INTRODUCTION
Ngayon ay pagusapan natin ang the power of one choice. Pagusapan natin ang 3 singular decisions na ang bawat isa sa atin ay kailngang gawin sa ating buhay. At ito ay mga simpleng bagay.
At subukan nating gawin na ang mga complikadong bagay ay pano ito maging simple. But one.. The power of one...
Ang isang desisyon ay maaring makapagbago ng iyong sariling buhay maging ang madaming buhay na nasa iyong paligid. Noong 1998, 104 ang buhay na namatay sa plane crash ng cebu pacific dahil sa may isang tao na nagpa-stopover sa may tacloban na hindi naman nakaschedule. Ang isang boto ay maaring makapagluklok ng isang presidente sa isang bansa. Isang taong nagngangalang Martin Luther King ang nakapagpabago sa relihiyon. Isang babae na si Joan of Arc ang nakapagligtas sa bansang France. Isang choice, maaring makapagbago ng kasaysayan... One.
Isang tao na tulad ni Moses o ni David ang maaring makapagbago ng kasaysayan. Isang babae o lalaki na nagtitiwala sa Dios ang maaring maka-acomplish ng kahit na anung bagay.
The power of one choice.
May magsasabi na alam mo ang sumunod sa Panginoon ay napakahirap... Dahil ang daming mga dos and donts... Actually hindi... God gives you one choice at a time on that moment. At sa pagpili mo ng dapat sa pamamagitan ng pakikinig mo sa kanya, ay maaring mabago mo ang mundo. One choice at a time. Hindi siya isang milyon... One choice at a time.
At kung minsan ang mga bagay sa Panginoon ay mga kumplikadong bagay kaya madali sa atin ang umatras at sumuko. May mga tao akong kilala na simpleng bagay pero pinapalaki ito at ginagawang komplikado. Ako gusto ko yung kabaligtaran nun.. Yung komplikadong bagay ay gustoi ko na gawing simple.
Sabi sa 2 Cor 11:3, But I am afraid that, as the serpent deceived Eve by his craftiness, your minds will be led astray from the simplicity and purity of devotion to Christ.
Ibig sabihin sinasbai niya na kung ang diablo ay magawa niyang komplikado ang mgqa bagay sau. Na kung saan ang devotion mo sa ating Apnginoon ay pure and simple ay maging komplikado ay maari ka niyang maligaw at madaya,
So sinasbai niya na anumanang bagay na pure and simple, consider it. Wag mong gawing komplikado ang mga yun.
Sa katunayan ang mga bagay na simple ay ginawang komplikado ito ay nakaktawa.
PICS
So ang pagdisenyo ng APnginoon ay gawing simple ang mga bagay at hindi gawing komplikado. At kung minsan ginagawa nating komplikado ang mga bagay sa Apnginoon na kung saan ayaw tuloy sumama ng iba upang maging parte nito.
At isang babae ang gumawa ng isang desisyon. One choice... One choice that changed the nation. Amg kanyang pangalan ay Esther.
Hindi yun ang una niyang pangalan... Ang pangalan niya ay Hadasa. Siya ay isang Judio.
Nangyari ito noong 586 BC. Noong panahon na naghahari ang Babylonia sa pananakop sa pamumuno ni Haring Nebuchadnezar, kanyang dinakip ang mga Judio o mga Israelita at dinala niya ang mga ito sa Babylonia. At nung dinala niya sila roon ay pinalitan niya ang kanilang mga pangalan.
Pinalitan niya ang Daniel sa Beltazasar. Asariah, Mishael. Hananaiah ay sina Sehdrach, Meshac at Abednego.
Makalipas ang 40 years, bumagsak ang paghahari ng Babylonia ng masakop ito ng mga Persians sa pamumuno ni Cyrus the Great. Nagdesisyon si Cyrus the Great na hayaan ang mga Judio na bumalik sa kanilang bayan. Ang iba ay naguwian sa kanilang bansa, ang iba naman ay naiwan sa Persia at doon na rin nanirahan.
