Summary: Buhat ngayon at natataan sa akin ang putong ng katuwiran (2 Timothy 4:7-8)

Panimula:

Kaawaan at kapayapaan at pagibig ang sa inyo nawa'y paramihin mga minamahal kong mga kapatid sa Panginoon!

Si President Marcos nuong una ay magaling na presidente, naging magaling in the sense na naging maayos ang buhay nuong panahon niya, maraming naipatayong mga infrastructure, mga kalsada, at tumaas ang economiya. Ngunit paano po siya naalala ng mga kababayan natin ngayon? Sa katanyagan ba ng Pilipinas nuong panahon niya? O dahil sa pang aabuso niya sa kapangyarihan at pag deklara niya ng batas militar?

Si Dolphy ano po ang naalala ninyo sa kaniya? Hari ng komedya, magaling magpatawa. Ako po naalala ko sa kanya bukod sa mga pelikula niyang ginawa ay nuong panahon ng mga eleksyon. Kasi madalas siya tanungin kung gusto niya tumakbo sa halalan. Madalas din naman niyang sabihin ayaw niya tumakbo kasi natatakot siya na baka manalo sya. Honest yung mama ano po? Sapagkat hindi nga naman niya alam kung ano gagawin nya kung siya ay mananalo.

Si FPJ nung tumakbo marami nagsabi mananalo sya at siya ang susunod na pangulo ng Pilipinas. Pero sa kasaamang palad, hindi siya nag wagi. At paglipas ng ilang panahon pumanaw din siya. Natimo din sa aking isipan ang ginawa niya sa isang reporter ng GMA ng sigawan niya si Sandra Aguinaldo. Lumabas yung pagka mainitin ng ulo niya.

Ang tanong sa ating buhay mga kapatid: "Paano mo gustong maalala pag ika'y wala na?"

Pagkalipas ng mga ilang taon, 40, 50, 60, 70, or 80 years na iyong ibubuhay? Paano mo gustong maalala ng mahal mo at pamilya mo? ng mga kaibigan mo? ng mga kapatid mo sa pananampalataya?

Nung mga nakalipas na taon marami sa ating mga kamanggagawa ang nagpahinga na. Mga manggagawa na nag pahinga na sa kanilang mga takbuhin at mga iba pa nating mga kapatid sa ibat ibang lokal. Nakasama po kami sa paghatid sa kanila sa huling hantungan. Nakita at nabasa ko ang mga ilan sa mga naka sulat or engraved sa kanilang mga lapida. "Rest In Peace", "You will always be remembered", "Beloved" at iba pa. Mga alaala na maaiwan sa kanilang mga mahal sa buhay at pamilya, mga kaibigan.

Pagdating din naman po ng panahon ay talagang mamamahinga tayo di po ba? Unaunahan nga lang po. Kaya nga po ang ilan sa ating mga kababayan ay ayaw na matulog ng maaga o madalas o matagal, sapagkat alam nila pag dating nga ng panahon ay panghabang buhay na tayong matutulog. Maaring ako bukas o mamaya o kayo sa mga susunod na panahon. Hindi po natin alam ang bukas mga kapatid.

Kung kayo mga kapatid ang tatanungin, sa maiksing salita na maisusulat sa ating mga lapida, napag isipan nyo na po ba kung ano ang gusto ninyong maisulat at mabasa ng makakakita sa inyong mga tombstone? Paano mo gusto maalala?

(intayin ang sagot ng mga kapatid)

Ako ang gusto ko ilagay sa aking lapida o tombstone ay ang katagang: Naglingkod ng tapat kay Jesus, tapos mayroon sa ibaba "add me on FaceBook!" Tapos ay may mag aapprove ng mga friend request nyo.

