Sermons

Summary: 3 Ways in Directing Your Heart...

  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • Next

Mula Sa Puso

Directing Your Heart

Luke 12:33-34

INTRODUCTION

Lukas 12:33-34, …”Gumawa kayo para sa inyong mga sarili ng mga supot na hindi naluluma, ng isang kayamanan sa langit na hindi nauubos, na doo’y hindi lumalapit ang magnanakaw, o naninira man ang bukbok. Sapagkat kung saan naroroon ang inyong kayamanan ay naroroon din naman ang inyong puso.”

Purihin ang Dios sa pagkabasa ng kanyang salita.

Gaano kahalaga ang puso? Well, alam natin na ang ating physical heart ay nagpupump ng ating dugo sa ating katawan continously throughout our lives na hindi na natin kailangan pang utusan o paalalahanan. Hindi tayo maaring mabuhay kahit ilang sandali kung wala ang ating puso. Kung gaano ka-importante ang ating physical heart, which is visible o maaring makita, the same way na ganun din kaimportante ang ating spirtual heart which is invisible at di nakikita.

Ang ating spiritual heart ay naroroon ang ating feelings at ang mga bagay na ating pinahahalagahan. Ang ating spiritual heart at ang ating physical heart ay parehong napaka-importante.

Kung titingnan natin ang nataomy, ang ating puso ay maraming parte. Nariyan ang ating right ventricle, left ventricel, right atrium, left atrium at marami pang iba. Hindi maaring magfunction ang ating buong puso kung wala ang isa sa parte nito. Hindi katulad ng ating kidney o ng ating lungs na pwede mong alising ang isang parte nito, at ang natira ay maari pa ring magfunction. Ang puso, hindi. Hindi maaring tanggalin ang isang part nito at iexpect mo na gagana pa rin siya. Kung ang isa sa part nito ay nadamaged or hindi gumagana properly, ang part na yun ay kailangang ayusin upang itoy muling magwork. O mismo ang buong puso ang papalitan. Ganun kahalaga ang puso. Na tila baga ang Panginoon ay ipinapakita sa atin ang correlation ng ating physical heart sa ating spiritual heart.

Although ang mga surgeons o ang mga doctor sa puso ay gumagawa ng masusi at madetalyong trabaho upang magkaroon ng kakayanan na kanilang makita ang nasirang tissues o mga nabarang vessels sa puso… pero hindi pa rin nila maaring mapinpoint ang lugar sa ating puso kung saang part tayo inlove, kung anong bagay ang ating kinatatakutan, kung anu ang mga kasalanan na ating kinocommit. At hindi nila malolocoate ang lugar na kung nasaan ang ating pagwoworship kay God o kung anong mga bagay sa ating buhay ang ating pinahahalagahan.

Pero ang Panginoon, alam niya kung saan ito nakalagay sa ating mga puso. Spagakat ang mga bagay na ito ay hindi nakatago sa kanya. Alam niya ang eksaktong lugar sa ating mga puso.

Ang ating spiritual heart ang nais na icheck sa atin ng Panginoon sapagkat sa spiritual heart na ito dumadaloy ang lahat ng mga issues sa buhay.

Kung ang heart disease ang number one killer hindi lamang sa mga Pilipino kundi maging sa maraming bansa. Pinapatay nito ang milyong milyong tao kada taon. Ang spiritual heart disease naman ay maaring pumatay sa inyong marrages, families and even churches.

So paano natin palalakasin ang ating spiritual heart? Posible ba ito? Oo naman. Sa katunayan sabi sa Biblia na si David ay, “A man after God’s own heart. Siya ay lumalakad sa kagustuhan ng Panginoon with a perfect heart. Although hindi naman tayo perfect, at nasa proseso pa lang tayo ng perfection by the Lord day by day. Kaya tingnan natin ang mga Scriptures at matuto tayo sa mga kaparaanan upang mapalakas ang ating spiritual heart. Kaya sa umagang ito ang ating mensahe ay Mula Sa Puso… Directing Our Hearts.

How can we direct our hearts?

1. GUARD YOUR HEART’S AFFECTION

Kawikaan 4:23, Ang iyong puso’y buong sikap mong ingatan, sapagkat mula rito’y dumadaloy ang mga bukal ng buhay.

Bantayan ang inyong puso. Nasa ating puso dumadaloy ang mga issues ng buhay. Ito ang bukal ng buhay.

Noong nakaraang linggo may lumabas sa magazine ng top 10 most secured places in the world. Ibibigay ko sa inyo ang 3 sa sampung pinaka-safe na lugar sa buong mundo.

Number 3, ang Area 51 Top Secret Air Force Base sa Nevada. Ito ay sekretong lugar na kahit ang mga sundalo ay itinatanggi na ang lugar na ito ay nag-eexist. Ito ay mayroong mga sensors sa paligid at nalalaman agad kung ano o sino ang pumapasok dahil sa smell o pangamoy nito.

Number 2, ang Multi-storey carpark sa England. Sa 10 floors high at may kakayanan na mag-park ng 440 cars. Ang security nito ay bar code system. Sa anim na taon na operasyon nito, wala ni isa mang sasakyan ang navandalize, nasira o nanakaw man.

Number 1, ang Fort Knox. Na kung saan inilalagay ang mga gold reserved ng America. Ang building na ito ay equip ng latest and most modern protective devices. Ang bawat pinto nito ay kinabubuuan ng different codes para sa mga different staff na magkakaiba ang combination.

Copy Sermon to Clipboard with PRO Download Sermon with PRO
Talk about it...

Mihzclarac Mihz Clarac

commented on Jul 4, 2019

am nursin by name am I intend to visit your nation this year for tourist here is my email mihzclarac@gmail.com or you can sent your email for me to contact you,have a nice day,my dear why i ask you to contact me through my email becouse i dont use to be online always ok

Join the discussion
;