Summary: We reap what we sow (Galatians 6:7)

Panimula:

Kaawaan at kapayapaan at pagibig ang sa inyo nawa'y paramihin mga minamahal kong mga kapatid sa Panginoon!

Sa isang mainit na palayan, sa gitna ng bukid. Habang hawak niya ang binili niyang binhi at nakatayo ang magsasaka, at kaniyang pinag aaralan ang mga lupa at patubigan na kung ang panahon ay tama at kung ito ay nararapat nang tamnan ng palay, kung tutubo ng malusog ang mga palay sa kaniyang bukirin.

Nag araro siya at binungkal niya ang lupa sa kaniyang bukirin. Sinigurado ng mangsasaka na maganda ang lupa na kaniyang pagtatamnan. Tama ang panahon, tamang init at tamang taba ng lupa, tamang tubig.

Pagrakaan ng mahabang preparasyon ay araw na ng patatanim. Sa kainitan ng araw nagpawis, nag sumikap siya at kasama ng pagod ang pag-asa na lalago ang kaniyang pananim. Nagsumikap siya na magtanim sa init ng araw, sa ulan, sa maghapong naka yuko at hindi naman nakatayo, sabi nga sa ating folk song.

Ngunit paano mga kapatid kung ang gawin ng magsasaka ay kainin nya yung binhi? Ano po sa tingin ninyo ang mangyayari? Mag eLBM ba sya? Kasi palay di pa pwedeng kainin. Ang mangyayari po mga kapatid ay wala po siyang itatanim. At pag wala po siyang itinanim? Ano po mangyayari? Wala po siyang aanihin.

Balik po tayo sa pagtatanim ang magsasaka sa kaniyang bukirin:

Matiyaga na inalagaan ng magsasaka ang kaniyang pananim sa pagasa na siya ay aani pag dating ng panahon. Aabot ng mga tatlo (3) hanggang hanggang apat (4) na buwan bago maani ang palay at pagkatapos ay mahaba muling proseso upang maging bigas na kinakain natin sa ating mga hapag kainan. Mahirap po magtanim hano mga kapatid? Mahirap maging magsasaka. Tapos minsan masasayang lang dahil natatapon at nasisira ang kanin? Sayang ano po. Isipin nyo po ang hirap at pagod ng ating mga kababayang magsasaka upang maging bigas ang palay na kanilang itinanim.

Ngunit paano po kung hindi umabot ang tatlong buwan o di pa oras na anihan ay biglang bumagyo, bumaha ng husto, nangayupaypay ang mga uhay o tungkos ng palay. Nalubog sa tubig, nababad, mapapakinabangan pa kaya iyon? Malamang hindi na po mga kapatid? Kaya sobrang panghihinayang ng magsasaka, sa lahat ng kaniyang pagod at pawis bukod pa sa pera na ginamit sa mga binhi ay masasayang lamang? Ang gagawin po ng magsasaka mga kapatid sa ganung pagkakataon ay susubukan niyang anihin yung mga maari pang anihin. Pero sayang talaga ang mga nasira at hindi naani.

Ang tanong natin sa umagang ito ay: Ano ang ating aanihin ngayon na tayo ay nagtatanim?

Excerpt:

Si sir Robert Watson-Watt was born April 13, 1892 ay nakilala sa pag imbento ng radar. Yung mga nag de-detect po mga kapatid ng mga eroplano, submarine at kung ano ano pa. He was also awarded as a knight sa United Kingdom dahil sa kaniyang mga contributions sa pag develop ng radar.

Isang araw habang siya ay bumabagtas sa pag mamaneho niya sa isang lugar sa Canada ay nahuli po siya dahil sa overspeeding. At ang ginamit ng pulis kung bakit nalaman na siya ay overspeeding ay dahil po sa "radar gun" isang development na batay sa kaniyang imbensyon radar. Eto po yung mga radar sa NLEX, SLEX na sinasabing babarilin kayo ng radar pag overpseeding.

