Summary: Be like Christ when praying, be Christ minded in prayers, with humility and faith. With love for one another and with supplication present your request to God. In all things, in all our life be with our God!

Pambungad na pagbati:

"Kaawaan at kapayapaan at pagibig ang sa inyo nawa'y paramihin mga minamahal kong mga kapatid sa Panginoon!"

Naalala ko nung high school ako mayroon kaming religion teacher. Ngayon wala na ata nun? Pag vacant namin iinvite kami ng religion teacher sa isang sulok ng eskwelahan at dun kami mag uumpisa na mag pray tapos mag bible study. Iilan lang kami nuon kasi di nga din compulsory na umattend ka sa religion class or subject. Pag me spare time ka lang saka ka pwede umattend.

Sa ibang bansa kayaga ng US mga kapatid ay bawal mag pray in public places or ang teacher mag lead ng prayer para sa mga bata. Makukulong siya at maaring matanggalan ng license dahil ayon sa amendments nila sa kanilang mga batas ay bawal mag pray in public.

And they call themselves a non-Christian nation ayon kay Obama. Or in short mga kapatid, sa unang pagbawal pa lang ng pag pray, Christianity is already in a decline, not only in the US but in most parts of the world.

Greek word for the week:

euchomai: to pray

Original Word: εὔχομαι

Part of Speech: Verb

Transliteration: euchomai

Phonetic Spelling: (yoo'-khom-ahee)

Short Definition: I pray, wish

Definition: I pray, wish.

Exhortation:

John Maxwell writes in his book, Partners in Prayer;

"In the summer of 1876, grasshoppers nearly destroyed the crops in Minnesota. SO in the spring of 1877, farmers were worried. They believed that the dreadful plague would once again visit them and again destroy the rich wheat crop, bringing ruin to thousands of people.

The situation was so serious that Governor John S. Pillsbury proclaimed April 26 as a day of prayer and fasting He urged every man, woman and child to ask God to prevent the terrible scourge. On that April day all schools, shops, stores and offices were closed. There was a reverent, quite hush over all the state.

The next day dawned bright and clear. Temperature soared to what they ordinary were in midsummer, which was very unusual for April. Minnesotans were devastated as they discovered billions of grasshopper larvae wiggling to life. For 3 days the unusual heat persisted, and the larvae hatched. It appeared that it wouldn’t be long before they started feeding and destroying the wheat crop.

On the fourth day, however the temperature suddenly dropped, and that night frost, covered the entire state. Result - it killed every one of those creeping, crawling pests as surely as if poison or fire had been used, It went down in the history of Minnesota as the day God answered the prayers of the people."

That is an awesome story! But understand, it was NOT the first and certainly was NOT the last time that Almighty God answered the prayers of his people.

SOURCE: John Maxwell writes in his book, Partners in Prayer;

Sermon Proper:

Kaya sa umagang ito mga kapatid, ang ating paksa ay tungkol sa prayer o panalangin. Tuturuan ko kayong manalangin.

I would rather teach one man how to pray, than teach 10 men to preach.

1 Timothy 2:1-2

1 First of all, then, I urge that supplications, prayers, intercessions, and thanksgivings be made for all people, 2 for kings and all who are in high positions, that we may lead a peaceful and quiet life, godly and dignified in every way.

1 Una- una nga sa lahat ng mga bagay, ay iniaaral ko na manaing, manalangin, mamagitan, at magpasalamat na patungkol sa lahat ng mga tao; 2 Ang mga hari at ang lahat ng nangasa mataas na kalagayan; upang tayo'y mangabuhay na tahimik at payapa sa buong kabanalan at kahusayan.

Let us examine for a while kung bakit sinabi ito ng apostol Pablo. Ang pinaka una na ipinamamanhik sa atin bago ang lahat ay ang manalangin.

Sino po sa inyo ang malabo ang mata? Yung apat na ang mga mata?

Kasama na po tayo dun mga kapatid. Nasubukan nyo na mag lakad ng walang salamin? Ako po mga kapatid, pag tinanggal ko ang aking salamin hindi ko na kayo makikilala. O di kaya di na ako makapag da drive, lalong lalo na sa gabi.

May ipapakita po ako sa inyong video gusto ko po panuorin natin lahat.

(video playing)

Ganyan po ang buhay natin, pag walang prayer.

Malabo, hindi nating gaanong maaninag ang ating patutunguhan. Yan ang buhay pag walang panalangin, pag walang nananalangin...

I. Importance of Prayer (First Major Point)

Gaano ka importante ang manalangin?

Paulit ulit sa sulat ni Apostol Pablo sa mga taga Colossians ay kaniyang idinalangin sila, at sinasabi ni Pablo na siya ay nagpapasalamat sa Dios para sa kanila at sa kanila ding mga walang patid na panalangin. Hindi po ito sinasabi ni Pablo upang maging banal sa paningin ng mga bumabasa ng kaniyang sulat, kundi siya mismo ay nananalangin tutuo para din sa mga taga Colossians.

