2 Bagay kung bakit pinuputol ang halaman
1. Pinuputol natin ang halaman para ito ay lumago. (JOHN 15:2)
-Tulad ng ating sarili, dapat pinuputol natin ang mga maling pag-uugali natin o di magandang ginagawa natin na hindi kalugod-lugod sa ating Panginoon. Hindi tayo lalago sa ating pananampalataya kung tayo mismo ay may iniiwan sa puso natin. Tulad ng halaman, kapag ang mga mali natin ay isinurrender natin sa Lord, pinutol na natin ang di magandang bagay sa ating buhay tiyak na lalago tayo sapagkat wala ng hahadlang sa atin.
2. Pinuputol ang halaman o puno kung ito ay hindi namumunga. (LUKE 13:6-9)
-Kung irerelate natin sa buhay natin ito, maraming tao lalo na kahit matagal na sa Iglesia ang di namumunga. Kung ikaw ay lagi lang nakaupo at lagi lang nakikinig di mo naaapply sa buhay mo ang mga napapakinggan mo para sa Lord, ikaw ay isang tao na di namumunga. Dapat naapply natin sa buhay natin ang napapakinggan natin, naisheshare natin ang Gospel ng Lord sa iba, nakakapaglead tayo sapagkat tayo ay nilikha ng Lord para maging Leader at hindi lang maging follower habang buhay. Be a good Follower ng God at magiging good Leader ka.
Note: Nawa hindi tayo maging halaman na pinutol dahil di namunga at nawa putulin natin ang mga sanga na sumasagabal sa ating buhay para lumago kundi maging halaman tayo na malago sa Panginoon, maraming sanga at hitik na hitik sa bunga. Sapagkat dadating ang panahon na ang iyong bunga ang magsasalita para sayo.
Fruit Speaks:
“Ang mga BUNGA mo bilang isang mananampalataya ang magsasabi kung sino ka at ano ka bilang isang KRISTIYANO.”