Mar 16:15-16
15 At sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal. 16 Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.
(Tagalog)
The great commission, ang huling habilin ng ating Panginoong Jesucristo bago Siya umakyat sa langit upang maipahayag ang kaligtasan para sa lahat. Sapagkat nais ng Dios na ang mga tao'y mangaligtas (1Ti 2:4)
Ito ang katotohanan nais ipahayag sa lahat ng mga mananampalataya, una sa Ama at pangalawa sa ating Panginoong Jesucristo. Upang magkaroon tayo ng karunungan galing sa Dios. At kung may karunungang galing sa Dios tayo ay hindi magkukulang sa mga pamamaraan o kasangkapan upang ipahayag ang Salita ng Dios, (2Pe 1:5-8)
Ang mga tunay na sumasampalataya ay tumatalima kay Cristo at nakikilala ang mga payo at utos ng Panginoon, sapagkat kung hindi niya nakikilala ang Kaniyang tinig ay hindi sila sa DIOS at wala sa buhay na walang hanggan (Jn 10:26-28)
Tunay nga na ang mga katangian ng mananampalataya ay tumatalima sa suway ng Dios at bilang ating tunay na Ama ay hindi sa anomang paraan ay pag kukulangin tayo upang hindi makapag patuloy. (Heb 13:5b)
Ang kailangan lamang ay lubusang magtiwala sa Dios at hindi sa mga pansariling kaalaman o kakayahan: (Pro 3:5)
Upang magbunga ng mabuti ang ating mga gawain sa paglilingkod, sa pagpapahayag, sa pagtalima sa Dios!
Ang isang mananampalataya ay hindi maaring walang bunga kay Cristo, sapagkat kung tunay na naniniwala at sumasampalataya ay gagawa ng higit sa mga gawa ng Cristo sapagka bibigyan siya ng Panginoon, ng Espiritu ng katotohanan, ang Espiritu na hindi nakikilala ng mga hindi sa Dios, mga tao na walang Espiritu ng Dios. (Jn 14:12-17)
Kaya kung tayo ay may bunga ito ay sa kadahilanang naka dugtong tayo sa may Akda ng Buhay na siyang nagpapatibay sa atin, nagpapalakas sa atin at nagpapasagana sa atin mula ngayon at magpasa walang hanggang!
Amen.