Intro:
"Pay It Forward" a movie released around the year 2000. Sino po ang nakapanuod na nito? Staring Kevin Spacey (Mr. Simonet), Helen Hunt (Arlene McKinney) and Haley Joel Osment as the young boy Trevor McKinney. Sino sa inyo ang nakapanuod na? Taas ang kamay!
(wait for the brethren to raise hands)
It was a nice movie mga kapatid. Ang istorya nya ay tungkol sa isang bata na may social study project na humanap sya ng paraan kung paano nya mababago ang mundo or literally to change the world. Ang idea po niya ay gumawa ng mabuti sa kapuwa na hindi nila kayang gawin sa sarili nila, tapos yung tao na tinulungan niya instead of him paying him back. He pays it forward.
So habang lumaon yung movie we can see people engaging in the acts of kindless to others only to say, "Dont pay me back, I am not looking for anything in return, but what I wanted is for you to PAY IT FORWARD! Ang goal po mga kapatid ay humanap ng tatlong tao at gawan sila ng mabuti na hindi nila basta magagawa sa kanilang sarili.
Ang summary o buod po ng rule ng Pay It Forward ay:
1. It has to be something that really helps people.
2. Something they can't do by themselves.
3. I do it for them, they do it for three other people.
So mga kapatid, essentially ang puso ng "Pay it forward" ay ang Golden Rule ng Panginoong Jesus. Itinuro na ito ng ating Panginoong Jesus make or break mga 2000 years ago. At kung ating susundin, it can still change the world today as we know it.
Bago po ako magpatuloy ay nais ko pong ihayag ang greek word for the week natin sa umagang ito: Isang magandang Greek word. Isang greek word na often translated as "unconditional love" or simply "love" ang greek word po natin sa umangang ito mga kapatid ay AGAPE ang ibig sabihin ay unconditional love or simply love.
Ang pakikisalamuha po ba natin at pakikibagay sa sanlibutan ay para din po bang pinakita ng bata sa pelikula? Tumutulong po ba tayo sa mga taong kakilala natin? Sa mga kaibigan natin? Sa mga kaaway natin? Normal po ba sa atin ang tumulong sa kapuwa? Sa mga hindi natin kakilala? Kasabihan natin sa panahon natin ngayon ay "treat people with the same respect that they treated you" in essence po nun mga kapatid ay, kung nirerespeto mo ako, ay irerespeto din kita. Kaso mga kapatid, that is the problem: eto po ang problema sa kasabihan na iyon. Ang sabi ng ating Panginoong Jesus na inilahad sa atin sa sulat ni Apostol Mateo:
Matthew 7:12
So whatever you wish that others would do to you, do also to them, for this is the Law and the Prophets.
Kaya nga lahat ng mga bagay na ibig ninyong sa inyo'y gawin ng mga tao, gawin naman ninyo ang gayon sa kanila: sapagka't ito ang sa kautusan at ang mga propeta.
Sundan nyo po ako mga kapatid, hay... huh... halos malapit na po sa imposible yung turo ng ating Panginoon na iyon mga kapatid ano po? Kung mahal mo ang iyong sarili at ang utos ay: ibig ninyong sa inyo'y gawin ng mga tao, gawin naman ninyo ang gayon sa kanila. Si aleng Epang na tsismosa at ang pamilya nyo lagi ang nakasarapang itsismis, mamahalin mo ba? Patatawarin mo ba sa kaniyang mga kasalanan sa yo? Yung kapitbahay mo na nakasagutan mo sa baranggay kasi nagkainitan kayo dahil hindi marunong makunawa kung siya ay nakaka istorbo o hindi? Ngingitian mo pa ba? Kakusapin mo pa ba? Patatawarin mo pa ba sa mga kasalanan nya sayo? Hindi po ba mahirap? Hindi po ba halos imposible na mapatawad natin ang ganung mga klase ng tao? Makita ninyo yung kapitbahay na ginawan kayo ng masama o siniraan kayo sa mga tao. O di kaya yung isang tao na tinulungan nyo tapos siya pa ang naging dahilan para magdusa ka? O di naman kaya with all your intention na gumawa ng mabuti eh ikaw pa nalagay sa masama dahil sa taong yun? Kaya nga sabi ko sa inyo mga kapatid halos imposible.
