Summary: A sermon that will teach how to make wiser decisions.

Ito Ba O Iyon???

How to Make Wiser Decisions

Luke 23:18-25

SCRIPTURE READING

Ang ating teksto sa umagang ito ay ang ating Scripture Reading sa Lucas 23:18-25. Ito ay nang humarap si Jesus kay Pilato.

Nabahala ang mga Pariseo o ang mga Jewish leaders dahil sa popularity ni Jesus Christ. Marami na sa kanyang tagasunod, kaya naman nais na nila itong matigil gumawa sila ng plano kung paano si Jesus ay madakip at mapatay.

Ang kaso na kanilang ibinibintang ay blasphemy dahil sa kiniclaim ni Jesus na siya ang anak ng Dios. Ngunit alam ng mga Jewish leaders na ang kasong ito ay mahina at itatapon lamang ng Roman court. Kaya sila’y nagsimulang gumawa ng isorya.

Ang kanilang strategy, sabihin na sinasabi ni Jesus sa mga tao na huwag silang magbayad ng buwis at inuudyok niya sila na magrebelde laban sa government. Ang kasinungalingang ito ang naging dahilan upang si Jeus ay dakpin at iharap kay Pilato.

Nang makita ni Pilato si Jesus, alam niya na wala itong kasalanan. Sabi sa Lukas 23:4, “At sinabi ni Pilato sa mga pangulong saserdote at sa mga karamihan, Wala akong masumpungang kasalanan sa taong ito.”

Bagamat walang dungis na makita si Pilato laban kay Jesus, at hindi dapat parusahan. Ipinasa niya ang pagdedesisyon sa mga tao. Hindi nanindigan sa katotohanan si Pilato. Naghugas kamay siya. At ang pagdedesiyon na dapat sana’y siya ang gumawa ay hindi pinanindigan. Ang pagkakataon na yun sana kay Pilato ay history making. Ngunit pinalagpas niya ang pagkakataon na iyun dahil sa maling desisyon.

Nagyong umaga ay pagusapan natin ang pagdedesisyon o pagpili ng mga bagay na tama at dapat gawin. Ito Ba o Iyun? How to make wiser decisions.

Araw-araw ang bawat isa sa atin ay gumagawa ng desisyon o mga pagpili. Mula sa pagkagising sa umaga hanggang sa ating pagtulog, ibat ibang desisyon ang kinakailangan nating gawin.

Ang ibay mga madadali at simpleng desisyon tulad ng anung kakainin mo sa umagahan, anung isusuot mo sa pagsimba mo, o anung channel ng telebisyon ang iyung panonoorin, kapuso ba o kapamilya.

Ang ibang desisyon naman ay mabibigat at kinakailangang pag-isipan mabuti, anung kurso ang kailangan kong kunin, sino ang aking mapapangasawa, saan titira ang aking pamilya.

Life is all about choices.

Magpunta ka sa grocery, magugulat kasa dami ng produkto na iyung pagpipilian. Halimbaway nagpunta ka sa toothpaste section, ibat iba ang brand. May colgate, close-up, happee, sensodyne at iba pa. At kung napili mo na kung anung brand ang gusto mo, meron pang features na pagpipilian ka, cavity protection, sensitive teeth protection, nature’s expression, pro-health. Nakita mo na kung anung kelangan mong feature? Mamili ka kung anung flavor ang gusto mo, mint, vanilla mint, citrus clean mint, pure peppermint, mint plus green tea extract, lemon ice or cinammon. On top of this, anung gusto mo, gel or liquid form. At hindi pa natatapos, meron pa sa kid’s line. Meron na naman brand, feature, flavor, form, etc.

Life is full of choices. Kaya hindi mo pwedeng sabihin na wala kang choice. There’s no such thing as no choice. Theres always a choice.

Kung gayon kung palaging may choice, nasa aking pagdedesisyon ang dapat kong piliin. Ang mga bagay na ating pagdedesisyunan ang siyang makapagbabago ng aking buhay. Maaring itoy palugmukin ako o ito’y mag-angat sa akin.

Deuteronomy 30:19, “Saksi ko ang langit at ang lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay o kamatayan, at ang pagpapala o sumpa. Kaya, piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong lahi ay mabuhay nang matagal.”

