First Love Never Dies
Building Closeness To Our First Love
Revelation 2:2-5
INTRODUCTION
Magandang umaga sa ating lahat, buksan natin ang ating mga Biblia sa Revelation 2:2-5, “Nalalaman ko ang mga ginagawa mo, ang iyong mga pagpapakahirap at pagtitiyaga. Alam kong hindi mo kinukunsinti ang masasama. Sinubok mo ang mga huwad na apostol, at napatunayan mong sila’y nagsisinungaling. Alam ko ring matiyaga ka, nagtiis ng maraming hirap alang-alang sa akin at hindi ka sumuko. Subalit may isang bagay na ayaw ko sa iyo: ang pag-ibig mo noong una kang sumampalataya ay nanlalamig na. vAlalahanin mo ang dati mong kalagayan; pagsisihan mo at talikuran ang iyong masasamang gawa, at gawin mong muli ang mga ginagawa mo noong una…”
Purihin ang Dios sa pagbasa sa kanyang mga salita.
Mayroon tayong kasabihan na first love never dies. Ang unang pag-ibig ay hindi namamatay at hindi nalilimutan. Umibig ka sa una, ikalawa, ikatlo, ikaapat… pero iba pa rin ang tamis ng unang pag-ibig. Naks, totoo ba yun?
Ang ating unang pag-ibig ay hindi kung sino ang ating naging bf o gf. Hindi rin ang ating family or parents, kundi si Jesus. Wala pa ang sandaigdigan at hindi ka pa lumalabas, ikaw na agad ang unang iniisip ng ating Panginoon. Tunay na pambihira ang kanyang pag-ibig. Ang ating Panginoon ay hindi lang source o pinanggagalingan ng love kundi siya mismo ang love. God is love. Dahil sa love na yun tayo ngayon ay naririto. Ang pag-ibig ng Panginoon ay unconditional, constant at lubhang hindi matatawaran. Kaya naman sa ating relationship natin sa ating Panginoon, at naririto siya, paano sa ating mga sarili, ay mabuibuild ang relationship na yun at maenhance ang ating commitment sa kanya at mas lumalim ang ating pg-ibig sa ating first love.
Sa mga talatang ating nabasa, ito ay liham ng ating Panginoong Hesu-Cristo sa simbahan ng Ephesus. Natuwa siya sa mga bagay na kanilang ginagawa. Sila ay gumagawa ng mabuti and they worked hard. Masasabi natin na ang kanilang mga good deeds ay ang pagsisimba, pagbibigay ng kanilang mga offering, pagtulong sa mga nangangailangan at mahihirap. They were not idle. Hindi sila tatamad-tamad na church. They were alive and active.
Maganda ang kanilang doctrine. Ineexpose nila ang mga huwad na apostol. Ang anumang mga maling turo ay kanilang pinasusungalinan. They also had endurance. Hindi sila agad sumusuko. Matitiyaga at matiisin sila.
Ngunit may isang bagay na hindi ikinatuwa ng ating Panginoong Hesu-Cristo sa Ephesus. Sila ay nanlalamig sa kanilang pag-ibig. Sabi sa ingles dito sa talata, “You have forsken your first love. “A+” ang kanilang grade sa kanilang mga gawa ngunit “F-“ sa kanilang pag-ibig. (pause)
Maraming mga Christiano ang tulad ng mga Ephesus? They become too busy in serving the Kingdom and forget serving the King.
Busy sa mga church activities, paggawa ng mga good deeds and even ministries. Pero ang totoo nakalimutan ang real meaning ng kanilang ginagawa.
Kaya nga sabi ni Jesus, “Oo alam ko yang ginagawa mo, yung paghihirap mo at pagtitiyago mo. Nakikita ko ang lahat laht ng mga yan. Pero nasan yung heart mo? Yung condition of your heart ang nais ko sa’yo. Hindi mo ba alam na you are forsaking me dahil nakafocus ka dyan sa mga bagay na yan imbes na sa akin?
Consider this news na inreport ng CNN nuong March 2004. Sa Yosemite Park sa may California. Mayroong dalawang higanteng sequoia trees na natumba o bumagsak.
Ang punong ito ay napakalaki. Mahigit 60 feet ang taas, at ang base o ang katawan ay may laki na halos sinlaki ng isang kotse. Ngunit ang nakatutuwa dito, ayon sa park ranger, ang ugat nito ay may lalim lamang na halos 1 ½ talampakan.
Napakalaking puno ngunit napakababaw ng ugat. Kaya naman ng tinest siya ng hangin ay madali siyang naibagsak nito.
The same principle sa ating buhay Christiano na dapat nating matutunan. Hindi maari na tumaas ng tumaas ang ating trunk at magextend ng magextend ang ating branches, sa ating mga activities and ministries, ngunit ang ating mga ugat ay hindi lumalalim. Kinakailangan na magpursue ito na bumaon sa lupa.