Eto po ang sagot ni Apostol Pablo sa katanungang iyan. Habang nakapiit si Pablo sa Roma, nababatid na niya ang kaniyang huling pakikipagbaka. Alam na ni Pablo na malapit na siyang magpahinga, binalikan niya kaniyang mga nagawa: Nakipag baka, natapos ang takbo at iningatan niya ang kaniyang pananampalataya. At siya ay nagtiwala at umasa sa buhay na darating. Isinulat ni Apostol Pablo ang kaniyang "epitaph" o ang nais niyang siya ay malala. Ito po ay ating mababasa sa ikalawang sulat ni Apostol Pablo kay Timoteo at atin pong pakinggan:

2 Tim 4:7-8

I have fought the good fight, I have finished the race, I have kept the faith. Now there is in store for me the crown of righteousness, which the Lord, the righteous Judge, will award to me on that day–and not only to me, but also to all who have longed for his appearing.

Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom sa araw na yaon; at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din naman ng mga naghahangad sa kaniyang pagpapakita.

Nais ni Pablo na siya ay maalala na nagtiis, kahit sa dami ng mga balakid sa kaniyang ministeryo, nais din niyang maalala na natapos niya ang kaniyang takbuhin, at iningatan ang kaniyang pananampalataya. Si apostol Pablo ay nag tapos ng mabuti sa kaniyang buhay, kung nagtapos siya ng mabuti ibig sabihin nag tiyaga siya ng masigasig at lumakad siya ng matatag sa pananampalatay. Ito po ang paksa natin sa umagang ito na hango sa ikalawang sulat ni apostol Pablo kay Timoteo:

Buhat ngayon sa natataan sa akin ang putong ng katuwiran (2 Timothy 4:7-8)

Sa maiksing salita ay pagtitiyaga o perseverance. I also make it a point na bigyan kayo ng bagong salita sa inyong bukabularyo na galing sa ibang wika. Sa araw na ito ay galing sa salitang griyego o greek.

Greek word: Hupomone (perseverance)

Exhortation:

Marami man tayong bakahin, malayo man ang ating mga takbuhin, kailangan man nating magtiis at manapalataya, ay mayroon naman na naghihintay sa ating pagpapala na balang araw ay ating makakamit hindi man sa buhay na ito, kundi sa pagdating ng ating Panginoon.

Sermon Proper:

May kilala akong isang bata na dati nag titiis sa araw o ulan upang magtinda ng casava cake, pichi pichi at ng bibingka, may latik pandikit daw saan? Nuong una ang sipag nung bata na yun, kasi nakakaubos siya ng paninda. Nang lumaon at nag tagal na, ay parang tinatamad na siya at para makaubos, pupunta sya sa kaniyang lola at pabibili niya ang lahat ng paninda niya. Iiyak lang siya at bibilin na lahat ng lola niya yung mga paninda niya para maubos. Elementary pa lang yung batang yun, mapusok, may konting sipag pero walang tiyaga. Kaya di niya namamalayan pa lugi na sya sa patitinda.

Kailangan mag tiis, kailangan mag tiyaga. Yan ang madalas ko naririnig pag nag luluto kami ng nilaga. Pag walang tiyaga? Walang nilaga! Kasi matagal itong iluto at maaubos ang LPG nyo kapag sa gasul kayo nag luto.

Gawin nyo pong inspirasyon yung pagong o turtle, kung hindi siya nag tiyaga? Kung hindi sya nag sumikap? Abay hindi po siya makakapasok sa akro ni Noah di po ba? Alam nyo po ba kung saan humugot ng inspirasyon yung pagong? Sa snail o suso. Kung yung suso naligtas at nakasakay sa akro yung pagong pa di ba?

