Leon, kung mayroong panahon o oras na madidining natin ang ungol ng leon na ito. Ito po ay sa panahon natin ngayon. Kahit saan kayo tumingin, kahit ano basahin mo o kung ano man ang mga katayuhan natin sa buhay, ang ungol ng leon ay malakas at mapanghikayat sa puso ng tao. Kahit sa mga hinirang ng Dios, kahit pa mas madalas na ang mga hinirang ay nakakarinig ng tinig ng Mabuti. Kadalasan ang tao ay sumusuko sa kahinaan sa lakas ng ungol ng leon. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa buyo ng kalayawan.
Sino po sa atin ang hindi nakarinig ng ungol ng tinig ng leon? Sino makapag sasabi sa atin sa panahon natin ngayon na hindi na nila naririnig at nagpapasindak sa kahinaan sa ungol ng leon? Naririnig natin ito mga kapatid, sa linggo linggo, araw araw, oras oras at minu-minuto. Baka nga ngayon po ay atin itong naririnig? Sa ating mga puso, sa ating mga isipan?
Ano po ba ang sinasabi ko, ano po ba ang ibig ko ipahayag sa inyo sa umagang ito mga kapatid. Sa pinaka simpleng paliwanag ating pong tunghayan ang sulat ni Apostol Pedro sa 1 Peter 5:8 ating pong pakinggan ang Banal na Kasulatan:
1 Peter 5:8
8 Be sober-minded; be watchful. Your adversary the devil prowls around like a roaring lion, seeking someone to devour.
8 Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya:
Ito po ang paksa natin sa umagang ito. Ang leon ay si Satan, na itinapon sa lupa dahil sa kaniyang pagmamataas. Gusto ko po sanang bigyan kayo, tayo ng pamamaraan, ng sandata upang labanan ang leong umuungal, ang diablong satanas na dumaya sa tao nung una.
At ang kaniyang pinakadakilang sandata o armas ay ang kaniyang ungol. Ang ungol na sumisila sa bawat isa, maging sa mga hinirang ng Dios. Ang ingay ng kaniyang ungol ay laging mahusay. It appeals to the very nature of man who desires to do evil. Nahahalina ang tao sa mahinang ungol pa lamang. At hindi po natutulog ang leon, palagi siyang umuungal, naghahahanap ng masisila, ng madadamay. Ang ungol nya ay hindi nakakibingi. Sa TV pag nakikita natin sa animal planet pag umungal ang leon ay malakas at nakakatakot. Badya ng panganib po iyon. Bagamat' ang mga hinirang naririnig ang tinig ng Banal na Espiritu na nag sasabi sa atin na gumawa ng mabuti, pero nariyan pa rin ang kaniyang ungol na tila ba gustong daigin sa lakas ang tinig ng Holy Spirit, na nagiging paraan upang hindi na ito pansinin tao at gawin ang kalayawan, ang sariling nais.
Ang mga ungol ng leon ay nasa workplace natin, sa eskuwela, sa palenge, sa kalye, at sa kung saan saan pa. Kung saan tayo nandun, siguradong nandun din ang leon. Kahit sa loob ng sambahan! Hindi siya tumitigil sa pag ungol. Hindi siya tumitigil sa pag hahahanap ng masisila. Karamihan nga, hindi na nila napapansin na sumusunod pala sila sa ungol ng leon. Ungol pala ng leon at hindi ng Holy Spirit yung pinakikinggan ng tao.
Pagkatapos po ng paksa natin sa umagang ito, gusto ko po na makita ninyo na tunay na hindi tumitigil sa pag ungol ang leong kaaway natin, na hindi niyo lamang namamalayan na ungol pala niya ang dapat natin makilala at maiwasan.
Ungol ng leon ang nag uudyok sa atin para gumawa ng masama. Maliit ma ito o malaki.
Paano umuungol ang leon sa inyong workplace? Mga tismis, mga pangugulang sa kapuwa natin kasama sa trabaho. Mga pamimintas, mga pangugulang? O di kaya naman mga red tape? Mga maliliit na bagay na tila ba wala namang halaga pero nakagagawa tayo ng masama? For example, nag uuwi ka ng papel na pag aari ng kumpanya? O di kaya gumagamit ka ng xerox machine na nag copy ka ng isang buong libro, e yung xerox machine ay for official use only? O di naman kaya gagamitin mo ang sasakyan ng company o ng gobyerno sa mga personal mong pangangailangan? Sa kultura po kasi natin parang nakabaon na po iyong ganung panggugulang.