Ngunit alam nyo po ba ang sikreto para magawa natin iyon? Sino po ang nakakaalam? Ang sikreto po ay? Si Cristo! Upang masunod natin ang utos ng ating Panginoon, ano po ang nararapat nating gawin? Ilagay po natin sa sentro ng ating mga puso ang Cristo. Sapagkat sa Kaniya lamang natin makakakuha ng lakas upang mahalin natin ang ibang tao at lalong lalo na ang mga kaaway natin.
Turo nga ng ating Panginoon na inihayag ni apostol Mateo:
Matthew 5:43-44
You have heard that it was said, 'You shall love your neighbor and hate your enemy. 'But I say to you, Love your enemies and pray for those who persecute you,
Narinig ninyong sinabi, Iibigin mo ang iyong kapuwa, at kapopootan mo ang iyong kaaway: Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig;
Basically mga kapatid, tayo ay inutusan ng ating Panginoon na mahalin ANG LAHAT NG TAO, walang itatangi! Gayon ang ipinakitang buhay ng ating Panginoong JesuCRISTO, at kung sinasabi nating mga Cristiano tayo, naraarapat na magsumikap tayong mabuhay ng parang si Cristo. Paano malalaman ng mga tao na Cristiano nga tayo? Alangan naman mga kapatid na maglagay tayo ng karatula sa likod natin na nakalagay Cristiano ako. Parang mga promo boys ng ChowKing or ano mang fastfood chain na me karatula sa likod habang naglalakad. O di kaya sa bahay natin me panaflex tayo or yung mga signage na me ilaw sa gabi. nakalagay "Cristiano ang nakatira dito". Ganun po ba para makilala tayong mga Cristiano? Para malaman na tayo ay mga TUNAY na Cristiano ang nararapat natin gawin ay TO IMITATE CHRIST, IF WE LIVE LIKE CHRIST. Mabuhay po tayong parang si Jesus, parang ating Panginoon ng siya ay naririto pa sa lupa. If we love our enemies and pray for those who did wrong against us. Dun po tayo makikilala bilang mga TUNAY na Cristiano.
Sabi nga ni Andrew Murray, a South African writer, theologian, teacher, at Christian pastor. Murray considered missions to be "the chief end of the church. O ang ibig sabihin ay ang dakilang kaganapan ng church ong iglesia.
His Quote: Ang relasyon ko sa Dios ay karugtong ng relasyon ko sa mga tao. Pag pumalya ang isa, ay siguradong papalya din ang isa. (“My relationship with God is part of my relationship with men. Failure in one will cause failure in the other.”)
Sabi din ni John Ashcroft, is an American attorney and politician who served as the 79th U.S. Attorney General, in the George W. Bush Administration.
His Quote: Ang pinaka importanteng bagay na itinuro ng aking tatay ay, may mas importante pang bagay kaysa sa akin. (“The most important thing my dad taught me is that there are more important things than me.”)
Elder Jesus Simbulan ay isang Elder ng Iglesia ng Dios, na kilala sa kaniyang matiyagang paglilingkod sa kabila ng kahirapan at karamdaman. Nagpatuloy sa gawain hanggang sa papagpahingahin siya ng ating Panginoon.
His Quote: Huwag mag alala sa bukas, dahil ang bukas ang bahala sa kaniya.
Madalas ko po marining sa kanyang mga turo iyan. Matiyaga siyang nag lingkod at hindi inisip ang kaniyang sarili. matiyaga siyang nanampalataya at nag sumikap para sa kapatiran, hindi sa kaniyang sarili.
Mga kapatid, hindi tayo, hindi ikaw, ako o pansarili lamang ang nararapat nating ibuhay, kundi ang kapuwa natin tao, lalong lalo na ang mga kapuwa natin kapatid sa Dios. Yun ang Golden Rule, yun ang isa-buhay natin mga kapatid sapagkat tayo ay mga Cristiano.