Matapos maghari ni Cyrus ay pinalitan siya ni King Darius
Si Darius ang naging hari sa mids and persia. Nais niya na masakop hindi lang ang kaharian ni Nebukadnesar, na kung saan sa modern day ay ang Iran Iraq kundi nais niya rin masakop ang Turkey at Greece.
Noong 490 BC, Si Darius ay pumunta sa Marathon sa Greece. Ang susunod sa Marathon ay ang Athens. Ngayon may malaking digmaan na nangyari dun At siya ay natalo sa Battle of Marathon nong 490BC.
Ang mga taga Greece ay nagdiwang at excited sila sa pagkagabi nila sa mga taga Persia. At isang lalaki ang tumakbo mula sa Marathon papuntang Athens para ibalita Nanalo tayo... Wag kayong magalala hindi nila tayo masasakop... Yahoooo. Siya ay bumagsak at namatay.
Ang distancia sa pagitan ng Marathon at Athens 26.2 miles. Ngayon ay inanaalala pa rin natin ang kagitingan ng lalaking ito at ng kanyang kamatayan... Kaya naman tinatakbo natin ang Milo Marathon... Philippine Marathon.... At hulaan niyo kung gaano kalayo ang marathon? 26.2 mile.
Ngayon alam niyo na kung saan nanggaling ang marathon.... 490 BC the battale of Marathon. See, kung hindi kayo nagpunta sa church di niyo malalaman yun diba...
Namatay si Darius dun at pinasa niya ang paghahari sa isang Hari at ang pangalan niya ay si Haring Xerxes.
Si Haring Xerxes ang hari sa mga oras na ito sa book of Esther. Si Xerses ay magaling na hari At siya ay may asawa na nangngangalang Reyna Vashti.
Minsan nagkaroon ng isang malaking party sa kaharian. Naroon ang lahat ng mga VIP, mga genereal at mga gobernador ni Haring Xerxes at ang lahat ay nagkakasiyahan. Hinanap ni Haring xerxes ang kanyang reyna at kanya itong ipinatawag.
Alam ninyo itong si Vashti ay may mood swing. Mahal na reyna pinapatawag po kayo ng inyong mahal na asawa upang kayo daw ay ipakilala. Tumugon si Vashti, sabihin mo sa kanila ayoko. Napahiya si Haring xerxes sa ginawa ng kanyang asawa sa harapan ng kanyang mga gobernador. Mahal na hari di yatat binabastos kayo ng inyong asawa. Kung hahayaan ninyo ang ganyang ugali, tiyak na tutularan din siya ng mga ibang kababaihan na hindi marunong sumunod.
Kaya’t ipinayo kay Haring xerxes ng kanya ring mga gobernador na parusahan si Vashti sa kanyang paguugali. Kaya naman nagdesisyon itong si haring Xerxes na siya ay palayasin.
So walang reyna ang kaharian ng Persia, kaya naman nagkaroon ng isang beauty pageant sa panahon na iyon upang pumili ang hari na kanyang magiging asawa. At isa sa sumali roon ay si Esther. At siya nga nakakuha ng titulo ng pagiging reyna.
Samantalang may isang tao na nagngangalang Mordecai. Sa katunayan si Morecai ay pinsan ni Esther st siya ang nagkupkop nito ng siya ay maulila. Si Mordecai at Esther ay mga Judio. Nang panahon na merong pagbabanta sa buhay ni Haring Xerxes, siya ay naging alisto at nailigtas niya ang buhay ng hari. Bilang ganti sa kanya, pinromote siya at ginawang parang bantay doon sa gate ng hari.
Samantalang may isang tao naman na galit na galit kay Mordecai at ito si Haman. Si Haman ay isang prime minister at lubhang napakayabang. Gusto niya na evrytime na lalakad siya, ang mga tao na kanyang madaanan ay magbobowdon sa kanya. Hoy dumadaan ako, luhod, luhod. Pero may isang tao na ayaw lumuhod kapag siya ay dumadaan at ito si Mordecai. Sabi ni Mordecai, kailanman ay hindi ako luluhod kaninuman, sa Dios lamang ako luluhod.
