Purpose Driven Life Message
MINISTRY: You Are Shaped for Serving God
Sermon Manuscript
A Blessed Mother’s Day sa lahat ng mga nanay. Lalo na sa aking pinakamamahal na ina na nasa Los Baños, Laguna ngayon. Mapagpalang umaga po sa ating lahat ganun din na sa mga bisita natin at sa mga kasama sa PDL. Tayo po ay nasa pang-limang parte sa ating pong 40 Days of Purpose Campaign. Makikita po ninyo sa inyong kaliwang bahagi ang pagkakasunod niyan. Tayo po muna’y magreview ng mga napag-aralan natin noong nakaraan. Ang una po ay yung introduction na “What On Earth Am I Here For?” (Ptr. Beni); tapos po ay “Worship” (Bro. Sonny); “Fellowship” (Bro. Mike) at “Discipleship” (Ptr. Let). Ngayon po ay ating matutunghayan ang ating pang-apat na layunin. At ito po ay tinatawag na “MINISTRY” kung sa Tagalog po ay “PAGLILINGKOD/ SERBISYO/ PAGSISILBI/ MINISTERYO.” Ano po ang pang-apat nating layunin? MINISTRY. Tayo ay Hinubog Upang Maglingkod. Ang iyong katabi ay Hinubog Upang Maglingkod. Ako ay Hinubog Upang Maglingkod. Tayong lahat ay Hinubog Upang Maglingkod.
Noong kapanahunan pa nila Kuya Sonny ay sikat na sikat si Elvis Presley (ngayon po ay kilala nalang siya sa pangalan). Noong siya po ay namatay mahigit 20 taon naging number 1 and kanyang album na “Greatest Hits of Elvis.” (Baka nga ang iba sa atin ay meron pang ganitong plaka). Ngunit sabi ng kanyang mga kaibigan siya raw ay namatay ng “walang kaganapan” (unfulfilled) at “malungkot” (unhappy). Siya ay namatay sa sobrang katabaan at drug addiction. Sabi ng kanyang asawa na si Priscilla, hindi niya raw nalaman kung para saan siya nilikha o ano ang kadahilanan niya dito sa lupa. “He thought he was here for a reason, maybe to preach, maybe to serve, to save, to care for people. That agonizing desire was always with him and he knew he wasn’t fulfilling it.” Kaya’t aakyat siya ng entablado at hindi niya muna iisipin iyon. Samakatuwid, siya ay lito, ligaw at di-ganap. Ang kanyang katagumpayan sa harap ng maraming tao ay isa lamang kahungkagan sa kanyang sarili at sa harap ng Panginoon. Ang aking panalangin ay walang matulad sa atin kay Elvis. Nais mo bang sundin ang Panginoon at ang kanyang plano sa buhay mo?
Ating basahin ang mga sumusunod na talata mula sa Biblia.
Efeso 2:10 “Nilalang tayo ng Diyos at binigyan ng bagong buhay kay Cristo Jesus para tayo makagawa ng kabutihan, ayon sa matagal na Niyang balak.” (Ang Salita ng Buhay)
We are made to make a contribution, not just to consume. What matters is not how long you live , but how you live. Not the duration of life , but the donation of your life. The Bible says we are created to serve, saved to serve, gifted to serve and shaped to serve.
Syempre kung tayo ay bibigyan ng gawain kasama doon ang kakayahang gawin ang gawain na ibinigay sa atin. Hindi Niya tayo bibigyan ng gawaian hangga’t hindi Niya muna tayo binibigyan ng gamit at kakayahan.
Job 10:8 “Ang iyong mga kamay ang humugis at gumawa sa akin…” (ABAB)
“Your hands ¬shaped me and made me…” (NIV)
Ang Diyos ay nagbigay ng limang bagay- S.H.A.P.E. Spiritual Gifts, Heart, Abilities, Personality and Experiences. Sino sa atin ang may kaparehong-kaparehong personalidad, abilidad, karanasan. (Kay Kuya Mike, sino nakakaalam na gagamitin pala ng Diyos ang “Nihonggo” sa ministeryo, Si Ptr. Beni, mga scientific terms sa paghahalaman). Ang mga ito ay sadyang iba’t iba sapagkat kasama ito sa plano ng Maykapal upang magamit sa oras ng gustuhin ng Panginoon. Anu-ano ang mga SHAPE mo? Handa ka bang pagamit sa Panginoon?
