Sermons

Summary: Ang diablo ay gumagala na humahanap ng masisila (1 Peter 5:8)

  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
  • Next

Leon, kung mayroong panahon o oras na madidining natin ang ungol ng leon na ito. Ito po ay sa panahon natin ngayon. Kahit saan kayo tumingin, kahit ano basahin mo o kung ano man ang mga katayuhan natin sa buhay, ang ungol ng leon ay malakas at mapanghikayat sa puso ng tao. Kahit sa mga hinirang ng Dios, kahit pa mas madalas na ang mga hinirang ay nakakarinig ng tinig ng Mabuti. Kadalasan ang tao ay sumusuko sa kahinaan sa lakas ng ungol ng leon. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa buyo ng kalayawan.

Sino po sa atin ang hindi nakarinig ng ungol ng tinig ng leon? Sino makapag sasabi sa atin sa panahon natin ngayon na hindi na nila naririnig at nagpapasindak sa kahinaan sa ungol ng leon? Naririnig natin ito mga kapatid, sa linggo linggo, araw araw, oras oras at minu-minuto. Baka nga ngayon po ay atin itong naririnig? Sa ating mga puso, sa ating mga isipan?

Ano po ba ang sinasabi ko, ano po ba ang ibig ko ipahayag sa inyo sa umagang ito mga kapatid. Sa pinaka simpleng paliwanag ating pong tunghayan ang sulat ni Apostol Pedro sa 1 Peter 5:8 ating pong pakinggan ang Banal na Kasulatan:

1 Peter 5:8

8 Be sober-minded; be watchful. Your adversary the devil prowls around like a roaring lion, seeking someone to devour.

8 Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya:

Ito po ang paksa natin sa umagang ito. Ang leon ay si Satan, na itinapon sa lupa dahil sa kaniyang pagmamataas. Gusto ko po sanang bigyan kayo, tayo ng pamamaraan, ng sandata upang labanan ang leong umuungal, ang diablong satanas na dumaya sa tao nung una.

At ang kaniyang pinakadakilang sandata o armas ay ang kaniyang ungol. Ang ungol na sumisila sa bawat isa, maging sa mga hinirang ng Dios. Ang ingay ng kaniyang ungol ay laging mahusay. It appeals to the very nature of man who desires to do evil. Nahahalina ang tao sa mahinang ungol pa lamang. At hindi po natutulog ang leon, palagi siyang umuungal, naghahahanap ng masisila, ng madadamay. Ang ungol nya ay hindi nakakibingi. Sa TV pag nakikita natin sa animal planet pag umungal ang leon ay malakas at nakakatakot. Badya ng panganib po iyon. Bagamat' ang mga hinirang naririnig ang tinig ng Banal na Espiritu na nag sasabi sa atin na gumawa ng mabuti, pero nariyan pa rin ang kaniyang ungol na tila ba gustong daigin sa lakas ang tinig ng Holy Spirit, na nagiging paraan upang hindi na ito pansinin tao at gawin ang kalayawan, ang sariling nais.

Ang mga ungol ng leon ay nasa workplace natin, sa eskuwela, sa palenge, sa kalye, at sa kung saan saan pa. Kung saan tayo nandun, siguradong nandun din ang leon. Kahit sa loob ng sambahan! Hindi siya tumitigil sa pag ungol. Hindi siya tumitigil sa pag hahahanap ng masisila. Karamihan nga, hindi na nila napapansin na sumusunod pala sila sa ungol ng leon. Ungol pala ng leon at hindi ng Holy Spirit yung pinakikinggan ng tao.

Pagkatapos po ng paksa natin sa umagang ito, gusto ko po na makita ninyo na tunay na hindi tumitigil sa pag ungol ang leong kaaway natin, na hindi niyo lamang namamalayan na ungol pala niya ang dapat natin makilala at maiwasan.

Ungol ng leon ang nag uudyok sa atin para gumawa ng masama. Maliit ma ito o malaki.

Paano umuungol ang leon sa inyong workplace? Mga tismis, mga pangugulang sa kapuwa natin kasama sa trabaho. Mga pamimintas, mga pangugulang? O di kaya naman mga red tape? Mga maliliit na bagay na tila ba wala namang halaga pero nakagagawa tayo ng masama? For example, nag uuwi ka ng papel na pag aari ng kumpanya? O di kaya gumagamit ka ng xerox machine na nag copy ka ng isang buong libro, e yung xerox machine ay for official use only? O di naman kaya gagamitin mo ang sasakyan ng company o ng gobyerno sa mga personal mong pangangailangan? Sa kultura po kasi natin parang nakabaon na po iyong ganung panggugulang.

Sa gobyerno po hindi mapatid patid ang mga red tape o mga pang susuhol o mga bribe. Di ko naman po nilalahat, pero naging experience ko po iyon. Na approve ako dati sa loan sa SSS tapos kukunin mo yung checke mo sa post office, abay sasabihin sayo ng teller, pang meryenda naman dyan. Ayaw ibigay yung sulat mo hanggat di ka nag bibigay ng pam merienda. Di ba ang kapal ng muka? O kaya sabi ng national goverment bawal ang noontime break. Kasi po goverment service wala talagang break yan. Kaya nga dapat nag aalternate sila or shifting. Dapat tuloy tuloy ang serbisyo. Pero pag inabutan po kayo sa LTO ng 12nn wala na pong mag aasikaso sa inyo. Tapos me lalapit sa inyo na nangangako na sila na mag lalakad ng mga papel nyo para mapadali. In short alam po natin na mga fixer ito. Pero gusto pa din natin na maging convenient sa atin at papatulan natin.

Copy Sermon to Clipboard with PRO Download Sermon with PRO
Talk about it...

Nobody has commented yet. Be the first!

Join the discussion
;