-
Glorifying God Through Trials Series
Contributed by Tristan Ed Gana on Aug 19, 2019 (message contributor)
Summary: Even trials we experience in this world has a purpose - to glorify God.
- 1
- 2
- 3
- …
- 6
- 7
- Next
TEXT:
John 9:1-3
- As he went along, Jesus saw a man blind from birth.
- His disciples asked Him, "Rabbi, who sinned, this man or his parents, that he was born blind?"
- "Neither this man nor his parents sinned," said Jesus, "but this happened so that the work of God might be displayed in his life.
Juan 9:1-3
- Sa paglalakad ni Jesus, nakita Niya ang isang lalaking ipinanganak na bulag.
- Tinanong Siya ng Kanyang mga alagad, “Guro, sino po ang nagkasala at ipinanganak na bulag ang lalaking ito, siya ba o ang kanyang mga magulang?”
- Sumagot si Jesus, “Ipinanganak siyang bulag, hindi dahil sa nagkasala siya, o ang kanyang mga magulang, kundi upang mahayag ang kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan niya.
TITLE:
GLORIFYING GOD THROUGH TRIALS
I. INTRODUCTION
- Magandang umaga mga kapatid at higit sa lahat sa ating Diyos na buhay.
- Alam nyo mga kapatid, natural na sa ating mga tao ang maging mapanuri, maging mapagtanong at maging curious sa iba’-ibang bagay.
- At ito rin ang naging dahilan kung bakit napakaraming bagay na ang nadiskubre at naimbento dito sa mundo.
- Kung hindi tayo naging mapagtanong nung bata tayo, hindi sana natin malalaman ang iba’t-ibang bagay sa mundo.
- In short mga kapatid, we have so many curious questions in life?
- Bakit ganito? Paano nangyari yun? Ano ang dahilan nito? Sino kaya may gawa nito? Sino responsable dito? Kailan kaya mangyayari ito?
- Too many questions at most of time, nagde-demand tayo ng sagot, ASAP or as soon as possible.
- Kapag may tanong tayo, gusto natin may sagot agad in an instant.
- Even the trials and tribulations na nararanasan natin, we keep on asking, bakit nangyayari ito? Kailan matatapos ito?
- To the point na we are even questioning God why would He allow these things to happen to us.
- At kapag wala tayong nakuhang sagot agad, ang dami na nating ideas or haka-haka or imbentong dahilan para lang ma-justify ang mga pangyayari sa buhay natin.
- Pero ang totoo mga kapatid, nangyayari ang mga bagay sa ating buhay dahil may purpose ang Lord. At ano po ito? Ito po ang sasagutin ng mensahe Diyos sa umagang ito.
II. MESSAGE
- On these verses mga kapatid, meron pong tatlong pangunahing tauhan at roles.
- Una po ang blind man and his blindness (verse 1), pangalawa ang mga disciples at ang kanilang katanungan (verse 2), at pangatlo ang ating Panginoong Hesus at ang Kanyang kasagutan (verse 3).
- And each one mga kapatid ay may sinisimbolo sa ating buhay pagdating sa mga nararanasan nating pagsubok or trials at ito po ang nais kong ibahagi sa inyo sa gabing ito, for the glory of God.
A. VERSE 1 - BLINDMAN AND HIS BLINDNESS
- This symbolizes mga kapatid, the trials na pwede nating maranasan sa buhay natin.
- It could be infirmities or kapansanan or karamdaman, tulad mismo ng pagkabulag, nagka-cancer ka, or nagkasakit ang isa sa mga mahal mo sa buhay, naputulan ka ng paa or nawalan ka ng pandinig.
- It could also mean, pain or heartache or rejection. Niloko ka ng asawa mo or ng kasintahan mo. Tinalikuran ka ng mga kaibigan mo nung panahong kailangan mo sila or hindi mo maramdaman na pinapahalagahan ka ng mismong pamilya mo.
- It could be work-related, napagalitan ka ng boss mo. Hindi nila na-a-appreciate ang mga effort mo or worse, tinerminate ka ng wala sapat na dahilan.
- Harassment, oppression, disappointments, pressures and many more mga kapatid and these are the sample of trials na pwede nating maranasan sa mundong ito katulad ng lalaki dito sa verse natin na pinanganak siyang bulag at ito ang trial or pagsubok niya sa kanyang buhay.
- And most of the people ay may usual na reaction kapag may mga ganitong pangyayari sa buhay nila.
- At ito ang sinisimbolo ng ating pangalawang tauhan.
B. VERSE 2 - DISCIPLES AND THEIR QUESTION
- This symbolizes US/MAN/TAO
- Usual na reaksyon natin: Magtanong. Magkaroon ng kwestyon. Magkaroon ng haka-haka or imbentong dahilan.
- At ito po ang sinisimbolo ng kung ano ang ginawa ng mga disciples na kasama ng Lord nung makita nila ang bulag.
- Agad silang nagkaroon ng dahilan sa kung bakit nabulag ang taong iyon.
- Tanong nila, “Sino ang nagkasala, ang taong iyon or ang kanyang magulang?”
- At ito rin ang usual na reaction nating mga tao sa harap ng isang pagsubok, sa sarili man natin or sa kapwa.
- Halimbawa, kung nagkasakit or miyembro ng pamilya mo, nandun na ang kwestyunin mo ang Lord, bakit ito nangyari sa inyo.
- To the point na sinusumbatan natin ang Lord na sa kabila ng paglilingkod mo sa Kanya, eh nangyari pa rin sayo ang bagay na ito.
- Or kapag may kakilala tayo na dumaranas ng trials sa buhay, ang ideya agad natin eh, “Makasalanan siguro yan kaya nangyari sa kanya ang bagay na yan.”