TEXT:
John 9:1-3
- As he went along, Jesus saw a man blind from birth.
- His disciples asked Him, "Rabbi, who sinned, this man or his parents, that he was born blind?"
- "Neither this man nor his parents sinned," said Jesus, "but this happened so that the work of God might be displayed in his life.
Juan 9:1-3
- Sa paglalakad ni Jesus, nakita Niya ang isang lalaking ipinanganak na bulag.
- Tinanong Siya ng Kanyang mga alagad, “Guro, sino po ang nagkasala at ipinanganak na bulag ang lalaking ito, siya ba o ang kanyang mga magulang?”
- Sumagot si Jesus, “Ipinanganak siyang bulag, hindi dahil sa nagkasala siya, o ang kanyang mga magulang, kundi upang mahayag ang kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan niya.
TITLE:
GLORIFYING GOD THROUGH TRIALS
I. INTRODUCTION
- Magandang umaga mga kapatid at higit sa lahat sa ating Diyos na buhay.
- Alam nyo mga kapatid, natural na sa ating mga tao ang maging mapanuri, maging mapagtanong at maging curious sa iba’-ibang bagay.
- At ito rin ang naging dahilan kung bakit napakaraming bagay na ang nadiskubre at naimbento dito sa mundo.
- Kung hindi tayo naging mapagtanong nung bata tayo, hindi sana natin malalaman ang iba’t-ibang bagay sa mundo.
- In short mga kapatid, we have so many curious questions in life?
- Bakit ganito? Paano nangyari yun? Ano ang dahilan nito? Sino kaya may gawa nito? Sino responsable dito? Kailan kaya mangyayari ito?
- Too many questions at most of time, nagde-demand tayo ng sagot, ASAP or as soon as possible.
- Kapag may tanong tayo, gusto natin may sagot agad in an instant.
- Even the trials and tribulations na nararanasan natin, we keep on asking, bakit nangyayari ito? Kailan matatapos ito?
- To the point na we are even questioning God why would He allow these things to happen to us.
- At kapag wala tayong nakuhang sagot agad, ang dami na nating ideas or haka-haka or imbentong dahilan para lang ma-justify ang mga pangyayari sa buhay natin.
- Pero ang totoo mga kapatid, nangyayari ang mga bagay sa ating buhay dahil may purpose ang Lord. At ano po ito? Ito po ang sasagutin ng mensahe Diyos sa umagang ito.
II. MESSAGE
- On these verses mga kapatid, meron pong tatlong pangunahing tauhan at roles.
- Una po ang blind man and his blindness (verse 1), pangalawa ang mga disciples at ang kanilang katanungan (verse 2), at pangatlo ang ating Panginoong Hesus at ang Kanyang kasagutan (verse 3).
- And each one mga kapatid ay may sinisimbolo sa ating buhay pagdating sa mga nararanasan nating pagsubok or trials at ito po ang nais kong ibahagi sa inyo sa gabing ito, for the glory of God.
A. VERSE 1 - BLINDMAN AND HIS BLINDNESS
- This symbolizes mga kapatid, the trials na pwede nating maranasan sa buhay natin.
- It could be infirmities or kapansanan or karamdaman, tulad mismo ng pagkabulag, nagka-cancer ka, or nagkasakit ang isa sa mga mahal mo sa buhay, naputulan ka ng paa or nawalan ka ng pandinig.
- It could also mean, pain or heartache or rejection. Niloko ka ng asawa mo or ng kasintahan mo. Tinalikuran ka ng mga kaibigan mo nung panahong kailangan mo sila or hindi mo maramdaman na pinapahalagahan ka ng mismong pamilya mo.
- It could be work-related, napagalitan ka ng boss mo. Hindi nila na-a-appreciate ang mga effort mo or worse, tinerminate ka ng wala sapat na dahilan.