I Pedro 4:10 “Bilang mabubuting katiwala ng iba’t ibang kaloob ng Diyos, gamitin ninyo sa kapakinabangan ng lahat ng katangiang tinanggap ng bawat isa.” (MBB)
“Yamang may kakayahang ibinigay sa bawat isa sa inyo, gamitin ninyo iyan sa paglilingkod sa isa’t isa, bilang mga katiwala ng iba’t ibang kaloob ng Diyos.” (Ang Salita ng Buhay)
“Kung paanong ang bawat isa ay tumanggap ng kaloob, ipaglingkod ito sa isa’t isa bilang mabubuting katiwala ng masaganang biyaya ng Diyos.” (ABAB)
Tayo po ay sumaglit na manalangin,
“Panginoon ang aming mga buhay dito sa mundo ay saglit lamang- ang aming pong dalangin ay palambutin ninyo ang aming mga puso upang malaman at gawin namin ang aming layunin dito sa lupa. Gabayan niyo po kami sa aming pag-aaral ng iyong salita. Ang inyo pong Banal na Espiritu ang humamon sa aming lahat. Ako po ay nagpapakumbaba sa inyo, gamitin niyo po ang aking buhay aking Panginooon. Amen!
Sabi ng isang quotation, “You are blessed to be a blessing!” Tunay ngang tayo ay pinagpala upang magpala sa iba. Tayo ay nilikha upang maglingkod sa Panginoon. Ang paglilingkod kay Kristo ay sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapwa. Mayroon mga tao na gusto maglingkod sa Panginoon ngunit ayaw maglingkod sa kapwa. Hindi pwede ang ganito. Tayo ay tinawag upang maglingkod at ang paglilingkod sa kapwa lalo na sa kapatiran ang tanging paraan upang maglingkod kay Kristo. Ang tawag dito ay “Ministry.” Marami ang may maling pagkakaintindi sa salitangm “ministry” o “minister.” Sabi ng iba ito ay para lamang sa mga pastor, deacons at mga lider ng iglesya. But the Bible says that every believer is a minister. Ministry means using your SHAPE to help somebody in the name of God.
Sa Biblia, ang salitang serbisyo at ministeryo ay magkatulad lamang. Kung meron man po akong gusting sabihin sa mga oras na ito ay simple lang, “Ang bawat isang miyembro ng iglesya ay lingkod.” Bawat bata, kabataan, tatay, nanay, ate, kuya, may ipin o wala ay lingkod ng Diyos at kailangan nating gampanan ang gawain na inatas sa atin ng Diyos.
Matatandaan natin na “we are created for eternity” and “this life is just a preparation for eternity.” Tayo ay habang buhay na maglilingkod sa Diyos sa langit. Nais ng Diyos na matuto tayong maglingkod dito pa lamang sa lupa. Service!
Ang maganda dito ay binigyan Niya tayo ng modelo. Sino ba ang modelo nating mga Kristiano? Si Jesu-Kristo! Sabi sa Mateo 20:28, “Tumulad kayo sa Akin; hindi Ako naparito upang paglingkuran kundi upang maglingkod.”
Ngayon, paano ba maglingkod ng katulad ng kay Kristo?
I. Ang paglilingkod katulad ni Kristo ay ang pagiging AVAILABLE/ HANDA.
Isang araw si Jesus ay naglalakad galing Jericho nang may dalawang bulag ang sumigaw sa Kanya ng ganito, “Mahabag ka sa amin, Anak ni David!” Sabi sa Mateo 20:32, “Tumigil si Jesus at silay tinawag…” … at sila ay pinagaling. Sa inyong mga Biblia bilugan niyo yung salitang tumigil- naniniwala ako na kung nais natin maglingkod ng katulad ng kay Kristo- tayo ay dapat na handa sa gawain. An pagiging sensitibo sa paligid ay isa sa mga dapat nating naisin sa paglilingkod. Kung si Jesus ay dire-diretso lamang sa paglalakad, hindi Niya mapapansin ang mga bulag. Handa dapat tayong maabala kung nais nating magpagamit sa Kanya. Ayaw Niya ng mga “busy” sa ibang bagay. Nakakalungkot isipin na kapag rest day natin (Sunday) ay doon tayo busy. Maraming pwedeng gawin kapag Linggo. Punong-puno ng tao ang mall kapag Linggo (hindi ko sinasabing masama mag-mall kapag Linggo). Masarap magpalamig at magawimming kapag Linggo.
