Sermons

Summary: I preached this sermon last Sept. 08, 2013 at Jesus the Wonderful Savior Baptist Church in Marikina City.

Madalas ka bang may hilingin sa DIYOS? Tayo po ba ay lumalapit lamang sa KANYA kapag may matindi tayong pangangailangan? Gaano ka ba kadalas manalangin sa DIYOS? Ano ba ang ating ATTITUDE pagdating sa pananalangin natin sa DIYOS? Sa kantang "LORD..,Patawad" ni Basilyo, halos lahat tayo ay nakaka-relate sa lyrics ng kanyang kanta. Kadalasan, tumbok niya dito ang Attitude pagdating sa pananalangin natin sa DIYOS.

Si JESUS ay isang epektibong Manunubos ay nagturo ukol sa panalangin. At ipinakita din NIYA sa mga alagad ang mga ugali ng isang taong mapanalanginin. Muli, nang dumating na saatin ang katubusang dulot ni JESUS, ginawa NIYA tayong kasangkapan ng katubusandito sa mundo;

• Ang PANALANGIN ay isang ugali o “attitude” na dapat ay HINDI MAWALA sa isang mananampalatayang KASANGKAPAN ng KATUBUSAN.

Proposition:

A righteous agent of Redemption is…PRAYERFUL!!!!

Tanong: Paano ba manalangin ang isang MATUWID at EPEKTIBONG kasangkapan sa katubusan?

I. Pray with HUMILITY (vv.5-6)

*“Manalangin ng may Mapagpakumbabang Kalooban.”

Hindi po natin kailangan ng“MEGAPHONE” upang maipakita natin sa iba na tayo ay nananalangin. Ipinaliwanag niJESUS ang ganitong ugali ng mga taong mapagpaimbabaw – “feeling sikat” – upang malaman ng mga tao na sila ay “PRAYERFUL”.

a. Huwag pakitang-tao lang!! (v.5)

b. May katapatan at taimtim ang puso.(v.6)

• Magkaroon tayo ng pusong dalisay.

• Lumapit ng may katapatan.

• Dumulog ng may kababaang-loob.

Pinakita din ni JESUS ang Kanyang katangian habang SIYA ay nanalangin. Narito ang ilang mga talata sa Biblia:

• Matt. 11:25-26

• Matt. 26:39, 42

Mark 14:35-36

Tandaan:

Ang isang epektibongkasangkapan ng katubusan.., pagdating sa pananalangin., dapat po ay mayroongpagpapakumbaba tayo sa presensya ng DIYOS. ‘Di natin kailangang maging“Celebrity” kapag tayo ay dudulog sa Kanya.., sapagkat batid na ng DIYOS angating mga puso na may pagnanais na ito’y maging dalisay.

Come to theLORD with HUMILITY!!

II. Pray with FULL SUBMISSION (vv.7-13)

*“Manalangin ng may Buong Pagpapasakop.”

We don’t need some“Beads”, Rituals, Ceremonial acts, Witchcrafts, etc. in order to hear us. Ang nais lamang ng DIYOS ay magkaroon tayo ng BUONG PAGPAPASAKOP sa Kanya sa tuwing dudulog tayo sa Kanyang presensya. Tignan natin ang mga kapatid nating mga MUSLIMS..,They Pray 5X everyday!!! •Failure of this ordinance = No Answer from their god.

a. Hindi na kailangan ng “paulit-ulit” na rituwal o maraming salita!! (vv.7-8)

*BAKIT!?

• Nagiging “scripted” na!!

• Hindi na ito makatotohanan!!

• NON-SENSE na po!!

b. Kailangang may buong puso at tunay ang mga panalangin mo sa DIYOS!! (vv. 9-13)

• Marami ang nagkakaroon ng mga MISCONCEPTIONS ukol sa panalangin na itinuro ni JESUS – ang “The LORD’s Prayer” . Binigyan lamang ito ng halimbawa ni JESUS kungpaano talaga tayo dapat manalangin sa DIYOS.

- I PRAISE You, GOD! (v.9b)

- I FOLLOW You, GOD! (v.10)

- GOD, You PROVIDED me! (v.11)

- GOD, You FORGIVE me! (v.12)

- GOD, You GUIDE me! (v.13a)

- I HONOR You, GOD! (v.13b)

Tandaan:

Ang panalangin natin sa DIYOS ay tanda ng ating buong pagpapasakopNIYA sa atin at sa puso natin. Kung ganito po ang ating ipinapakita, tayo po ay matuwid at epektibong kasangkapan ng katubusan.

Pray...,SUBMIT to GOD whole-heartedly!!

Conclusion:

Paano ba manalangin angisang MATUWID at EPEKTIBONG kasangkapan sa katubusan?

• Dapat lumalapit tayo sa DIYOS ng may PAGPAPAKUMBABA. (Being HUMBLE)

• Dapat dumudulog tayo sa DIYOS ng may BUONG PAGPAPASAKOP sa Kanya.

(BeingSUBMISSIVE)

Kung alam n’yo pong awitin ang "OUR FATHER by DON MOEN”.., gawin din natin itong isang panalangin ng buhay natin. Upang sa gayo’y magiging epektibo tayong kasangkapan ng katubusan.

= PRAYER is not a MONOLOGUE., it is a DIALOGUE between YOU & GOD.=

Copy Sermon to Clipboard with PRO

Talk about it...

Nobody has commented yet. Be the first!

Join the discussion
;