Kaya mga kapatid, magtitiis hanggang wakas upang maligtas. Hndi ba iyan ang battle cry ng iglesia, ang pagtitiyaga, ang pagtitiis. Maaring ang ilan sa atin umaasa na ang pagtatapos ay nasa malapit na o malon na panahon. Ako po di ko alam ang bukas, bagamat gusto kong mabuhay pa ng mas matagal sa paglilingkod ay hindi ko po alam kung gaano ako katagal. Maaring bukas makalawa mauna na ako sa inyo o di naman kaya ay kayo? Itinakda o appointment sa english na salin, na naka book na po tayo at nag hihintay na lamang na mag check in. Hindi ko po alam kung saan, paano at kailan. Sapagkat nakatakda po tayong lahat. Kagaya po ng ating mababasa at matunghayan sa Aklat ng Hebreo:

Hebrews 9:27

Just as man is destined to die once, and after that to face judgment,

At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom;

Itinakda destined o appointment mga kapatid. May appointment po tayong lahat, kanino?

(intayin ang sagot ng mga kapatid)

Kay kamatayan

Magtitiis lamang tayo upang makarating sa finish line!

Muli po nating pakinggan ang nasusulat sa Banal na Aklat sa:

Hebrews 12:1

God Disciplines His Sons ​ Therefore, since we are surrounded by such a great cloud of witnesses, let us throw off everything that hinders and the sin that so easily entangles, and let us run with perseverance the race marked out for us.

Kaya't yamang nakukubkob tayo ng makapal na bilang ng mga saksi, itabi namang walang liwag ang bawa't pasan, at ang pagkakasalang pumipigil sa atin, at ating takbuhing may pagtitiis ang takbuhing inilagay sa harapan natin,

Nalalaman ni Pablo ang papalapit niyang kamatayan, at habang siya ay nag ninilaynilay sa mga pinagdaanan niya sa kaniyang buhay at ayon sa kaniyang mga salita, hango po ang tatlong katanungang ito na gusto ko pong isipin nating lahat at pag nilaynilayin din.

I. Ano kaya ang uri ang paglisan mo?

Nang sinabi ni apostol Pablo na siya ay iniaalay na. O sa english version ay "being poured out like a drink offering" ito po ang tradisyon ng mga judio nuong unang panahon. Katulad ng mga itinakda ng kanilang mga batas na ang isang mananampalataya ay mag dadala ng mga handog o offering at bahagi nito ay susunugin sa altar at ang iba ay gagamitin o kukunin ng pari o saserdote para sa kaniyang sarili. Karaniwan kung alak ang magiging handog ito ay ibinubuhos ng buo sa altar at walang natitira para sa pari o saserdote. Ito ay nagiging mabangong samyo sa Panginoon. Sa Lumang Tipan ito ay sumisimbulo ng kagalakan na ang kahulugan ay ibibigay ko ang lahat sa Panginoon. Buong buo at walang maiiwan para sa nag handog. Ganiyan ito ipinaalala ni Pablo kay Timoteo.

2 Timothy 4:6

For I am already being poured out as a drink offering, and the time of my departure has come.

Sapagka't ako'y iniaalay na, at ang panahon ng aking pagpanaw ay dumating na.

Alam ni Pablo na nalalapit na ang kaniyang wakas. Naka pila na siya sa death sentence sa Rome at hindi na siya lalaya pa. Sa kaniyang pagpapahayag na siya ay iniaalay na, na tila sinasabi niya kay Timoteo na:

Kapag narinig mo ang aking kamatayan ay huwag kang malungkot sapagkat hindi ko inialay ang aking buhay ng labag sa aking kalooban. Kundi taos puso kong ihahandog ito para sa aking Panginoon, sa aking Cristo! Na ang sarili niyang dugo ay iaalay na parang alak na buong puso niyang ihahandog sa Dios.

Sa madaling salita mga kapatid ang gusto lamang ipahiwatig ni Pablo kay Timoteo ay huwag siyang lumuha para sa kaniya. At alam ni Timoteo ito: Na pag si Pablo ay papanaw, papanaw siyang nakangiti sapagkat ibinigay na niya ang lahat para sa Dios, isa na lamang ang hinihintay na sa kaniyay ibigay ng lubusan... ang kaniyang buhay!