Kaya nasabi po niya, si sir Robert Watson-Watt sa mamamang pulis "Had I known what you were going to do with it, I would never have invented it" o sa tagalog: Kung alam ko lamang na ganyan ang gagawin nila (sa radar) ay hindi ko na sana ito inimbento. The irony po mga kapatid, yung imbensyon niya ang ginamit pa sa kaniya para siya ay mahuli. Kaya later on isinulat niya itong ironic poem na ito na ang pamagat ay:

Rough Justice

Pity Sir Robert Watson-Watt,

strange target of this radar plot

And thus, with others I can mention,

the victim of his own invention.

His magical all-seeing eye

enabled cloud-bound planes to fly

but now by some ironic twist

it spots the speeding motorist

and bites, no doubt with legal wit,

the hand that once created it.

How ironic, he reaped what he sow... Kaya batay din po diyan ang:

Greek word for the week: speĆ­ro̱ o ang ibig sabihin ay SOW.

Exhortation:

Mga kapatid ko kay Cristo, magdamayan tayo sa pagtulong sa iglesia, sa church as a whole. Ito ang nais ipakita ng ating apostol Pablo nung panahon ng kaniyang church planting days. Magdamayan!

Ibinilin ng ating apostol Pablo, na damayan o tulungan ng iglesia ang mga tagapagturo nito, sa mga pangangailangan at sa kung saan pa mang mga bagay na mabuti at makapag papatibay. Sapagkat taliwas sa nakikita sa mga ibang tao, na puro pansariling kasiyahan o layon lamang gusto. Mas gusto ng mga tao na pasayahin ang kanilang mga sarili. Ako muna bago iba, ang karaniwang kadahilan ng mga tao. Nasasabi pa nga ang iba na: ako nga walang pera tutulong pa ako sa iba? Ako nga walang makain, magpapakain pa ako? Wala nga ako pambili ng mineral water magpapainom pa ako? Hindi naman ako pinapasweldo ng iglesia bakit ko kailangang magtrabaho para sa church? Bakit ko kailangang maglingkod?

Sermon Proper:

Ito po ang paksa natin mga kapatid sa umagang ito na hango sa sulat ng apostol Pablo sa mga taga Galacia:

Galatians 6:7

Huwag kayong padaya; and Diyos ay hindi napabibiro: sapagkat ang lahat na ihahasik ng tao, ay siya namang aanihin niya.

You reap what you sow in short mga kapatid. Kung ano ang inyong itinanim ay siyang ninyong aanihin.

Upang ating maalaman kung saan nanggagaling ang payo ng ating mahal na apostol, umpisahan natin sa verse 1 ng Galatians 6:

Galatians 6

1 Mga kapatid, kung ang sinoman ay masumpungan sa anomang pagsuway, kayong mga sa espiritu, ay inyong papanumbalikin ang gayon sa espiritu ng kahinhinan; na iyong pagwariin ang iyong sarili, baka ikaw naman ay matukso.

Pinagiingat tayo mga kapatid na baka tayo, tayong nakakapakinig na ng turo, ng Salita ng Dios ay baka gumagawa pa din ng labag sa mga palatuntunan Niya. O di naman kaya ay nakakapakinig nga ngunit hanggang ngayon ay itinatanggi pa din ang Banal na Espiritu upang ipagamitin ang ating mga sarili sa mga mabubuting gawa?

Kaya nga po mga kapatid, gawin natin ang tatlong pagpapatibay na ito upang sa ating pagtitiis ay ating magkaroon tayo ng bunga ng ating pananampalataya:

Una...

I. Tayo Ay Magtanim Ng Mabuti

Kaya ang bilin ng mahal nating apostol, kung kayo ay nasa gayong espiritu, sa espiritu ng katotohanan, sa espiritu ng kaliwanagan ay huwag ninyong pigilan ang pag gawa ng mabuti. Huwag ninyong pigilan ang udyok ng Espiritu. Gumawa ng mabuti sa lahat ng tao. Huwag mag tangi sa pagbibigay ng tulong. Iyan po ang turo na hango sa Banal na Kasulatan.

