Nazareno
The Lifestyle Of A True Christians
Numbers 6:1-8
SCRIPTURE READING
Bilang 6:1-8, “Sinabi ni Yahweh kay Moises, (2)Sabihin mo sa bayang Israel: Kung ang sinuman, babae o lalaki, ay gagawa ng panata at itatalaga niya ang sarili kay Yahweh bilang Nazareo (3)huwag siyang titikim ng alak o anumang nakalalasing na inumin. Huwag din siyang iinom ng anumang inuming galing sa katas ng ubas, at huwag kakain ng ubas, o pasas. (4)Sa buong panahon ng kanyang panata ay huwag din siyang titikim ng anumang galing sa punong ubas kahit balat o buto ng ubas.
(5)Ang isang may panata ay huwag magpapaputol ng buhok sa buong panahon ng kanyang panata; pababayaan niya itong humaba. (6)Sa buong panahon ng kaniyang pagtatalaga kay Yahweh, huwag siyang lalapit sa patay, (7)kahit ito’y kanyang ama, ina o kapatid. Huwag siyang gagawa ng anumang makapagpaparumi ayon sa Kautusan, pagkat taglay niya ang pagtatalaga sa kanya bilang Nazareo. (9)Pananatilihin niyang malinis ang kaniyang sarili sa buong panahon ng kanyang panata.”
OPENING STATEMENT
Ang Dios ang magpala sa pagbasa ng kanyang salita. Sa umagang ito nais ko pong magsalita sa inyo sa mensaheng: “Nazareno: The Lifestyle of a True Christians.”
OPENING PRAYER
INTRODUCTION
Bago tayo tumungo sa Nazareno na ating paksa, bibigyan ko muna kayo ng background kung paano natin dapat papag-aralin ang lumang tipan. Alam ninyo ang mga kwento at pangyayari sa Old Testament ay mga literal at propesiya. Sa ito ang history ng Israel. Ito ang kanilang mga napagdaanan bago dumating ang ating Panginoong Jesu-Cristo.
Ngunit the Heart of the Bible is Jesus Christ. Meaning to say, si Jesus ay hindi lang lumabas sa Matthew, Mark Luke John. Kundi sa lahat ng libro ng Biblia ay naroroon na siya. Sa Genesis hanggang Apocalipsis ay naroroon si Jesus. Sa lahat ng mga seremonya nung lumang tipan ay pinapakita na siya iyon.
Bibigyan ko kayo ng konting halimbawa. Sa lumang tipan ang way ng kanilang offering, dapat ay kinakailangan na pumatay ng tupa, upang maging alay sa kapatawaran ng kasalanan. Dun sa seremonyang iyon, pinapakita na ang tupa ay dapat patayin sa sa pagpapatawad. Paano natin mapipicture dun si Christ? Ang kamatayan at dugo ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay sapat na kabayaran sa ating mga kasalanan.
So it’s a preparation not only for the Israelites kundi para din sa atin na maunawaan ang paraan ng pagsamba sa Diyos.
Nung ang mga Israelites ay nasa parang at pinagkakagat ng mga ahas dahil sa karereklamo, ang sabi ng Dios kay Moises kunin niya ang kanyang tungkod, itaas ito at ilagay ang isang ahas duon. Ang sinuman na titingin dun ay gagaling. Diba yung nandun sa medical symbol.
Anong relationship nuon kay Jesus… Jesus must be lifted up. Siya ang ating Dakilang Manggagamot.
So you see the connections? The Old Testament and New Testament? Although ang old testmaent ay literal, theres a spirtual meaning behind those passages. At ngayon ating titingnan ang spirtual meaning at relasyon ng isang Nazareno sa ating buhay Christiano.
Kapag naririnig ninyo ang salitang Nazareno ano ang unang pumapasok sa isip ninyo? Ahh, nazareno ayan yung nilalabas sa Quiapo church at nagdadagsaan ang mga may panata. Ahh, ayan yung rebulto na maitim na kulay pula o maroon ang suot. Ano nga ba ang Nazareno.