Ito po ang paksa natin sa umagang ito mga kapatid: Ang Golden Rule. Ito ay ating mababasa sa aklat ni Mateo sa:
Matthew 7:12
So whatever you wish that others would do to you, do also to them, for this is the Law and the Prophets.
Kaya nga lahat ng mga bagay na ibig ninyong sa inyo'y gawin ng mga tao, gawin naman ninyo ang gayon sa kanila: sapagka't ito ang sa kautusan at ang mga propeta.
Upang ating magawa ang Golden Rule, atin pong pagaralan kung paano natin ito ma iaapply sa ating buhay. Sabi ko nga sa inyo mga kapatid, mahirap sundin ang utos ng ating Panginoon lalong lalo na kung sa saril lang nating lakas ito gagawin. Kaya gumawa po ako ng tatlong gabay o panuntunan upang ating mapanghawakan ang Golden Rule ng Panginoon.
I. MAGING POSITIBO KA LAHAT NG PAGKAKATAON
Kasabihan sa "english", "think positive!" Iba nga naman ang nagiisip ng laging positive o may pagasa sa buhay. Hindi ba kaysarap makausap ang mga taong may "positive outlook" kaysa kagaya ng karamihan ng mga tao na walang bukang bibig kundi puro negatibo?
Dati nung ako ay bago pa lamang nag ta trabaho, kadalasan naririnig ko sa mga kasama ko dati sa trabaho nuong nag sisimula pa lang ako.
Sabi ko "sweldo na, yes!" sabi ko sa mga kasama ko na feeling excited. Tapos sasagot yung iba kong kasama "Oo nga noh, dadaan lang sa palad natin parang walang nangyari" o di kaya sasabihin, pambayad lang ng utang yan... Hindi ba pati ikaw ay malulungkot dahil sa ganung pananaw? Magiisip ka tuloy: oo nga no?
O di kaya naman nag paplano ka para sa kaayusan ng mga bagay bagay at nakita mo ang mga benepisyo nito ay sa ikaaayos para sa lahat, ngunit ang iba o yung mga critic mo ay negatibo agad ang pananaw? Kesyo baka gamitin sa hindi maganda, kesyo baka manakaw at mapunta sa iba at baka kung ano ano pa ang gawin nila? O kung ano pa mang negatibong kadahilanan.
Para saan pa ang pagtitiwala natin sa Dios kung ang lahat ng bagay na katotohanan, mga bagay na kagalanggalang, mga bagay na matuwid, mga bagay na malinis, mga bagay na kaibigibig, mga bagay na may mabuting ulat at alam natin na may kagalingan at may kapurihan, ay pagiisipan kaagad natin ng mga pagdududa at pagiging negatibo hindi baga nawawala sa atin ang pagtitiwala sa Dios na tumawag sa atin sa kabanalan at sa kaligtasan? Hindi ba nababawasan ang ating pagiging mananampalataya? Ang pagigi nating cristiano? Hindi ba ang pagiging cristiano ay bunsod ng pagtitiwala?
Kaya nga sabi ng ating apostol Pablo sa sulat niya sa Philippians, ating pong tunghayan maigi mga kapatid ang katotohanan ng Banal na Kasulatan:
Philippians 4:8
Finally, brothers, whatever is true, whatever is honorable, whatever is just, whatever is pure, whatever is lovely, whatever is commendable, if there is any excellence, if there is anything worthy of praise, think about these things.
Katapustapusan, mga kapatid, anomang bagay na katotohanan, anomang bagay na kagalanggalang, anomang bagay na matuwid, anomang bagay na malinis, anomang bagay na kaibigibig, anomang bagay na mabuting ulat; kung may anomang kagalingan, at kung may anomang kapurihan, ay isipin ninyo ang mga bagay na ito.
Kung tayo ay laging positibo sa buhay, mas magiging masaya at less stress mga kapatid. Ang bilin ni Jesus mga kapatid ay look beyond the negative form of the rule, walang kagalakan sa mga negatibong bagay e. Maging positibo sa lahat ng pagkakataon sa pagpapakabanal natin at sa pagiging maka Dios. Gawin natin sa ating kapuwa ang gusto nating sa ating sarili.