Inaanyayahan ko po kayo mga kapatid na ating pakinggan ang bilin ng ating apostol Pablo sa:

Galatians 6:4-6

4 Nguni't siyasatin ng bawa't isa ang kaniyang sariling gawa, at kung magkagayon ay magkakaroon siya ng kaniyang kapurihan tungkol sa kaniyang sarili lamang, at hindi tungkol sa kapuwa. 5 Sapagka't ang bawa't tao ay magpapasan ng kaniyang sariling pasan. 6 Datapuwa't ang tinuturuan sa aral ng Dios ay makidamay doon sa nagtuturo sa lahat ng mga bagay na mabuti.

Binanggit ang pakikiramay ng mga tinuruan ng Salita, ang kapatirang bumubuo sa iglesia. Ang mga nakakapakinig ng salita ng Dios, kayong mga mananampalataya. Na DAMAYAN ang mga TAGAPAGTURO, ang mga nagpapagal sa salita ng Dios, ang mga nagsusumikap para sa iglesia, na kung makita ninyo ang bigat ng kanilang mga pasan ay inyo silang tulungan.

Upang ang kanilang mga pangangailangan sa mundong ito ay inyong pagaanin. Ang pambungad na talata sa verse 6 chapter 6 ng sulat ni apostol Pablo sa mga taga Galacia, subali't o DATAPUWA'T, ang nilalayon nito na: ang bawat isa ay magpasan ng sariling pasan, DATAPUWA'T hindi ibig sabin nito ay hindi na ninyo isipin ang inyong kapuwa. Ayon sa talata ay, lalo na nga sa pagtulong ninyo sa inyong mga tagapagturo. Isipin ninyo sila, makipag tulungan kayo sa kanila, sila na mga tagapagturo ng Salita ng Dios, na sa bawat anyo ng mabuting gawa, sa bawat pangangailangan nila para gumaan ang pasan nila sa mundong ito at upang matuon ang puso at isipan nila sa DIOS at sa paglilingkod AY INYO SILANG DAMAYAN AT TULUNGAN.

Pagpapatibay pa nga paksa natin last week, gumawa ng mabuti sa lahat, huwag mag tangi

Cristo ang nagsasabi nito mga kapatid:

Matthew 5:43-44

Narinig ninyong sinabi, Iibigin mo ang iyong kapuwa, at kapopootan mo ang iyong kaaway: Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig;

Ito ang pag tatanim ng mabuti sa lahat, sa kapuwa, hindi lamang sa mga kaibigan o mahal sa buhay kundi pati sa mga kaaway ninyo. Ito ang pamumuhay bilang tunay na cristiano. Magtanim ng mabuting gawa. Huwag suklian ng kasamaan ang kasamaan, kundi sa pagpapakabanal.

Pangalawa:

II. Ating Kalingain Ng Mabuti

Kaya ang bilin ng apostol Pablo sa Galatians 6:2 ay mag tulungan tayo sa isat isa, magdamayan, kalingain ang dapat kalingain, tulungan ang dapat tulungan at kung may anyo ng kabutihan isulong ang mga kailangan. Hindi sa pagmamapuri sa ating mga sarili kungdi sa kapurihan ng Dios!

Eto ang puso ng verse 6 na sulat ni apostol Pablo:

Galatians 62 Mangagdalahan kayo ng mga pasanin ng isa't isa, at tuparin ninyong gayon ang kautusan ni Cristo. 3 Sapagka't kung ang sinoman ay nagaakala na siya'y may kabuluhan bagaman siya ay walang kabuluhan, ang kaniyang sarili ang dinadaya niya.

Magdalahan ng mga pasanin, ang isang mabigat na pasanin ay gagaan kung atin itong pagtutulung tulungan na buhatin. Pag marami tayong gumagawa ay marami tayong magagawa. Tama po ba mga kapatid? We shout Amen pag tama! Amen!

Sa chapter 3, na kung sino man sa atin ang magakala na tayo at ang mga gawa natin ay may kabuluhan, isipin po nating maigi, humiling tayo ng gabay sa Banal na Espiritu upang ating maunawaan kung ang ating mga ginagawa nga ba ay ayon sa Espiritu? O para lamang sa ating sarili? Pagka gayon mga kapatid, sarili lamang natin ang ating dinadaya. Hindi iyon tunay na paglilingkod sa Dios.

