Mataas na araw. Mainit ang panahon. Sa maalat na dagat. Humahampas ang alon.
Isang paslit na lalaki ay nasa tabing dagat. Nakaluhod at nag-iipon ng buhangin, dala niya ay ang plastic nap ala at hinuhukay ang buhangin habang inilalagay sa pulang timba. Tapos ay itinatambak sa kanyang proyektong Kastillong buhangin. At sa tuwa ng paslit na arkitekto ang isang Kastillong buhangin ay maitatayo.
Buong Tanghali siya ay maggagawa, magtratrabaho, magpapawis at magpapaka hirap. Titigasan niya ang walls, kikinisin ang daan. Gagawing kunwaring bantay ang mga takip ng softdrinks, at gagawing tulay ang mga stick ng popsicle. Isang magandang Kastilyong buhangin ang matatapos.
-- Sa kabilang banda---
Sa IbangSiyudad. Ma traffic sa dami ng sasakyan. Maingay at magulo.
Isang lalaki sa kanyang opisina, kinakausap ang kanyang mga staff. Inilalagay ang taenga sa telepono habang ang kamay ay pumipindot sa keyboard ng computer. Lumalabas ang mga numero ngumingiti ang lalaki at sa kanyang tuwa – ang kita ay sigurado na.
Buong buhay niya siya ay magtratrabaho, plaplantsahin ang mga plano. Aayusin ang mga gusot at sa huli isang magandang bahay ang kanyang maitatayo Para sa kanya, para sa pamilya. Isa ding Kastilyo.
Dalawang builders, architects at dalawa ding castillo. Marami silang pagkakapareho—Nakikita nila ang walang say-say na bagay tapos ay pinapaganda. Pareho sila ay walang kapaguran, masipag at matiyaga. Pareho sila ay determinado at sa huli parehong Kastillyo nila na tinayo ay babagsak.
At sa pagbagsak ng kani-kanilang kastilyo, ditto nagkakaroon ng kakaibahan. Dahil ang paslit ay nakikita ang wakas, habang ang Matanda ay pinipilit talikdan ang wakas. Panoorin ang bata habang ang araw ay pababa. Isa-isang alon ay palapit na humahampas sa kanyang ginawa. Bawat alon ay mas malapit pa sa nauna dito.
-- Ngunit ang paslit ay hindi nababahala. Hindi siya nagugulat. Buong araw ang alon ay nagpapaalala sa kanya na ang wakas ay hindi mapipigilan. Alam niya ang sekreto ng pagtaas ng dagat. Ito ay darating at dadalhin ang kanyang Kastillo sa kalaliman.
Ang matanda, sa kabilang banda ay hindi alam ang sekreto. Dapat sana. Siya kagaya ng bata, ay napapaligiran ng maraming paala-ala gaya ng alon. At ano ang mga alon na paala-ala na iyon? Araw at gabi ay dumadaan, umaakyat at bumababa ang buwan at bituin, Ang panahon ay lumilipas, ang mga bata noon matanda na ngayon, ang magulang mong malakas, mahina na ngayon, at ikaw, hindi bat....paslit ka lang noon na naglalaro sa daan ng habulan, gaano ka na kalaki ngayon? ... Ang bawat pagtaas ng araw at kanyang pagbaba ay bumubulong sa atin…”Kukuhanin ng Panahon ang iyong Kastilyo”
And so, ang bata ay nakahanda ngunit ang matanda ay hindi. Ang isa ay payapa habang ang isa ay di matahimik.
Habang lumalapit ang mga alon, ang paslit ay napapatalon sabay ng pag palakpak. Walang lungkot. Walang takot. Alam niyang ito ay mangyayari, ito ay kanyang inaasahan. Hindi siya nabibigla. At pagdumating ang huling malaking alon na magpapabagsak sa kanyang Likhang Kastilyo at higupin ito sa kalaliman, siya ay ngingiti. Siya ay ngingiti, dadamputin ang kanyang gamit, hahawak sa kamay ng kanyang Ama at uuwi.