Nakakamiss po yung mga bagong kapatid ano po? Nawawala at di na natin nakikita?

May tatlong pastor na nag uusap sa ministerial class. Si pastor One, pastor Two at pastor Three. Sabi ni pastor One, dun sa kapilya namin ang daming daga, nilason ko na, nag papain na ako ginawa ko na lahat pero bumabalik pa din. Nag kwento din si pastor Two, sa kapilya nga namin may mga paniki, nagpausok na ako ginawa ko na lahat pero pilit nilang bumabalik. Kaya nag yabang naman si pastor Three, sabi nya sa kapilya namin dati madaming daga at madaming paniki, pero ngayon wala na at di na sila bumalik. Kaya namangha si pastor One at Two. Kaya tinanong nila si pastor Three kung ano ba ginawa niya at hindi na bumalik yung mga peste sa kapilya nila. Ang sagot ni pastor Three, binautismuhan ko sila kaya hindi na bumalik.

Sayang ano po, kung sila po ay nag hupomone, nag persevere, masasabi din po nila ang mga katagang binitiwan ni apostol Pablo. Hindi pa huli ang lahat.

Ang salitang pagpanaw, o sa english Bible translation ay departure na nakatala sa verse 6 ay maaring maikahulugan sa isang barko na aalis na at babalik sa kaniyang daungan, o di kaya ay mag lalayag na upang makuwi na. Maari din na sa isang sundalo na tapos na ang digmaan at uuwi na sa kaniyang mahal sa buhay. To depart na maaring ang ibig sabihin ay tapos na at uuwi na. Pagkatapos ng mabibigat na problema, pagkatapos ng maraming pagsubok, panahon na upang ibaba ang lahat ng daladala at umuwi na at magpahinga. Para kay Pablo ito ang ibig sabihin ng "departure" "to finally go to rest with the Lord."

Natakot po ba si Pablo na mamatay? Hindi po! Kung ating pong susumahin ang lahat ng kaniyang mga isinulat sa dalawang salita lamang ay makakabuo tayo ng salitang: WALANG PAGSISISI! Kung si apostol Pablo ay nagawang magtiwala sa kaniyang mga nagawa para kay Cristo. Tayo kaya? Kaya kaya nating sabihin sa ating sarili na wala tayong pagsisisi sa ating mga nagawa? Sa paglilingkod sa Panginoon? Makakaiwas tayo sa tiyak na kapahamakan gamit ang ating pananampalataya.

II. Ano ang maiiwan mong pamana sa iyong pag alis?

Sa tuwing mababasa ko ang verse 7 ng ikalawang Timoteo iilang tao lamang ang laging sumasagi sa aking isipan. Isa po dito ang namayapa po nating elder sa Bulacan. Si Elder Jesus Simbulan. Sa pakikipag baka niya sa kaniyang sakit at kahit nuong wala pa siyang sakit, naging saksi tayong lahat sa kaniyang pananapalataya, kung paano siya naglingkod sa kabila ng kaniyang kahirapan sa buhay, o sa kabila ng kaniyang karamdaman. Natapos niya ang kaniyang takbuhin, na loobin nawa na masabi din nating lahat, sa ating buhay, sa pinanghawakan nating pananampalataya.

Nais ni apostol Pablo na ipakita sa ating lahat kung ano ang ibig sabihin ng makipagbaka ng mabuting pakikipagbaka. Ating pong tunghayan ang nakasulat sa Banal na Kasulatan sa ikalawang sulat ni Apostol Pablo kay Timoteo sa:

2 Tim 4:7

I have fought a good fight, I have finished my course, I have kept the faith.

Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya:

Ito ang mga pamana na iniwan ni Apostol Pablo kay Timoteo at sa ating lahat na may tatlong bahagi. Hayaan po ninyong ilahad ko sa inyo ang mga ito:

Una, nabuhay siyang may disiplina. “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka.” Hindi po ibig sabihin niya dito ay nakaupo siya sa isang baybayin at umiinom ng champagne habang nakatanaw sa dalampasigan at nag papahinga. Hindi po ibig sabihin nito ay naka upo lamang siya sa isang tumba tumba at naka tunghay sa balkonahe ng bahay at nag rerelax. Ang ibig sabihin po ni apostol Pablo dito ay habang siya ay nagpapahayag, marami ang di sumangayon sa kaniya, marami ang nag banta sa kaniyang buhay, marami ang kaniyang mga pagsubok kaya marami ang kaniyang mga kahirapan.

Ngunit pinagtagumpayan niyang lahat ng ito, sa tulong at awa ng Dios at malapit nang matapos ang kaniyang mga pakikipagbaka.

Pangalawa, nabuhay siya sa daang nais ng ating Panginoong Jesucristo na kaniyang tahakin. Natapos ko na ang aking takbo. Hindi po ibig sabihin nito ay parang kanta ni Frank Sinatra na "I did it my way." Ang ibig pong sabihin ni Pablo ay tumakbo siya sa daan ng Panginoon mula ng siya ay tawagin sa daang Damasco. Mula sa araw na iyon ay nagbago ang kaniyang buhay mula sa dati niyang pagkatao na mang uusig ng mga sinaunang cristiano at sa pagsangayon niya sa pagpatay kay Esteban. His life was turned a complete 360 degrees. Nagbago sa isang iglap. Nagpatuloy sa paglakad, kahit na sa kahirapan, pasakit, pagbabanta ng kamatayan, kahit sa kulungan, kahit sa ano pa mang anyo ng pagsubok ay hindi siya huminto sa takbuhin sa Dios.

Alam nyo po ma kapatid, masasabi ni apostol Pablo na: hindi ito madali, kadalasan sobrang pag hihirap. Nagaalala nga siya kung matatapos ba talaga niya ang kaniyang takbuhin, ngunit ngayon habang sinusulat niya ang mga huling sulat niya kay Timoteo ay nakikita na niya na malapit na. By the grace of God, nakarating na siya sa finish line.

Pangatlo, lumakad siya ng may pagtitiwala sa Dios. “iningatan ko ang pananampalataya”

Nagpatuloy siya ng nagpatuloy at nagpatuloy at nagpatuloy, mas matindi pa sya sa energizer mga kapatid. Wala ng energy ay nagpapatuloy pa din! Nagpatuloy siya para sa Dios hanggang sa dulo. Kahit ang kulungan sa Roma o ang pagkasira ng sinasakyan niyang barko sa Malta ay hindi kayang matinag ang kaniyang pananampalataya, hindi kaya kahit ng kamatayan na pugnawin ang kaniyang pananampalataya.

Sa pangatlong katanungan ulit sa ating buhay:

III. Ano ang matatangap mong gantimpala?

2 Timothy 4:8

Now there is in store for me the crown of righteousness, which the Lord, the righteous Judge, will award to me on that day –and not only to me, but also to all who have longed for his appearing.

Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom sa araw na yaon; at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din naman ng mga naghahangad sa kaniyang pagpapakita.

Dito na po natin nakikita ang pananampalataya ni Pablo na kumikinang na parang isang mamahaling bato, isang dalisay na ginto habang sa kadiliman at kalaliman ng mga kulungan sa Roma ay tila ba lumiwanag dahil sa pagtitiwala niya sa Dios. Dahil sa kaniyang pananampalataya nakita niya ang darating na bukas. Na sa araw na iyon ay kaniyang makakamtan ang putong na katuwiran ang gantimpla na natataan sa mga katulad niyang nag tiis. Ano kaya ang kaniyang gantimpala?

Isa lang ang kasiguruhan sa gantimpala ng Dios. Ito ay nakalagak sa langit para kay apostol Pablo. Isang maluwalhating gantimpala. Ito ang putong ng katuwiran.