Alalahanin natin, ang desisyon na ating gagawin, hindi lamang itoy nagkakaroon ng impact sa ating sarili kundi pati sa iyung lahi. This will be the legacy you leave behind.

Actually the greatest challenge is not choosing what‘s good or evil. Ang pinakamatinding hamon sa ating pagdedesisyon ay hindi yung pagpili kung ano ang tama o ano ang mali. Sspagkat sa ating mga Christiano, inilatag sa atin ng ating Panginoon, inireveal niya ang mga bagay sa atin.

Ang challenge sa atin kundi what good and best for our lives. In other words, Whats is wise or wiser.

So How to make wiser decisions.

1. BEGIN WITH THE RIGHT END IN MIND

Sa desisyon na iyung gagawin, dapat alam mo na ito’y mabuti o tama sa kanyang kahihinatnan. Nakikita mo dapat ang destiny ng iyung gagawing desisyon ngayon.

Ang sabi ni Steven Coveys sa 7 Habits of Highly Effective People, “Begin with the right end in mind with a clear understanding of your destination.

Si Pilato ay nagkamali sa kanyang pagdedesisyon spagkat hindi niya nakita ang kahalagahan ng pagkakataon na dapat ay pinanindigan niya. Ang kanya lamang naisip ay ang sasabihin ng tao sa kanya, at hindi niya nakita ang destiny ng kanyang ginawang desisyon. Begin with the right end in mind.

Doon sa Alice ing Wonderland, nang si Alice ay naglalakbay at mapunta siya sa may dalawang daan. Kaliwa ba o kanan. Tinanong niya ang Chesire Cat kung saan ang daan na dapat niyang tahakin.

Sumagot ang pusa, “Ang daan ay depende kung saan ka tutungo. Saan ka ba pupunta,” tanong ng pusa.

Sumagot si Alice, well hindi ko alam, kahit saan.

Kaya sumagot ang pusa at ang sabi, Then it doesn’t matter which way you go.” Eh hindi mo pala alam kung saan ka pupunta, edi kahit saan ka tumawid diyan wala ring pagkakaiba.

Kapag hindi mo alam kung saan ang destination ng iyung desisyon, kahit anu na lang ang piliin mo. Wala rin namang pagkakaiba.

Kaya’t napakahalaga kung anung goal ng desisyon na iyung gagawin. Kapag nalaman mo ito, you will be moving in the right direction. Your life will make more sense. Mas may kalayaan ka at madali sayo dahil alam mo ang iyung patutunguhan. Ngunit sa kabilang banda, kung hindi mo alam ay iyung pupuntahan, macoconfuse ka sa mga decisions in life. Hindi mo maidentify kung aakyat ka ba o bababa. By this point, you feel lost and without direction. Then ang life mo ay magiging paralyze. At napagiiwanan ka ng mga kacontemporary mo.

May mga nais kang gawin pero hindi ka makamove at makagawa ng choices sa buhay? Bakit? Malabo ang iyung goals at hindi mo alam kung saan tutungo. Begin with the right end in mind.

Kaya’t napakahalaga na magkaroon ng tamang destination in life. Otherwise, our life will be a chaotic mess. Kung hindi tayo magiging maingat, ang ating choices ay madidiktahan lamang ng mga circumstances, ng feelings o ng emotions. Mahinang klase at napakalabong future.

Si Pastor Elwin ng New Hope Church ay nagsuggest ng mga kaparaan kung paano natin maaasess ang ating sarili sa desisyon na ating gagawin. Ang unay alamin mo kung anung God’s will sa iyung buhay. Ang iyung plano at ang plano ng Diyos sa iyung buhay ay kinakailangang malinaw at iacknowledge mo.

Paano mo malalaman ang God’s will sa yung buhay? Kinakailangan na ito’y ipanalangin at dapat ito ay umaayon din naman sa yung sariling talents, sa yung hilig, sa yung experience, sa iyung pinagaralan, sa yung kakayahan. Ang mga bagay na ito, kapag inofer mo sa Panginoon, malalaman mo ang kanyang will sa yo.

Tingnan mo kung saan ka ngayon. Ano ba ang iyung kalagayan.

At mula sa dalawang bagay na ito, kinakailangan gumawa ka ng tulay. Magkaroon ng pagpaplano at actions kung ano-anong mga steps ang kinakailangang gawin.

What di I specifically need to do to reach the goal that God has for me.