Ang salitang Nazareno ay nanggaling sa salitang nazir na ang ibig sabihin ay to be separated, signifying merely a separated person, one peculiarly devoted to the service of God. So sila ang mga taong inihiwalay for a certain purpose para makapaglingkod sa Panginoon. Sa ating panahon tayong mga Christiano ang mga Nazareno. Tayo ang pinili ng ating Panginoong Dios na kinakailangan na maging kakaiba sa iba. We are supposed to be separated to be fully devoted to the service of God.
Sa talatang ating nabasa may tatlong bagay na hindi nila maaring gawin. Una bawal uminom ng alak o kumain ng anumang pagkain at inumin na galing sa ubas. Pangalawa bawal silang magpaputol ng buhok. Hindi nila maari itong pagupitan. At Pangatlo bawal lumapit sa patay maging ito ay kanilang ama, ina o kapatid.
Since tayo ang mga nazareno, dapat ba nating gawin ito? Eh wag daw magpapagutpit ng buhok dapat mahaba ang buhok. Eh pano yung mga kalbo. Wag daw lalapit sa patay. Kawawa ka naman at hindi la man lang makapagluksa kapag namatayan ka. So hindi literal natin kukunin iyon sabi ko nga nung una. Ating unawain ang relasyon na iyon spiritually. Isa-isahin natin.
1. ABSTINENCE FROM WINE OR STRONG DRINK OR ANY PART OF THE GRAPE VINE: LIVING SACRIFICE
Ang unang ipinagbabawal sa isang may panata sa nazareo ay bawal uminom ng alak o anumang inumin na nakakalasing. Bawal kumain ng mga pagkain o inumin na galing sa ubas. Spiritual meaning? Living Sacrifice.
Wine represents pleasures of the world. Kasi ito ang mga inumin na kanilang mga iniinum sa oras ng kanilang kasiyahan at pagdiriwang.
Ano ngayon ang kaugnayan nito? Bilang Nazareno ng Panginoon, we should also abstain ourselves from the pleasures of the world. Ibig mo bang sabihin Ptr. Oman hindi ako pwedeng mag-enjoy at magdiwang sa buhay kong ito? Hindi ganun. Kundi yung mga pleasures of the world that would lead us into temptations and would fall us into sins.
Sabi sa 1 Tesalonica 5:6-8, “Kaya nga, kailangang tayo’y manatiling gising, laging handa, at malinaw ang isip—di tulad ng iba. (7)Kung gabi karaniwang natutulog ang tao at kung gabi rin karaniwang naglalasing. (8)Hindi tayo dapat maglasing, yamang tayo’y sa panig ng araw…
Manatiling gising. Manatiling nagmamasid. Ano-ano ba ang mga bagay na tinutukoy ko na maari tayong mahulog sa kasalanan? Lahat ng mga bagay na pumapasok sa ating pag-iisp sa pamamagitan ng ating mga nakikita, naririnig at iba pa nating mga senses.
Especially in our days. We are living in an entertainment world. Naku halos lahat na lang na makita natin sa telebisyon at marinig sa radio eh nagpo-promote ng sex, rebellion, lust, drugs at iba pang mga bagay na wala naman maiyulong sa ating buhay. Mga commercials ng bintilador eh merong mga babaeng nakabikini. Anong kinalaman ng babaeng nakabikini dun sa bintilador? Aba gusto atang mapulmunya?
Saraduhan natin ang ating mga senses sa mga temptations. Mga lason iyan sa ating espiritual. Kapag nagpapasok tayo ng mga lason na iyan, mga hindi magagandang impormasyon sa ating mga sarili, madedevelop yan at magiging monster na bibihagin tayo pagdating ng oras.
Kaya dapat binabantayan ang mga nakikita ng mata at naririnig ng tenga maging ang ibang mga senses natin. Kung ang ating bahay eh nilalagyan natin ng mga screen ang bintana upang huwag pumasok ang lamok at iba pang mga insekto sa ating tirahan, edi mas lalo nating protektahan ang ating mga sarili. Mas lalo dapat natin iniingatn ang mga pumapasok na insekto sa ating loob.
