Sermons

Summary: A sermon that teaches why grace changes everything.

  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • Next

Amazing Grace

Why Grace Changes Everything

Luke 15:11-24

SCRIPTURE READING

Ang ating teksto sa umagang ito ay Lukas 15:11-24 at ito ang ating Scripture Reading kanina. Ito ay isang parable na sinabi ng ating Panginoong Hesu-Cristo tungkol sa isang anak na lalaki na hindi satisfied o hindi masaya sa kanyang buhay. Kaya naman lumapit siya sa kanyang ama upang kunin ang kanyang ari-arian o ang kanyang mana.

Alam ninyo, culturally speaking sa panahon na iyun, ang paghingi ng mana ng isang anak sa kanyang magulang ay isang napakalaking insulto. Ipinapahayag ng anak na ito na hindi ko na kayo kailangan at wala akong panahon na hintayin pa ang inyong kamatayan.

Kaya’t sa paghingi ng anak sa kanyang mana ay isang malaking insulto na isinampal nito sa kanyang ama.

Ngunit ipinagkaloob pa rin ng ama sa kanyang anak ang kanyang ari-arian. At kung susundan natin ang kwento, nakagawa ang taong ito ng mga unwise and immature decisions. In short, naghirap siya.

At sa bandang huli, napagisip-isip niya na muling bumalik sa kanyang ama at humingi ng kapatawaran. Narealize niya na ang pagbabago na kanyang hinahanap ay hindi pala sa pagbabago ng pagkakataon kundi sa pagbabago mismo sa kanyang sarili.

Sa kanyang pag-uwi, agad siyang sinalubong at tinanggap ng kanyang ama at ang sabi sa Lukas 15:24, “Sapagka’t patay na ang anak kong ito, at muling nabuhay; siya’y nawala, at nasumpungan. At sila’y nangagpasimulang mangagkatuwa.”

Ngayong umaga ay pag-usapan natin ang grace ng Panginoon. Ang biyaya, ang kanyang kagandahang loob. Madalas ay ating naririnig ang grace, subalit lubos kaya natin itong naunawaan?

Kaya sa umagang ito, ang aking paksa ay Amazing Grace, Why Grace Changes Everything!

Ano ba ang grace??? Sinasabing kapag ang isang tao ay nagtrabaho ng walong oras kada araw at siya ay nakatanggap ng kaukulang bayad dahil sa trabaho na kanyang ginawa, ito ay tinatawag na salary o sweldo.

Kapag naman ang isang tao ay nakipagcompete sa kanyang katunggali at nakatanggap ng trophy dahil sa kanyang performance ito ay tinatawag na prize o premyo.

Kapag ang isang tao ay nakatanggap ng kaukulang recognition dahil sa kanyang mahabang serbisyo o sa kanyang mataas na achievement ito ay tinatawag na awards o gantimpala.

Ngunit kung ang isang tao ay walang kakayanan na kitainang kanyang sweldo, walang matanggap na anumang premyo at hindi karapat-dapat sa anumang gantimpala, datapuwat sa kabilang banda ay nakatanggap pa rin ng ganitong mga regalo, ito ay ang larawan ng kagandahang loob ng Panginoon. It’s an amazing grace. You don’t deserve it, but still you have it. Yan ang amazing grace.

Sa talatang ating nabasa, natagpuan ng anak sa kanyang muling pagbabalik ang pinakamagandang regalo na ibinigay sa kanya ng kanyang ama—ang kagandahang loob o ang grace.

Ang anak na ito ay hindi deserving sa anumang bagay sa kanyang pagbabalik. At kahit na napakalaking insulto ang ibinigay nito sa kanyang ama, tinanggap pa rin siya na muling makabalik at magkaroon pa ng mga bagay na mas higit pa. This boy received an amazing grace—unconditional, undeserved favor, love at its highest level.

Katulad ng ama sa parabula, God extends the same love to us. At kahit na kung minsay pinipili natin na mahiwalay sa ating Panginoon, patuloy pa rin na kanyang ineextend ang kanyang grace na unconditional love sa atin. Wala tayong dapat gawin upang maearn natin ito. Sa katuanayan, hindi natin deserving magkaroon nito, ngunit dahil lamang sa kanyang kagandahang loob.

Efeso 2:8-9, “Sapagkat sa biyaya kayo’y naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito’y hindi sa pamamagitan ng inyong sarili, ito’y kaloob ng Diyos; hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinuman ay huwag magmalaki.”

Ipinagkaloob ng Panginoon si Jesus upang mamatay para sa ating kaligtasan. Hindi natin deserve na magkaroon ng kaligtasan na yan, ngunit dahil sa biyaya ipinagkaloob ito sa atin. It is an amazing grace. Hindi ito nakabase sa ating gawa.

Kung minsan kasi ay iniisip natin na ang acceptance ng Panginoon para sa atin ay kung ano ang ating perfoemnce at nagagawa. Ahh… the longer I pray, mas magiging acceptable ako sa Panginoon. The more scripture that I memorize, mas mahal ako ng Panginoon. The more I consistently attend in service, mas sigurado ang aking kaligtasan. Hindi iyan ang sabi ng Panginoon. Ang sabi niya, it is only by grace.

I’m not saying na hindi impoaatnte ang mga bagay na iyun, napakahalaga at essential ang mga ito sa paglago sa ating buhay Chritiano. Ngunit kung ito ang ating nagiging motivation para sabihin mo kung gaano ka kaaceptable sa Panginoon, un ang mali. Ang mga bagay na ito ay sumusunod lamang after na matanggap mo ang kanyang amazing grace.

Now, lets discuss the 3 reasons why grace chages everything…

1. GRACE FREES US FROM OUR PAST

Ang biyaya ang siyang nagpapalaya sa atin mula sa tanikala ng nakaraan.

Si Satanas o ang ating kaaway ay gustong-gustong gamitin ang ating nakaraan laban sa atin. Nais niya na ipaalala sa atin ang ating mga pagkakamali at kabiguan upang tayo ay mailayo sa ating Panginoon. Minamanipulate niya tayo sa pamamagitan ng pagbibigay ng guilt feelings sa gayon ay isipin natin na tayo ay walang karapatang lumapit sa Panginoon at makatanggap ng kanyang pagpapatawad.

Copy Sermon to Clipboard with PRO Download Sermon with PRO
Talk about it...

Zaldy Natural

commented on May 5, 2021

WOOOWWWWW....napaka amazing ng Grace ng Panginoon sa atin. Talagang mahal na mahal Niya tayo😇

Join the discussion
;