulog sa bangin at hindi siya makaakyat o makaalis. May isang Pariseo na nagdaan at sinabing, Ang mga masasamang tao lamang ang nahuhulog diyan sa bangin. May isang mathematician ang dumaan saka kinalculate at sinukat kung paano nahulog ang lalaki. Dumaan ang isang newscaster upang magkaroon siya ng exclusive story sa pagkakahulog ng lalaki. Next si Buddha naman ang dumaan, at sinabing its only a matter of mind.

Dumaan din ang evolutionist at sinabing isa kang rejected mutant, ikaw at itinadhana na mawala sa evolutionary cycle. Dumaan din ang isang mayamang priest at sinabingHumingi ka ng kapatawaran sa iyung pagkakahulog mo jan sa bangin.

Finally, dumaan si Jesus, lumundag siya sa bangin, binuhat ang lalaki at kanya itong iniakyat.

May pagkakataon din naman na tayo ay nalalaglag sa bangin ng kasalanan tulad ng lalaking ito. Pero alam niyo ba na ang Panginoon doesn’t care how many times we fall. Kahit na ilang beses tayo nalalaglag sa bangin, ang Panginoon ay patuloy na lumulundag sa bangin upang tayo ay kanyang iangat kung willing tayo na humingi ng tulong sa kanya. Renew yourself in His grace everyday.

Efeso 1:7, “Sa kanya’y mayroon tayong katubusan sa pamamagitan ng kanyang dugo, na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kanyang biyaya.”

Sa Biblia ay maraming mga examples na mga tao na halos pareho ang kanialng sitwasyon ngunit magkaiba ang kanilang kinahinatnan sa pagkat ang isay inaocknowledge ang biyaya ng Panginoon at ang isa namany hindi.

Si David at Sa Saul. Pareho silang naging hari ng Israel. Binigyan sila ng Panginoon ng pribelehiyo na pamunuan ang kanyang bayan. Pareho silang nagkasala ngunit si David ay nagtagumpay at muling nakabalik sa Panginoon. Bakit? He renewed himself in God’s grace.

Si Samson at si gideon. Pareho silang naging Judges o Hukom na tinwag ng Panginoon upang palayain ang Israel sa pagkakaalipin mula sa mga dayuhan. Lubos ang katagumpayanan sa pamumuno ni Gideon kahit na siya’y mahina at duwag kumpara kay Samson. Bakit? He renewed himself in God’s grace.

Si Pedro at si Judas. Dalawang tao na tinawag ng Panginoon upang kanyang maging disipulo. Ang isa’y itinatwa si Jesus, ang isa naman itinanggi siya ng tatlong beses. Halos pareho ang pagkakamali. Ngunit si Pedro ay muling nakabalik at ginamit siya ng Panginoon sa pagpapalwak ng ebanghelyo. Bakit? He renewed himself in God’s grace.

Actually God is not expecting us to be a perfect Christians. He wants us to be authentic Christian. The real one. At nanghyayari ito kapag total dependent tauyo sa Panginoon at kinikilala natin ang kanyang biyaya.

CONCLUSION

May isang great person na nabuhay dito sa mundo at kinilala siya ng maraming bansa. Siya ay si Mohandas Karamchand Gandhi o mas kilala natin na Mahatma Gandhi. Ang kanyang pangalan ay nangangahulugan na Great Soul.

Si Mahatma Gandhi ay isang malaking political and spiritual leader ng India at ng Indian Independence Movement. Pinasimulan niya ang Salyaghara, ang pilosopiya o paniniwalang concern sa katotohanan at ang pakikipaglaban sa kasamaan through active, non-violent resistance na kung saan napangunahan niya ang kalayaan ng India. Kanyang nabigyang inspirasyon ang buong mundo sa pakikipaglaban sa civil rights and freedom na walang ginagamit na dahas. At milyon-milyon ang kanyang naging tagasunod.

Alam niyo ba na sa Mahatma Gandhi ay naimpress at naatract sa mga katuruan ni Jesu-Cristo habang binabasa niya ang Scriptures o ang ating Biblia. Kaya naman ito ang nambunsod sa kanyang interes na pag-aral ang Biblia.

Ngunit ng kanyang inoobserbahan at tinitingnan ang pamumuhay ng mga tagasunod ni Cristo, in short, ang mga Christiano, siya ay nadisapoint sa mga ito. Kaya isa sa kanayng mga quotes ay sinabi niya,

“I like Christ but I do not like Christians. Christians are so unlike to Christ.”

Hindi na-convert si Mahatma Gandhi sa Christianity dahil sa disapointments niya sa mga Christiano na kanyang mga nakilala. Kung titingnan natin, sayang ang pagkakataon na sanay milyong milyong mga Indians ang yumakap sana sa paniniwalang Kristianismo.

Church, alam niyo ba na mayroon ding Mahatma Gandhi na nakatingin sa inyo at tinitingnan ang inyong pamumuhay bilang Christiano? Yes… Sila ang inyung mga anak, magulang, kamag-anak, kaibigan, kaklase, katrabaho, at ilang mga tao na nakapaligid sa inyo. Kanilang tinitingnan ang inyong pamumuhay sa inyung pananampalataya.

Ang kanilang magiging pananampalataya kay Cristo ay magsisimula sa iyung buhay kung paano mo ipinamumuhay si Cristo.

Church let us be bold. Always remember na tayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang asin ng sanlibutan.

Ang Panginoon ay natuwa kay David, at sinabi sa Biblia sinabing David is one who fulfilled his purpose to his destiny.

Isnt it wonderful? Yung purpose ni David para sa kanayng henerasyon ay kanyang nafulfilled. Ang ating repsonsibility ay hindi lamang sa taon na ating pinamuhay kundi maging sa mga henerasyon na ating mapoproduce.

Maari bang sabihin sa atin, o kaya’y kapag tayoy namatay at nakalagay sa ating lapida, the one who fulfilled his destiny to his generation?

Mangyayari ito if we set inner integrity as our goal, by living our life with convictions and renewing ourselves daily in the grace of God.