Colossians 1:3

3 We always thank God, the Father of our Lord Jesus Christ, when we PRAY for you,

3 Nagpapasalamat kami sa Dios, na Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na kayo'y laging idinadalangin,

Colossians 1:9

9 And so, from the day we heard, we have not ceased to PRAY for you, asking that you may be filled with the knowledge of his will in all spiritual wisdom and understanding,

9 Dahil dito'y kami naman, mula nang araw na aming marinig ito, ay hindi kami nagsisitigil ng pananalangin at ng paghingi na patungkol sa inyo, upang kayo'y puspusin ng kaalaman ng kaniyang kalooban, sa buong karunungan at pagkaunawa ayon sa espiritu,

Colossians 4:3

3 At the same time, PRAY also for us, that God may open to us a door for the word, to declare the mystery of Christ, on account of which I am in prison—

3 Na tuloy idalangin din ninyo kami, na buksan sa amin ng Dios ang pinto sa salita, upang aming salitain ang hiwaga ni Cristo, na dahil din dito'y may mga tanikala ako;

Naunawaan nga dati pa ng mga kilalang tao sa kasaysayan. Kilala nyo po ba si George Washington?

Even the US President George Washington values prayer in most of his speeches he mentions prayer, prayers, humility through prayer, morality through religion, through prayer.

When Congress authorized a day of fasting in 1778, Washington told his soldiers:

"The Honorable Congress having thought proper to recommend to The United States of America to set apart Wednesday the 22nd. instant to be observed as a day of Fasting, Humiliation and Prayer, that at one time and with one voice the righteous dispensations of Providence may be acknowledged and His Goodness and Mercy toward us and our Arms supplicated and implored; The General directs that this day also shall be religiously observed in the Army, that no work be done thereon and that the Chaplains prepare discourses suitable to the Occasion."

Ayon kay Charles Spurgeon, (isang dakilang 18th century preacher)

“Mas gugustuhin kong turuan ang isang tao na manalangin, kaysa sa sampung tao na mangaral."

Si Andrew Murray, (na ayon sa kasaysayan ay isang dakilang 18th century preacher din), na sinasabing:

"Ang taong makapagpakilos sa church (o sa iglesia) na manalangin ay magkakaroon ng dakilang ambag sa kasaysayan, sa kaniyang pagpapalaganap ng ebanghelyo sa mundo."

Ganun ka importante ang panalangin, sobrang halaga ang mga prayers natin mga kapatid. Buhay ang nakataya dito mga kapatid.

Kagaya nga ng kwento nila Juan, ni Two at ni Three;

May tatlong lalaki si Juan si Two at si Three, magkakaiba ang relihiyon nila, at gusto nila patunayan na nasa tamang faith sila. Kaya nagpunta sila sa bangin para tumalon at upang patunayan sa isat isa na tunay ang dios nila at sila ay ililigtas:

Unang tumalon si Juan na isang Buddhist: pag talon niya dumalangin siya "Buddha! Buddha! Buddha!" tinawag niya yung pangalan ng dios nya, lumutang sya kaya hindi siya namatay. So di parang tutuo yung dios nya.

Kaya ang sumunod ay si Two na isang Muslim: pag talon niya dumalangin siya "Allah! Allah! Allah! Allah! Alalalalalalalalalalalaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhh!! !!!!!!! paktay dedo mga kapatid.

So pangatlo si Three na isang Katoliko: so tumalon din siya at habang pababa nagdasal din siya "Mama Mary! Mama Mary!" so walang nangyari dasal ulit siya at tinawag ang lahat ng mga santo, wala pa ding nangyari kaya ng malapit na siya sa ibaba at mamamatay na dasal ulit sya "BUDDHA! BUDDHA! BUDDHA! BUDDHA! BUDDHA!" balimbing siya mga kapatid, bagamat naligtas siya sa buhay na ito ay di natin alam kung sa kabilang buhay ay ligtas siya.

Buhay mga kapatid ang nakataya, hindi yung buhay natin dito ha, yung buhay natin sa susunod. Sa pagdating na makakasama natin ang ating Panginoong Jesucristo!

Ganun kaimportante ang ating mga panalangin.

Unang una sa lahat ng ating mga gawain dapat ay panalangin muna. Pag papasalamat sa mga biyaya at sa patuloy Niyang gabay sa atin sa bawat araw. Mag pray bago tayo mag venture in to new adventures. Mag pray pag bago pumasok sa eskuwela, mag pray bago pumasok sa trabaho, mag pray bago bumiyahe, mag pray, mag pray, mag pray. Ganun kahalaga ang prayers.