Naniniwala ako na ang unang ministeryo ng isang Kristiano ay ang ministeryo ng pag-atend sa simbahan- “ministry of attendance.” Paano ka gagamitin kung wala ka. Paano ka makaka-encourage ng kapatiran kung wala ka? Paano mo ipapako ang pako kung walang martilyo? Paano mo tutugtugin ang gitara kung walang tutugtog? Paano ka mag-fefelowship kung walang tao? Paano kung lahat ng miyembro may pupuntahan kapag araw ng lingo? Kailangang ikaw ay narito. Sabihin mo sa sarili mo, “kailangan ako dito sa iglesya kapag Linggo” Ito ang una kong ministeryo.
Ngayon mayroong tatlong hadlang sa pagiging available/handa.
A. Self-Centeredness. Lagi nalang kapakanan ng sarili ang iniisip. Ako-muna-attitude. Sa ministry di pwede at mahigpit na ipinagbabawal ang ako-muna-attitude dapat ikaw-muna-attitude o kayo-muna-attitude. Madali lamamg makita kung sino ang may pusong maglingkod. Sa kainan. Yung nangunguna umupo, sumubo at kumamot mg tiyan kapag tapos na ang mga ako-muna-attitude. Pero yung magbibigay ng plato, kutsara’t tinidor- yoon ang may servant-attitude sila ang kinalulugdan ng Diyos. Yung nagsisilbi ang mas masaya diba?
Ayaw natin ng naaabala, ngunit sa ministeryo- kasama ang maabala. Kailan man na may nakita kang kailangan gawin- aksyon agad. Kapag nasa harapan mo na- gawin mo na, itigil na natin yung “manyana habit.” (mamaya na!).
B. Perfectionism. Gusto lahat ng ginagawa- perfecto. Sino po sa atin ang walang kapintasan? Tumayo ang taong nagkakamali? Lahat po tayo! Sa atin pong paglilingkod magbigay po tayo ng allowance sa mga pagkakamali. Nais gamitin ng Diyos yung mga taong mahina upang ipakita Niya ang Kanyang kapangyarihan, nais Niyang gamitin ang mahihirap upang ipakita ang Kanyang kayamanan, nais ka Niyang gamitin upang ang Kanyang Pangalan ay maitaas sa gitna ng iyong mga pagkukulang at kahinaan. Let us leave room for mistakes. Sabi ng isang quotation, “Be patient with me, the Lord is not yet finish molding/shaping me.”
C. Materialism. Sabi ni Jesus, “Walang aliping makapaglilingkod sa dalawang panginoon, sapagkat kamumuhian niya ang isa, at iibigin ang isa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Diyos at sa salapi” (Lucas 16:13). Napakahalaga po ng salitang “hindi kayo makapaglilingkod.” Hindi po natin maaaring pagsabayin ang Diyos at ang salapi. Maliwanag po yung sinasabi ng Biblia. Noong ikaw ay naging Kristiano, kailangan mong itanong sa sarili mo kung ano gusto mo maging, kingdom-builder or wealth-builder? Kung binigyan ka naman ng Diyos ng napakaraming kayamanan- that’s good. Marami din ang pwedeng mabiyayaan. Ngunit palagi mong pakakatandaan na hindi ito ang number 1 purpose ng buhay mo, sapagkat hindi mo madadala ang kayamanan sa langit. “Sapagkat ano ang mapapakinabangan ng tao, kung makamit niya ang buong sanlibutan, ngunit mawawala o mapapahamak naman ang kanyang sarili?” (Lucas 9:25). “Huwag kayong magtipon ng mga kayamanan para sa inyong sarili sa lupa, na dito ay naninira ang bukbok at ang uod at ang mga magnanakaw ay nakakapasok at nakakapagnakaw. “ (Mateo 6:19-20)