Lalong umigting ang galit ni Haman kay Mordecai. Kaya naman gumawa siya ng plano upang makapaghiganti siya sa kanya. Nilinlang niya ang mahal na hari at sinabi niya, mahal kong hari pagkalooban ninyo ako ng kapangyarihan na pamahalaan ang mga Judio na naninirahan sa atin. Ako na ang bahala na humawak at magorganize sa kanila.
Ngunit ang nakasaad doon ay lupigin ang mga Judio, pagpapatayin. Napirmahan ito ng hari dahil sa panlilinlang ni Haman. At gumawa si Haman ng bitayan na kung saan doon niya ibibitin si Mordecai at makita ng mga Judio na siya ay dapat irespeto at katakutan.
By the way Haman, sabi ng hari, Ano sa tingin mo ang dapat kong gawin sa isang tao na lubos kong ikinasisiya? Ahhh, tingin ni Haman na siya ang tiuturing ng hari kayat sumagot siya at sinabing, ipasuot mo po sa kanya ang damit at korona ng hari, at pasakayin mo rin siya sa inyong karwahe habang siyay ipinaparada at pinapalkpakan ng tao upang makita nila na siya ay lubos mong ikinasisiya. Hmmmm, magandang ideya yan sabi ng hri, pwes gawin yan kay Mordecai, sapagkat ang taong ito ay iniligtas ako sa kamatayan. At hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kanyang ginawa.
Lalong umigting ang galit ni haman kay Mordecai na siya nga ay kanyang mapatay dahil dun.
Nang malaman ni Mordecai ang tangka ni Haman tungkol sa paglupig sa lahi ng mga Judio, agad niyang kinausp si Esther na gumawa ng paraan. Sumagot si Esther at sinabing, hindi ko kaya. Kauupo ko pa lamang bilang bagong reyna at hindi ako pwedeng magtungo sa hari kung wala akong apointment sa kanya. Liban na lamang na kanyang ipahawak sa akin ang kanyang setro at akoy kanyang makausap. Pero kung hindi, patay tayo.
At sinabi ni Mordecai alam mo ba kung anong mangyayari kung hindi ka tatayo sa oras na ito? Sasbaihin ko sau kung anong mangyayari... Mamatay tayo at sinabi niya sa
Esther 4:12-14, Nang matanggap ni Mordecai ang sagot ni Ester, ganito naman ang ipinasabi niya: "Huwag mong aakalaing dahil nakatira ka sa palasyo ay ikaw lamang ang makakaligtas sa lahat ng mga Judio. Kapag ipinagwalang-bahala mo ang pangyayaring ito, tiyak na may magliligtas din sa mga Judio, ngunit malilipol ka at ang iyong angkan. Anong malay mo? Baka nga napunta ka riyan para maging kasangkapan sa ganitong pagkakataon!"
Underline nyo yung sinabing tiyak na may magliligtas din sa mga Judio,
In other words, sinasabi ni Mordecai dito na ang salita ng Dios at ang propesiya ay mangyayari at mangyayari. Kailanman ay hindi malulupig ang lahing ito. At ililigtas ng Dios ito. Ngayon, ginagamit ka ng Dios upang iligtas mo ang lahing ito sapagkat sa lahing ito manggagaling ang Mesias. Kung hindi mo gagawin ang role mo para sa iligtas ang lahing ito maaring mamatay tayo pero... kukuha ang Dios ng ibang magliligtas.
So ito ang pagpilian mo, kukuha ba ang Panginoon ng ibang magliligtas o tatayo ka para gamitin ng Apnginoon para mailigtas tayo. Bahala ka... Pero marahil ay pinili ka ng Panginoon para sa ganitong pagkakataon.
Tama ka sabi ni Esther, kaya naman sila ay nanalangin at nagayuno. Humarap siya kay haring xerxes at shinawakan niya ang setro nito. at sinabi niya kung ano ang plano ni Haman.
Niloko mo ako ang sabi ni xerxes at bilang parusa sa iyung panlilinlang sa akin, ang ginawa mong bitayan para kay Mordecai ay sa iyo gagamitin. Kayat binitay si Haman maging ang kanyang buong pamlya.