Sa gobyerno po hindi mapatid patid ang mga red tape o mga pang susuhol o mga bribe. Di ko naman po nilalahat, pero naging experience ko po iyon. Na approve ako dati sa loan sa SSS tapos kukunin mo yung checke mo sa post office, abay sasabihin sayo ng teller, pang meryenda naman dyan. Ayaw ibigay yung sulat mo hanggat di ka nag bibigay ng pam merienda. Di ba ang kapal ng muka? O kaya sabi ng national goverment bawal ang noontime break. Kasi po goverment service wala talagang break yan. Kaya nga dapat nag aalternate sila or shifting. Dapat tuloy tuloy ang serbisyo. Pero pag inabutan po kayo sa LTO ng 12nn wala na pong mag aasikaso sa inyo. Tapos me lalapit sa inyo na nangangako na sila na mag lalakad ng mga papel nyo para mapadali. In short alam po natin na mga fixer ito. Pero gusto pa din natin na maging convenient sa atin at papatulan natin.
Mga kapatid hindi kaya ungol ng leon yung inyong sinusunod?
Isa pang example mga kapatid, eto ang isa pa na nakabaon na sa ating kultura, padrino at lagay. Pag nahuli tayo ng traffic violation at hindi natin mapakiusapan yung mga enforcers ang gagawin ba natin ay lalagyan natin sila? Bribe o suhol o lagay? Kasi ang hirap maabala sa pag kuha ng lisensya pag nahuli ka. Abala sa atin. Ganun din naman magbabayad ako sa cityhall o sa LTO, edi yung enforcer na lang or yung pulis ang bayaran ko. Para di na ako maabala. Tama po ba? Sulsol po ba ng Banal na Espritu yun? O ungol ng leon? Maliit na bagay di ba? Alam natin na masama ang manigarilyo dahil nakakapinsala di lang sa katawan natin kundi pati sa mga mahal natin sa buhay. Pero idadahilan natin sa ating sarili, wala namang mababasa na masama ang manigarilyo. Wala namang mababasa na kasalanan ito. Yan ang mga ungol ng leon. Mga kadahilanan na walang dulot na mabuti.
Pansinin ninyo mga kapatid. Pag umungol ang leon, hindi sya nangangagat. Kundi masarap pakinggan. Huwag ka bumangon sa higaan, mas masarap matulog kesa makinig sa boring na pastor nyo. O di kaya mag dadahilan na madami kasi kami kaya lagi kaming late pero ang importante ay makadalo ng pagsamba kahit late. Ok lang yun. Nice try mga kapatid. Maliliit na bagay na akala natin ay hindi masama.
Kung tutuusin mga kapatid, hindi niya kailangang lakasan ang ungol nya o umatungal sya ng husto para sunding ng tao. Konti lang, bulong nga lang mga kapatid. Sige tumikim ka niyang alak. Konti lang naman. Hindi ka malalasing nyan. Pag nakainom na, kaya mo pa, di ka pa lasing. He will do everything to rip us apart from our faith, from our Lord!
Yung tunay na leon nga mga kapatid, it strikes fear sa mga tao. Yung mga nanunuod ng animal planet dyan. Sino ba naman ang gusto makatabi ang leon na tinatawag na King of the Jungle di ba? Hello kitty kitty, ang laking pusa nito kasyang kasya ang ulo natin. Ang nature ng leon is predator, maninila, kumain ng karne.
Ganun din po ang ungol ni Satan. He roars in the ears of men to please men's desires. Si satanas po mga kapatid hindi yan kamuka ni Hellboy, na kahindik hindik, kagilagilalas at nakakatayo ng balahibo, hindi po yan nakakatakot. At hindi po niya kayo tatakutin para mapasunod. Ano po ang gagamitin nya? Ang mga KASINUNGALINGAN sapagkat siya ang ama ng kasinungalingan! Bubulungan kayo ng leon, NA ANO PO? Mag trabaho ka na lang pag linggo kasi wala kayong kakainin. Dumepende ka sa sarili mo, sapagkat pag di ka nag trabaho gutom ang pamilya mo. Hindi naman masama yun. Paminsan minsan lang naman na tumigil sa pagsamba.
It shakes our faith, it shakes our trust in God!
Ang gusto ng tao ay ang kalayawan na nais ng laman. Yun ang masarap pakinggan na ungol. Hindi yung magtiis hanggang wakas. Bakit ako mag titiis, konting deal ko lang sa ilegal na trabaho yayaman na ako. Patulan ko lang itong smuggled goods na ito, itong illegal na droga na ito mayaman na ako. Isang deal lang, tapos lahat ng problema ko. Bakit pa ako magtitiis, bakit ko pahihirapan ang buhay ko? Mga kapatid, payo lamang po, its not worth it. Mas mabuti pa na duon tayo sa kalooban ng Dios at huwag sa kalooban ng leon.