Kapag dumating ang mga challenges and struggles upang tayo ay subukin, mananatili tayong nakatayo. We will be still na kahit anu pamang shakening at pag-uga ang mangyari.
Ayaw ng Panginoon na mapahamak tayo. Kaya sinasabi niya at palagi niyang pinaalala sa atin, Always remember me, your first love… Give me your heart. Yung relationship natin sa ating Panginoon, ang pinaka foundation na dapat nating pinagtitibay.
Kaya nga mga kapatid as we celebrate this Season—Heart’s Day, let us remember our great love, our first love na si Jesus Christ. At kung paano natin mapagtitibay ito at lumalim tayo sa pag-ibig sa ating Panginoong Hesu-Cristo. How to build closeness to our first love.
1. REINSTATE THE IMPORTANCE OF DEVOTION
Devotion includes our prayer and our habit in reading the Word of God everyday. I know this will sound very elementary to us. Alam ko na alam niyo na yan. At bilang mga christiano assume na sa atin ang ating quiet time but it seems na napakahirap gawin ang mga bagay na ito. Parag my pwersa na palagi nating binabaka sa ating pagdedevotion.
Mark 14:38, “Magbantay kayo at manalangin upang huwag kayong madaig ng tukso. Ang espiritu’y nakahanda ngunit ang laman ay mahina."
Alam ng Panginoon ang possibility sa isang tao na mawala sa kanya ang heart for prayer. Kapag ang mga bagay sa atin ay nakalatag sa ating harapan, yung mga trabaho na kinakailangan tapusin at gawin from day to day, there’s a tendency to not feel the need to pray.
It is nice to obey God in our job and our life by doing what is required, ngunit kapag nawala sa atin ang feeling ng need upang manalangin, we arent close anymore. Ang ating ugat sa relasyon natin sa ating Panginoon ay hindi napagtitibay.
Huwag nating hayaan na magkaroon tayo ng habit na makuha ang mga bagay o ating mga goals on our own without praying about them.
Ang katagumpayanan na makuha natin ang mga bagay sa ating mga sariling abilidad at kakayanan, without closeness of God, ay nagdudulot sa atin na icompromise ang ating soul, relationship natin sa family, and even our faith just for the exchange of your success.
Ngunit sa kabilang banda, ang pananampalatayang ang Panginoon ang magpe-prepare ng yung destination, a future and a hope, ay mas magiging madali at balance ang buhay without compromising our priorities.
Remember this, sabi ni Ptr. Wayne, “Success is not getting to your destination but rather what you become by getting to your destination.”
Ang proseso, na kung saan sa yung paglalakbay tungo sa yung patutunguhan ay nagkakaroon ng mabuting pagbabago sa iyung sarili—ang tunay na tagumpay.
You become a person of mercy, a person of integrity, a person of compassion, a person of faith. Hindi kabaliktaran na mas nagiging matigas ka pa at naging pusong bato dahil sa mga napagdaanan mo. Masasabi natin na hindi ka naging successful sa yung journey kapag naging ganun ang produkto mo.
Mateo 16:26,, “Sapagkat ano ba ang mapapala ng isang tao makamtan man niya ang buong daigdig, ngunit mapapahamak naman ang kanyang sarili? Ano ba ang maibabayad ng isang tao para mabawi niya ang kanyang buhay?”
Nais ng Panginoon na mareinstate sa ating sarili ang kahalagahan ng pananalangin at ang kanyang mga salita upang ang ating relasyon sa Kanya ay mas tumibay.
Pangalawa, paano ma build ang closeness,
2. KEEP THE SABBATH, MAKING IT A HABIT
Exodus 20:11, “Anim na araw kong nilikha ang langit, ang lupa, ang mga dagat at ang lahat ng nasa mga ito. Ngunit namahinga ako sa ikapitong araw. Kaya’t ito’y aking pinagpala at inilaan para sa akin.”
Lahat tayo ay may tendency na maviolate ang Sabbath by using it as a catch up day. Kapag ang ginawa natin ay finill natin ang araw na iyun with a lot of activity, we exchange our heart for it and lose our soul in process.
Kapag siasabi natin na saka na ako magsisimba sapagkat marami akong gawaiin. Magsisimba naman ako eh kapag natapos ko na ang mga ginagawa ko.
Sa katunayan, hindi ka mawawalan ng gagawin. Palagi kang may gagawin at gagawin at hindi matatapos iyun. Tama?
The Sabbath is an act of faith. Keeping the Sabbath reminds us to trust God who is the one who helps us to get things done. Ang sabbath ay ginagamit ng Panginoon para mare-instill ang ating relationship sa Kanya.