Sabi sa Romans 12:1, “Offer our bodies a living sacrifice, holy and acceptable to God which is your reasonable service. Ang ating mga sariling katawan ang pinakamagandang hain natin sa ating Panginoon kaya’t panatilihin natin itong malinis at kaaya-aya sa kanya.
Sinasabing ang daan ng katwiran ay makipot samantalang ang daan ng makasalanan ay maluwag. Sa katunayan, this is what I believe in.
Kasi kapag ikaw ay hindi mananapalataya ni Jesus o hindi Christiano, marami kang sabit-sabit. May buhat ka dito sa likod. May hawak, hawak ka pa. Meron ka pa sa paa na hila-hila. At yung mga branches mo o sanga-sanga diyan eh mga nakaextend. Maraming bagay sa’yo na dinadala mo sa iyong buhay. Kaya kapag naglalakad ka sa landasin ng buhay eh mukhang maluwag ang iyong dinadaanan. Paliko-liko, paikot-ikot kaya tuloy madalas madapa.
Samantalang kung ikaw ay Christiano, tunay na mahal ang Panginoon, ang lahat ng iyong mga suliranin, mga problema o anumang mga bagay na iyong dala-dalahin eh inoofer mo sa Panginoon. Kaya tuloy magaan ang iyong pakiramdam. At ang iyong mga sanga-sanga eh tinitrim ni Lord yan. Pinuputol kapag hindi mo kailangan. And you are just only walking to the straight path. Kaya bibihira sa’yo ang magkamali at madapa. Madapa man, madaling bumangon dahil hindi ka fully loaded.
Pero hindi biglang ganun yun. Hindi ganun kadali. Titnitrim tayo ni Lord. Pinuputol ang mga sanga na hindi natin kailangan. Inaalis niya ang mga sanga na may mga uod at nabubulok. Through struggles and test dun makikita kung gaano na tayo kadependent sa Panginoon. So the first nazarite character na makita dapat sa atin ay a living sacrifice.
2. REFRAIN FROM CUTTING THE HAIR
DISTUINGISHABLE
Hindi pwedeng gupitin ang buhok. Ang mga buhok ng lalaki ay usually maiiksi sa mga buhok ng mga babae. So kapag hindi niya pinuputol yung kanyang buhok ibig sabihin nasa panata siya ng Nazareo. Nakikilala. Distuingishable. Yun ang ibig sabihin non.
Ang sinuman na mayroong panata ay kinakailangan na makilala. At tayo na mga Christiano na tinawag ng Panginoon ay kinakailangan na makilala.
Ang mga Christiano distinguishable dapat. Madaling makilala… madaling makita… Kapag inihalo mo sa isang umpukan ng mga tao, nakikilalang christiano siya. Kapag ang mansanas inilagay mo sa mga kamatis, makikilala mo kung nasaan ang mansanas.
Ngunit nakakalungkot sa panahon natin ngayon hindi mo na makilala. Pare-pareho ang mga lengwahe ng mga mananampalataya at hindi mananampalataya. Pare-pareho ang mga gawa pati ang kaisipan.
May mga christiano na nagiging mga hunyango. Kapag nasa umpukan ng makakating dila, daig pa si Pia Guiano sa latest ng tsismis. Kapag nasa biruan ng malalasyang kwento, aba hindi rin padadaig at mas marami pang alam na mga jokes. Eh kapag nasa loob naman ng simbahan, hindi rin padadaig. Ugaling simbahan din at hindi rin mabasagang pinggan.
The point is this… tayo ba na mga tagasunod ni Cristo ay nakikita sa atin si Jesus sa atring mga gawain? Sige paano ninyo maaasses yun… Paano ninyo malalaman na kakaiba ako. Tanungin ninyo yung mga tao na palagi ninyong kasama. Yung magulang ninyo, yung mga anak ninyo, yung kapatid ninyo, yung biyenan ninyo, yung hipag ninyo, mga manugang, mga kaklase o kasama sa trabaho o kahit sino na palagi ninyong kasama. Kung tatanungin ba natin siya na kamusta ka anu kaya isasagot niya.