Colossians 4:2

2 Continue steadfastly in prayer, being watchful in it with thanksgiving.

2 Manatili kayong palagi sa pananalangin, na kayo'y mangagpuyat na may pagpapasalamat;

Manatili sa pananalangin, hindi sa umaga lang, hindi sa tanghali lang, hindi sa hapon lang, kundi palagi sa panalangin.

Hindi dahil may bisita tayo sa bahay at gusto natin masabihan na tayo ay mga Christians kaya mananalangin tayo pagkahabahaba na paulit ulit para lang masabi na Christians tayo.

Laging maging mapag pasalamat

II. How to Pray (Second Major Point)

Gusto ko kayong maging mga masters of prayers mga kapatid, kung paanong si He-Man ay master of the universe, kayo po ay magiging mga masters of prayers, hindi masters of none! Manalangin ng taos sa ating mga puso. Hindi yung para lamang tayong nanalangin na walang kabuluhan. Alam nyo po ba yung walang kabuluhang panalangin? Hindi lamang po yung panalangin na aba ginoong maria, hindi lamang iyon ang walang kabuluhan. Kundi yung panalangin na hindi nanggagaling sa puso. Kundi sa bibig lamang o dahil sa gusto lamang mag pa impress.

Kaya papaano po ba nararapat manalangin? Umpisahan natin sa Lord's Prayer

Matthew 6:5-14

(The Lord's Prayer)

5 "And when you pray, you must not be like the hypocrites. For they love to stand and pray in the synagogues and at the street corners, that they may be seen by others. Truly, I say to you, they have received their reward. 6 But when you pray, go into your room and shut the door and pray to your Father who is in secret. And your Father who sees in secret will reward you.

7 "And when you pray, do not heap up empty phrases as the Gentiles do, for they think that they will be heard for their many words. 8 Do not be like them, for your Father knows what you need before you ask him.

9 Pray then like this:

"Our Father in heaven,

hallowed be your name.

10 Your kingdom come,

your will be done, on earth as it is in heaven.

11 Give us this day our daily bread,

12 and forgive us our debts, as we also have forgiven our debtors.

13 And lead us not into temptation, but deliver us from evil.

14 For if you forgive others their trespasses, your heavenly Father will also forgive you, 15 but if you do not forgive others their trespasses, neither will your Father forgive your trespasses.

Bukod sa Lord's Prayer na ibinigay sa atin ng ating Panginoong Jesucristo, na master pattern natin, maari po tayong bumuo ng iba pang pattern base sa Lord's Prayer o sa master parttern.

So ganito po mga kapatid, umpisahan natin sa apat na "P" o PPPP

Papuri (Adoration)

Luke 1:68

“Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel; Sapagka't kaniyang dinalaw at tinubos ang kaniyang bayan,”

Umpisahan ang ating mga dalangin sa Panginoon nating Dios sa pagpuri sa Kaniyang Banal na pangalan. Ito ay upang makilala Siya bilang Panginoong Dios at pailalim sa kaniyang kaluwalhatian at kapangyarihan. Maari mong papurihan ang Dios sa lahat ng mga bagay. Sa mga nilikha ng Kaniyang kamay o sa mga magagandang pangyayari sa iyong buhay o sa lahat ng Kaniyang kaluwalhatian.

Paghingi ng Kapatawaran (Confession)

1 John 1:9

Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal Siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan.”

Ipahayag sa Panginoon na tayo ay mga taong mahihina at nagkakasala. Dahil wala naman po tayong maitatago sa paningin ng Dios ay nararapat nating ipahayag ang ating mga nagawang kasalanan at humiling na tayo ay patawarin sa mga pagkukulang at sa mga kasalanan natin, at humiling ng lakas upang makaiwas sa mga tukso at mga kalikuan.

Pasalamat (Thanksgiving)

1 Thessalonians 5:18

“Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo; sapagka't ito ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo.”

Ipagpasalamat ang lahat ng mga bagay, mga mabubuti at mga pagsubok natin sa buhay. Pasalamatan din natin ang Dios sa Kaniyang walang hanggang pag-ibig sa atin, at sa ating mga mahal sa buhay, sa mga taong nakakasama natin sa ating buhay, sa mga kaibigan o sa mga kaaway natin. Alam natin na siya ay tapat sa Kaniyang mga pangako at ang lahat ng mga nangyayaring mabuti man o masama sa ating mga buhay ay may dahilan.

Paghiling (Supplication)

Philippians 4:6

“Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios.” -

Humiling sa Dios ng mga bagay, biyaya o mga pangangailangan, sapagkat ang ating Dios ay pinakamakapangyarihan sa lahat. Walang hanggan ang Kaniyang kaluwalhatian at wala Siyang hindi kayang gawin kung ito ay nararapat at kung ito ay ayon sa Kaniyang kalooban. Ipanalangin hindi lamang ang mga sarili kundi pati ang mga namumuno sa iglesia pati sa ating pamahalaan.

