Summary: Sa Genesis 1:6–13, ipinasok ng Diyos ang pagkakabukod, ang hangganan, at ang pagpaparami ng buhay.

Sa pagpapatuloy ng ulat ng paglikha, makikita natin na ang Diyos ay hindi lamang makapangyarihang Manlilikha, kundi Siya rin ay Diyos ng kaayusan, layunin, at pag-unlad. Sa Genesis 1:6–13, ipinasok ng Diyos ang pagkakabukod, ang hangganan, at ang pagpaparami ng buhay. Hindi Niya hinayaang manatiling magulo ang mundo. Sa halip, dinala Niya ito sa isang kalagayan ng kagandahan at pagiging kapaki-pakinabang. Ganito rin ang nais Niyang gawin sa ating mga buhay—mula sa kaguluhan tungo sa kaayusan, at mula sa kawalan tungo sa pamumunga.

Text: Genesis 1:6–13 (KJV)

6 And God said, Let there be a firmament in the midst of the waters, and let it divide the waters from the waters.

7 And God made the firmament, and divided the waters which were under the firmament from the waters which were above the firmament: and it was so.

8 And God called the firmament Heaven. And the evening and the morning were the second day.

9 And God said, Let the waters under the heaven be gathered together unto one place, and let the dry land appear: and it was so.

10 And God called the dry land Earth; and the gathering together of the waters called he Seas: and God saw that it was good.

11 And God said, Let the earth bring forth grass, the herb yielding seed, and the fruit tree yielding fruit after his kind, whose seed is in itself, upon the earth: and it was so.

12 And the earth brought forth grass, and herb yielding seed after his kind, and the tree yielding fruit, whose seed was in itself, after his kind: and God saw that it was good.

13 And the evening and the morning were the third day.

I. Ang Diyos ay Nagbibigay ng Kaayusan (vv. 6–8)

“Let there be a firmament in the midst of the waters, and let it divide the waters from the waters.” (v.6)

Ang ikalawang araw ng paglikha ay nagsimula sa isang utos ng pagkakahiwalay. Hinati ng Diyos ang tubig sa itaas at sa ibaba sa pamamagitan ng isang "firmament"—isang kalawakan na tinawag Niyang langit. Sa simpleng pananalita, ito ay ang atmospera na pumapagitna sa tubig sa itaas (ulan, ulap) at sa tubig sa ibaba (karagatan, ilog).

Ano ang ipinapakita nito? Na ang Diyos ay hindi Diyos ng kalituhan. Siya ay Diyos ng kaayusan.

“For God is not the author of confusion, but of peace…” (1 Corinthians 14:33 KJV)

Ginagawa Niya ang lahat ayon sa wastong pagkakasunod-sunod. Sa mundo man o sa ating mga buhay, nais ng Diyos ang malinaw na pagkakabukod. Hindi Niya hinahayaan ang magulo at halo-halong kondisyon. Gaya ng liwanag at dilim, ngayon ay tubig sa itaas at tubig sa ibaba.

Kung nais mong ayusin ng Diyos ang buhay mo, hayaan mong hatiin Niya ang mga bagay na kailangang paghiwalayin: kasalanan at kabanalan, katotohanan at kasinungalingan, kalooban ng Diyos at sariling kagustuhan. Ang tagumpay ng Kristiyanong pamumuhay ay nasa pagkakabukod sa mundong ito (2 Corinthians 6:17).

II. Ang Diyos ay Naglalagay ng Hangganan (vv. 9–10)

“And God said, Let the waters under the heaven be gathered together unto one place, and let the dry land appear: and it was so.” (v.9)

Hindi lamang hinati ng Diyos ang tubig, kundi ipinuwesto Niya ang mga ito. Ginawa Niyang posible na makita ang tuyong lupa—isang lugar kung saan maaaring manirahan ang mga nilikha. Tinawag Niya itong “Earth,” at ang tubig ay tinawag Niyang “Seas.”

Ipinapakita nito ang kapangyarihan ng Diyos sa hangganan. Siya ang nagsasabi kung saan titigil ang dagat at saan magsisimula ang lupa.

