Summary: One day all those who have rejected God will lament for their only one soul, but the repentant heart, who looked to Christ, shall reap in joy.

CHURCH NAME: Worship God Forever

JOB POSITION: Bible Teacher/ Writer

LOCATION: Baliuag Bulacan

Name: Marilyn Dela Cruz

TOPIC: THE LOST S.O.U.L. sermon series.

S.lave of Sin.

DENOMINATION: Independent

Matthew 24:37

But as the days of Noah were, so shall also the coming of the Son of man be.

One day all those who have rejected God will lament for their only one soul, but the repentant heart, who looked to Christ, shall reap in joy.

INTRO

Insert HUMOR ILLUSTRATION.

To warm the hearts and enliven the spirit of the family of God.

THE LOST SOUL is a

S.LAVE OF SIN

INTRO:

The biblical account pagkatapos likhain ng Dios ang mundo sa Genesis chapter 6,approximately 1,800 years na ang lumipas, nag explode sa dami ang bilang ng tao sa lupa. Nag explode din sa dami ang kasamaan.

Nauna na rito ang ginawa ni Cain sa kapatid nyang si Abel in Genesis chapter 4 verse 4.

Cain murdered his own brother Abel dahil nag offer si Abel sa Dios ng buong buo ng unang tinubo ng kanyang paghahanapbuhay, The first fruit offering.

While si Cain ay tira tira lamang ang binigay.

PPP

Please Read

Genesis 6:5

5.Nakita ni Yahweh na laganap na ang kasamaan ng tao sa daigdig, at puro kasamaan na lamang ang palaging nasa isip nito.

6Kaya't labis na ikinalungkot ni Yahweh na nilikha pa niya ang tao.

7Sinabi niya, “Lilipulin ko ang lahat ng taong aking nilalang. Lilipulin ko rin ang lahat ng hayop at mga ibon. Ikinalulungkot kong nilalang ko pa ang mga ito.”

8Ngunit si Noe ay naging kalugud-lugod kay Yahweh.

PRAY

Let me read it again my fiC:

Genesis 6:5 Nakita ni Yahweh na laganap na ang kasamaan ng tao sa daigdig, at puro kasamaan na lamang ang palaging nasa isip nito.

Nang idinescribe ng Panginoong Hesus ang kaganapan kung paano natin malalaman ang pagbabalik Niya muli dito sa lupa.

Please READ

PPP

Matthew 24:37

Ang pagparito ng Anak ng Tao ay matutulad sa nangyari noong kapanahunan ni Noe. Ang mga tao noo'y nagsisi-kain, nagsisiinom at nagsisipag-asawa hanggang sa araw na sumakay si Noe sa barko.

Dumating ang baha at namatay silang lahat.

Ang pinupunto ng ating LORD JESUS, kung paanong napaka busy ng mga tao sa lahat ng mga personal nilang mga ginagawa.. mga pansariling kapakanan at kasiyahan.. hindi mapipigilan nito ang pagdating ng Panginoon.

Darating at darating ang Panginoon sa ayaw at sa gusto nila.

PPP

1 Thessaloninans 5:2-4

2sapagkat alam na ninyo na ang pagdating ng araw ng Panginoon ay tulad ng pagdating ng magnanakaw sa gabi.

3Kapag sinasabi ng mga tao, “Tiwasay at panatag ang lahat,” biglang darating ang sakuna. Hindi sila makakaiwas sapagkat ang pagdating nito'y tulad ng pagsumpong ng sakit ng tiyan ng isang babaing manganganak.

4Ngunit wala na kayo sa kadiliman, mga kapatid, kaya't hindi kayo mabibigla sa Araw na iyon na darating na parang magnanakaw.

My Family in Christ

Alam niyo ba kung sino ang kauna unahang Soul Winner or Evangelist sa Bible?

Buong puso at ikinagagalak kong ipakikilala sa inyo si

PPP

NOAH

Sinabi ng 2 Peter 2:5 na

si Noah ay "PREACHER OF RIGHTEOUSNESS”

dahil iniukol niya ang kanyang mga taon para I SOUL WIN ang mga tao sa itinakda ng Dios na paghatol dahil sa kasamaan ng mga tao.

Pero wala ni Isa sa libo libong nakarinig ng Pagliligtas ang Naniwala 😢

Lahat ay nagpapatuloy sa sari-sarili nilang mga pangarap at gawain.

They are Contented at Comfortable.

Walang humahanap sa Dios. Walang may panahon sa gawain ng Dios.

Nong time na yun.

Ang gawain ng Dios ay

MAGBUO NG ARKO.

This Morning nireremind tayo ng DIYOS na kung Tayong mga mananampalataya ay Masayang masaya

Sa piling Ng DIYOS

ay Meron din namang mga taong masayang masaya rin ngunit sa piling naman ng KASALANAN..