Susundin ko na ang boss ko sa trabaho kailangan ko mag overtime kasi mawawalan ako ng trabaho pag inuna ko ang pagsamba. O di kaya malakas ang kita pag linggo kasi madaming bumibili sa tindahan kaya di na ako sasamaba. Mas masarap manuod ng mga drama sa TV kesa mag basa ng Bible. Boring kasi yung Bible at nakakaantok. Mga kapatid, eto yung mga ungol ng leon sa panahon natin. Mga bagay na akala natin hindi masama at walang epekto sa faith natin. Pero meron pala. Duon ka na nakatira sa sambahan mag papakita ka pagkatapos na nag awitan, matapos na mag unang panalangin. Ganun ba kababaw ang faith natin mga kapatid?
Mga kapatid, lalo pang lumalakas ang ungol ng leon at lalo pang gumaganda ang mga pag ungol niya sa tao habang lumalaon ang panahon. Sapagkat malapit na ang panahon. Ngayon na ang pagliligtas hindi bukas ngayon na!
Yung mga iban sinasabing mga Cristiano, naniniwala sila na ang Panginoong Jesus ang tagapaglitas, pero hindi nila ma reconcile sa faith nila na paano maisasakay ni Noah lahat ng hayop na tig dadalawang pares? Ng hindi nag aaway? Nung lumabas na sa arko paano niya pinakawalan yung mga tigre, leon kasama ng mga usa, kabayo? Di nag aaway? Mga kapatid, walang imposible sa Dios! Yun po ang tinuturo sa atin ng Banal na Kasulatan ang magtiwala sa Kaniya.
Nung isang gabi mga kapatid nag aral kami ng panganay ko ng Bible. Tapos binasa ko po sa kanya yung talatang iyan. Sabi ko sa kanya "kuya, do you know that satan is besides you? Biglang tabi sa akin si kuya, natakot. Alam nyo po kasi matatakutin talaga yang panganay ko kaya di nanunuod ng horror movies yan e. Tanong ko sa kanya, do you hear satans' roar? Sa mura po niyang isipan gusto ko kasi malaman niya na may kalaban na dapat alam niya kung paano niya ito lalabanan. Sabi ko sa kanya did you know that you are obeying satan? So tingin lang sa akin si kuya, sabi ko sa kanya, everytime that you disobey mommy and daddy, you are allowing satan,s roar to overcome the voice of the Holy Spirit in you. Tapos sabi ko kay kuya, now that you know that the lion is roaring endlessly, how you can you protect yourself? How can you defeat satan?
Kayo po mga kapatid, paano natin ma oovercome ang ungol ng leon?
By putting the full armor of God. Eto din po ang greek word po natin sa linggong ito
Armor of God in greek: panoplĂa tou Theos
Ano po yung full armor of God?
Ngayon mga kapatid , let us prepare our minds and open our hears with the Word of God:
(read aloud Ephesians 6:10-20)
10 Finally, be strong in the Lord and in his mighty power. 11 Put on the full armor of God so that you can take your stand against the devil's schemes. 12 For our struggle is not against flesh and blood, but against the rulers, against the authorities, against the powers of this dark world and against the spiritual forces of evil in the heavenly realms. 13 Therefore put on the full armor of God, so that when the day of evil comes, you may be able to stand your ground, and after you have done everything, to stand. 14 Stand firm then, with the belt of truth buckled around your waist, with the breastplate of righteousness in place, 15 and with your feet fitted with the readiness that comes from the gospel of peace. 16 In addition to all this, take up the shield of faith, with which you can extinguish all the flaming arrows of the evil one. 17 Take the helmet of salvation and the sword of the Spirit, which is the word of God. 18 And pray in the Spirit on all occasions with all kinds of prayers and requests. With this in mind, be alert and always keep on praying for all the saints. 19 Pray also for me, that whenever I open my mouth, words may be given me so that I will fearlessly make known the mystery of the gospel, 20 for which I am an ambassador in chains. Pray that I may declare it fearlessly, as I should.
10 Sa katapustapusa'y magpakalakas kayo sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan. 11 Mangagbihis kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo'y magsitibay laban sa mga lalang ng diablo. 12 Sapagka't ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan. 13 Dahil dito magsikuha kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo'y magtagal sa araw na masama, at kung magawa ang lahat, ay magsitibay. 14 Magsitibay nga kayo, na ang inyong mga baywang ay may bigkis na katotohanan, na may sakbat na baluti ng katuwiran, 15 At ang inyong mga paa ay may panyapak na paghahanda ng evangelio ng kapayapaan; 16 Bukod dito ay taglayin ninyo ang kalasag ng pananampalataya, na siyang ipapatay ninyo sa lahat ng nangagniningas na suligi ng masama. 17 At magsikuha rin naman kayo ng turbante ng kaligtasan, at ng tabak ng Espiritu, na siyang salita ng Dios:18 Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal, 19 At sa akin, upang ako'y pagkalooban ng pananalita sa pagbubuka ng aking bibig, upang ipakilalang may katapangan ang hiwaga ng evangelio, 20 Na dahil dito ako'y isang sugong natatanikalaan; upang sa ganito ako'y magsalita na may katapangan gaya ng nararapat na aking salitain.