- Harassment, oppression, disappointments, pressures and many more mga kapatid and these are the sample of trials na pwede nating maranasan sa mundong ito katulad ng lalaki dito sa verse natin na pinanganak siyang bulag at ito ang trial or pagsubok niya sa kanyang buhay.
- And most of the people ay may usual na reaction kapag may mga ganitong pangyayari sa buhay nila.
- At ito ang sinisimbolo ng ating pangalawang tauhan.
B. VERSE 2 - DISCIPLES AND THEIR QUESTION
- This symbolizes US/MAN/TAO
- Usual na reaksyon natin: Magtanong. Magkaroon ng kwestyon. Magkaroon ng haka-haka or imbentong dahilan.
- At ito po ang sinisimbolo ng kung ano ang ginawa ng mga disciples na kasama ng Lord nung makita nila ang bulag.
- Agad silang nagkaroon ng dahilan sa kung bakit nabulag ang taong iyon.
- Tanong nila, “Sino ang nagkasala, ang taong iyon or ang kanyang magulang?”
- At ito rin ang usual na reaction nating mga tao sa harap ng isang pagsubok, sa sarili man natin or sa kapwa.
- Halimbawa, kung nagkasakit or miyembro ng pamilya mo, nandun na ang kwestyunin mo ang Lord, bakit ito nangyari sa inyo.
- To the point na sinusumbatan natin ang Lord na sa kabila ng paglilingkod mo sa Kanya, eh nangyari pa rin sayo ang bagay na ito.
- Or kapag may kakilala tayo na dumaranas ng trials sa buhay, ang ideya agad natin eh, “Makasalanan siguro yan kaya nangyari sa kanya ang bagay na yan.”
- Tulad na lang ng mga disciples ng Lord. Sa naging reaction nila sa pagkabulag ng tao na nakita nila.
- Nag-focus ang mga disciples sa sakit at kasalanan kaya hindi nila nakita kung paano pwedeng kumilos ang Panginoon sa pamamagitan ng pagsubok na yun sa taong bulag.
- So in other words mga kapatid, the disciples symbolizes us and all our questions and wild ideas sa gitna ng pagsubok sa buhay natin.
- Ngunit ang dapat nating malaman ay ang totoong dahilan kung bakit hinahayaan ng Lord na mangyari ang mga bagay na to dito sa mundo.
C. VERSE 3 - JESUS AND HIS ANSWER
- This symbolizes GOD
- Sa bawat katanungan na binibitawan natin tuwing may pagsubok sa buhay natin or tuwing nakaka-saksi tayo ng pagsubok sa ibang tao or nakakaranas tayo mismo sa buhay natin, iisa lang ang simpleng sagot ng Lord:
- “Anak, nangyayari ito para mahayag ang kadakilaan ko.”
- Sabi sa verse 3 “Ipinanganak siyang bulag, hindi dahil sa nagkasala siya, o ang kanyang mga magulang, kundi upang mahayag ang kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan niya.”
- Paano po nangyayari ito?
- Kapag nagkasakit ka, at pinagaling ka ng Lord, sino po ang madadakila? Ang Lord.
- Kapag nakaranas ka ng emotional pain at nalampasan mo yun sa tulong ng Lord, sino po ang maluluwalhati? Ang Lord.
- Kapag na-terminate ka sa trabaho at may ipinalit ang Lord na mas magandang kumpanya, sino po ang mapapasalamatan? Ang Lord na naman po.
- You see mga kapatid, everytime there are trials in our life, God is also there each time to help us get though at ang end result, He will be glorified. Amen!
- 1 Corinthians 10:13
- Let us take note mga kapatid that God did not promise us a life free from any trials.
- Sinabi po ba ng Lord na “Sumunod kayo sa akin at pinapangako ko na magiging madali ang buhay nyo dito sa mundo”. “Hindi na kayo masasaktan at puro kasaganaan na ang mararanasanan nyo”. “Relax lang ang buhay, chill lang kayo”.
- No amen po mga kapatid dahil wala pong ganitong pangako ang Lord sa magiging buhay natin sa mundo.