At sila ang ating Tatalakayin ngayong Umaga.

PPP THE LOST SOUL IS A SLAVE OF SIN.

Mga artista, engineer, mga cum laude, mga happy family,

at kahit ang mga mahihirap,

KUNG WALANG RELASYON SA DIOS, LAHAT AY SLAVE OF SIN,

ALIPIN NG KASALANAN. Lahat ay doon sa apoy ng impyerno.

Ang ALIPIN ay Walang kalayaang magpasya para sa kanilang sarili.

Literal silang nakatali sa kanilang mga panginoon.

Each of them ARE SLAVES TO THEIR OWN lords.

The bible states that it took Noah 120 years to build the ark.

And it may be assumed that Noah preached 100 years before the flood.

And That is the REASON of this message.

MAraming NOAH dito.

Just preach. Just share JESUS.

JUST SHARE THE HOPE that is in you. In your group chats, in your neighborhood, in the canteen, kumare mo.. Barkada mo, kamaganak mo.

Talk about GOD's goodness.

Hindi ka inutusang magligtas. Inutusan kang ipahayag ang kaligtasan.

Hindi natin kayang magligtas.

Ang inutos ng DIOS... MAG PREACH. MAG TEACH.

MAG SHARE.

ISIGAW sa mga facebook walls natin ang ating mga PATOTOO.

HINDI copy share.

Not COPY PASTE.

Tawagin mo nga sa pangalan ang katabi mo,

Sabihin mo,

'LETS GO.

' I BLESS NATIN ang mundo.

We are soul winners.

Kailangan nating magsalita.

WHY?

FIRST, 🙏

1. The Lost Souls are enslaved by Their Wealth

Malachi 3:10

Bring all the tithes into the storehouse so there will be enough food in my Temple. If you do,” says the LORD of Heaven’s Armies, “I will open the windows of heaven for you. I will pour out a blessing so great you won’t have enough room to take it in! Try it! Put me to the test!

will rebuke the devourer for you, so that it will not destroy the fruits of your soil, and your vine in the field shall not fail to bear, says the LORD of hosts.

Warning ng Dyios sa mga BUSY sa pagiimpok ng yaman sa lupa. Ang kanilang mga bahay, pera at awards ay hindi nila kailangan para mapunta ng langit.

Hindi naghahanap ang Diyos, na dapat ang anak Nya ay puno ng achievements.

Kung saan siya busy iyon ang kayamanan niya. Kung saan siya mas masaya iyon ang kayamanan niya. So in OTHER WORDS,

Bihag sya ng kayamanan niya.

Sabi ng bible

IBIGAY MO ang 10% mo sa Dios At ang 90% mo ay ibe BLESS NIYA

HUwag mong ibigay ang 10% mo sa Dios at ang90% mo at i cu CURSE Niya.

Nag WARNING ang DIOS na kung sosolohin ng Isang tao ang lahat ng kanyang natatanggap,

HINDI POPROTeKTAHAN NG DIOS ANG TAHANAN nito.

Na malaya ang kaaway na salantahin ang ikinabubuhay nito.

PEOPLE NEED TO KNOW GOD'S WORDS. ALIPIN ang tao nang pera.

PEOPLE NEED NOAH.

PEOPLE NEED

You WORSHIP GOD FOREVER Church.

Ipamalita natin ang katotohanan BAKIT SALANTA ang mga buhay ng tao. Ito ay dahil sa NALIMUTAN NA NILANG MAGBALIK KALOOB SA DIOS na lumikha sa kanila.

Sabihin mo nga sa katabi mo,

'HEY.

ISA PA. MAS MAHABA...

HEYYYYY..

PAG AYAW SUMAGOT SABIHIN MO..

HOY. 😂

AMEN SECOND. KAILANGAN NILA ANG WORSHIP GOD FOREVER...

WHY BECAUSE?

SECOND🙏🙏

2. The Lost SOULS Are enslaved By their Dreams.

Example

Ang Pangarap ni Pastor Jay na Hindi gift ang pag awit...ay maging FAMOUS singer.

Ikamamatay niya kapag hindi niya nareach ang dream niya..

Buong buhay niya

Nagaral na nagAral kumanta

Nagbuo pa ng Choir para maganda..

NAgsikap siya, at kapag may nagaaya sa kanya..

TARA SA LORD. SUMUNOD TAYO SA KANYA. GAGAWIN NIYA TAYONG MAMAMALAKAYA NG KALULUWA.

ANG ISASAGOT niya.

'May inaasikaso lang ako.'

Masyado siyang nabulag ng pangarap. Nalimutan niya THAT SOMEDAY HIS DREAMS WILL BE JUST BURNED BY FIRE.

