Summary: A sermon that teaches why grace changes everything.

Amazing Grace

Why Grace Changes Everything

Luke 15:11-24

SCRIPTURE READING

Ang ating teksto sa umagang ito ay Lukas 15:11-24 at ito ang ating Scripture Reading kanina. Ito ay isang parable na sinabi ng ating Panginoong Hesu-Cristo tungkol sa isang anak na lalaki na hindi satisfied o hindi masaya sa kanyang buhay. Kaya naman lumapit siya sa kanyang ama upang kunin ang kanyang ari-arian o ang kanyang mana.

Alam ninyo, culturally speaking sa panahon na iyun, ang paghingi ng mana ng isang anak sa kanyang magulang ay isang napakalaking insulto. Ipinapahayag ng anak na ito na hindi ko na kayo kailangan at wala akong panahon na hintayin pa ang inyong kamatayan.

Kaya’t sa paghingi ng anak sa kanyang mana ay isang malaking insulto na isinampal nito sa kanyang ama.

Ngunit ipinagkaloob pa rin ng ama sa kanyang anak ang kanyang ari-arian. At kung susundan natin ang kwento, nakagawa ang taong ito ng mga unwise and immature decisions. In short, naghirap siya.

At sa bandang huli, napagisip-isip niya na muling bumalik sa kanyang ama at humingi ng kapatawaran. Narealize niya na ang pagbabago na kanyang hinahanap ay hindi pala sa pagbabago ng pagkakataon kundi sa pagbabago mismo sa kanyang sarili.

Sa kanyang pag-uwi, agad siyang sinalubong at tinanggap ng kanyang ama at ang sabi sa Lukas 15:24, “Sapagka’t patay na ang anak kong ito, at muling nabuhay; siya’y nawala, at nasumpungan. At sila’y nangagpasimulang mangagkatuwa.”

Ngayong umaga ay pag-usapan natin ang grace ng Panginoon. Ang biyaya, ang kanyang kagandahang loob. Madalas ay ating naririnig ang grace, subalit lubos kaya natin itong naunawaan?

Kaya sa umagang ito, ang aking paksa ay Amazing Grace, Why Grace Changes Everything!

Ano ba ang grace??? Sinasabing kapag ang isang tao ay nagtrabaho ng walong oras kada araw at siya ay nakatanggap ng kaukulang bayad dahil sa trabaho na kanyang ginawa, ito ay tinatawag na salary o sweldo.

Kapag naman ang isang tao ay nakipagcompete sa kanyang katunggali at nakatanggap ng trophy dahil sa kanyang performance ito ay tinatawag na prize o premyo.

Kapag ang isang tao ay nakatanggap ng kaukulang recognition dahil sa kanyang mahabang serbisyo o sa kanyang mataas na achievement ito ay tinatawag na awards o gantimpala.

Ngunit kung ang isang tao ay walang kakayanan na kitainang kanyang sweldo, walang matanggap na anumang premyo at hindi karapat-dapat sa anumang gantimpala, datapuwat sa kabilang banda ay nakatanggap pa rin ng ganitong mga regalo, ito ay ang larawan ng kagandahang loob ng Panginoon. It’s an amazing grace. You don’t deserve it, but still you have it. Yan ang amazing grace.

Sa talatang ating nabasa, natagpuan ng anak sa kanyang muling pagbabalik ang pinakamagandang regalo na ibinigay sa kanya ng kanyang ama—ang kagandahang loob o ang grace.

Ang anak na ito ay hindi deserving sa anumang bagay sa kanyang pagbabalik. At kahit na napakalaking insulto ang ibinigay nito sa kanyang ama, tinanggap pa rin siya na muling makabalik at magkaroon pa ng mga bagay na mas higit pa. This boy received an amazing grace—unconditional, undeserved favor, love at its highest level.

Katulad ng ama sa parabula, God extends the same love to us. At kahit na kung minsay pinipili natin na mahiwalay sa ating Panginoon, patuloy pa rin na kanyang ineextend ang kanyang grace na unconditional love sa atin. Wala tayong dapat gawin upang maearn natin ito. Sa katuanayan, hindi natin deserving magkaroon nito, ngunit dahil lamang sa kanyang kagandahang loob.