Yakapin ang pangalawang gabay o panuntunan mga kapatid kung nais natin na gumawa ng mabuti. Ang pangalawa gabay o panuntunan ay:
II. GAWING SI JESUS ANG SENTRO NG IYONG BUHAY
Mga kapatid sabi ko nga sa inyo sa panimula kanina ay halos imposible ang ipinagagwa sa atin ng ating Panginoong Jesus kasi po mahina ang laman. Nauunawaan po ng ating Panginoon iyon. Katotohanan nga ipinahayag Niya iyon sa sulat ni apostol Matthew sa:
Matthew 26:41
Watch and pray that you may not enter into temptation. The spirit indeed is willing, but the flesh is weak.
Kayo'y mangagpuyat at magsipanalangin, upang huwag kayong magsipasok sa tukso:ang espiritu sa katotohanan ay may ibig, datapuwa't mahina ang laman.
Alam na po ng ating Panginoon iyon, nasubukan na niya iyon, naramadaman Niya bilang isang nagkatawang TAO.
Kaya binilin Niya mga kapatid sa talatang nabanggit: Kayo'y mangagpuyat at magsipanalangin, upang ano po mga kapatid? Upang huwag kayong magsipasok sa tukso!
Kahit ang apostol Pablo, kinailangan niyang may paghugutan ng lakas. Kanino po siya humugot ng lakas?
Philippians 4:13
I can do all things through him who strengthens me.
Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin.
Sino ang nagpapalakas kay apostol Pablo? Ang ating Panginoong Jesucristo, gayon din po dapat tayo!
Ngayon upang masabi nating ating niyakap ang katotohanan ng "Golden Rule" ang pangatlong gabay o panuntunan ay nararapat naging:
III. ISABUHAY MO ANG TURO SA ARAW ARAW
Sabi ng Panginoong Jesus gawin natin ito... sa lahat!
Ang gabay na ito ay nararapat nating gawin sa araw araw nating pakikisalamuha sa mudong ito.
Ang pagsunod sa Golden Rule ng Panginoon ang magiging dahilan upang wala na tayong isulat na mga batas, kagaya ng mga Fariseo, ito ang pipigil sa atin upang magsulat pa tayo ng mas marami pang mga batas o law na magiging gabay o patnubay sa kung paano tayo makikisalamuha sa mundong ito.
Isipin po natin, gusto po ba ng taong iyon na lokohin siya o di kaya ay huwag siyang tulungan?
Hayaan nyo po na basahin ko sa inyo ang isang anonymous letter po na aking nabasa na maganda ang aral na ating mapupulot. Isa itong parabula or parable para sa ating lahat. Natutunan ng isang tao sa isang aso kung paano nito gustong iparamdam ang kaniyang pagmamahal.
Sa aming lugar nuong bata pa ako ay mayroong isang pagala galang aso. Lahat ng tao kilala ang aso na iyon. Sa kaniyang itsura, at sa kaniyang hilig. Pinangalanan ng mga tao ang aso na si Ngetnget, or short for Panget. Tatlo lang ang paborito nya sa kaniyang buhay: ang makipag away sa kapuwa aso, ang magkalkal ng basura at pangatlo maglambing sa mga tao upang ipakita niya ang kaniyang pagmamahal. To start ang itsura niya mga kapatid ay kirat ang mata, tapiyas ang tenga, tapos pag naglakad ay ikaika dahil naputukan minsan isang bagong taon. In short mga kapatid, di nga kagandahan yung aso kaya pinagalanan nila ng Nget. Minsan pag inyo itong minasdan sa pag lalakad ay kumikilig kilig at may mga scabs pa o mga sugat sa katawan, dala marahil ng pakikipag away sa kapuwa aso. May namamagang leeg at pag napapadaan sa mga tao ang reaksyon nila ay, "kapangit naman ng aso na yun!"