Ang Matanda, sa kabilang banda ay hindi ganoon ka-talino. Habang ang alon ng panahon ay padating sa kanyang Kastillo. Siya ay nanginginig sa takot. Ihaharang niya ang kanyang sarili upang protektahan ang Katilyo ng buhay na siya mismo ang nagtayo. Basa sa maalat na tubig at nanginginig sa lamig siya ay umaangil sa padating na alon.
“Aking Kastilyo ito” naghahamon na mga bukang bibig laban sa dagat.
Hindi kailangang sumagot ng dagat. Waka siyang dapat ipaliwanag. Wala siyang utang sa lalaki. Alam naman nila pareho kung sino ang tunay na nagmamay-ari ng buhangin.
Sa Bandang huli, Ang tubig ay tataas at hindi na kaya pang protektahan ng lalaki ang kanyang maliit na emperyong kastillo. Sa loob ng ilang saglit siya ay nabalot at natakpan ng alon ng dagat…pagkatapos ito ay gumuho. Ang kanyang mga kastilyon ng tagumpay sa buhay ay nawala sa isang kisap-mata at ang lalaki ay naiwang nakaluhod….hawak sa kanyang palad ang naiwang putik ng kahapon.
Kung alam lang niya. Kung nakinig lamang siya. Kung sana….kung sana…
Pero siya, kagaya ng marami, hindi nakikinig, kailan man hindi nakikinig!
KInilala ni Hesus ang ganitong mga tao, ang tawag niya sa mga ito…sila ang mga hindi handa (UNPrepared) at sabi niya wala silang alam sa mga susunod na mangyayari. Hindi naman sila galit o rebelde sa Diyos…Ngunit sila ay bulag. Hindi nila nakikita ang pagbaba ng araw. Sila din ay bingi, hindi nila naririnig ang hampas ng mga alon. Nagpapadala ng alon si Hesus upang ating marinig. Problema sa buhay—naririnig mo ba? Namatay na mahal sa buhay? Naririnig mo ba? Sakit sa kabi-kabila..nariribig mo ba? Naririnig mo ba ang alon ng buhay?
Ang gusto ni Hesus --- tayo ay maging handa, “Walang nakakaalam kung kailan ang muling pagbabalik, hindi ang mga anghel ni ang Anak ay di alam. Yung Ama lamang ang nakakabatid.”
Ang kanyang mensahe ay hindi maitatanggi. Si Hesus ay babalik, ngunit walang nakakaalam kung kailan kayat dapat maging handa. »
Ito ang mensahe niya sa Parabula ng mga birhen, sa parabola ng mga talents, sa parabola ng sheep at goats. Ito ay mensaheng dapat matandaan ngunit palagi nating kinakalimutan…
I was reminded of this a few months ago when I boarded an airplane, umakyat ako sa eroplano, hinanap yung number ng upuan at naupo sa aking tabi ay nakakagulat yung pasaherong ito, ang kanyang kasuotan ay naka sando at naka tsinelas lang yung mabalahibo, naka pambahay hindi pambiyahe. Yung kanyang upuan ay kakaiba din, ito ay nababalot sa parang balat ng baka, fine leather yata yan pero yung saakin normal lang. “Imported” sabi niya dahil napansin niya na nakatitig ako. “Nabili ko yan sa argentina”
At bago ako makapag salita tinuro niya yung arm rest – may mga naka lagay na diyamante at mamahaling bato.. “Rubies yan” nabili ko sa afrika, at sobrang mahal niyan.
Simula pa lang iyun, yung kanyang foldable na table ay gawa sa Narra at may ukit pa, Sa tabing bintana ay may personal computer siya, at may strobe lights na naka sabit sa may taas, may electric fan din.
Ang tanung ko lamang ay ang natural na tanong “Bakit gumugol ka ng maraming salapi at panahon para lamang sa upuan ng eroplano?”
Sagot: Dito ako nakatira. Ito ang aking home!
Q: Ibig sabihin hindi ka bumababa?
A: Never, Paano ko maiiwan ang mga precious na gamit kong ito?
