Ang Galit Ni Moises
3 Keys to Controlling Your Anger
Bilang 20:7-12
SCRIPTURE READING
Bilang 20:7-12, “Sinabi ni Yahweh kay Moises, (8)"Dalhin mo ang tungkod ni Aaron. Isama ninyo ni Aaron ang buong bayan sa harap ng malaking bato. Pagdating doon, magsalita ka sa bato at lalabas ang tubig para sa bayan at sa kanilang kawan.” (9)Kinuha nga ni Moises ang tungkod sa harap ng Kaban ng Tipan. (10)Tinipon nina Moises at Aaron sa harap ng malaking bato ang buong bayan. Sinabi niya, "Makinig kayo, mga mapanghimagsik. Ibig ba ninyong magpabukal kami ng tubig mula sa batong ito?" (11)Pagkasabi noon, makalawang pinalo ni Moises ang bato sa pamamagitan ng tungkod. Bumukal ang masaganang tubig at nakainom ang bayan pati ng kanilang kawan. (12)Ngunit pinagsabihan ni Yahweh sina Moises at Aaron. Wika niya: "Dahil sa kakulangan ng inyong pagtitiwala na ipakikilala ang aking kabanalan sa harapan ng bayan, hindi kayo makararating sa lupaing ibibigay ko sa kanila."
Purihin ang Panginoon sa pagkabasa ng kanyang mga salita.
Ang mga talatang ating nabasa ay tungkol sa pamumuno ni Moises sa mga Israel ng sila ay nasa disyerto. Hindi biro ang naging responsibilidad ni Moises ng siya ay manguna sa mga Israelita mula sa pagkaalipin sa Egipto hanggang sa pagtungo nila sa Canaan sa Promised Land.
Nang sila ay nasa Meriba, ang mga Israelita ay nagismula na namang magreklamo kay Moises. Dahil sa wala silang makuhang tubig na mainom, pati sa kanilang mga hayop na dala-dala, nagusap-usap sila laban kina Moises at Aaron.
Binigyan ng specific na intructions si Moises para sa himalang pagkakaloob ng tubig para sa mga Israelita. Kinakailangang magtungo sila sa malaking bato sa pagharap nila doon ay kailangang magsalita siya sa bato at aagos ang tubig.
Ngunit iba ang nagyari, dahil nafrustrate at nagalit si Moises sa mga Israelita. Sinabi niya na mga rebelde kayo, mga mapaghimagsik. Gusto niyo ba ng tubig na maiinom, heto, Kinuha niya ang tungkod at pinalo niya ang bato ng dalawang beses. Umagos ang tubig mula sa bukal ngunit hindi sinunod ni Moises ang utos sa kanya ng Panginoon. At dahil duon, dahil sa kanyang ginawa na hindi niya nacontrol ang kanyang galit, dinisqualify siya ng Panginoon at sinabi sa kanya na nagkulang ka sa pagtitiwala na ipakilala ko ang aking kabanalan sa bayan ng Israel at dahil dito hindi ka makakapasok sa Promised Land. Nawala ang blessing na nakalaan para kay Moises dahil sa action na kanyang ginawa ng siya ay nagalit.
Tayo ay namumuhay ngayon sa mundo na parang madaling magalit ang mga tao. Nasanggi mo lang, nagwawala na! Ngayong umaga ay pagusapan natin ang tungkol sa galit at ang kahalagahan na ikontrol natin ito. Nakita natin na ang pagpapala sana na nakalaan kay Moises na makapasok sa Promised Land ay naantala dahil sa hindi niya nacontrol ang kanyang galit. Ilang mga pagkakataon tayo din naman ay nadidisqualify sa pagpapala sana ng Dios sa atin, ngunit ito’y naantala dahil sa actions na ating nagagawa kapag tayo ay nagagalit.
Ngayong umaga ay nais kong magsalita sa inyo sa mensaheng, “Ang galit ni Moises, 3 Keys to controlling your anger.”
Unang principle na kinakailangan nating malaman sa galit…
1. ACKNOWLEDGE ANGER AS GOD’S WARNING SYSTEM
Ang galit ay God-given emotion. That’s right. Kadalasan ay kapag tayo ay nakakaramdam ng galit ay sinisisi natin ang Diablo. Iniisip natin na ang galit ay isang kasalanang emotion kaya naman ay sinusubukan natin itong isuppress.