Efeso 2:8-9, “Sapagkat sa biyaya kayo’y naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito’y hindi sa pamamagitan ng inyong sarili, ito’y kaloob ng Diyos; hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinuman ay huwag magmalaki.”

Ipinagkaloob ng Panginoon si Jesus upang mamatay para sa ating kaligtasan. Hindi natin deserve na magkaroon ng kaligtasan na yan, ngunit dahil sa biyaya ipinagkaloob ito sa atin. It is an amazing grace. Hindi ito nakabase sa ating gawa.

Kung minsan kasi ay iniisip natin na ang acceptance ng Panginoon para sa atin ay kung ano ang ating perfoemnce at nagagawa. Ahh… the longer I pray, mas magiging acceptable ako sa Panginoon. The more scripture that I memorize, mas mahal ako ng Panginoon. The more I consistently attend in service, mas sigurado ang aking kaligtasan. Hindi iyan ang sabi ng Panginoon. Ang sabi niya, it is only by grace.

I’m not saying na hindi impoaatnte ang mga bagay na iyun, napakahalaga at essential ang mga ito sa paglago sa ating buhay Chritiano. Ngunit kung ito ang ating nagiging motivation para sabihin mo kung gaano ka kaaceptable sa Panginoon, un ang mali. Ang mga bagay na ito ay sumusunod lamang after na matanggap mo ang kanyang amazing grace.

Now, lets discuss the 3 reasons why grace chages everything…

1. GRACE FREES US FROM OUR PAST

Ang biyaya ang siyang nagpapalaya sa atin mula sa tanikala ng nakaraan.

Si Satanas o ang ating kaaway ay gustong-gustong gamitin ang ating nakaraan laban sa atin. Nais niya na ipaalala sa atin ang ating mga pagkakamali at kabiguan upang tayo ay mailayo sa ating Panginoon. Minamanipulate niya tayo sa pamamagitan ng pagbibigay ng guilt feelings sa gayon ay isipin natin na tayo ay walang karapatang lumapit sa Panginoon at makatanggap ng kanyang pagpapatawad.

Satan will remind us of whom we were. At gagamitin niya ang mga past failures na ito to push us away from God. This is called condemnation. Yung feeling of unworthiness.

Ngunit ayaw ng Panginoon na magkaroon tayo ng ganyang feelings. Ang biyaya ng Panginoon ang siyang tunay na magpapakilala kung sino tayo ngayon at hindi kung sino tayo sa nakaraan.

May isang story na ikinuwento ni Ron Lee Davis tungkol sa isang priest dito sa Pilipinas. Ang priest na ito ay mahal na mahal niya ang Panginoon, ngunit mayroon pa rin siyang guilt tungkol sa isang secret sin na kanyang nagawa maraming taon na ang nakalipas. Although hiningi niya na ng tawad ito sa Panginoon, ngunit wala pa rin siyang kapayapaan na nararansan at sense of God’s forgiveness.

Samantalang sa kanyang parish, may isang babae na mahal din niya ang Panginoon at sinasabi niya na nagkakaroon ng ilang pagkakataon na napapanaginipan niya ang Panginoong Hesu-Cristo at ito’y kanyang nakakausap.

Skeptical yung priest o nagdududa sa katotohanan na sinasabi ng babae. Kaya naman gusto niya itong matest o masubukan. Kinausap niya ang babae at sinabing, Sige nga, sa susunod na makausap mo ang Panginoong Hesu-Cristo sa iyung panaginip, itanong mo sa kanya kung ano ang aking lihim na kasalanan na aking nagawa nung ako ay nasa seminaryo pa. Nag-agree ang babae.

Makalipas ang ilang araw, muli silang nagkita, kaya itinanong ng priest kung bumisita ba si Jesus sa kanyang panaginip.

Opo, tugon ng babae. Kung gayon naitanong mo sa kanya ang lihim na kasalanan na aking nagawa? Tanong ng priest. Opo, sagot ng babae. Anu ang sinabi ni Jesus. Ang sinabi ni Jesus, “Hindi niya maalala!”