- Dahil Siya pa nga po ang nagbigay ng babala sa atin.
- Ano po ang sabi ng Panginoong Hesus sa John 16:33b “Here on earth you will have many trials and sorrows.” (NLT)
- Pero ang good news naman mga kapatid, even if God did not promise us a life free of trials, He did promise us one thing that whatever trials we may find ourselves in, we can always count on Him to help us overcome.
- Ang sabi po ng Lord, He will never leave us nor forsake.
- At ang sabi sa Psalm 34:19 The righteous person faces many troubles, but the LORD comes to the rescue each time. (NLT)
- Malinaw po na kahit ang matutuwid na tao ay nakakaranas ng pagsubok, pero ang pangako ng Lord, he will rescue or deliver us from them all.
- Tinuturuan po tayo ng salita ng Diyos that “all things work together for good to those who love God...”
- Kaya whatever happens, we know and we can depend that everything will still be for our own good.
- Kahit pagsubok pa yan na sa tingin natin eh sobrang hirap at hindi natin kakayaning malampasan or pinapahirapan tayo, we are assured that in the end it will be for our own good and for God’s glory.
- Kaya kapag may pagsubok tayo sa buhay, we should not question God, kundi patuloy lang tayong magtiwala na may purpose ang lahat ng bagay.
If everything has a purpose then what are the purposes of trials?
A. It strengthens our faith
- 1 Peter 1:6-7 Ito’y dapat ninyong ikagalak, kahit na maaaring magdanas muna kayo ng iba’t-ibang pagsubok sa loob ng maikling panahon. Ang gintong nasisira ay pinaparaan sa apoy upang malaman kung talagang dalisay. Gayundin naman, ang inyong pananampalataya, na higit na mahalaga kaysa ginto, ay pinaparaan sa pagsubok upang malaman kung ito’y talagang tapat. Sa gayon kayo’y papupurihan, dadakilain at pararangalan sa Araw na mahayag si Jesu-Cristo.
- Dito sa verse na to, yung apoy ang nagsisimbulo sa mga trials na pwede nating maranasan.
- At ito nga daw po ay necessary or kailangan para mapatatag pang lalo ang ating pananampalataya sa Lord.
- Paano po? Dito po natin mate-test kung mananatili tayong kakapit sa pangako ng Lord kahit na may mga pagsubok sa buhay natin.
- Sa kanya pa rin ba tayo dudulog or tatakbo? Or tatalikod na lang tayo sa Lord dahil pakiramdam natin na tinalikuran Niya rin tayo?
- Pero sabi nga kailangan nating magpakatatag sa gitna ng pagsubok or trials, dahil sabi sa salita ng Lord, “Mapalad ang taong nananatiling tapat sa kabila ng mga pagsubok; sapagkat matapos siyang subukin, tatanggap siya ng gantimpala ng buhay (crown of life), na ipinangako ng Panginoon sa mga umiibig sa Kanya.
- Amen. So we undergo trials to strenghten our faith.
B. It develops godly character in us & tests our fruits of the Holy Spirit.
- We are created in the image and likeness of God.
- Kaya dapat nandun ang desire natin na mamuhay ng may kabanalan; for God is holy so we should be holy.
- It does not necessarily mean, magiging Diyos tayo kundi we should strive to live a life in the same way kung paano namuhay ang Panginoong Hesus nung panahong nagmi-ministeryo Siya dito sa mundo.
- Na sa kabila ng mga ng pagsubok sa Kanyang pagiging tao, yung pagpapahiya, pananakit, pag-alipusta at iba pa, nandun pa rin ang pagiging mahinahon Niya, yung patience, yung kababaang-loob.
- And that is the model of a godly person.
- We should be able to handle all trials just like how the Lord Jesus Christ did para ma-develop sa atin ang godly character.