Ngunit ang Panginoon ay inilagay ang emotion na ito sa ating espiritu. At hindi lang iyun, ginawa niya itong warning system upang bigyan tayo ng babala sa potential na kapahamakan na maaring mangyari sa atin.
Ito’y parang emergency broadcast system na nakalagay at nakapaskil sa atin to warn us and instruct us kung ano ang gagawin natin in case of emergency. O kaya naman eh parang mga warning light dun sa monitor ng kotse. Kasi kapag kayo ay driver, pagupo ninyo dun sa driver’s seat, titingnan mo yung monitor na nasa harapan. At kinakailangan na wala ni isang red light ang nakasindi duon. Kasi kapag may pulang ilaw dyan, hindi ka pupwedeng magpaandar ng sasakyan. Maaring may problema ang sasakyan mo. Dyan mo makikita kung wala ng bang gas, wala na bang oil, nagooverheat ka na ba, nakabukas ba yung pintuan ng pasahero mo, nakahandbreak ka ba. So ang red light ang siyang nagbibigay ng babala when something is not working properly.
Ganun din ang galit. Ang emosyon na ito ay nagbibigay ng alert sa atin sa posibleng problemang mangyayari.
Efeso 4:26-27, “Kung magagalit man kayo, iwasan ninyong kayo’y magkasala. Agad ninyong pawiin sa kalooban ang galit. Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon ang diyablo.”
Sinasabi ni Pablo that anger is present. Kinakailangan na iacknowledge natin ito at kontrolin. Huwag nating hayaan na tayo ay maipit sa mga unresolved anger. Otherwise, we begin to compromise what God is saying and thus, mabibigyan natin ng pagkakataon ang Diablo.
Ang salitang pagkakataon na sinasabi sa talatang ito ay hango sa salitang Griego na topos na ang ibig sabihin ay malaking bahagi ng lupa.
Kapag hinayaan natin na lumubog ang araw na mayroon tayong galit, binubuksan natin ang ating sarili tulad ng malaking bahagi ng lupa at binibigyan natin ang Diablo ng pagkakataon na lumapit at kontrolin ang ating buhay. So pay attention to the warnings for the potential for sin is right around the corner. Ito ay nangyari kay Cain at Abel.
Sabi sa Genesis 4:5-7, “Ngunit hindi niya kinalugdan si Cain at ang handog nito. Dahil dito, hindi mailarawan ang mukha ni Cain sa tindi ng galit. vKaya, sinabi ni Yahweh: "Anong ikagagalit mo, Cain? Bakit ganyan ang mukha mo? Kung mabuti ang ginawa mo, dapat kang magsaya. Kung masama naman, ang kasalana’y tulad ng mabangis na hayop na laging nag-aabang upang lupigin ka at pagharian. Kailangang pagtagumpayan mo ito."
So nakita natin na nagkaroon ng warning kay Cain para sa kapahamakan na mangyayari. Kumakatok sa pintuan ang pagdating ng kasalanan. Wala pa iyun sa kanyang puso ngunit nag-aambang na dumating sa kanya. Mayroon siyang kapangraihan na pumili; pakinggan ang babala sa kanya o ibalewala ito at ipagpatuloy ang balakin.
At iyun ang ginawa ni Cain, hinayaan niya na pumasok ang kasalanan sa kanya at pinatay niya ang kanyang kapatid. Kaya naman makikita natin na hindi niya natanggap ang pagpapala ng Dios.
I wonder na ilang beses na tayo’y nagagalit at binabalewala natin ang promptings, warnings na ibinibigay ng Panginoon at ipinagpapatuloy pa rin ang balak. At kapag tayo’y napatid, nagtataka pa tayo kung anung nangyari.
Ang katotohanan kasi ay nabibigo tayong makita at marinig ang mga warning signs na inilalagay ng Panginoon sa atin kapag tayo ay nagagalit.
So the first step when you get angry is to acknowledge to the Lord you’re angry. Hingin mo sa kanya kung anung mga babala na ibinibigay niya sa iyu. Anung mga bagay sa buhay mo ang kinakailangang mareveal. Ang pride mo ba? Ang selfishness, ungodly goals o reponsibilidad mo na kinakailangang bigyan ng atensyon?
Acknowledge anger as God’s warning system. Pangalawa na dapat nating tandaan…
2. ELIMINATE THE COMBUSTIBLES
Alisin ang maaring makapagpaliyab sa inyong damdamin. Hindi bat sa ating mga Pilipino ay parang normal ang mga hindi na ginagamit na mga bagay ay ating pilit na sinisinop at tinatambak sa ating mga tahanan. Kalat na pero mga nakatambak pa sa ating bahay. Kaya naman kapag nagkaroon ng mga pagliyab o sunog, ito yung mga nagsisilbing mga combustibles o panggatong kayat madaling masunog ang bahay.