Baka sabihin, ah yun bang biyenan ko… naku ubod ng daldal at lahat na lang eh pinupuna sa akin akin at kung an-u-anong masasamang salita lumalabas sa bibig.
Ah, yun bang anak kong yun, naku ang tigas ng ulo at ayaw sumunod sa simpleng mga utos. At hindi mo maasahan sa bahay dahil 12:00 na ng tanghali kung gumising.
Agh si ganyan ba? Naku palaging may kodiko kapag exam. Hindi nga makasagot yun sa recitation kasi hindi nag-aaral.
Distuingishable ba tayo sa ating mga tahanan, sa ting school, sa workplace. Kahit nga dapat sa palengke distuingishable. Hindi yung lalapit ka sa suki mo na Hay suki… Pero sa isip ng suki mong tindera eh naku nandito na naman ito na ubod ng kuripot. Pano sa sobrang kunat naman, tinawaran ng pagkalaki-laki at nalugi na ang tindera at inutang pa.
Sa ating mga kasuotan, distuingishable ba tayo. Modest ba ang ating isinusuot? Hindi yung parang malaking belt lang yung palda mo sa sobrang iksi. Kahit sa tindig. Sa paglakad. Hindi yung lumakad ka na para kang bibe na lahat ng madaanan mo eh natatabig mo dahil sa hampas ng baywang mo. Distuingishable. We are the people of God, we are His representatives. So act as one.
Anung sabi sa Matthew 5, Tayo ang ilaw ng sanlibutan… at sabi dito sa 16, “Dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao, upang makita nila ang inyong mabubuting gawa, at luwalhatiin ang inyong Amang nasa langit.”
Tayo ang ilaw ng sanlibutan. Tayo na mga Christiano ang mga unang tao na nagbibigay ng pag-asa sa mga taong nakararamdam ng walang pag-asa. Tayo dapat ang nagbibigay ng kapayapaan sa gitna ng gulo. Papag-ilawin natin ang ating mga ilaw, sa gayung kaparaanan ang mga taong makakita ng ating liwanag ay makakilala at sumunod rin sa ating Panginoong Jesus.
Sinasabi natin na ang ating mga buhok ay ang ating crowning glory. Kung minsan naman talaga yung buhok natin ay sumusunod sa ating attitude. Yung bad hair day!!! Kaya kapag ang pangit ng gising, pati buhok ang pangit din ay ayaw sumunod dun sa nais na hairstyle. Kaya ako eh minsan nafru-frustrate kapag paunti ng paunti yung buhok. Pero naman nagpapasalamat pa rin ako sa Panginoon dahil may natitira pa at cute pa rin naman ako.
So it’s a crowning glory, malaki ang naitutulong ng buhok para gumanda at gumwapo tayo. At sa atin na mga anak ng Dios, we are his crowning glory. Tayo ang kanyang kasiyan na nagdudulot sa kaniya ng kapurihan at kalwalhatian. So the second nazarite character… distuingishable.
3. AVOID CONTACT WITH A DEAD BODY: LOVE GOD ABOVE ALL
Bawal lumapit sa alinmang patay maging ito pa man ay iyong ama, ina o kapatid. Ang pangatlo ay tumutukoy sa relasyon natin sa Dios at sa mga tao. Ang ibig sabihin nito, walang ibang mas mahalaga na iyong pangangalagaan at ichecherish kundi ang relasyon mo sa Panginoon. Spiritual meaning. we should love God above all.
Mateo 22:37, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.”
Ibigin ang Dios ng lahat-lahat sa yo ang siyang pinakamahalagang utos na ibinigay mismo ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Pero ano ba yang love love na yan? Kapag bang sinabing love eh nauunawaan natin ang kahulugan niyan.