Masyado siyang NAUTO ni satanas.

Nilibang siya, hanggang naging alipin na ng kanyang PANGARAP na hindi naging BLESSING SA kanya at pamilya niya.

Gumagasta pa. Ngunit di makapag kaloob sa PANGINOON.

Hindi niya nalaman na IBA PALA ANG NAIS NG DIOS NA PAGGAMIT SA LALAMUNAN NIYA.

HINDI UMAWIT kundi magpahayag ng kaharian ng DIOS.

Psalm 75:6-7

No one from the east or the west or from the desert can exalt themselves

It is GOD alone who judges; he decides who will rise and who will fall.

Only GOD CAN PROMOTE.

Maraming tao nabulag ng pangarap.

SIGE masipag sila.

Masikap. Nakapagpundar.

Ngunit kinalimutan ang DIos.

SURE EMPTY ANG DULO.

Psalms 127:1

“Unless the Lord builds the house, the builders labor in vain..

SABIHIN MO NGA SA KATABI MO,

UY.

ISA PA A

MAS MAHABA...

UYYY.

UY GISING.

MY FIC KAILANGAN KA NILA. WHY?

THIRD🙏🙏🙏

3. The LOST SOULS are enslaved by their Emotions

THERE IS a MIRACLE in our MOUTH.

Pls READ

JEREMIAH 1:9

Then the LORD reached out his hand and touched my mouth and said to me, "I have put my words in your mouth.

One of the most Undeniable...

Kapag emosyon na ang pinaguusapan.

Marami ang napapariwara, sinasaktan ang sarili and the worst, ay nagcocomit ng suicIDE.

Na kapag dumating na sa punto na hirap na hirap na sila sa mga nararamdaman nila..

Na tila ba gusto nalang nila na mawala, mapahinga lang ang pusong napapagod na sa sakit.

Hindi man lang nila Nalaman

Na may Tunay na kapahingahan sa Piling ni HESUS:(

MY FIC THERE IS POWER IN YOUR MOUTH.

Sayang.walang nakakarinig ng mga salita ng DIOS dyan.

Sayang Nakakatulugan langnatin ang MIRACLE at POWER na dapat sana ay narinig at nabasa ng mga kakilala natin.

Kung sa bawat araw may Nakakarinig ng HIMALA at KAPANGYARIHAN ng iyong tinig...

May mga taong HINDI NATIN ALAM NAILIGTAS NATIN SA kapahamakan o pagkalugmok.

WORSHIP GOD FOREVER you are saved to save.

You are not saved to sit.

The MIRACLES in your mouth must be released and Preached.

Maybe your FRIEND needs your prayer. Or encouragement.

Perhaps your family wants to hear some enlightenment...

At dahil MINISTRY mo yun. Atdahil calling mo yun.

Walang ibang gagawa kundi ikaw.

Lahat ay MAY KANYA KANYANG ASSIGNMENT na Lost soul MULA SA LORD.

Hindi sinabi ng bible na

WAIT AND SAVE THE LOST.

Ang sabi ng BIBLE,

SEEK AND SAVE THE LOST.

HANAPIN.

ANG NAWAWALA.

Luke 19:10

For the Son of Man came to seek and to save the lost.

DATI KANG WALA.

AT KAPAG NAWAWALA KA PA RIN

HINAHANAP KA PA RIN.

My fiC your WORDS can be an instrument of Hope

Your mouth is full of salvation.

Speak. Release it to your UNSAVED friend or sibling.

Sahihin mo nga sa katabi mo..

Hey..

Yung sweet,

Heyy... You are a hero.

Conclusion:

My fiC

The LOST SOULS ARE ENSLAVED by different sins.

Kahalayan. Kayabangan. Bisyo. Relasyon, Pamilya, Karibal, kaaway, Sarili, Trabaho,at kung ano ano pa.

At ito ang dahilan ng matinding kalungkutan ng Dyios.

My fiC Huwag nating kalimutan na nilikha tayo sa wangis ng Dios. Ang Dyios ay nalulungkot. Nasasaktan, nagagalit.

Ang DIOS ay may damdamin ding katulad ng tao.

Hindi gusto ng Dyios na lusawin na lamang ang kanyang mga nilikha sapagkat ang likas ng Dyios ay Pag-ibig.

Kaya't nagpadala ang Dios ng arkong magliligtas sa lahat ng tatanggap sa Kanya.

In our times wala ng arko.

Ang arko ay ang CHURCH.. na siyang binili ni KRISTO ng kanyang dugo. Na magtuturo sa tao PATUNGO kay KRISTO.

In our times wala na ring Noah

Ang NOAH ay ikaw. Na binigyan ni KRISTO ng kapangyarihang magpalaya ng mga NAKAGAPOS.

ALL GLORY TO GOD!