Tingnan nyo ito, kung tayo ay magtatrabaho ng 6 days, then another 6 days, then another 6 days na naman without observing the Sabbath or taking a break, hindi bat masamang pangitain ito? Hindi bat nagpapakita sa tao na nasasacrifice niya ang mahalagang relationship with God and also with his family?
Church is the body of Christ. Kaya kapag dinetach mo ang iyung sarili sa katawan, hindi bat mamamatay ang bahagi na natanggal?
Isang magandang benefits ng Sabbath o pagtuon ng ating sarili sa Panginoon ay nagbibigay sa atin ito ng wisdom at mas nagiging madali sa atin ang buhay. Sabi nga ni Joyce Meyer, there are 3 ways na maaari nating daanan to learn life lessons. The easy way, the hard way and the destructive way.
The easy way, you learn from other’s expereinece. Hindi mo na kailangang pagdaanan ang pinagdaanan ng iba. Sa pakikinig sa kanilang story ay natututo ka sa mga aral na kanilang naranasan.
The hard way, you learn from your own experience.
The destructive way, from the experiences of others and to your own expereinces, you learn nothing. Destructive nga talaga.
Life is full of principles. Nandiyan na lahat iyun at nakalatag. Kinakailangan lang natin na idiscover yun at iaalign natin ang ating sarili sa mga principles na yun. Kapag vinaolate natin, mapapahamak tayo. Kaya naman the easiest and the best way na-maearn ang wisdom ay makinig sa godly conusel and the story of your brothers and sisters in Christ.
Last,
3. REDUCE OUR TOLERANCE FOR SIN IN OUR PERSONAL LIVES
Ang diamond ay mas nagiging maningning at mas mataas ang kanyang halaga kapag ito ay kinut ng diamond cutter at pinolish, so God does the same for us. But if a diamond refuses to remain polished, ito ay magcacrush at pwede na maging gamit na lamang sa sand paper—pangkiskis na lang siya.
Tayo ay tulad ng mga diamonds before our Lord with such great potential. May mga pagkakataon na tayo ay ipopolish ng Panginoon sa ating mga flaws sa ating marriage, sa ating attitude or the way we treat other people.
Let Him polish out those flaws rather than crush us. Sa Galatians 5 ipinapakita dito ang mga aalsin sa ating ng Panginoon.
Galatians 5:19-21, “Hindi maikakaila ang mga hilig ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan; vpagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot sa isa’t isa, pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi, pagkainggit, paglalasing, kalayawan, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos.”
These are the things—“sins,” na nais ng Panginoon na hugasan niya sa atin.
Remember dun sa washing of the feet ng mga disipulo. Nung una nagrefuse si Peter sa paghuhugas sa kanya ng paa ni Jesus. So, sabi sa kanya ni Jesus, “Peter kung hindi ka magpapahugas ng paa sa akin then you will have no part in me. Ang nais sabihin ng ating Panginoong Hesu-Cristo dito ay magkaroon tayo ng acknowledgment na tayo ay makasalanan at si Jesus ang makapaghuhugas lamang ng ating mga karumihang iyun. Kung ating titingnan ang ating mga sarili na hindi kinakailangan ng paghuhugas at iniisip na mas mabuti tayo sa iba, hindi bat inilalagay lang natin ang ating trust sa ating sarili, at walang recogntion sa ating Tagapagligtas na si Jesus. Then we will have no part in Jesus.
Refuse to raise your tolerance for sin by allowing God to wash your feet, your heart and your life. We need to pause and pray tulad ni David na kanyang sinabi sa Awit 139:23-34, O Diyos, ako’y siyasatin, alamin ang aking isip, subukin mo ako ngayon, kung ano ang aking nais; kung ako ay hindi tapat, ito’y iyong nababatid, sa buhay na walang hanggan, samahan mo at ihatid.
CONCLUSION
Ngayon ay nakita natin ang 3 importateng bagay na dapat nating gawin upang mabuild ang ating closeness sa relationship natin sa ating Panginoon. Reinstate the importance of our devotion, keep the Sabbath, making it a habit and reduce our tolerance for sin in our personal lives.
To end this message, I would like to share with you this story that concerns me greatly nung first time na nabasa ko ito. Ang story ay isinulat ni Tennesse Williams.
Sa isang maliit na probinsiya ay may nakatira na isang Russian Jew na nagngangalang Jacob Brodzky. Ang kanyang ama ay nagmamay-ari ng isang bookstore sa probinsiyang iyun. Ang nais nito kay Jacob ay makaluwas ito sa kabayanan o siyudad upang makapag-aral sa kolehiyo. Ngunit si Jacob ay walang ibang nais kundi mapangasawa ang isang French girl na kanyang childhood sweetheart na si Lila. Isang outspoken at ambitious na babae.
