Plan for: Thanksgiving | Advent | Christmas

Sermons

Summary: Buhat ngayon at natataan sa akin ang putong ng katuwiran (2 Timothy 4:7-8)

  • 1
  • 2
  • 3
  • 5
  • 6
  • Next

Panimula:

Kaawaan at kapayapaan at pagibig ang sa inyo nawa'y paramihin mga minamahal kong mga kapatid sa Panginoon!

Si President Marcos nuong una ay magaling na presidente, naging magaling in the sense na naging maayos ang buhay nuong panahon niya, maraming naipatayong mga infrastructure, mga kalsada, at tumaas ang economiya. Ngunit paano po siya naalala ng mga kababayan natin ngayon? Sa katanyagan ba ng Pilipinas nuong panahon niya? O dahil sa pang aabuso niya sa kapangyarihan at pag deklara niya ng batas militar?

Si Dolphy ano po ang naalala ninyo sa kaniya? Hari ng komedya, magaling magpatawa. Ako po naalala ko sa kanya bukod sa mga pelikula niyang ginawa ay nuong panahon ng mga eleksyon. Kasi madalas siya tanungin kung gusto niya tumakbo sa halalan. Madalas din naman niyang sabihin ayaw niya tumakbo kasi natatakot siya na baka manalo sya. Honest yung mama ano po? Sapagkat hindi nga naman niya alam kung ano gagawin nya kung siya ay mananalo.

Si FPJ nung tumakbo marami nagsabi mananalo sya at siya ang susunod na pangulo ng Pilipinas. Pero sa kasaamang palad, hindi siya nag wagi. At paglipas ng ilang panahon pumanaw din siya. Natimo din sa aking isipan ang ginawa niya sa isang reporter ng GMA ng sigawan niya si Sandra Aguinaldo. Lumabas yung pagka mainitin ng ulo niya.

Ang tanong sa ating buhay mga kapatid: "Paano mo gustong maalala pag ika'y wala na?"

Pagkalipas ng mga ilang taon, 40, 50, 60, 70, or 80 years na iyong ibubuhay? Paano mo gustong maalala ng mahal mo at pamilya mo? ng mga kaibigan mo? ng mga kapatid mo sa pananampalataya?

Nung mga nakalipas na taon marami sa ating mga kamanggagawa ang nagpahinga na. Mga manggagawa na nag pahinga na sa kanilang mga takbuhin at mga iba pa nating mga kapatid sa ibat ibang lokal. Nakasama po kami sa paghatid sa kanila sa huling hantungan. Nakita at nabasa ko ang mga ilan sa mga naka sulat or engraved sa kanilang mga lapida. "Rest In Peace", "You will always be remembered", "Beloved" at iba pa. Mga alaala na maaiwan sa kanilang mga mahal sa buhay at pamilya, mga kaibigan.

Pagdating din naman po ng panahon ay talagang mamamahinga tayo di po ba? Unaunahan nga lang po. Kaya nga po ang ilan sa ating mga kababayan ay ayaw na matulog ng maaga o madalas o matagal, sapagkat alam nila pag dating nga ng panahon ay panghabang buhay na tayong matutulog. Maaring ako bukas o mamaya o kayo sa mga susunod na panahon. Hindi po natin alam ang bukas mga kapatid.

Kung kayo mga kapatid ang tatanungin, sa maiksing salita na maisusulat sa ating mga lapida, napag isipan nyo na po ba kung ano ang gusto ninyong maisulat at mabasa ng makakakita sa inyong mga tombstone? Paano mo gusto maalala?

(intayin ang sagot ng mga kapatid)

Ako ang gusto ko ilagay sa aking lapida o tombstone ay ang katagang: Naglingkod ng tapat kay Jesus, tapos mayroon sa ibaba "add me on FaceBook!" Tapos ay may mag aapprove ng mga friend request nyo.

Eto po ang sagot ni Apostol Pablo sa katanungang iyan. Habang nakapiit si Pablo sa Roma, nababatid na niya ang kaniyang huling pakikipagbaka. Alam na ni Pablo na malapit na siyang magpahinga, binalikan niya kaniyang mga nagawa: Nakipag baka, natapos ang takbo at iningatan niya ang kaniyang pananampalataya. At siya ay nagtiwala at umasa sa buhay na darating. Isinulat ni Apostol Pablo ang kaniyang "epitaph" o ang nais niyang siya ay malala. Ito po ay ating mababasa sa ikalawang sulat ni Apostol Pablo kay Timoteo at atin pong pakinggan:

2 Tim 4:7-8

I have fought the good fight, I have finished the race, I have kept the faith. Now there is in store for me the crown of righteousness, which the Lord, the righteous Judge, will award to me on that day–and not only to me, but also to all who have longed for his appearing.

Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom sa araw na yaon; at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din naman ng mga naghahangad sa kaniyang pagpapakita.

Nais ni Pablo na siya ay maalala na nagtiis, kahit sa dami ng mga balakid sa kaniyang ministeryo, nais din niyang maalala na natapos niya ang kaniyang takbuhin, at iningatan ang kaniyang pananampalataya. Si apostol Pablo ay nag tapos ng mabuti sa kaniyang buhay, kung nagtapos siya ng mabuti ibig sabihin nag tiyaga siya ng masigasig at lumakad siya ng matatag sa pananampalatay. Ito po ang paksa natin sa umagang ito na hango sa ikalawang sulat ni apostol Pablo kay Timoteo:

Buhat ngayon sa natataan sa akin ang putong ng katuwiran (2 Timothy 4:7-8)

Copy Sermon to Clipboard with PRO Download Sermon with PRO
Browse All Media

Related Media


Talk about it...

Nobody has commented yet. Be the first!

Join the discussion
;