II. Ang paglilingkod katulad ni Kristo ay ang pagiging HUMBLE/ MAPAGPAKUMBABA.
Mahilig po ako sa pizza, pag may extra money po ako- kumakain ako sa Pizza Hut. Ang mga waiter po as Pizza Hut ay sobrang mapagpakumbaba. Isang beses nagkamali yung waiter ng serve sa amin. Dapat chicken crust kaya lang ang naibigay niya ay cream cheese. Kaya napatagal lalo. Sa amin wala naman yun, naintindihan namin. Pero namangha kami sa ginawa ng waiter- lumapit siya sa amin ay humingi ng despensa, sabay tanong kung ano pa ang mapaglilingkod niya sa amin. That’s servanthhod- servant attitude. Hindi pa po doon natapos yun, lumapit yung manager- at humungi din ng despensa. Manager po yn, di biro-biro ang position ngunit siya ay nagpakahumble. Minsan po sa atin, hindi man lamang tayo maasahan sa iglesya, hindi naman tayo manager. Pero may hihigit pa po doon- Si Kristo, siya’y Diyos ngunit nagkatawang tao, kinuha niya ang anyong alipin, nagpakababa sa kanyang sarili, namatay- namatay sa krus- upang iligtas ka. Napakahirap po gayahin ang mga ginawa ni Jesus. Maraming mga hadlang. Tulad ng…
A. Comparing & Criticizing. Pagkukumpara at pagtutuligsa. Tayo po ay nasa isang team, isang coach at isang kalaban. Paano kung tayo-tayo yung nagkukumparahan at nagtutuligsaan. Ano ang mangyayari sa team? Tuwang-tuwa ang demonyo kapag nag-aaway-away ang mga anak ng Diyos. Napapangiti siya kapag nalaman niyang may ingitan sa kapatiran. Lalo na yung mga bulungan… (Eh si ano naman eka eh, naku eh pag-nag ano yan eh, napakapangit, hindi naman marunong yan eh, eka eh, ganun talga yun si…). Nawa po ay walang ganito sa iglesya, kung meron man pakiusap lamang po, itigil natin, tayo rin ang masisira. Ang team din ang mahihirapan. Ang iglesya po ang papangit ang testimony sa labas.
B. Wrong Motivations. Sinasabi sa Mateo 6:1, “Pagingatan ninyo na huwag maging pakitang-tao lamang ang paggawa ninyo ng mabuti.” Ang paglilingkod at pakitang-tao ay hindi kailanman maaaring magsama. Pero pwedeng mapagkamalan. Dapat po nating malaman ang pagkakaiba ng significance and prominence. Ang mahalaga at prominente. Prominente po sa akin ang mata, maganda kasi mana sa nanay, ngunit hindi po ito mahalaga,pagnawala ito, mabubuhay pa ako. Ang aking atay, hindi man siya nakikita, pagnawala wala na rin ako. Sa ating iglesya, kapag nawala ang projectionist, makakakanta pa kaya tayo ng maayos ang lyrics. Kung nawala si Kuya Asmen na nag-aayos ng mga upuan niyo, lahat tayo nakatayo. Kung wala si Jon-jon, wala tayong magandang programa. Hindi porke nakikita ang ministeryo mo ay sikat ka na at mahalaga. Gaano man kaliit o kalaki ng ministeryo mo, basta ginagampanan mo ito ng buong puso at may tamang motibasyon, nalulugod ang Diyos.
III. Ang paglilingkod katulad ni Kristo ay ang pagiging FAITHFUL/ MATAPAT.
A. The Lord looks at the Heart.
Illustration: Life Testimony (from projectionist to the pulpit).
B. The Lord wants Your Best.
Illustration: He gave His best, when Jesus died on the cross.
C. The Lord want you to Finish.
Illustration: Junior and Senior candles.
Hindi ko po alam kung gaano nalang kaikli ng kandila nyo, ngunit nakatitiyak akong magagamit pa ito sa ministeryo ng Panginoon. Nais mo bang ibigay at ialay ang buhay mo para sa Kanya at sa Kanyang iglesya… habang ako ay kumakanta nais kong pag-isipan mo ito, kapag handa ka na, tumayo ka lamang at sumabay ka sa kanta bilang tanda ng pagpapagamit mo sa Panginoon sa paglilingkod.
Sing “Make Me A Servant.”
Prepared by Ptr. C. James R. Betia for May 8, 2005 Sermon on Purpose Driven Life.
e-mail me at yarp83@yahoo.com for your comments