Lumuwas si Jacob sa siyudad upang mag-aral at sundin ang nais ng kanyang ama. Ngunit makalipas lamang ang ilang buwan, nagkasakit ang kanyang ama at namatay ito. Bumalik si Jacob sa probisnsiya, kanyang inilibing ang kanyang ama at pinakasalanan na ang kanyang iniibig na si Lila.
Minanage ni Jacob ang bookstore na iniwan ng kanyang ama at silang mag-asawa ay nanirahan sa apartment sa taas ng bookstore. Masayang-masaya si Jacob sa ganung buhay at lubhang kontento na siya kasama ang kanyang asawa. Ngunit si Lila ay nabobore, naiinip. Gusto niya ng adventure. Nais niya na tumungo sa Europa upang umawit at sumikat doon. Kaya, nagpaalam siya kay Jacob upang kamtin ang kanyang ninanais na career at pangarap.
Nalungkot si Jacob sa desisiyon ng kanyang asawa. At sa kanilang paghihiwalay, ibinigay ni Jacob ang susi ng bookstore. Ang sabi niya kay Lila, “Itago mo yan sapagkat gagamitin mo yan balang araw. Alam ko na ang iyung pag-ibig sa akin ay tulad din ng pag-ibig ko sayo. Kaya alam ko na muli kang babalik sa akin. Nandito lang ako at maghihintay sayo. Hinalikan ni Lila si Jacob at siya’y umalis.
Dahil sa sakit na kanyang naramdaman dahil sa pag-alis ng kanyang mahal, naging malulungkutin siya. Most of his time, siya ay nakaupo lamang sa may front desk ng bookstore at nagbabasa ng mga books at hinihintay ang muling pagbabalik ni Lila. Halos hindi siya lumalabas duon sa loob ng bookstore at baka mamiss niya ang pagbabalik.
Makalipas ang halos walang taon na kaniyang paghihintay, bumalik na si Lila. Lumapit ito sa front desk at ngumiti sa kanya. Hindi narecognize ni Jacob ang kanyang asawa. Ang akala niya ay isa lamang ito sa kanyang ordinary customer. Tinanong niya ito, “Yes ma’am may I help you? Ano ba ang hinahanap mong libro?”
Nagulat si Lila dahil hindi siya nakilala nito, ngunit pursigido siya na ipakilala ang kaniyang sarili sa nawalay na asawa.
Sabi niya, “Actually may hinahanap akong libro pero hindi ko matandaan ang titile. Ganito yung story niya eh, may magchildhood sweethearts. Nagpakasal sila at tumira sila sa apartment duon sa taas ng bookstore. Ambisyosa ung babae at lumisan siya upang makahanap ng kanyang career. Naging successful siya, ngunit hanggang sa huli ang susi na ibinigay ng kanyang asawa sa kanyang pagalis ay itinago niyang mabuti.
Nakita ni Lila sa mukha ni Jacob na walang recognition sa kanyang sinasabi. Gradually narealize ni Lila na si Jacob had lost touch with his heart’s desire. Nakita niya sa paghihintay ni Jacob Ay hindi na niya alam ang purpose kung ano ang dahilan ng kanyang paghihintay at pagluluksa.
Tinaong ni Lila, Naaalala mo ba yung story na un? Dapat mong maalala ang story na yun… ang story ni Lila at ni Jacob. At ngumiti si Lila sa kanya.
Nagkaroon ng mahabng katahimikan at nagsalita si Jacob, “Parang pamilyar sa akin ang story na yan. Alam ko nabasa ko na yan eh. San ko nga ba nakita ung libro na yan.” At hinanap ni Jacob ang libro.
Napaluha si Lila kaya iniwan niya ang susi sa front desk at siya ay umalis. Sa pagbalik ni Jacob sa front desk, wala na ang inaakala niyang customer kaya muli siyang bumalik sa kanyang pagbabasa na hindi na namamalayan na ang hinihintay niyang mahal na asawa dumating na at nawala na muli.
Church, my concern is that, as we endeavor to pursue Jesus and his purpose, na pano kapag nagshow up sa atin si Jesus sa ating harapan, marecognize kaya natin siya?
Si Jacob Brodzky, inilibing niya ang kanyang sarili sa pagbabasa ng libro to the extent na nakalimutan na niya na he was missing the presence of his love. What if na mailibing din natin ang ating mga sarili sa mga ministries, activities and church obligations to the extent that we have forgotten the prsence of Jesus Christ.
Nang bumalik si Lila, sinubukan niyang ipaalala kay Jacobkung sino siya at ang kanilang matamis na pag-iibigan nung una. What if kung subukan tayo ni Jesus at ipaalala sa atin ang ating first love, maalala kaya natin ito? Could we remember?