- Ang sabi po sa Romans 5:3-4 Ikinagagalak din natin ang mga kahirapang ating tinitiis dahil alam nating ito’y nagbubunga ng pagtitiyaga. At ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng katatagan, at ang katatagan naman ay nagbubunga ng pag-asa.
- At ito pong pagtitiyaga or patience, katatagan or strength at pag-asa or hope are the godly characters na nade-develop sa atin kapag nakakaranas tayo ng pagsubok.
- And through trials, dito rin po natin nate-test kung ang mga bunga ng Banal na Espiritu ay patuloy nating naisasapamuhay or baka mabilis na nalalaglag kapag nakakaranas na tayo ng pagsubok.
- As Christians, kailangan nating mapaipakita na namumuhay tayo taglay ang mga katangian na ine-expect ng Lord sa atin at nakikita din dapat sa atin sa lahat ng oras ang pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan at pagpipigil sa sarili, na siya pong mga bunga ng Banal na Espiritu na dapat nating taglayin sa lahat ng sirkumstanya.
- Amen.
- Kapag nakita ng tao na sa gitna ng pagsubok ay nananatiling matatag ang pananampalataya mo and you continue to show and develop your godly characters, at patuloy na nakikita sa buhay mo ang mga bunga ng Banal na Espiritu, then definitely, God will be glorified sa buhay mo.
- They will say…..
HOW TO RESPOND TO TRIALS IN OUR LIVES
1. Cry out to God in Prayer
- Madalas po na kapag may pagsubok or problema tayo, una nating hihingan ng tulong ang mga kaibigan natin, minsan naman family natin or may pagkakataon na nauuna pa ang buong mundo na maka-alam dahil sa pagpo-post natin sa facebook or other social media accounts.
- Nakakalimutan natin kung sino ang una nating dapat takbuhan sa oras ng pagsubok.
- Ang sabi po sa Psalms 50:15, “And call on Me in the day of trouble; I will deliver you, and you shall honor and glorify Me.”
- We tend to forget that we are serving a powerful and loving God na Siyang may kakayahan na tulungan tayo sa kahit anong sitwasyon sa ating buhay.
- God is always waiting for our call.
- That is why whenever we are facing trials, we should cry out to God & pray.
- Because only He has the ability to protect us from every trial or distress.
2. Give Thanks
- (sample sarcastic reaction ng tao)
- Madalas, pinaka-mahirap magsabi ng pasasalamat sa gitna ng isang mahirap na sitwasyon sa ating buhay.
- Yung tipong dumaranas ka ng matinding pagsubok at puro pag-a-alala na ang nasa isipan mo.
- Marami sa atin, ang unang reaksyon kapag may pagsubok nanararanasan – emotional, spiritual, mental or physical, gawain natin ang mag-reklamo or mag-murmur.
- “Wala na bang katapusan ang problema?” “Ako na yata ang pina-paboritong dapuan ng pagsubok sa buong mundo.” “Bestfriend ko na ang problema, walang iwanan kami niyan.”
- Reklamo dito, reklamo duon, ganyan po ang karaniwang reaksyon ng tao.
- Pero malinaw po mga kapatid, kung ano ang nais ng Lord na gawin natin.
- Ayon po sa 1 Thessalonians 5:18, “Give thanks in all circumstances, for this is God’s will for you in Christ Jesus.”
- Take note of the phrase “all circumstances”, meaning sa lahat ng pagkakataon at sitwasyon.
- Hindi dapat tayo selective na gagawin lang magpasalamat kapag maayos ang lahat at reklamo naman ang ibabato natin sa Lord kapag may pagsubok.
- So even in the midst of trials sa buhay natin, we should give thanks to God.
- Ibig sabihin lang nito that we are thanking God dahil alam nating yung pagsubok na kinakaharap natin ay may purpose and in the end, it will be for our very own benefit and most importantly, for God’s glory.
3. Rejoice!
- (sample sarcastic reaction ng tao)
- Aside from giving thanks in all circumstances, we are also instructed to rejoice always.