At patuloy pa ng apostol sa:

Galatians 6:9

9 At huwag tayong mangapagod sa paggawa ng mabuti:sapagka't sa kapanahunan ay magsisipagani tayo, kung hindi tayo manganghihimagod. 10 Kaya nga, samantalang tayo'y may pagkakataon, ay magsigawa tayo ng mabuti sa lahat, at lalong lalo na sa mga kasangbahay sa pananampalataya.

Kaya nga mga kapatid huwag mapagod sa pag gawa ng mabuti, sa pagsusumikap ng mga kapatiran hindi lamang dito sa NCR kundi sa bawat lokal ng Kaniyang Iglesia ay upang mapasigla natin lahat ang kapatiran, sa iisang pagibig at pananampalataya ang manaig sa ating mga puso.

Kalingain ang kapuwa, ang mga less fortunate, ang mga may sakit, ang mga nalulumbay sa espiritu, ang mga kapatid ninyo sa pananampalataya, tulungan ninyo sa pasanin ang inyong mga manggagawa ito ay pagtatanim ng mabuti at kaayaya sa paningin ng Dios.

Upang sa pangatlo at panghuli:

III. Upang Tayo ay Umani Ng Mabuti

At ang lahat ng mga ito ay hindi mababaliwala, hindi ito isang pagpapagod na walang bunga, nagtanim tayo mga kapatid, kaya umaasa tayo at sigurado ang pag asa na ito.

Short Story:

Isang umaga sa araw ng linggo ginigising si Juan ng kaniyang nanay, sabi ng nanay ni Juan

Nanay: Juan gumising ka na! Tanghali na at pagsamba na!

Sabi ni Juan: ayaw ko sumamba!

Tanong naman ng nanay ni Juan: Bakit ayaw mo sumamba?

Juan: Dalawang dahilan, ayaw ng mga kapatiran sa akin at ayaw ko din sa kanila!

Nanay: Bibigyan din kita ng 2 dahilan, una 47 anyos na ang tanda mo! at pangalawa ikaw ang sugo sa kapilya kaya bumangon ka na at mag bihis!

Baka po yung 47 years old na pastor na iyon ay hindi nagtatanin ng mabuti kaya hindi siya umaani ng mabuti. Pag ating kinakalinga ang mga kapatiran ke manggagawa o miyembro, tayo ay umaasang aani ng mabuti.

Paalala nga ni Pablo kay Timoteo:

1 Timothy 5:8

Datapuwa't kung ang sinoman ay hindi nagkakandili sa mga sariling kaniya, lalong lalo na sa kaniyang sariling sangbahayan, ay tumanggi siya sa pananampalataya at lalong masama (o masahol pa) kaysa hindi sumasampalataya.

Kung tayo mga kapatid ay nag tatanim ng mabuti sa atin kapuwa, kapalit nun ay aani tayo ng mabuti. Hindi man sa panahon natin ngayon umasa tayo sa panahon ng pagbalik ng Cristo aani tayo ng sagana. Sa ngayong panahon ay maari na din tayong umani ng mabuting gawa, na ating itinanim sa bawat isa. Sa bawat kilos, sa bawat salita at sa bawat isip sa ating pamumuhay bilang mga mananampalataya. Araw araw gumawa tayo ng mabuti, pagkalinga ito sa kapuwa at sa pananampalataya, unless mga kapatid wala tayong aanihin sapagkat hindi tayo nag tatanim ng mabuti? At sa pagtatanim natin umaasa tayo na may bunga ng mabuti ang ating aanihin sa pagasa sa Kaniya na ating Dios at sa Kaniya na ating Panginoong nagligtas sa atin sa kasalanan.

Mabubuhay tayo na magsisipag sa pag gawa ng mabuti. Iyon ang ating pagtiisan hindi sa kalayawan kundi sa katuwiran ng Dios, sa pag asa natin sa Kaniyang kaharian sa buhay na darating. Na ito sana ang magawa ko, magawa nating lahat, mula ngayon at magpakailanman!

Amen!

Amen!