So sa pagfifill up ng diagram na ito, tumutulong ito upang ma-assess kung ano ang nais ipagawa sayu ng Panginonn. Makikita mo kung ikaw ba ay sumusulong o umaatras sa yung goals.

Begin with the right end in mind.

2. BE WILLING TO COMMIT TO THE CONSEQUENCES

Bawat desisyon na ating gagawin ay may kapalit. At kung anuman ang ating mapili, be prepared for those consequences.

Alam ko na ang lahat sa inyo ay mag-aagree sa akin kung sabihin ko na napakadali na gumawa ng desisyon o pagpili, PERO ang mahirap ay ang harapin ang mga consequences ng bagay na iyung pinili. Kaya napakahalaga na ating maunawaan that every choice will include a consequence.

Halimbawang may dalawang bagay na iyung pinagpipilian. Itong A or B. Ito’y nagrerepresent ng halimabawa’y your course, your carreer or your destiny. Kinakailangan mong pumili ng isa.

Halimbawang itong A ang iyung pinili. You should be prepared sa mga problems and challenges na nasa A. AT THE SAME TIME, kinakailangan mo ring tanggapin ang mawawala sayo dahil sa hindi mo napili si B.

Be willing to commit to the consequences.

Samakatuwid, bago magdesisyon makita mo dapat ang mga bagay na kakaharapin mo at itanong mo sa sarili mo kung kaya mo ba to make a commitment to those consequences.

Hindi yung, ay ang hirap pala nito, doon na lang pala ako. Lipat ka sa kabila. Napakashallow ng iyung commitment sa yung napili.

Youre praying na Lord bigyan mo ako ng work at maemployed ako. Nagkaroon ka ng work. Then after ilang months tinamad ka na. At sasabihin mo na ay hindi ako para dito. Hindi ako dito inilagay ng Panginoon para sa akin. Wala kang commitment to face the consequences of being employed.

When I decided to pursue pastoral ministry, tiningnan ko ang mga consequences na mangyayari sa akin. Tinimbang ko so siya, at alam ko na maraming masasacrifice. What if this is not a calling sabi ko sa sarili ko. And what is at the midpoint of my ministry hindi pala ako dito. Nakita ko ang mga bagay na yun. And to be honest natakot ako at naalarma sa mga consequences na darating sa desisyon na aking gagawin. But im willing to commit to the consequences.

Listen this church, kapag willing tayo na harapin ang mga consequences na darating dahil sa ating napiling desisyon, ang iyung character qualities will increase.

Madedevelope ang self-control, patience and faithfulness which is yun ang nais ng Panginoon na mangyari sayo. Be willing to commit to the consequences.

Pero ang iba dahil takot sa consequences ang gagawin hindi na lang magdedecide. Gagayahin ang tulad ng ginawa ni Pilato. Maghuhugas kamay at ipapasa sa ibang tao ang pagdedesisyon na dapat sila ang gumawa.

Nung si Former US President Ronald Raegan ay bata pa, isinama siya ng kanyang auntie na magtungo sa isang shoemaker upang pagawan siya ng bagong pares ng sapatos.

Tinanong ng shoemaker si Raegan. Anung sapatos ang gusto mo, gusto mo ba ng round toes or square toes?

Hindi nakapagdecide si Raegan kaya hindi siya sumagot. So ang sabi ng shoemaker, Ok Raegan bibigyan kita ng ilang araw upang makapagisip kung anung klaseng pares sapatos ang gusto mo.

Lumipas ang mga arw, habang si Raegan ay naglalakd, nakita siya ng shoemaker sa kalye. Tinanong ng shoemaker, “Raegan nakapagdecide ka na ba? Anung klaseng sapatos ang gusto mo? Round toes or Square toes. Ngunit si Raegan ay hindi pa rin makapagdecide. Kaya sinabi ng shoemaker, Okay Raegan pumunta ka sa akin sa shop sa makalawa, at ang iyung spatos ay nakahanda na.

Nang ang future president ay nagtungo nga makalipas ang dalawang araw, nalaman niya na ang pares ng sapatos na ginawa ng shoemaker, isang roung toed at isang square toed shoe.

Ang sabi ng shoemaker, magsilbing aral ito na sa mga bagay na dapat ikaw magdesisyon, huwag mong hahayaan na ang ibang tao ang magdesisyon para sayo.