“When he gave to the sea his decree, that the waters should not pass his commandment…” (Proverbs 8:29 KJV)

Ito rin ay paalala na ang Diyos ang may kontrol. Kung kaya Niyang sabihin sa karagatan kung saan ito titigil, kaya rin Niyang sabihin sa problema mo kung kailan ito matatapos. Kaya rin Niyang sabihin sa kaaway na hindi siya lalagpas sa hangganang itinakda ng Diyos sa iyong buhay.

Kapag ramdam mo na lumulubog ka sa mga alon ng pagsubok, tandaan mo: may Diyos na naglalagay ng hangganan sa lahat ng ito. Ang tubig ng dagat ay hindi lampas sa Kanyang kapangyarihan.

III. Ang Diyos ay Pinagmumulan ng Buhay at Paglago (vv. 11–13)

“Let the earth bring forth grass, the herb yielding seed, and the fruit tree yielding fruit after his kind…” (v.11)

Sa ikatlong araw, matapos maihanda ang lupa, ang Diyos ay nag-utos: “Let the earth bring forth…” Bigla ay umusbong ang damo, halaman, at mga punong namumunga ng prutas.

Mahalagang tandaan na ang paglago ay dumating matapos ang kaayusan. Hindi dumating ang halaman sa kaguluhan. Ganito rin sa ating buhay: walang tunay na pamumunga kung wala muna ang pagkakaayos ng puso sa harap ng Diyos.

Ang Diyos ay pinagmumulan ng buhay, at buhay na may kakayahang magparami:

“Whose seed is in itself…”

Lahat ng ginawa Niya ay may kapasidad na magpatuloy. Sa isang malalim na espirituwal na pananaw, ito’y larawan ng salitang naitanim sa puso na nagbubunga ng bunga ng katuwiran.

“Being born again, not of corruptible seed, but of incorruptible, by the word of God…” (1 Peter 1:23 KJV)

Kung nais nating mamunga para sa Diyos, dapat tayong maging matabang lupa na handang tumanggap ng Kanyang Salita. Kapag ang puso mo ay handa, sisibol ang bunga ng pananampalataya, katapatan, at kabutihan.

Mapapansin din natin ang kategorya ng bawat halaman: “after his kind…” Hindi halo-halo. Ang Diyos ay may disenyo. Hindi mo pwedeng baguhin ang disenyo ng Diyos sa kalikasan, lalo na sa espirituwal na buhay. Ang mga tunay na anak ng Diyos ay mamumunga ng katulad na bunga (Matthew 7:16–20).

Konklusyon: Diyos ng Kaayusan at Buhay

Mula sa Genesis 1:6–13, malinaw na ang Diyos ay may layunin sa bawat nilikha. Hindi Siya gumagawa ng basta-basta. Ang lahat ay isinasaayos Niya upang maging kapaki-pakinabang, maganda, at mabunga. Kung ang dating madilim at magulong mundo ay naisaayos Niya, kaya rin Niyang isaayos ang buhay mo.

Huwag mong hayaan na ang puso mo ay manatiling walang anyo at walang laman. Hayaan mong ang Diyos ang magtakda ng direksyon mo. Siya ang lumikha ng langit at lupa—at Siya rin ang kayang lumikha ng bagong simula sa iyong buhay.

Panalangin

Aming Ama sa Langit,

Salamat po sa Inyong kapangyarihan na bumabago, umaayos, at nagbibigay ng buhay. Tulungan Ninyo kami na ihiwalay ang sarili mula sa kasalanan, at manirahan sa kaayusan ng Inyong kalooban. Nawa’y kami ay maging matabang lupa na tumatanggap ng Inyong Salita at namumunga ng katuwiran. Sa bawat araw ng aming buhay, Ikaw nawa ang aming simula, gitna, at wakas.

Sa pangalan ni Jesus,

Amen.

This sermon is an original work written and prepared by Pastor Jephthah Fameronag, Faith Baptist Church and Mission, Philippines. All rights reserved for personal, teaching, preaching, and gospel-sharing purposes only. Proper attribution is required for reproduction, citation, or distribution. Not for commercial sale or unauthorized publication.

Copyright © 2025 – Pastor Jephthah Fameronag