- Sabi po ng Philippians 4:4 Rejoice in the Lord always: and again I say, rejoice!
- The same thing din po kanina, hindi po sinabi na, mag-rejoice or magalak lang tayo sa gitna ng pagpapala.
- Hindi po sinabi na magalak lang tayo kapag walang pagsubok sa buhay natin.
- Kapareho din po sa una, hindi rin po tayo dapat maging selective sa pagkakaroon ng kagalakan sa atin buhay.
- Tama po nakapag may pagsubok sa buhay natin, pwede tayong makaramdam ng lungkot or sakit but it should not stop us from rejoicing.
- We can rejoice in the midst of trials, kasi, we are always looking forward sa mga magagandang idudulot nito sa ating buhay.
- We are rejoicing in advance because by faith, we believe na pagkatapos nating mapagtagumpayan ang pagsubok, God has something great in store for us.
- Sabi nga, everything works together for good, to those who love God.
- And that is a great reason to rejoice always.
(Recite 3 ways to respond to trials)
(TITLE)
- It is a fact that trials come and go sa buhay natin.
- And when we find ourselves in a difficult situation, dyan na pumapasok ang kaaway at magbibigay ng kung ano-anong ideya at haka-haka sa ating isipin hanggang sa mabalisa na tayo.
- And worst, we sometimes find ourselves sa puntong talagang kinukwestyon natin ang Lord tulad nga ng sinisimbolo ng ginawa ng mga disciples.
- We begin to question, talaga bang God is good all the time? All the time, is God really good? Does God really care?
- Pero sabi natin kanina, God will never leave us nor forsake us.
- Tandaan, no matter what is happening around, God is in control at tyak na mapagtatagumpayan natin ang kahit anong sitwasyon meron tayo.
- Ang kailangan lang natin ay palakasin ang ating pananampalataya sa Kanya.
- So, let us examine ourselves mga kapatid, masyado ba tayong nagfo-focus sa mga problema or trials sa buhay natin at hindi na natin napapansin ang pwedeng gawin ng Lord para Siya ay maluwalhati sa pamamagitan nito?
- We should realize that God can bring something good out of our hard times at ang positibong paniniwalang ito ang siyang tutulong sa atin na magtagumpay.
- Kapag may pagsubok, tell yourself, God is in control.
- God will never leave me.
- God is a victorious God so as His child, I will be victorious as well.
- God works for the good of those who love Him. Amen!
- Napakagandang example po sa kung paano kumikilos ang Lord sa pamamagitan ng mga trials natin eh yung nangyari kay Joseph. (tell background story)(sold by his brothers, became a slave, is put in jail and eventually the right hand man of the pharoah) (PIT-PRISON-PALACE)
- Gen 50:20 You intended to harm me, but God intended it for good to accomplish what is now being done, the saving of many lives. (explain)
- Tulad ni Joseph at ng iba pang Bible characters, lahat tayo ay nakakaranas din ng pagsubok, pero iisa lang ang kinalabasan ng lahat ng ito:
- All of these hardships, agony, pain and trials brought glory to God. Amen!
- Our life is like a puzzle.
- Maraming parts or pieces.
- Merong malaki, merong maliit.
- But despite of the different sizes, all are equally important.
- Kasi may isang piraso lang na malawa, hindi mo mabubuo ang puzzle.
- Sa buhay natin, trials are a piece of the puzzle na hindi mo pwedeng bastang tanggalin or isantabi.
- It has a purpose and without it, our life won’t be complete.
- Let us learn to accept all the pieces of our puzzle, tingin man natin ay pagpapalo or pagpapala yan, kailangan nating kunin, kailangan nating pahalagahan.
- At kapag nakumpleto lahat ito, our life will be complete just the way God has planned it to be.
- Amen.
III. CONCLUSION
- Bilang panghuli mga kapatid.
- Dito po sa ating passage at sa mensahe, naging malinaw po ang mga bagay patungkol sa bawat trials na ating kinakaharap.
