Plan for: Thanksgiving | Advent | Christmas

Sermons

Summary: A Sermon about Building Closeness to our First Love--Jesus Christ. A Valentine Edition

  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
  • Next

First Love Never Dies

Building Closeness To Our First Love

Revelation 2:2-5

INTRODUCTION

Magandang umaga sa ating lahat, buksan natin ang ating mga Biblia sa Revelation 2:2-5, “Nalalaman ko ang mga ginagawa mo, ang iyong mga pagpapakahirap at pagtitiyaga. Alam kong hindi mo kinukunsinti ang masasama. Sinubok mo ang mga huwad na apostol, at napatunayan mong sila’y nagsisinungaling. Alam ko ring matiyaga ka, nagtiis ng maraming hirap alang-alang sa akin at hindi ka sumuko. Subalit may isang bagay na ayaw ko sa iyo: ang pag-ibig mo noong una kang sumampalataya ay nanlalamig na. vAlalahanin mo ang dati mong kalagayan; pagsisihan mo at talikuran ang iyong masasamang gawa, at gawin mong muli ang mga ginagawa mo noong una…”

Purihin ang Dios sa pagbasa sa kanyang mga salita.

Mayroon tayong kasabihan na first love never dies. Ang unang pag-ibig ay hindi namamatay at hindi nalilimutan. Umibig ka sa una, ikalawa, ikatlo, ikaapat… pero iba pa rin ang tamis ng unang pag-ibig. Naks, totoo ba yun?

Ang ating unang pag-ibig ay hindi kung sino ang ating naging bf o gf. Hindi rin ang ating family or parents, kundi si Jesus. Wala pa ang sandaigdigan at hindi ka pa lumalabas, ikaw na agad ang unang iniisip ng ating Panginoon. Tunay na pambihira ang kanyang pag-ibig. Ang ating Panginoon ay hindi lang source o pinanggagalingan ng love kundi siya mismo ang love. God is love. Dahil sa love na yun tayo ngayon ay naririto. Ang pag-ibig ng Panginoon ay unconditional, constant at lubhang hindi matatawaran. Kaya naman sa ating relationship natin sa ating Panginoon, at naririto siya, paano sa ating mga sarili, ay mabuibuild ang relationship na yun at maenhance ang ating commitment sa kanya at mas lumalim ang ating pg-ibig sa ating first love.

Sa mga talatang ating nabasa, ito ay liham ng ating Panginoong Hesu-Cristo sa simbahan ng Ephesus. Natuwa siya sa mga bagay na kanilang ginagawa. Sila ay gumagawa ng mabuti and they worked hard. Masasabi natin na ang kanilang mga good deeds ay ang pagsisimba, pagbibigay ng kanilang mga offering, pagtulong sa mga nangangailangan at mahihirap. They were not idle. Hindi sila tatamad-tamad na church. They were alive and active.

Maganda ang kanilang doctrine. Ineexpose nila ang mga huwad na apostol. Ang anumang mga maling turo ay kanilang pinasusungalinan. They also had endurance. Hindi sila agad sumusuko. Matitiyaga at matiisin sila.

Ngunit may isang bagay na hindi ikinatuwa ng ating Panginoong Hesu-Cristo sa Ephesus. Sila ay nanlalamig sa kanilang pag-ibig. Sabi sa ingles dito sa talata, “You have forsken your first love. “A+” ang kanilang grade sa kanilang mga gawa ngunit “F-“ sa kanilang pag-ibig. (pause)

Maraming mga Christiano ang tulad ng mga Ephesus? They become too busy in serving the Kingdom and forget serving the King.

Busy sa mga church activities, paggawa ng mga good deeds and even ministries. Pero ang totoo nakalimutan ang real meaning ng kanilang ginagawa.

Kaya nga sabi ni Jesus, “Oo alam ko yang ginagawa mo, yung paghihirap mo at pagtitiyago mo. Nakikita ko ang lahat laht ng mga yan. Pero nasan yung heart mo? Yung condition of your heart ang nais ko sa’yo. Hindi mo ba alam na you are forsaking me dahil nakafocus ka dyan sa mga bagay na yan imbes na sa akin?

Consider this news na inreport ng CNN nuong March 2004. Sa Yosemite Park sa may California. Mayroong dalawang higanteng sequoia trees na natumba o bumagsak.

Ang punong ito ay napakalaki. Mahigit 60 feet ang taas, at ang base o ang katawan ay may laki na halos sinlaki ng isang kotse. Ngunit ang nakatutuwa dito, ayon sa park ranger, ang ugat nito ay may lalim lamang na halos 1 ½ talampakan.

Napakalaking puno ngunit napakababaw ng ugat. Kaya naman ng tinest siya ng hangin ay madali siyang naibagsak nito.

The same principle sa ating buhay Christiano na dapat nating matutunan. Hindi maari na tumaas ng tumaas ang ating trunk at magextend ng magextend ang ating branches, sa ating mga activities and ministries, ngunit ang ating mga ugat ay hindi lumalalim. Kinakailangan na magpursue ito na bumaon sa lupa.

Kapag dumating ang mga challenges and struggles upang tayo ay subukin, mananatili tayong nakatayo. We will be still na kahit anu pamang shakening at pag-uga ang mangyari.

Ayaw ng Panginoon na mapahamak tayo. Kaya sinasabi niya at palagi niyang pinaalala sa atin, Always remember me, your first love… Give me your heart. Yung relationship natin sa ating Panginoon, ang pinaka foundation na dapat nating pinagtitibay.

Kaya nga mga kapatid as we celebrate this Season—Heart’s Day, let us remember our great love, our first love na si Jesus Christ. At kung paano natin mapagtitibay ito at lumalim tayo sa pag-ibig sa ating Panginoong Hesu-Cristo. How to build closeness to our first love.

1. REINSTATE THE IMPORTANCE OF DEVOTION

Devotion includes our prayer and our habit in reading the Word of God everyday. I know this will sound very elementary to us. Alam ko na alam niyo na yan. At bilang mga christiano assume na sa atin ang ating quiet time but it seems na napakahirap gawin ang mga bagay na ito. Parag my pwersa na palagi nating binabaka sa ating pagdedevotion.

Copy Sermon to Clipboard with PRO Download Sermon with PRO
Talk about it...

Nobody has commented yet. Be the first!

Join the discussion
;