Kaya ang sabi ni Ronald Raegan, I learned right then and there, if you don’t make your own decisions, someone else will.

At ang nagiging resulta, mas malaki pa ang consequences dahil sa ito’y hindi mo inasahan. Magdesisyon sa mga bagay na ikaw dapat magdesisyon at sa consequences na darating, be prepared.

Be williing to commit to the consequences. Third…

3. TRUST IN THE PROCESS AND PROVIDENCE OF GOD

Yes there is a process involved and we must honor it. At kapag ang goal ng Panginoon ang iyung ninanais, then God will provide, so trust in Him.

Proverbs 3:5-6, “Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Sa lahat ng iyong gawain siya nga’y alalahanin, upang ika’y patnubayan sa iyong mga tatahakin.

Ang Panginoon ang nag-aalign ng ating path during the process. All we have to do is to acknowledge him and trust Him.

Kung minsan, masyado tayong nagmamadali at nagiging impatioent tayo sa destiny at atat na atat tayong makuha kaagad goals. Gusto natin na from step A eh makalundag kaagad tayo sa Step D. There is a process and we should get through it. Wag nating madaliin o pwersahin ang proseso at daraanan natin.

At sa ganung pagkakataon, kinakailanagan ang pagtitiwala sa providence ng Panginoon.

Habakkuk 2:3” Put it in writing, because it is not yet time for it to come true. But the time is coming quickly, and what I show you will come true. It may seem slow in coming, but wait for it; it will certainly take place, and it will not be delayed.”

Ito’y nagsasabi ng tatlong katotohanan, Una, God is in control. Pangalawa, God loves me. At pangatlo, God does not make a mistake.

Kapag gagawin natin ang mga bagay sa kaparaanan na nais ng Panginoon, tyayo ay nakasisigurong makagagawa ng mga best decisions. At masasabi natin, well God ive made my part, ikaw naman. Do the rest.

Although kung mayroon man tayong mga pagkakamali o maling desisyon along the way, kung tayo ay patungo sa direksyon na nais ng Panginoon para sa atin, hindi niya hahayaan na tayo ay mapalayo pa, at maligaw-ligaw at mapahamak. Muli niya tayong ibabalik into correction.

Ang proseso na ating pinagdadaanan ang siyang magrerefine sa atin. Ito ang panahon sa iniiscrub ang ating heart upang maging tama ang ating mga motibo.

Kasi naturally mas nagiging concern tayo duon sa destination, doon sa location, doon sa vocation. Pero ang nais ng Panginoon ay yung transformation ng ating heart during the process.

Sa katunayan, ang pagkakamit ng goals na ating pinatas ng pilit at hindi nahinig dahil sa walang proseso ay napakapait. At ang success na iyun ay nagdudulot lamang na matinding stress sa iyung buhay.

Philippians 2:13, “because God is always at work in you to make you willing and able to obey his own purpose.”

Ang Diyos ang siyang kumikilos at gumagawa upang mangyari ang kanyang nais para sa iyu.

CONCLUSION

A basketball in my hands is worth about $19. A basketball in Michael Jordan’s hands is worth about $33 million. It depends whose hands it’s in.

A baseball in my hands is worth about $6. A baseball in Mark McGwire’s hands is worth $19 million. It depends whose hands it’s in.

A tennis racket is useless in my hands. A tennis racket in Venus Williams’

hands is a Championship Winning. It depends whose hands it’s in.

A rod in my hands will keep away a wild animal. A rod in Moses’ hands will part the mighty sea. It depends whose hands it’s in.

A sling shot in my hands is a kid’s toy. A sling shot in David’s hand is a mighty weapon. It depends whose hands it’s in.

Two fish and 5 loaves of bread in my hands is a couple of fish sandwiches. Two fish and 5 loaves of bread in God’s hands will feed thousands.

It depends whose hands it’s in.

Nails in my hands might produce a birdhouse. Nails in Jesus Christ’s hands will produce salvation for the entire world. It depends whose hands it’s in.

As you see now it depends whose hands it’s in. So put your concerns, your worries, your fears, your hopes, your dreams, your families and decisions in God’s hands because...It depends whose hands it’s in.

Kung ang ating mga plano, ang ating mga desisyon at maging ang ating buhay ay nasa kamay ng ating Panginoon, nakasisiguro tao na katagumpayanan, pagpapala at buhay ang ating makakamit. It depends whose hands it’s in.