At hanggang ngayon ay pinagdiriwang ng mga Judio ang taon taong okasyon na tinatawag na the feast of Purim. At itoy upang alalahanin ang isang choice ng isang babae upang iligtas niya, hindi lang ang kanyang sambahayanan ngunit maging ang bansang Israel. One Choice...
Ngayon gusto ko na makita niyo kung anong sinasbai ng Apnginoon...
Esther... God’s plan has already set but you need to make decisions in 3 singular choices in your life. Whatever decision that you make, it will determine your life.
God says that help and deliverance will come as part of His divine plan so make a choice of your role in that plan. You can choose no part, a small par or a big part. Now the question is what part you want to play in God’s plan.
Pinili ni Esther ang big part through that choice, she affected the whole nation.
Katulad ni Esther kinakailangan natin na magdecide…There are 3 singular choices we must make…
1. CHOOSE THE PART YOU WILL PLAY IN GOD’S PLAN
Ang sabi sa Mark 14:49, “… the scriptures must be fulfilled”
In other words, sabi sa Hebrews 4, God’s plan is established at the foundation of the world. God’s plan is already set. Man cannot compete or foil God’s plan. I read the end of the Bible and do you want to know what it says? God wins. Iligay natin ito sa ating puso, He wins in the end.
Now, maraming bagay ang mga mangyayari dito, katulad ng redemption plan. Redemption was set at the beginning of time. Simula pa sa umpisa ay pinlano na ng Panginoon na ibibigay niya ang kaligtasan sa tao sa pamamagitan ni Jesus. Ngayon nakaset na iibigan siya, kakamuhian siya, may mga tatakbo palayo sa kanya, at may mga lalapit papunta sa kanya, may iiwas sa kanya, may magkanulo sa kanya may papatay sa kanya. But still God’s redemption plan will set in.
Ngayon, although ang lahat ng bagay na ito ay nakaset na, ang tanong ay ano ang gusto mong role ang gawin sa mga ito sa plano ng Dios? What part do you want to play?
Would you like to play a good part or a bad part? Would you like to play a big part or a small part, or a mediocre part. Would you like to be in a healing side or in afflicting side? Would you like to play someone who betrays or someone who honors? Theres a room for everything. You can choose. Choose…
Sa katunayan sinabi niya ito kay Judas Iscariot.
Luke 22:22, Papanaw ang Anak ng Tao ayon sa itinakda ng Diyos, ngunit kakila-kilabot ang daranasin ng taong magkakanulo sa kanya."
You choose what part you want to play in God’s plan.
Luke 17:1, Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, "Siguradong darating ang mga sanhi ng pagkakasala; ngunit kakila-kilabot ang sasapitin ng taong panggagalingan niyon!
Alam mo kung ano sinasabi ng Dios? Tutulungan at pagpapalain ko ang maraming tao sa lugar na ito. Aking pagbubuklurin ang bawat pamilya ng pag-ibig. Aking ipagkakaloob sa mga tao ang buhay na kaaya-aya para sa kanila. What part do you want to play? Gusto mo bang maging daanan ng blessing ng Panginoon, o gusto mo ikaw ang siyang haharang ng blessing ng Panginoon para sa iba? Gusto mo ba na sumunod sa kanya, o gusto mo na tumatalikod sa kanya? Gusto mo ba na humatak ng lubid kalaban ng Dios o humatak ng lubid kasama siya? Gusto mo bang makipagcooperate sa kanya, o ayaw mong sumama sa kanya? Its your choice. What part do you want to play?
Binigay sa iyo ng Panginoon ng kapangyarihan na pumili. Ikaw ang pipili. But in the end, God wins. God’s plan will come to pass. The scriptures must be fulfilled. They will. The question is what part you want to play. That is the first singular decision that you must make.
Well, isang tao lang ako... Anong magagawa ko?
Pakita ko sa inyo ito mathematically... Sabihin natin na merong zeros, at 3 zeros... Ang unang 3 zero ay thousands.... At ang 3 set ng zeros ay millions. At kapag dagdagan ko ng 3 pa ulit ito ay billions. At 3 pa ito ay trillions.