TRUTHS ABOUT TRIALS:
1. The trials in our lives are not meant for nothing, they have a purpose
- Maaaring may pagsubok sa buhay mo ngayon at nasabi mo na “Sobrang laki ng problema at pagsubok na kinakaharap ko ngayon.”
- Pero gustong ipaalam sayo ng Lord na, maaaring malaki ang problema mo, pero mas malaki ang purpose nito sa buhay mo.
- Tandaan, ang pagsubok ay temporary lang yan, lilipas at lilipas yan, pero ang purpose ng Diyos ay pang-habang-buhay.
- So instead of focusing more on the trials we are facing, try your best to see in advance, what is its purpose in your life.
- We should realize that these trials are for our own good because it will strengthen our faith and develop our godly character & test our fruits of the Holy Spirit.
2. Most of the time, we are blinded by the enemy and fail to see this purpose
- When we face trials in life, we tend to worry.
- Biglang naliliglig ang pananampalataya natin sa kakayahan ng Diyos na tulungan tayo.
- Dito na tayo bubulungan ng kaaway to question God hanggang sa lumabo na ang ating paningin at tuluyan ng hindi makita the good things God will do for us through our trials.
- That is why it is very important na sa simula pa lang ng pagsubok, magpakatatag ka na at panghawakan na may magandang plano ang Lord sa buhay mo.
- Trials are good things disguised as bad things.
3. Trials are here so that the work of God may be displayed in our life.
- Stop the blame game.
- Dito sa ating passage, nakita natin ang naging reaksyon ng mga disciples patungkol sa taong bulag na nakita nila.
- Instead na makita nila ang purpose, mas nagtuon sila sa kung sino ang may kasalanan at naging bulag ang taong yun.
- This is the blame game.
- Madalas, ganito din ang reaksyon natin sa harap ng pagsubok.
- Naghahanap tayo ng masisisi. Mag-iisip tayo kung sino ang may kasalanan.
- Nangyari ito kasi ganito, ganyan...Puro ganito ang una nating ginagawa.
- Pero dito po sa ating mensahe, naging malinaw sa atin na through our trials, God will be glorified.
- God will be praised, He will be thanked and He will be lifted up high.
- Don’t doubt and say, masyado ng malaki ang problema ko at tyak na wala na itong lunas.
- Well, here’s the good news for all of us, God specializes in fixing big problems and trials.
- He can easily fix your problems just as much as He can fix mine.
- Sabi nga sa Banal na Salita, nothing is impossible with God.
- How to respond to trials?
- At kapag nakakaranas naman tayo ng pagsubok, we should cry out to God in prayer, still be able to give thanks and rejoice.
- In this life we will have trials, pwede tayong masugatan, masaktan, ma-persecute, magkasakit or magkaroon ng kapansanan.
- Pero hindi ibig sabihin nito na tayo ay naging makasalanan or ang buhay natin ay magiging patapon na.
- God had a purpose for it.
- Maaaring hindi natin maintindihan agad kung bakit nangyayari ito or bakit ikaw ang nakakaranas ng pagsubok, pero isa lang ang nakakasigurado tayo, pagkatapos nating mapagtagumpayan ito, tyak na ang Diyos ang maluluwalhati.
- So with this, I pray that whenever we face trials in our lives which is nakakasigurado akong mangyayari, let us not worry, let us not question God’s love for us, let us not blame God for putting us in a difficult situation but let us continue praising Him because now we know that His glory will be displayed through these things and in the end, we will be he victor and not the victim.
- And when the trial is over, God’s glory will be revealed in and through us.
- Kaya kapag may pagsubok sa ating buhay at binubulungan na tayo ng kaaway ng “sumuko ka na, napapaligiran ka na ng problema”.
- Sabihin natin sa kanya ng buong tapang “I am a child of God, I can do all things through Him Who strenghtens me and I am more than a conqueror.”
- Amen!!!
*TO GOD BE THE GLORY!*