Kahit ang mga bata sa paligid ay pinagbawalan ng matatanda na huwag lumapit kay Ngetnget o di kaya batuhin palayo. Yung iba ang ginagawa nga binobombahan ng tubig sa hose, o kaya misan iniipit sa gate pag ayaw umalis sa bakuran nila. Pero mga kapatid, kung bubombahin mo siya ng hose ang gagawin lang niya at tatayo siya dun at hindi matitinag hanggang sa ikaw ang sumuko sa pagbomba ng tubig. Pag babatuhin naman sya ay liliko sya tapos ipipihit nya yung katawan nya paikot sa paa nya na para bang humihingi ng tawad sa kasalanan. Pag nakakakita siya ng mga bata ang gagawin niya ay pag mamasdan ang mga ito at tila gusto makipaglaro. Kawag ng kawag ang buntot at tila ba nag mamakaawa na bigyan ng pansin at mahalin sya. Kung lalapit ka nga ke ay yuyuko ito na tila ba gustong magpahimas sa mga taong nararamdaman nya na magbibigay ng pagmamahal sa kaniya.
Isang araw gusto ni Ngetnget na makipaglaro sa isang alagang aso sa village. Kaso yun pong mga may ari ay hindi maganda ang naging trato at si Ngetnget po ay nagulpi at nahataw ng dos por dos at halos mamatay na. Habang naririnig ko ang iyak at tila ba pagmamakaawa at paghingi ng tawad ni Ngetnget ay di pa rin tumigil ang kapitbahay namin. Hanggang sa tumakbo na ako papunta kay Ngetnget at nakita ko siyang nakahandusay sa lapag ng basang basurahan. Halos walang buhay. Bali ang binti sa hataw ng kahoy ay maririnig mo siyang umiiyak sa matinding sakit. Kaya ang ginawa ko ay binuhat ko si Ngetnget at sobrang awang awa ako. At habang binuhat ko siya ay tumingin siya sa akin at tila ba humihingi ng kaunting pagmamahal na huwag na siyang saktan. Sa sobrang habag ko ay niyakap ko si Ngetnget at aking narinig ang mahinang tinig at tila pag yakap pabalik ng aso sa aking braso. Kahit sa sobrang sakit na nararamdaman, ang isang masasabing pangit na aso pala ay tila ba nag aasam ng kaunting pagmamahal din sa kaniyang papatapos na buhay. Kaya ang tingin ko sa asong iyon ay tila ba siya ang pinakamaganda at pinaka malambing na hayop na aking nakita. Hindi niya minsan tinangkang mangagat ng tao. Hindi din siya pumalag sa aking hawak kahit tila ba masakit ang nararamdaman at para bang nakahanap ng kapayapaan sa aking mga bisig. Muling tumingin si Ngetnget at isa pang yakap niya sa aking bisig na tila ba nag mamakaawa at nag titiwala sa aking naibsan ko ang kaniyang sakit na nararamadaman.
Binawiaan si Nget ng buhay bago ko pa man siya madala sa aking bahay. At sa isang tabi ay hinawakan ko siya ng matagal at inisip na kung paanong ang isang hindi kaaya ayang aso na tulad ni Nget na nagpabago sa aking pananaw kung paano magkaroon ng pureness of spirit, to love so totally and truly. Tinuruan ako ni Nget ng higit pa about giving and compassion kesa sa mga libro kong nabasa o mga pakikisalamuha ko sa mga tao. At sa kadahilanang iyon nagpapasalamat ako kay Nget.
He had been scarred on the outside. But I was scarred on the inside. And it was time for me to move on and learn to love truly and deeply. To give my total to those I cared for.
Yun po ang sulat ng isang anonymous letter sender natin sa umagang ito. Kung may nais kayong kwento ipadala nyo lamang po sa akin via sa email ko na marvin.salazar@gmail.com at akin po itong isasama sa ating programa sa radio.
Maraming tao ang gusto yumaman, maging successful, well liked, maging maganda ang pisikal na anyo o maganda ang buhay. Pero para sa akin mga kapatid sa kwento ni Ngetnget, mas gusto ko pang maging pangit, maging kagaya ni Ngetnget.
Kahit tayo ay walang wala o di kaya ay nasa panahon ng sobrang pagsubok. Laging may pagkakataon na mabigay at magmahal para sa ating kapuwa. Gawin natin sa iba ang ang gusto natin gawin para sa ating mga sarili.