What God forgives, he forgets. Kung ano man ang mga pagkakamali at kabiguan na ating nagawa sa ating nakaraan, kung ito’y inilatag sa paanan ng Panginoon at ating hiningi ng tawad, ito’y kanyang binura na. Huwag tayong maniniwala sa condemnation na ibinubulong sa ating ng Diablo, bagkus paniwalaan natin ang salita ng Panginoon.

Believe doon sa assurance sa kanyang salita na tayo’y pinatawad at pinawalang sala.

Romans 8:1, “There is no condemnation now for those who live in union with Christ Jesus.”

Makikita natin ang mga great people ng Panginoon na kanyang ginamit mightily ay hindi maganda ang past. Subalit dahil sa amazing grace, pinili pa rin sila ng Panginoon.

Si David who had an affair and was a murderer.

Peter who denied Christ 3 times.

Rahab who was a prostitute.

Jonah who ran from God.

Mga tao na ginamit ng Panginoon maightily sa kabila ng kanilang imperfections at hindi magandang nakaraan nang dahil sa amazing grace ng Panginoon.

Sa katunayan, hindi hadlang ang ating nakaraan upang mapalapit tayo sa Panginoon, bagkus ito nga’y nagiging kaparaan upang mas mapalapit tayo sa kanya. Ang Panginoon ay tumitingin kung paano mabuild ang ating relationship sa kanyna nakabase sa kanyang unconditional love para sa atin.

So the first point for us to remember is that grace changes everything because it frees us from our past.

The secound reason why grace changes us is because…

2. GRACE PREPARES US FOR THE PRESENT

Sa pamamagitan ng biyaya, inihahanda tayo sa anumang bagay na dumating sa atin sa kasalukuyan.

Noong isang linggo ay nasabi dito tungkol sa mga pagubok na dumarating sa atin. Hindi nangangahulugan na kapag tayo’y naging Christiano ay makakalaya na tayo sa mga pagsubok ng buhay. Problems are inevitable at walang lisensiya upang tayong mga christiano ay makatakas dito sapagkat tayo ay nandito pa sa sinful world. Ngunit dahil sa biyaya ng Panginoon ito ay naghahanda sa atin sa mga pagsubok sa kasalukuyan.

Tingnan natin ang buhay ni Pablo. Siya ay pinaghahampas, kinukutsa, inusig, pinagbabato, nalubugan ng barko, nastranded, at pahirapan subalit ang lahat ng mga ito’y paghahanda na pagtagumpayanan ang mas matinding pagkakataon.

Kaya sabi niya sa 2 Corinthians 12:9-10, “And He has said to me, ‘My grace is sufficient for you, for power is perfected in weakness.’ Therefore I am well content with weaknesses, with insults, with distresses, with persecutions, with difficulties, for Christ’s sake, for when I am weak, then I am strong.”

Naunawaan ni Pablo na sa kabila ng kanyang mga kinakaharap, mas nagsuffer ng higit si Jesus ngunit napagtagumpayanan niya ang mga ito kahit pa ang kamatayan.

Kaya’t ang pananampalataya ni Pablo kay Jesus ang kanyang ginamit upang harapin ang mga challenges na nasa kanyang harapan.

At iyan ang nagagawa ng grace ng Panginoon sa atin at sa mga circumstances na ating hinaharap. Umaayos ang mga bagay sa tamang perspektibo. Lumilinya ang mga bagay sa kanilang lugar at nauunawaan natin ang mga pagkakataon. Nagiging tama at directed ang ating puso.

Nang humarap si Goliath sa mga Israelita, ang lahat ng mga sundalo ay sinabi na “Ang laki ni Goliath at hindi natin siya kayang patayin.” Ngunit sa pagharap ni David sa parehong higante, sinabi ni David, “Ang laki ni Goliath, siguradong tatamaan ko siya.

Sa higanteng problema na nasa iyung harapan, dahil sa biyaya, nakikita mo ang iyung katagumpayanan. Ang iyung perspectibo sa iyung buhay ay maganda. Ang circumstances ang hindi nagpapabago sa iyu, bagkus ikaw ang nagpapabago sa mga circumstances.

Deuteronomy 30:19, “Saksi ko ang langit at ang lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay o kamatayan, at ang pagpapala o sumpa. Kaya, piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong lahi ay mabuhay nang matagal.”

