Sermons

Summary: A sermon that will teach how to make wiser decisions.

  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
  • Next

Ito Ba O Iyon???

How to Make Wiser Decisions

Luke 23:18-25

SCRIPTURE READING

Ang ating teksto sa umagang ito ay ang ating Scripture Reading sa Lucas 23:18-25. Ito ay nang humarap si Jesus kay Pilato.

Nabahala ang mga Pariseo o ang mga Jewish leaders dahil sa popularity ni Jesus Christ. Marami na sa kanyang tagasunod, kaya naman nais na nila itong matigil gumawa sila ng plano kung paano si Jesus ay madakip at mapatay.

Ang kaso na kanilang ibinibintang ay blasphemy dahil sa kiniclaim ni Jesus na siya ang anak ng Dios. Ngunit alam ng mga Jewish leaders na ang kasong ito ay mahina at itatapon lamang ng Roman court. Kaya sila’y nagsimulang gumawa ng isorya.

Ang kanilang strategy, sabihin na sinasabi ni Jesus sa mga tao na huwag silang magbayad ng buwis at inuudyok niya sila na magrebelde laban sa government. Ang kasinungalingang ito ang naging dahilan upang si Jeus ay dakpin at iharap kay Pilato.

Nang makita ni Pilato si Jesus, alam niya na wala itong kasalanan. Sabi sa Lukas 23:4, “At sinabi ni Pilato sa mga pangulong saserdote at sa mga karamihan, Wala akong masumpungang kasalanan sa taong ito.”

Bagamat walang dungis na makita si Pilato laban kay Jesus, at hindi dapat parusahan. Ipinasa niya ang pagdedesisyon sa mga tao. Hindi nanindigan sa katotohanan si Pilato. Naghugas kamay siya. At ang pagdedesiyon na dapat sana’y siya ang gumawa ay hindi pinanindigan. Ang pagkakataon na yun sana kay Pilato ay history making. Ngunit pinalagpas niya ang pagkakataon na iyun dahil sa maling desisyon.

Nagyong umaga ay pagusapan natin ang pagdedesisyon o pagpili ng mga bagay na tama at dapat gawin. Ito Ba o Iyun? How to make wiser decisions.

Araw-araw ang bawat isa sa atin ay gumagawa ng desisyon o mga pagpili. Mula sa pagkagising sa umaga hanggang sa ating pagtulog, ibat ibang desisyon ang kinakailangan nating gawin.

Ang ibay mga madadali at simpleng desisyon tulad ng anung kakainin mo sa umagahan, anung isusuot mo sa pagsimba mo, o anung channel ng telebisyon ang iyung panonoorin, kapuso ba o kapamilya.

Ang ibang desisyon naman ay mabibigat at kinakailangang pag-isipan mabuti, anung kurso ang kailangan kong kunin, sino ang aking mapapangasawa, saan titira ang aking pamilya.

Life is all about choices.

Magpunta ka sa grocery, magugulat kasa dami ng produkto na iyung pagpipilian. Halimbaway nagpunta ka sa toothpaste section, ibat iba ang brand. May colgate, close-up, happee, sensodyne at iba pa. At kung napili mo na kung anung brand ang gusto mo, meron pang features na pagpipilian ka, cavity protection, sensitive teeth protection, nature’s expression, pro-health. Nakita mo na kung anung kelangan mong feature? Mamili ka kung anung flavor ang gusto mo, mint, vanilla mint, citrus clean mint, pure peppermint, mint plus green tea extract, lemon ice or cinammon. On top of this, anung gusto mo, gel or liquid form. At hindi pa natatapos, meron pa sa kid’s line. Meron na naman brand, feature, flavor, form, etc.

Life is full of choices. Kaya hindi mo pwedeng sabihin na wala kang choice. There’s no such thing as no choice. Theres always a choice.

Kung gayon kung palaging may choice, nasa aking pagdedesisyon ang dapat kong piliin. Ang mga bagay na ating pagdedesisyunan ang siyang makapagbabago ng aking buhay. Maaring itoy palugmukin ako o ito’y mag-angat sa akin.

Deuteronomy 30:19, “Saksi ko ang langit at ang lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay o kamatayan, at ang pagpapala o sumpa. Kaya, piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong lahi ay mabuhay nang matagal.”

Alalahanin natin, ang desisyon na ating gagawin, hindi lamang itoy nagkakaroon ng impact sa ating sarili kundi pati sa iyung lahi. This will be the legacy you leave behind.

Actually the greatest challenge is not choosing what‘s good or evil. Ang pinakamatinding hamon sa ating pagdedesisyon ay hindi yung pagpili kung ano ang tama o ano ang mali. Sspagkat sa ating mga Christiano, inilatag sa atin ng ating Panginoon, inireveal niya ang mga bagay sa atin.

Ang challenge sa atin kundi what good and best for our lives. In other words, Whats is wise or wiser.

So How to make wiser decisions.

1. BEGIN WITH THE RIGHT END IN MIND

Sa desisyon na iyung gagawin, dapat alam mo na ito’y mabuti o tama sa kanyang kahihinatnan. Nakikita mo dapat ang destiny ng iyung gagawing desisyon ngayon.

Ang sabi ni Steven Coveys sa 7 Habits of Highly Effective People, “Begin with the right end in mind with a clear understanding of your destination.

Si Pilato ay nagkamali sa kanyang pagdedesisyon spagkat hindi niya nakita ang kahalagahan ng pagkakataon na dapat ay pinanindigan niya. Ang kanya lamang naisip ay ang sasabihin ng tao sa kanya, at hindi niya nakita ang destiny ng kanyang ginawang desisyon. Begin with the right end in mind.

Doon sa Alice ing Wonderland, nang si Alice ay naglalakbay at mapunta siya sa may dalawang daan. Kaliwa ba o kanan. Tinanong niya ang Chesire Cat kung saan ang daan na dapat niyang tahakin.

Copy Sermon to Clipboard with PRO Download Sermon with PRO
Talk about it...

Nobody has commented yet. Be the first!

Join the discussion
;