The same is true for our lives. Nagtatambak tayo ng mga unresolved issues sa ating puso especially when it come to relationships. Dinadala natin ang mga past situations. It seems na nirerecycle natin ang mga issues na ito at nagiging panggatong. Ang katotohanan na kapag mas marami tayong tinatagong issues na ating iniipon sa ating sarili, mas malaking pagsabog at apoy ang malilikha.
Kaya naman sa single spark ang buong bagay ay nagliliyab. Maraming pagkakataon na ang pagsabog ng damdamin ay sa point ng least resistance. Kaya kung minsan magugulat kayo, dahil sa piso, nagtagaan ang magkumpare. Dahil sa kung anung iuulam, mag-asawa naghiwalay. Pero kung ating susuriin mabuti, malalim yun sapagkat maraming unresolved issues na nakatambak. Nagipon-ipon na lang at sumabog. Yung circumstances lang na iyun ang nagtrigger ng pagkakataon. Hindi talaga iyun ang dahilan, marami lang mga cumbustibles na nakatambak kasi sa loob.
At ang problemang nangyayari pa ay kung sino pang mga tao ang hindi kasama o parte ng initial problem, yun ang ating nasasaktan. At maraming pagkakataon na ang tinatamaan ng ating galit ay ang ating anak, asawa at maging ang ating kaibigan.
Ang mga tao sa paligid natin ay nasasaktan if we dont take care of it.
Efeso 4:31-32, “Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, galit at poot; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait, at mananakit ng damdamin ng kapwa. Sa halip, maging mabait kayo at maawain sa isa’t isa, at magpatawaran, tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo.”
Ngayon ay pansisn ninyo kapag may sunog, ang bumbero kapag pinapatay nila ang sunog. Kahit wala ng apoy o hindi na nagliliyab ang isang bahaging nasunog, binobomba pa rin nila ito ng tubig. Bakit? Dahil ayun sa mga bumbero, mainit pa ang loob nito at maaring magliyab muli ito at makagawa ng malaking apoy. Ito’y tinatawag nilang hot spots.
Ang ating puso ay kung minsan ay mayroon ding hot spots. Nagliliyab ito from time to time na hindi natin ineexpect because we havent dealt with the issues at the center of our hearts.
Yes, parang napakadali natin mapatay ang apoy on the outside kapag tayo ay nagagalit, pero kadalasan hindi natin napaguukulan ang core ng ating puso.
Matalino ang diyablo at gumagawa siya ng mga bagay upang maloko niya tayo. Kaya naman sabi natin sa verse kanina, huwag ninyong bigyan ng pagkakataon ang diyablo.
At upang hindi natin maranasan ang biglaang pagliyab ng ating damdamin, kinakailangan natin ang Banal na Espiritu na siyang maging sentro ng ating puso. At sa mga bagay na iyun, siya ang nagbibigay sa atin ng wisdom, kaunawaan at kaliwanagan sa bawat pagkakataon.
2 Corinto 2:10-11, “Sinumang pinatawad ninyo ay pinatawad ko na rin. Ang pinatawad ko, kung mayroon man, ay pinatawad ko alang-alang sa inyo, sa harapan ni Cristo, upang hindi tayo mapaglalangan ni Satanas. Hindi lingid sa atin ang ibig niyang mangyari.”
So parang binobomba natin ang ating mga hotspots sa ating puso ng tubig at sa pagdating at panunukso ng diyablo, hindi ito magliliyab. It will extinguish any fire.
Eliminate cumbustibles. At ang pangatlong prinsipyo para makontrol natin ang ating galit…
3. LET ANGER MOTIVATE YOU TOWARDS GOD’S BEST
Ang Panginoon ay sinusubukang gumawa ng dalawang bagay sa ating buhay. Nais niya na alisin ang mga bagay na nagiging sagabal sa ating paglakad sa buhay Christiano. At nais niya na tayo’y gumawa at magkaroon ng godly character and His nature.
Kanya tayong ginagabayan to certain goals using trials. Sa pamamagitan ng mga pagsubok na ating nadaranas, tayo’y inihahanda niya sa lugar ng pagpapala. A promised land. Ang lupang pangako na nakalaan sa iyo. At kahit na tayo’y nakakaranas ng mga kabiguan sa sitwasyon, hindi tayo kayang pabagsakin ng pagkakataong iyun.
