Sermons

Summary: Ang salapi ay sumasagot sa lahat ng bagay (Ecclesiastes 10:19)

  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
  • Next

Panimula:

Kaawaan at kapayapaan at pagibig ang sa inyo nawa'y paramihin mga minamahal kong kapatid!

Ang paksa natin sa umagang ito ay isang bagay na nakaka relate po tayong lahat. Ano po iyon?

Clue po ito, yun pong laging wala tayo, pero lagi po nating kailangan. Ano po ito?

(intayin ang sagot ng mga kapatid)

Pera!

Hebrew word: Kesef

Greek word: Nomisma

Encourage Offering:

Ito po ang problema ng lahat, pero bago po tayo dumako sa ating paksa, gusto ko lamang po mag bigay ng maliit na katotohanan sa inyo, sa ating lahat. Isang bagay na bunsod ng ating pananamapalataya ay nararapat nating panghawakan.

Naniniwala po ba tayo na ang lahat ng ating mga pag aari o ang lahat ng mga bagay nasa sanlibutang ito ay hindi sa atin? Kung hindi atin, kanino po ito?

(intayin ang sagot ng mga kapatid)

Sa Ama!

Kung gayon na ang lahat po ng mga bagay na ating hawak, nasasaatin at kung ano pa man ay pag aari ng ating Amang Dios na nasa langit. Kung gayon pala na sa Kaniya ang lahat ng ito, ano ang tawag sa atin? Nasasaatin pero hindi sa atin?

(intayin ang sagot ng mga kapatid)

Tagapangalaga o steward. Kung tayo ay mga tagapangalaga lamang ng mga pera, pag aari, kayamanan at kung ano ano pa. At Siya ang may pagmamayari ng lahat ng ito, di ba dapat natin ibalik sa Kanya ang mga bagay na nararapat ay sa Kaniya?

Isang halimbawa po, sino po may cellphone? Yun pong iPhone 5s dyan? maari po bang mahiram muna? Sino po? Or kahit ano pong klaseng cellphone? Halimbawa lamang po na makikigamit ako. Ito pong cellphone hindi po sa akin, hiniram lang po (wala po akong kesef o nomisma (pera) para makabili ng ganito ka mahal na cellphone). Pagkatapos ko po hiramin, ay ang ginawa ko ay hindi ko na isinoli? O hindi ko na binalik? O di kaya ay ibinenta ko? Ano kaya ang mararamdaman ng nagpahiram?

(intayin ang sagot ng mga kapatid)

Hindi po siya malulugod. So ganun din po ang Amang Dios, na kung nakikita po Niya na ang mga ipinapahiram Niya sa atin ay hindi bumabalik sa Kanya paano na po kaya? Ang pag aabuloy ay isang paraan ng pagsamba sa Dios. At ito ang Kaniyang ginagawang kasangkapan upang gawing pansagot sa lahat ng mga bagay.

Iyan po ang paksa natin sa umagang ito. Yung cellphone (pun intended) ay hindi pala yun pong pera o kesef. Its all about money sa umagang ito mga kapatid.

Sermon Proper:

Ang salapi ay sumasagot sa lahat ng bagay (Ecclesiastes 10:19)

I. The purpose of money

Ginagamit natin o kailangan natin ng salapi o pera upang tayo ay makabili ng ating mga pangagailangan tulad ng, pagkain, damit, pambayad sa matrikula ng mga bata, at sa naparakami pang mga bagay. Kung ganun ang ibig ba sabihin nito ay money makes the world go around? Hindi na love? Absolutely not! Hindi po!

Sino po sa inyo ang masaya pag me pera? Lalong lalo na pag maraming pera? Sino po? Hindi naman po ibig sabihin nun ay kamukha na tayo ni Ninoy? Nung tatlong ulo? Hindi po.

(intayin ang sagot ng mga kapatid)

Ako masaya din po ako. Di po ba sumasaya naman din po tayo pag me pera tayo. Sa kadahilanang mabibilan natin ng pagkain ang ating pamilya, mabibilhan ng mga laruan ang mga bata, pang tustos sa mga pang araw araw na pangangailangan at pang gastos sa mga kung ano ano pa. Para sa pamilya at para sa sarili, o di kaya para sa mga mahal mo sa buhay. Sarap po isipin na may pang tutos na na tayo sa loob ng isang linggo o isang buwan. Nababawasan tayo ng mga alalahanin. Alam nating lahat na kailangan natin ng pera sa mga pang araw araw na gastusin. Baligtarin natin mga kapatid? Pag wala tayong pera ano nararamdaman natin?

(intayin ang sagot ng mga kapatid)

Nalulungkot, natatakot, nag aalala kasi wala tayong pera. Di naman po masama na masaya tayo at malungkot pag maroon o walang pera. Ngunit hindi dapat dito nakatuon ang ating pag asa, kundi sa Dios.

Kagaya ng ginawa ni Jacob sa mga naraan nating Bible study kung saan kinailangan nilang bumili ng trigo o wheat, upang gawing tinapay. Kinakailangan nya ng pera upang sila ay makataos sa tag gutom o famine. Atin pong tunghayan ang pangyayaring iyun sa aklat ng Genesis.

Gen 42:1-5

1 Nabalitaan nga ni Jacob na may trigo sa Egipto, at sinabi ni Jacob sa kaniyang mga anak, Bakit kayo nangagtitinginan? 2 At kaniyang sinabi, Narito, aking narinig na may trigo sa Egipto:bumaba kayo roon, at bumili kayo roon ng sa ganang atin, upang tayo'y mabuhay at huwag mamatay. 3 At ang sangpung kapatid ni Jose ay bumaba, na bumili ng trigo sa Egipto. 4 Datapuwa't si Benjamin na kapatid ni Jose, ay hindi sinugo ni Jacob na kasama ng kaniyang mga kapatid; sapagka't aniya'y, Baka sakaling may mangyari sa kaniyang anomang kapahamakan. 5 At ang mga anak ni Israel ay nagsiparoong bumili, na kasalamuha ng nagsisiparoon:sapagka't nagkakagutom sa lupain ng Canaan.

Copy Sermon to Clipboard with PRO Download Sermon with PRO
Browse All Media

Related Media


Talk about it...

Nobody has commented yet. Be the first!

Join the discussion
;