Listen to this. Love is not a feeling. It is not just an emotion. Hindi yung hmmm love ko ito kasi kinikilig ako… hmm love na ito kasi kapag dumarating siya bumibilis ang pintig ng puso ko, hindi na ako makakain. Sabi sa 1 Corinthians 13:14
“Ang pag-ibig
They are all actions. Puro mga gawa. Tanungin mo ang mga bata kung ano ang love, maririnig nyo sa kanila ng pag-ibig ay kapag ang daddy ko ay pagod na pagod sa trabaho at lulutuan ng masarap na pagkain ni mommy. Ang pag-ibig eh kapag inaalagaan ako ng mommy ko kapag may sakit ako.
Eh ngayon for our love in God, how does it show? Edi actions din. At ang obvious na ebidensiya niyan ay throgh our obedience. Madalas kong sinasabi ang obedience. Obedience natin kay Lord. Ang obedience ay ang pagsunod sa mga oras na ayaw mong sumunod. Uulitin ko po Ang obedience ay ang pagsunod sa mga oras na ayaw mong sumunod.
Kapag inuutusan ka ng nanay mo na anak pumunta ka nga sa palengke at bumili ka nito. Eh ikaw talagang gusto mong pumunta sa palengke at bibili ka ng ganito at talaga lang na gusto mo lang mamasyal, nagpunta ka palengke. Hindi obedince yun. Nagpunta ka sa palengke hindi dahil sa utos kundi dahil sa purpose mo kung bakit ka pupunta.
Eh kapag inutusan ka ng mommy mo na pumunta ka sa palengke at bumili ka nito. Eh ikaw eh nanunuod ng tv, eh ito yung paborito mong palabas. Nagpapahinga ka dahil pagod ka. At talagang nakakainis naman. Pero sa gitna ng mga bagay na yun, nagpunta ka pa rin sa palengke, yun ang obedince. Yun ang tunay na pagsunod.
So ganun dun tayo sa Panginoon, ang sabi ibigay mo yung tithes mo. Nye, aba pinaghirapan ko ito.
CONCLUSION
Sa mga native tribe ng South America, ang mga scientists ay pinag-aralan ang kadahilanan kung bakit maraming namamatay na mga tao especially mga bata sa kanilang henerasyon. Matapos ang masusing pag-aaral, nalaman na nila ang sanhi ng salot na ito. Ang sakit ay dala-dala ng mga insekto na na naninirahan sa mga dingding ng kanilang mga tahanan. Sa mga buho ng pundasyon at mga bubong. Kasi tribe nga, ang kanilang mga bahay ay mga kubo.
So ang ginawa ng mga scientist ay pinresent nila ang inpormasyon na yun sa tribo. At nagbigay sila ng mga bagay na maari nilang gawin upang maalis na ang salot na ito. Ang sabi ng mga scientist ang una nilang maaring gawin ay sunugin ang kanilang mga kubo at muli na lang magtayo. Pangalawa, iwanan nila ang kanilang lugar at manirahan sa ibang lupain. Pangatlo, gumamit ng mga insecticides upang mamatay ang mga insekto. O manatili na lamang duon habang isa-isa silang pinapatay ng sakit na iyon.
At ang nakakagulat, pinili ng mga taong ito na wala silang gawin kundi manatili at mangamatay ng maaga.
Nakakalungkot na mayroon ding mga tao na katulad ng mga tribo na yan. Nanatili sa buhay na hindi kaayaaya. Nalalaman ang mga bagay na dapat gawin. Nalalaman ang katotohanan ang Salita ng Dios. Ngunit mas pinipili ang hindi dapat.
God is calling us to be His Nazarites. Separated, distinguishable, a living sacrifice, a light of the world, a crowning glory to His head and loving Him above all. Yan ang tunay na mga Christiano na tinawag ng Panginoon. Nakikita ang kabanalan sa lahat ng panahon. The vow of the Nazarite has some very important truths for us today. We need to live a life of separation and holiness to God.
I Pedro 1:16, Be holy for I am holy.