Kailangan nila mga kapatid ng ating dalangin. Lalo na ngayon na kabi kabila ang mga masasamang nangyayari? Hindi ba nakakatakot yun?

Dati nung bata pa kami, pag brownout panahon para mag saya! Kukuha kami ng lata gatas na malaki, tapos ihihiga yun at bubutasin yung ilalim lalagyan ng alambreng hawakan sa magkabila para pahiga sya, tapos tatanggalin yung takip sa harapan at lalagyan ng kandila sa loob, meron na kaming flashlight!

Pag madilim pde na kayo mag laro ng taguan pung o di kaya mag kukuwentuhan ng mga nakakatakot habang nakatambay sa kanto ano po? Masarap mag laro sa gabi sa liwanag ng malaking buwan!

Sa panahon natin ngayon di nyo na kailangang magkwentuhan ng nakakatakot, bakit ko po nasabi mga kapatid? Kasi sa dilim ngayon nakakatakot talaga! Baka ma holdap kayo o kaya ma pag tripan ng mga adik o di kaya ma rape.

(illustrate: paglalakad sa dilim ng nakakatakot (exaggeration))

Kaya kasama sa ating panalangin na humiling po tayo sa Dios na matupad ng mga namiminuno ang kanilang mga tungkuling pangalagaan ang sambayanan, hindi lamang sa security ng buong bayan kundi tungo sa pag unlad. Sa pagkakaisa at sa kapayapaan. At huwag sana silang mangurakot at magkaroon ng tunay na takot sa Dios, hindi yung parang artistang nag da drama lang na kunwari natatakot sa Dios at pag nasampahan ng kaso ay may hawak na biblia at magpapa prescon para ipakita sa madla na mabait siya at inosente.

At sa pinaka huli mga kapatid ay...

III. Live in Prayer (The Major Turning Point)

Ang mabuhay sa panalangin mga kapatid. Huwag tayong lumakad na kahit sa anong panahon na walang panalangin. Huwag kalilimutan ang pinaka importanteng bagay bago tayo lumakad o gumawa o kung ano man bago tayo bumangon sa ating mga higaan... manalangin! Ito po ang definition na ilakad natin ang ating mga pananampalataya. Sa pag asa natin sa pag hiling, sa panalangin ay hindi niya tayo pababayaan.

Kay nga po ang pilit itinuturo ni Pablo sa bata niyang protégées na si Timoteo sa kaniyang mga sulat.

1 Timothy 2:1-2

1 I urge, then, first of all, that requests, prayers, intercession and thanksgiving be made for everyone– 2 for kings and all those in authority, that we may live peaceful and quiet lives in all godliness and holiness. 3 This is good, and pleases God our Savior, 4 who wants all men to be saved and to come to a knowledge of the truth. 5 For there is one God and one mediator between God and men, the man Christ Jesus, 6 who gave himself as a ransom for all men–the testimony given in its proper time.

1 Una- una nga sa lahat ng mga bagay, ay iniaaral ko na manaing, manalangin, mamagitan, at magpasalamat na patungkol sa lahat ng mga tao; 2 Ang mga hari at ang lahat ng nangasa mataas na kalagayan; upang tayo'y mangabuhay na tahimik at payapa sa buong kabanalan at kahusayan. 3 Ito'y mabuti at nakalulugod sa paningin ng Dios na ating Tagapagligtas; 4 Na siyang may ibig na ang lahat ng mga tao'y mangaligtas, at mangakaalam ng katotohanan.

Unang una sa lahat manalangin, sapagkat nais ng Dios ang lahat ay maligtas, God wants us to intercede with our prayers para sa iglesia, para sa bayan sa mga namiminuno bilang isang tinatawag na Cristianong bayan. Ng mabuhay tayo sa kapayapaan sa buong kabanalan. Sapagkat ito ay naka lulugod sa paninin ng Dios!

Be like Christ when praying, be Christ minded in prayers, with humility and faith. With love for one another and with supplication present your request to God. In all things, in all our life be with our God!

Kaya bago po ako magtapos mga kapatid nais kong. Aanhin mo ang panalangin na walang kabuluhan na ang dulo ay kapahamakan. Bagkus manalagin ng buong kababaan ng ating mga puso, idalangin ang mga mabubuting bagay na nawa'y Kaniyang ipakita sa lahat ng mga tao, lalong lalo na sa mga tao na umaasa sa Kaniyang gabay at patnubay.

Sa ganitong paraan mga kapatid ay hindi tayo maliligaw ng landas kung ang buong iglesia ay mananampalataya!

Doxology:

Nawa’y matimo sa puso ko ang kahalagahan ng panalangin, sa inyo at sa ating lahat, mula ngayon at magpakailanman!

Amen!