Ngayon meron tayong space sa harap na maari kayong maglagay ng tinatawag na integer. Or a whole number. So kapag ito ay zero, kahit na meron kang exponential power dun, kapag zero ang nandun ano ang value nun? 0.. magaling....
So para magkaroon ng value dun, sa harap ay kailngan na merong number... Isa lang ako anong magagawa ko? Di ako katulad nila Billy Graham o nila Martin Luther na sila ay 10... Ako ay 1 lang.
Pero tingnan niyo kapag nilagyan niyo ng 1 hindi lang siya 1 kundi siya ay 1t. Dahil ang Panginoon ang gumagawa ng exponential... Kaya ang sabi niya not by might nor by powr aut by the spirit of the Lord.
Kapag pinili ko sa side ng Apnginoon kahit na ito ay 1 lng ang pwede kong mabigay tingnan mo kung anong magagawa ko... Because the power comes from me... Ang kailngan ko alng ay mainvolve ka.
Dahil kung minsan siansbai natin, ahhhh si Lord ang gagawa niyan.... Siya ang gagawa niyan... Hindi yun faith. Lord ito ang decision ko, na maging part, maliit lang Lord... Good tingnan mo kung anong maari kong gawin para saung buhay... At kailngan mong gawin ang desisyon an yun. Then Lord big part.. Biglang whaaam...
Ngayon tingnan niyo ito... kapag ang mga tao ay papasok sa church, sino ang gusto niyo na makita nila o dapat na makita nila? Ang pastor ba? Ang leader ba nila? O baka naman yugn ating stage, o yung ating aircon... Hindi... Sinoa ng dapat na makita nila? Kailngan na makita nila si Jesus. Kailngan na meron silang experience at encounter sa Apnginoon. Personal meeting with Christ. Dun mababago ang kanilang buhay...
Alalahanin nyio di nsinabi na Come to church and you will be forgiven. Ang church ay hindi nagpapatawad.. Si Jesus ang nagopapatawad. Ang church ay hindi nagpapagaling... Si Jesus ang nagopapagaling. Ang church ay hindi nagbabago, Si Jesus nagpapabago.
So kapag ang tao ay nagpupunta sa church ay kailngan nilang makita si Jesus....
Ngayon tingnan niyo... Kapag sa church ay meron tayong 6 na ushers... 1 pw leader at 6 sa band... At ang lahat ay uupo lang at magoobserve lang. si Jesus ba ay makikita dun sa mga observers? Hindi sa mga naglilingkod... Sapagkat sinabi niya na kasama ako sa mga naglilingkod.
So kapag ang tao ay pupunta dito at 10 lang ang workers... nahihirapan sila na makita si Jesus...
Pero kung lahat tayo ay magdecide na gumawa ng part para sa kaharian ng Apnginoon, pagpunta nila dito makikita nila si Jesus sa kahit na anung lugar.
Ito ang makapagbabago sa cabanatuan... at hindi ang church... kundi gumawa ka ng desisyon nma maging part at mainvolve in Gods plan.
Ang susunod na desisyon na kinakailangan nating piliin ay…
2. CHOOSE YOUR MEASURE OF DIFFICULTY
Remember sa book of numbers na makikita natin ang 12 spies na ipinadala na mauna at tingnan ang promised land na ipinangako ng Dios na mapapasakanila. Sampu ang bumalik at sinabing may mga higante sa lupa at hindi natin kayang sakupin iyon. Ngunit ang dalawa, sina Joshua at Caleb, ay nagsabing oo may higante nga, pero yakang-yaka dahil sinabi ng Panginoon na sa atin ang lupang iyon.
Sampu ang tumingin sa sitwasyon na napakahirap na masakop natin yun. Sampu ang nagsabing di natin kaya yun. Alam mo ba Joseph na nandun ang mga Cananites, Ameliktes, Elctrolites, Flashlights at Parasites... Nandun lahat sila.. Di natin kakayanin. Whoa... Di maganda yuna h....