Alalahanin natin mga kapatid na sa panahong kaniyang isinusulat ito para kay Timoteo ay ilang araw na lang ay bibitayin na siya ni Nero, ang isa sa pinaka masamang emperor ng kanilang panahon. Alam niya mga kapatid na siya ay mapaparusahan ng kamatayan. Subalit mas alam ni Pablo na may mas mataas kay Nero, isang matuwid na Hari na siyang mabibigay ng makatarungang pagpapasiya hindi lamang sa kaniya kundi sa lahat. Hindi sa kung kanino lamang matatangap ni Pablo ang gantimpala, hindi po ito ipapadala sa DHL, o sa kaya sa ordinaryong messeger lamang sa sangkalupaan. Ito ay ipagkakaloob mismo ng Dios!

Ito ay kaloob sa araw na darating. Ito ay ipagkakaloob sa pagdating ng ating Panginoong Jesus sa Kaniyang muling pagbabalik. At hindi lamang si Pablo mga kapatid ang makakatanggap nito, kundi sa lahat ng umaasa sa Kaniyang pagpapakita.

Ito ang nakalaan para kay Pablo, ito ang nakalaan para sa akin, ito ang nakalaan para sa inyo, ito ang nakalaan para sa ating lahat mga kapatid. Kung tayo ang maglilingkod ng taos sa ating puso, sa paglilingkod sa ating Dios at sa ating Panginoong Jesus! Ang ating Ama ay hindi masama, siya ay mabuti. Alam Niya ang ating mga pakikipagbaka, ang ating mga pagsubok, ang ating mga pagtitiis. Nakikita niya kung gaano kabuti ang ating pakikipaglaban, kung paano na paminsay gusto mo nang sumuko, na paminsay parang wala ng bukas na darating, na kahit sa ganitong pagkakataon ay nagpatuloy ka sa iyong takbuhin. Nakikikita ng Dios ang lahat ng mga ito at alam Niya na sa araw na iyon ay Kaniyang ipagkakaloob ang gantimpala sa kaniyang mga banal sa mga nagtiis.

Kaya ang bilin ng apostol Pablo: Keep on fighting, keep on running, keep on believing.

Alam nyo po ang latin phrase na Semper Fidelis? Sino po nakakaalam? Sino po dito nanunood ng hit US TV series na Homeland? Ito po ay popular motto ng US Marine Corps. Ang ibig sabihin po nito ay "Always Faithful" at "Always Loyal" naging slogan din po ito ng mga prominenteng pamilya at mga entities nuong 1600. Ang ganda ng meaning ano po?

Hindi lamang dito ang buhay, hindi na din matatagal at malapit na Siyang dumating. Konting tiis na lamang at muling babalik ang ating Panginoon! Hindi panghabang buhay ang mga paghihirap natin mga kapatid at itong takbuhin na ito ay matatapos din, malapit na. Soon mga kapatid. Manatili sa pananampalataya. Magtiis hanggang wakas upang makamit natin ang putong ng buhay.

Ang iba sa atin malapit na o ang sa iba ay malayo pa ang finish line. Kay apostol Pablo ng malapit na siyang hatulan ni Nero alam niya na malapit na ang finish line. Konti na lang. Konting tiis na lang at makakamit na niya ang putong ng katuwiran.

Bago po ako magtapos ay gusto ko pong iwan sa inyo ang isang kasabihan ni Pastor Marvin Salazar na naway matimo sa ating puso at isipan:

Pagtatapos ng mabuti ay hindi nangyayari sa biglaan o sa isang kisapmata lamang. Kundi sa pag titiyaga at pag titiis sa mga bagay na ninanais. Sa buhay na ito at sa buhay na darating.

Let us finish strong, hold on to the faith!

Ito naway magawa ko magawa nating lahat, mula ngayon at hanggang sa muli Niyang pagpapakita.

Amen!

Inspired by Ray Pritchard's Finish Well