Nakakagulat hindi bah? Yung lalaking iyon ay gumawa ng tahanan sa isang gamit pang transportasyon. Ginawa niyang bahay ang isang Biyahe. Sa palagay mo hindi totoo ang kuwemto, diba? Tama ka, buti na lang walang gumagawa ng ganitong ka-lokohan sa isang eroplano, pero alam mo, maramo akong nakikitang ganito sa buhay. Ikaw din hindi ba?
Araw-araw nakakakita ka ng taong para bang ang mundong ito ay hindi na mawawala. Para bang permanente na sila ditto. Sorry, hindi ito permanente.
Nakakita na kayo ng mga tao na kung magbuhos ng oras at pagod ay para bang ang buhay ditto ay hindi matatapos. Sorry, ang lahat ditto ay may katapusan
Nakakita na kayo ng mga taong bilib na bilib sila sa kanilang sarili at nagawa at para bang hindi na nila maiiwan ang kanilang nagawa—Sorry, iiwan nyo din yan!
Lahat tayo ay aalis ditto. Tayo ay nasa biyahe ngayon, ang mundo ay parang eroplano. Darating ang araw lahat tayo ay hihinto at kinakailangang bumaba.
Madunong ang tao na nakahanda pag simabi ng piloto na bababa nap o tayo.
Hindi ako gaanong madunong, pero may alam ako sa mga biyahe. Magdala ng magaan. Kumain ng konti. Matulog at bumaba pag dating sa destinasyon.
Wala din akong gaanong alam tungkol sa Kastilyong buhangin. Pero yung mga maliliit na bata alam nila. Panoorin natin sila at matuto. Simulan at magtayo, ngunti gamitin ang puso ng bata. Pag-lubog ng araw at pag taas ng alon--- pumalakpak. Sumaludo sa proseso ng buhay, humawak sa kamay ng inyong ama, at umuwi!
EXPLANATION:
“Dalawang builders, architects at dalawa ding castillo. Marami silang pagkakapareho—Nakikita ang walang say-say tapos ay pinapaganda. Pareho sila ay walang kapaguran, masipag at matiyaga. Pareho sila ay determinado at sa huli parehong Kastillyo ay babagsak. Parehong darating sa wakas ang kanilang pinagpaguran”
1. If we look at our lives we are building Castles, what castles are you building? – A home, a career, a family, a relationship, etc.
• Tayong lahat ay nagtatayo, ngunit lahat ng ito ay guguho din--- Hebrews 9:27 “Destined to die once, then judgement”
• How would you feel if God takes your castles tomorrow?
2. Araw-araw nakakakita ka ng taong para bang ang mundong ito ay hindi na mawawala. Para bang permanente na sila ditto. Sorry, hindi ito permanente.
Nakakita na kayo ng mga tao na kung magbuhos ng oras at pagod ay para bang ang buhay ditto ay hindi matatapos. Sorry, ang lahat ditto ay may katapusan
Nakakita na kayo ng mga taong bilib na bilib sila sa kanilang sarili at nagawa at para bang hindi na nila maiiwan ang kanilang nagawa—Sorry, iiwan nyo din yan!
Matthew 16:26 What good will it be for a man if he gains the whole world, yet forfeits his soul? Or what can a man give in exchange for his soul? 27For the Son of Man is going to come in his Father’s glory with his angels, and then he will reward each person according to what he has done.
Ask yourself this excited ka bas a verse 27 “God will reward each person for what he has done”
Yes we might get rich but what about your soul?
3. Luke 19:12He said: "A man of noble birth went to a distant country to have himself appointed king and then to return. 13So he called ten of his servants and gave them ten minas.[a]’Put this money to work,’ he said, ’until I come back.’
The best Castl or Kingdom we can build on earth is Gods Kingdom, The work that will last is the Work than he has called us to do. Are you busy with work, that’s not bad, but be sure you are doing the Lords work!!!
The Lord said put this money—this talents, to work! Until I come back, he will come back..are you working???
(TAGALIZED BY ROMMEL SAMANIEGO, FROM MAX LUCADO)