Ngayon sa side naman na ito ay nakita niya na tahimik si Joshua at si Caleb. Guys, ano sa tingin niyo... Nandun din kayo diba? Oo... Anong masasabi niyo? Hmmm sisiw? Sisiw.. Dapat sugurin na natin ay sakupin na natin ang Lupaing yun. Sisiw...
Ano? Pareho ba yung pinanuod niyong pelikula? Yea...
Bakit niyo sinasbai na mdali at kau naman ay sinasbaing mahirap?
Teka lang teka lang nalilito ako... Kaya nagpunta siya sa Apnginoon. Lord... ano bang nangyayari? 10 ang nagsasbai na na level of difficulty from 1-10 ito ay 12.
Pero yung dalawa sinasabi 1 o 2 lang. Ano bang nangyayari? Kanino ako maniniwala?
Alam mo sabi ng Apnginoon, yung 10 na nagsabi na level of dificulty from 1 to 10 ay 12. Para sa kanila ito ay magiging 12. At hindi sila makakapasok sa Promised Land sapagkat napakahirap nito para sa kanila. Pero yung nagsabi ng 1 or 2, meron silang kakaibang spirit. Sila ang makakapasok sa lupain.
Kaya sabihin mo dun sa 10, babye. At sa 2, welcome. Congrats...
Really? Oo... Sapagjat you see, ito ang sinasbai ng Apnginoon and 2nd choice... you determine your own measure of dificuklty of life. You determine... Chose your klevel of difficulty...
Kapag merong problema, gaano mo nakikita ang level of dificulty sa sitewasyon? You choose... Aghhh napakahirap. Yep, then para sau ito ay magiging mahirap. Sa scale 1 to 10, ito ay 12. Imposible... then imposible nga ito ay 12. Kaw pano ang level of dificulty nito, 1 lang. Then para sau ito ay magiging 1.
So God is saying You choose the level of difficulty.
Ito ang nangyari ito... Basahin natin...
Numbers 14:24, Ngunit si Caleb na aking lingkod ay naiiba sa kanila. Sumunod siya sa akin nang buong katapatan, kaya makakapasok siya sa lupaing iyon, pati ang kanyang angkan.
Makikita rin natin sa new testament. Meron lumapit kay Jesus na mga bulag at sinabi Panginoon pagalingin ninyo ang aming mga mata. Tinanong sila ni Jesus at sinabi sa tingin ninyo ay magagawa ko kayong pagalingin, Tumugon sila at sinabi, opo Panginoon.
Luke 17:1, Hinipo niya ang kanilang mga mata at sinabi, "Mangyari ito sa inyo ayon sa inyong pananampalataya."
This same goes with the problem.
Mangyayari ito ng ayon sa inyong pananampalataya.
Makikita mo ang 2 tao na pareho ang pinagdadaanan ang isa ay naging matagumpay ang isa ay nabigo. Ang isa ay umangat, ang isa ay lumubog. Ang isa ay napabuti ang isa ay napasama. Dahil ba dun sa pangyayari? Hindi po.
Tumingin kayo sa palgid... Lahat tayp ay makakaranas ng pagsubok.
Then ang setbacks ba na ito ang siyang masasabi ng ating future? Hindi po... Kundi kung ano ang nilagay mo dun... The measure of difficulty that you assigned to setbacks in your life. Yun yun..
Ilang tao ang nagsasabi, hay naku ang hirap talaga, Then magiging mahirap nga para sayo, sapagkat mangyayari ito ng ayon sa inyong pananampalataya. You assign it for your self.
Magkakaroon ka ng marriage setbacks. Ahhhh hindi na ito maayos pa... Wala na,... Grabe na. Then para sau wala na nga.. Eh sau, hmmm kaya namin ayusin yan good then maayos niyo nga yan.
Bakit? Dahil hindi ang Apnginoon ang nagseset ng level of diculty, ikaw ang nagseset nun. Ikaw nagaasign nun... Tayo ang gumnagawa nun.
At bakit ito mas nagiging mahirap? Dahil ayaw natin magbago, at magimprove at matuto....