Si Ngetnget walang sinaktan na kahit isang tao sa kaniyang buhay. Kasi yun ang gusto niya ang magmahal, he just want to be loved and he is willing to show the love na iyon kahit kanino. Show greater love to others.
Alam ng ating Panginoong Jesus na kaya nating baguhin ang mundo nating ginagalawan. Kung gagawin lamang ng tao ang ibig nitong sa kanilay gawin din naman. Kailangan nating kumilos.
Nais mo bang ikaw ay patawarin?
Magpatawad ka!
Gusto mo bang hindi masaktan?
Huwag kang manakit!
Gusto mo bang may tumulong sayo sa oras ng kagipitan?
Tumulong ka din sa oras sa nagigipit!
Ang Goldern Rule ay magpapabago sa ating mga gawa o actions, only if we apply it to our lives. Kung ito ay isabubuhay po natin sa araw araw. Kung gagawin natin ito sa bawat hakbang natin. Kung gagamitin natin ito ay hindi na tayo magiging magagalitin, marahas, magigi tayong laging maunawain, matulungin, hindi malupit at laging mapagmahal.
Mas gugustuhin ko po na maging ganun, kayo din po ba?
Imposible? Oo imposible mga kapatid kung wala ang Cristo sa ating buhay.
At hindi kumpleto ang pananampalataya natin kung sasabihin natin na hindi natin kayang gawin ang Golden Rule na yan dahil kesyo wala ako o hindi ko kaya o di kaya ay sa maraming kadahilanan ay tumatanggi tayo na isabuhay ang mga turo at aral ng ating Panginoon.
Sa takbo ng kwento ng movie na "Pay It Forward,” mga kailangan munang gumawa may gumawa ng mabuti sa isang tao para maipasa nila ang good deed sa iba. Hindi po iyan kaiba sa kaligtasang ipinagkaloob sa atin ng ating Dios.
Ipinadala niya ang Kaniyang bugtong na Anak, na nag bigay sa atin ng isang bagay na hindi natin makakayanang gawin... ang mamatay para sa ating mga kasalanan. Ipinakita Niya ang "ultimate love" at ang nais lamang niya ngayon mga kapatid ay para sa atin to "Pay it Forward!". Gagawin po ba natin na ipasa itong biyaya na ito o sosolohin na lang natin? Gawain natin sa iba ang nais nating sa atin ay gawin.
Application:
Kaya mayroon po akong hamon sa inyo mga kapatid. Tayo may tumulong sa atin, upang maligtas. Its now time for you to "Pay it Forward". Huwag po na huminto sa inyo ang kaligtasan. Ipasa po ninyo ito bilang pag tugon sa kahilingan ng ating Panginoon. Nag pakahirap na siya para sa iyo. Huwag mong hayaang masayang ang biyaya ng kaligtasan.
Ang hamon ko lang po sa inyo mga kapatid ay ipamigay ang card na ito. Its a form of invitation.
Mahal ka ng Dios kung kaya may gantimpala kang kaligtasan kay Jesus? Kung nais mo itong tanggapin text or call @ 0927XXXXXXXX
Ipasa po ninyo ito sa mga kakilala ninyo na alam po ninyo na kailangan ang Cristo sa buhay nila. Gawin po ninyo ito sa isa o sa dalawa o sa tatlo o kung ilan man sila. Para pong sa movie na pay it forward. Tatangapin po ba ninyo ang hamon na ito?
(wait for the brethren to reply)
Because taking the initiative is the heart of the Golden Rule.
Sa maiksing paliwanag mga kapatid, isabuhay natin ang Golden Rule at huwag natin itong pag alinlanganan sapagkat sa turo na ito mabubuhay tayong kasama ang Cristo.
Pagtatapos:
Kung kaya mga kapatid, sa katapustapusan na kauuwian ng banal na kasulatan na si Cristo ang katuparan ng kautusan at hindi man magiging magaan ang sundin ang mga turo at aral ng sa sarili nating lakas, ito ay tiyak na gagaan kung sa ating puso at buong lakas ay ipauubaya natin ng walang pagaalinlangan sa Panginoon!
Inspired by the previous sermon of Matthew Rogers on The Golden Rule