God is leading us to our best. Makipagcooperate lang tayo sa kanya at magkaroon ng ilang pagbabago tungo sa napakagandang plano ng Dios.
Ecclesiastes 7:8-9, “Ang wakas ng isang bagay ay mas mainam kaysa pasimula. Ang tiyaga ay mabuti kaysa kapalaluan. Pag-aralan mong magpigil sa sarili; mangmang lamang ang nagtatanim ng galit.
In other words, kung hindi natin kayang kontrolin ang ating galit, nagdudulot ito ng pagkabulag sa atin sa nais na iparating sa atin ng Panginoon.
Kinakailangan nating alalahanin palagi na ang PAnginoon ay less concerned sa kung anung circumstances na iyung dinaranas at more na concern siya sa promised land na iyung patutunguhan. Ang iyung katagumpayanan at ang iyung pagpapala.
Ang pagpapala ng Panginoon ay nakaabang na bumaba para sa atin, ngunit kinakailangan naman namagkaoon tayo ng pagbabago sa ating pagsasalita, pakikinig at maging kung paano tayo magalit.
Kung minsan ay kinakailangan natin ng pagbabago. Kapag tayo’y nagagalit, iask natin sa Panginoon kung saan nais niya tayo tumungo. Anung klaseng relasyon ang talagang ninanais mo na magkaoon ng covering ang Panginoon? In order to get where God wants us to be, kinakailangan sa maraming pagkakataon na magkaroon tayo ng pagbabago o adjustments.
Lagi nating alalahanin na ang Panginoon ay hindi babaguhin ang anumang bagay sa atin, kung tayo ay willing na itolerate iyun. Halimbawa’y tinotolerate mo ang bad marriage sa iyung buhay, and yet wala kang willingness na gumawa ng kinakailangang pagbabago na nais ng Panginoon dun sa sitwasyon naiyun, hindi nga babaguhin iyan ng Panginoon. Kinakailangan nating makipagcooperate sa kanya. The same is true for other areas in our lives like finances, job situations, etc.
God is concerned kung saan ang ating patutunguhan. God has best for us. Narito, kanyang binibigay ang Promised Land. Nasasaatin kung nais din nating makamtan iyun.
CONCLUSION
Bilang pagtatapos, nais kong ishare sa inyo ang amazing facts about Great wall of China. Ang Great Wall of China ay gigantic structure, mega structure. Ito ang natalang pinaka-mahaba at pinakamalaking structure sa buong mundo na gawa tao. Ang haba nito ay mahigit sa 6,400 kilometers. Ginawa ito sa kadahilanang upang protektahan ang Northern borders ng Chinese empires during the rule of successive dynasties.
Dahil uso noong araw ang pagconquer ng mga lands at mga kaharian, gumawa sila ng napakalaking wall upang hindi sila masusugod.
Nang ito’y matapos, intimidated ang mga kalaban sapagkat sa sobrang laki nito, walang sinoman ang maaring makalusot sa wall na ito. Iniisip ng mga kalaban na magpapakamatay ka lamang kung susugurin mo ang wall. Ngunit alam ninyo ba na tatlong beses na sila nalusutan ng kanilang kaaway? Hindi sa pamamagitan ng pagwasak nito o pag-ikot sa likuran nito. Nagawang makalusot ang mga kaaway sa pamamagitan ng pagbibigay ng suhol sa mga gatekeeprs nito o mga bantay.
Ang sabi ni Dr. Harry Emerson Fosdick, isang historian, It was the human element that failed. Isang malakas at makapangyarihang structure ngunit nagkaroon ng pagkukulang dahil bumagsak o gumuho ang character.
Ganun din ang galit. It’s a strong emotion na inilagay sa atin ng Panginoon para magkaroon ng warning system sa atin. Kung sa ating attitude ay hahayaan natin ang kaaway na lumusot at bigyan ng pagkakataon. At hindi natin babantayan ang ating puso, maaring makapagbagsak sa atin ito tulad ng nangyari kay Moises.
Ang Panginoon ay pinrepare niya ang ating patutunguhan. Ang ating Promised Land. Wag nating sayangin ang pagkakataon na mawala ang pagpapala sa atin dahil sa hindi natin macontrol ang ating galit.
So pay attention to your anger.