Dahil kapag ang isang tao ay ayaw magbago, hindi mo mareresolba ang anumang bagay. Dahil kadalasan ang problema ay lumalabas dahil sa mga abgay na nasa ating loob na problematic. Pero kung babaguhin mo ang nasa loob then ang problema ay mareresolba. You refuse to change the problems remain. Youve got to be willing to change.
Si George Mallory noong 1925, nais niya na maakyat ang bundok ng Everest. Ang Mt Evererst ang siyang pinakamataas na bahagii ng mundo. 29,028 ft. Para siyang 6 na km above sea level. Ito ay punong puno ng snow at ice.
Sinubukan niyang akyatin ito ng 3 beses. Sa pangatlo siya ay nawala at di na natagpuan pa.
Pero nung pangalawang subok niya ay kinausap niya yung mga tao na kasama niya na mahirap maakyat ang bundopk ng Everest at kinakailngan ito ng paghahanda... At matapos ay humarap siya dun sa picture ng Mt everest st kinausap niya ito... Ang sabi niya Masyado mo kaming pinahihirapan... At wala pang nakakaabot sa pinaka tuktuk mo. Pero balang araw ay maajyat6 din naman ang tuktuk mo at masasakop ka namin. Alam mo kubng bakit? Sasabihin ko sau... Dahil everest you dont change and we will. That means you are conquerable.
Ang sinasbai niya Mt. everest mananatili kang ganyan. Pero ang mga tao ay nagbabago, nagiimprove sila. At handang matuto.. At dahil dun ay maari mong maquenquer ang mga bagay.
But if you are unwilling to change you will be the one that’s conquered.
At nung 1953 Edmund Hillary and Tenzing Norgay at nakaakyat sa tuktok ng Everest.
At sa mga sumunod na dekada, 660people ang nakaakyat s amt everest
The same is true with us, if we refuse to change the level of difficulty is high for us. But if you are willing to change, you will be surprised because the level of difficulty gets lower and lower because i can resolve it.
Pwewde akong magbago... matututunan ko ang kailngan kong matutunan. Magagawa ko ang dapat gawin. At masusurpresa ka yung level of difficulty ay bumaba at kung paanong buksan ng Apnginoon ang bintana ng langit upang ipagkaloob niya sau ang kinakailngan mong tulong, ang karunungan, ang creativity, ang courage, hanggang sa mangyari ang nais ng Panginioon.
You must chpoose. Kailngan ay gawin mo ang desisyon na yun.
From scale 1-10, ito ba ay 12?
Ang iyung marriage ay nakakarans ng bako bako, ano sa tingin mo yun, ahhh 9. My marriage 12... Para sau ay 12 para sau ay 9….. Ikaw? 8. Ok 8.. Ikaw? 2. Ano? 2
Kayang kaya. Para sau yun ay 2. Mangyayari ang mga bagay ayon sa yung pananampalataya.
So ito yun upang ang buhay ay maging simple... number 1 is you chooise what part you want to play in God’s plan, Choose your measure of difficulty. Its up to you, you chose. But Choose wisely.
Ang 3 ay isa sa paborito ko.. At sulat niyo sa nmber 3...
3. CHOOSE YOUR OWN GRADE FOR YOUR LIFE
Kung tatanungin ko kayo, bibigyan kayo ng score ano ang gusto niyo na iligay ninyong score sa buhay ninyo? 100? 95? 80? 75 pasang awa? O bagsak?
Tungkol sa inyong relationship sa inyong pamilya, anong grades ninyo? 100? 88? Pasang awa?
Eh sa inyong marriage? , anong grades ninyo? 100? 88? Pasang awa?
Eh ano naman kaya ang grades ninyo sa inyong pakikipagkapwa?
Ngayon kung gusto ninyo na 98, meron dapat kayong ginagawa para makuha ninyo yun? Katulad ng isang bata na gustng makakuha ng mataas na grado sa kanyang science subject, ano ang kailangan niyang gawin? Magaral mabuti. Pumasok araw-araw, at intindihin kung ano ang sinasabi ng teacher.
You choose what grade you want.