Tandaan ninyo mga kapatid. Full Armor of God ang pinasusuot sa atin. Hindi partial, hindi kapiraso lang, kundi buo. Sabi sa verse 11 mga kapatid ang sabi mangagbihis kayo ng BUGONG KAGAYAKAN ng Dios! Hindi pwedeng partial, buong buo mga kapatid. Upang ano po? Upang malabanan natin ang leong umuungal. Ang pamamaraan ng leon, ang mga kasinungalingan. Maari tayong masila ng kasinungalingan and it could happen to the best of us. Kahit sino sa atin mga kapatid, ay maaring masila kung wala sa atin ang buong kagayakan ng Dios.
Isa isahin po natin mga kapatid ang kailangan natin upang ating malabanan ang ungol ng leon.
1. Stand firm then, with the BELT OF TRUTH buckled around your waist
Magsitibay nga kayo, na ang inyong mga baywang ay may bigkis na katotohanan
Ibig po sabihin nito ay yung katotohanan. Hindi sa pag bubulid ng mga kasinungalingan. Sapagkat ang Dios ay HINDI MARUNONG MAGSINUNGALING
2. with the breastplate of righteousness in place
na may sakbat na baluti ng katuwiran
Righteous sa paningin ng Dios, kung ano nais ng Panginoon natin duon tayo lumugar, duon tayo lumalakad sa kaniyan katuwiran.
3. and with your feet fitted with the readiness that comes from the gospel of peace
At ang inyong mga paa ay may panyapak na paghahanda ng evangelio ng kapayapaan
Sa kapayapaan na ating matatagpuan sa mabuting balita sa Banal na Aklat. Hindi sa kaguluhan o sa pagkagalit o sa kung ano paman. Kundi ang pagiging isang Cristiano ay maibigin sa kapayapaan.
4. In addition to all this, take up the shield of faith, with which you can extinguish all the flaming arrows of the evil one
Bukod dito ay taglayin ninyo ang kalasag ng pananampalataya, na siyang ipapatay ninyo sa lahat ng nangagniningas na suligi ng masama
Ipakita ninyo ang inyong pananamapalataya, even in our worst times. Dun natin mas lalong kailangang manampalataya. Binubugbog na tayo ng pagsubok, ng tukso tapos mawawala pa ang faith natin? Abay siguradong matatalo tayo kasi wala tayong kalasag, wala tayong faith. Kahit ano ipukol ng leon sa atin ay siguradong sapul tayo.
5. Take the helmet of salvation and the sword of the Spirit, which is the word of God
At magsikuha rin naman kayo ng turbante ng kaligtasan, at ng tabak ng Espiritu, na siyang salita ng Dios
Ang Banal na Kasulatan na dapat parati nating binabasa upang magpatibay pa lalo sa ating faith. Ang kaligtasan na nakay Cristo Jesus. Sapagkat Siya ang Salita ng Dios! Kung paano siya nabuhay mga kapatid, ganun din sana tayo. Sa pagibig, sa pagkamapag kumbaba, sa pananampalataya natin sa pangako Niya.
6. And pray in the Spirit on all occasions with all kinds of prayers and requests. With this in mind, be alert and always keep on praying for all the saints. Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal
At sa lahat ng mga ito mga kapatid... panalangin pa rin ang pinakamabisang kasangkapan natin sa pagtawag sa Kaniya. Huwag maging balakid ang mga gawain natin sa pansarili o sa hanapbuhay o dahil iyon ang gusto ng girlfriend natin o boyfriend natin o ng mga kaibigan natin ay susundin na natin yun? Dios muna bago ang lahat! Pag hindi sa Dios kanino yun? Sa kalabang leong umuungal.
Kaya nga po mga kapatid, muli akong kumakatok sa inyong mga puso sa tulong at awa ng ating Dios, labanan natin ang ungol ng leon. Ipakita natin ang faith ng bawat isa na duon tayo mabuhay, kahit gaano kahirap, kahit gaano ka nakakapagod. Manatili sa faith. At magkamit tayong lahat ng buhay na walang hanggan.
Amen