Inilahad ng Panginoon sa atin ang buhay o kamatayan, ang pagpapala o sumpa… Mas pipiliin mo pa ba ang kamatayan at ang sumpa kaysa sa buhay at pagpapala? Kaya ang sabi ng Panginoon choose life.

Naririnig mo ang tinig ng Panginoon para sa’yo. Sabi niya, may grace is sufficient for you. Hayaan mo na ang aking kapangyarihan ang siyang magpalakas sa iyo sa iyung kahinaan.

Grace prepares us for the present.

3. GRACE SECURES OUR FUTURE

Romans 8:17, “And since we are His children, we will share His treasures—for everything God gives to His Son, Christ, is ours too.”

Galatians 3:29, “And now that you belong to Christ, you are the true children of Abraham. You are his heirs, and now all the promises God gave to him belong to you.”

Nang dahil sa biyaya, mayroon tayong kasiguruhan para sa hinaharap. God’s grace gives us free access to His blessings.

Ang prodigal son ng siya’y nawalay sa ama, naghirap siya, kumakain siya ng mga pagkaing baboy at halos mamatay sa gutom. Samantalang sa kanilang tahanan, ang alipin ng kanyang ama ay may sapat na pagkain at lumalabi pa.

Later na realize niya, kung babalik lamang siya sa kanyang ama ay hindi na niya kailangan pa ang paghihirap na ito.

Sa atin din naman, tayo ay nakakasiguro na mayroon tayong security sa tahanan ng ating Ama with His grace. Ang destiny na yun ay hindi lamang mga spiritual treasures na ating tatanggapin kundi maging ang mga physical at material blessings na na nakalaan sa atin.

God’s grace secures our future.

CONCLUSION

Noong 17th century may isang lalaki na nagngangalang John Newton. Siya ay isang trabahador then later naging commander sa isang English slave ship.

Ang slave ship ay cargo boat na ginagamit pantransport ng mga alipin. Mula sa England, ang barko nila John Newton na halos walang laman ay magtutungo sa pampang ng Africa upang doon ay mandukot o magbihag ng mga africanong babae at lalaki bilang kanilang maging alipin. Pupunuin nila ang barkong ito at pupunta sila sa North and South America upang ibenta ang kanilang nahuli kapalit ang mga sandata, alak, tela o ginto. Ang mga alipin na ito ay kanilang pag-aari. Kung anuman ang nais nilang gawin dito ay maari nilang gawin—itorture, rape-in o patayin. Ang moral at konsensiya ni John Newton ay halos wala.

Ngunit noong 1748, habang ang kanilang barko ay naglalayag pauwi sa England, may napakalakas na bagyo ang dumating. Halos lumubog ang kanilang barko dahil sa violenteng bagyong iyun.

Sa pagkakataon na iyun, naranasan ni John Newton ang sinasabing great deliverance. Nanag makita ng kanyang dalawang mata na ang lahat ay halos wala na at ang barko ay siguradong lulubog, sumigaw siya sa Panginoon at sinabing, “Lord, have mercy upon us.”

Makalipas ang unos na iyun, sa kanyang cabin ay nagkaroon siya ng reflection sa kanyang sinabi. At nagsimula na siya’y maniwala na siya’y dinala ng Panginoon sa bagyong iyun upang siya’y makakilala at maranasan ang kagandahang loob ng Panginoon.

Naconvert si John Newton at naging Christiano sa pagkakataong iyun. Habang siya’y nasa barko, at gumagawa ng kanyang journal, naisulat ni John Newton ang lirico ang awiting Amazing Grace na ngayon ay ang pinakafamous na himnaryo sa buong mundo.

At sa edad na 82 ng siya ay malapit ng malagutan ng hininga sinabi niya na ang aking ala-ala ay halos maglaho na, ngunit dalawang bagay ang hinding-hindi ko makakalimutan, una, na ako’y makasalanan at pangalawa na si Jesus ang aking dakilang Tagapagligtas.

Lubos na naunawaan ni John Newton kung gaano ka-amazing talaga ang grace ng Panginoon.

Grace changes everything; it frees us from our past, it prepares us for the present and it secures our future.