Deut. 30:19, Saksi ko ang langit at ang lupa na ngayo'y inilahad ko sa inyo ang buhay o kamatayan, at ang pagpapala o sumpa. Kaya, piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong lahi ay mabuhay nang matagal.
Nakita ninyo kung paanong ang isang desisyon at pagpili ay nakakaapekto sa iba?
Joshua and caleb, dahil sa inyong desisyon na ginawa, ikaw at ang iyong angkan ay makakapasok sa promise land.
The choice that you will make will affect many others
3 singular choices... Choose...
What grade?
Identify ninyo anong grades gusto mo. Kapag pinili ninyo ang grades ninyo, gusto ko ng 99 dun sa relasyon ko sa pamilya ko. Gusto ko ng 100.
Once na-identify ninyo ang gusto ninyong grades, malalaman ninyo kung ano ba ang dapat kong Gawain at mga bagay na hindi ko dapat gawin.
Example… kung gusto ko sa marriage ko ay 99 dapat alam ko kung ano ang dapat na sabihin ko, at ano ang mga salita na di dapat kong mabanggit. Hindi ako pwedeng magsalita ng masasakit na salita, na kapag galit ako eh hindi ko siya dinedeal at mageexpect ako ng 99 na grades para sa relasyon ko. Hindi mangyayari yun
Decide. Because when you decide it will determine what kind of life you will live. It makes life very simple. Kung di ka makapagdecide… Kapag inaya ka ng mga kaibigan mo at alam mo na maghihintay ang pamilya mo para sau, alam mo kung anong gagawin dapat. So parang nagkaroon ka ng gps dahil ito ang grades na gusto kong makuha. It makes life very simple.
Kapag hindi ka gumwa ng ganung desisyon, ahhh ahhh ahhh ,... what grade do yopu want.. Wat kind of marriage do you want? 100? 98? Bagsak...
It simplifies life
Complicated, when you not make a choice. I want to stay neutral. Walang neutrality sa 3 bagay na ito na dapat gawin mong desisyon.
Choose what part you want to play in God’s plan, Choose your measure of difficulty. Choose your own grade. No neutrality
As soon as you make these choices and you make them well as soon as you say... level of diificulkty, sinara mo na agad ang tulong ng Apnginoon sau. Upang maresolba mo ang lahat. Pero kapag sionabi mo ahhh madali... You know what will happen? God will flood you with Wisdom, creativity courage grace direction innovation options, because your heart is open.
Kapag sinabi ko, mahirap di kaya, then kahit na ibinibigay ang tulong ng Apnginoon sau ay hindi mo ito matatanggap.
You choose... everyone of us should make that decision.
CONCLUSION
Nagyon bilang pagtatapos Naalala ko yung aking Math teacher noong high school ako... Si Sir Donato Abelardo. Paborito ako ni sir Abelardo... Nung 1st year HS ako ay nalilito ako sa algebra. Minsan ay nagpa exam si sir. At hindi ko alam kung paano sisimulan ang pagsagot. Ang mga classmates ko ay busy na nakayuko at nagsosolve. Ako ay nakatunganga dahil paano ko ito masisimulan? Marahil ay napansin ito ni sir abelardo.. Kaya lumapit siya sakin at nakita niya yung papel ko na wala pang sagot.
Ang sabi niya sakin, Mr Lorenzo magsimula ka sa basic... Naalalal mo yung sinulat ko kahapion sa blackboard? Opo... Alalahanin mo yung basic at magaaply siya sa lahat.
Ahhh naalala ko... at nagsimula ako oohh ohh ohh... Ahhh yun pala yun. At nagulat ako kung paano ko masagutan ang exam.. at take note, perfect ako nun. hehehehe
At ngayong umaga ay gusto kong maging Sir Abelardo.. bigyan ko kayo ng hint... actually gusto ko na ibigay sa inyo ang sagot.
Part you want to play in God’s plan ------------------------------big part
measure of difficulty what shall we assign --------------------------------1
what grade to our life? --------------------------------------100
Simula kayo dun. Magaaply siya sa lahat.
Amen?